HATE • TWENTY-FIVE
Ellaine
"BE MY girlfriend."
Saktong paglayo niya sa akin ay siyang pag-awang ng aking bibig. "Isa 'yang kalokohan!" tanong ko rito. "Hibang ka ba? Kasi kung nahihibang ka, puwede mong baguhin 'yung kondisyon."
Pinukulan ako nito ng tingin dahilan para kabahan ako. "Do I look like I fool you?" he asked that's why my eyes widened as well as I gasped. He's dead serious about this deal. "I will wait for your answer after class, in front of Narra tree."
"IS THERE any problem, Ellaine?" tanong sa akin ni Angela dahilan para mapatingin ako sa kaniya. "Mukha ka na namang putlain! Sige ka! Baka hindi ka makasama sa Sports fest niyan!"
Tumingin ako kay Angela at pinukulan siya ng kakaibang tingin. "Gelay, puwedeng magtanong?"
"Sure, ano ba iyon?"
Napakamot muna ako sa may batok bago ako magsalita. "What if someone offer a help tapos may kapalit, what should I do? Papayag ba ako o hindi?"
"That question is the one that you have to answer by yourself," sagot nito. "But think, para sa akin, kung ang tulong na ba iyon ay makakabuti at wala namang halong kasamaan 'yung kapalit, then I will decide to commit."
Huminga ako ng malalim at malalim din na nag-isip tungkol sa aking magiging desisyon. I think those possiblities about what will be the consequences of my decision.
Napatigil ako at suminghap ng hangin. Kinakabahan ngayon at natutuliro hanggang sa mapatigil ako at may ma-realize. Nakapagdesisyon na ako.
"U-Uhm Angela, saan pala matatagpuan ang Narra tree rito sa Zage?" tanong ko rito kaya pinukulan niya ako nang may pagtatakang tingin.
"Sa dulo ng campus, bakit?"
Kinuha ko muna ang bag ko at saka siya sinagot. "Pupunta ako." Pagkatapos kong sagutin iyon, nagmadali na akong tumakbo palabas. "Diyan ka na!"
HABANG nilalakbay ko ang daan patungo sa pinakangdulo ng campus. Bigla akong nakaramdam ako ng kaba noong nakita kong sobrang daming puno ang narito.
Tama ba ang ruta na ito?
Tiningnan ko ang label ng puno at ito ay Narra. Luminga-linga ako sa paligid at ngayon ko lamang napagtanto na ako lamang talaga ang narito.
In all of a sudden, I feel scared. Kapag naalala ko ang nangyari sa akin noon, nat-trigger ang phobia ko.
Should I text Zander tapos magpasundo sa kaniya? No. He might not go here para lang sa akin. He used to be mean to me rather than to go here.
"I'm scared," I suddenly whispered.
Sobra akong nakakaramdam ng takot. Hindi ko maiwasang mag-isip tungkol sa maaring mangyari sa akin kapag nagpatuloy ako.
Parang gusto kong umiyak.
"Oh, you look awful, dummy." Kaagad akong lumingon nang sandaling marinig ko ang boses niya. Parang bigla akong nabuhayan noong narinig ko ito. "You're looking for me, right?" Naglakad siya palayo sa akin at nilingon ako. "What are you looking at?"
Sinundan ko ito at isinukbit ko ang aking kamay sa kaniyang braso. "I know you were not comfortable with this, pero hindi ko lang kaya na maglakad ng nakahiwalay sa 'yo." He didn't reply, pero hindi niya inalis ang kamay ko sa kaniya.
Habang naglalakad kami, hindi na ako nakaramdam ng anumang takot dahil sa kaniya. Kumbaga, I feel safe whenever he's around. Kapag nandiyan siya o si Kuya, nakakaramdam ako ng kaligtasan. Sana wala si Katherine sa pupuntahan namin. Kasi alam kong magagalit siya sa akin.
Noong malapit na kami sa may hawan, nakakita ako ng tree house na nasa puno ng Narra. Naalala ko tuloy bigla na sabi niya na magkita kami sa may tapat ng Narra. So ang ibig sabihin niya, sa tapat nito.
Pagtungtong namin sa tapat ng tree house, tumigil kami. Kaya naman kaagad akong bumitaw sa kaniya at iniharap naman niya ako.
"I am waiting Ellaine," sabi niya.
"P-Payag na ako," sabi ko saka tiningnan siya sa mata. "P-Pero, wala naman sigurong magagalit-"
"None of your business."
"Ano . . . Puwede bang two weeks na lang?"
"Two and half months."
"H-Huh?" gulantang kong tanong dahilan para mapalaki ang mata ko. "Bakit ang tagal?"
"So you will refuse my offer-"
"H-Hindi sa ganoon!" kontra ko rito at lumayo ang aking tingin sa kaniya. "Uhm, I'm just thinking that it is okay for you na pag-usapan tayong dalawa? Kasi for sure, maraming tsismis na mabubuo kapag magkasama tayo, not knowing na may deal tayo."
"It's okay," he said, kaya naman tumingin ako sa kaniya and he is eyeing on me. "From now on, you're mine."
Namula ako nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o kikiligin sa sinasabi niya. "Are you out of your mind? I will never be yours!"
I saw his mile-wide smirk and go closer to me. "Who tell you that?" I heard his husky sexy voice that is trying to seduce me or something. "What mine is only mine." Lalong namula ang pisngi ko nang dahil sa sinabi nito. It is new to him! I can't believe that he used to do this, he used to seduce me using his words.
Pagkatapos niyang sabihin 'yon, lumayo siya sa akin at saglit na tumingin sa akin. Kinuha niya ang phone niya at itinapat niya naman ang phone niya sa tainga niya. "We'll be there in five minutes."
He grab my hand at umakyat kaming dalawa sa tree house. Habang pataas kami, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayong oras na ito. Sana tama ang desisyon ko, kasi pakiramdam ko nagkamali ako sa paggawa ng ganitong desisyon.
Pagkabukas ng pinto, bumungad ang abstract paintings na nakasabit sa dingding. Mayroon din na sofa, tv set, chessboard sa lamesa at darts sa dingding.
Ang akala ko'y magiistay kami sa unang bungad ng silid ay nagkakamali ako. Nagtungo pa kami sa isang kuwarto ng tree house at bumungad sa amin ang tatlo nitong kaibigan na nagbi-billiards.
"Ano ang ginagawa niyan dito?" kaagad na tanong ni Kuya.
"Be nice to my girlfriend, Kaizer," he said kaya biglang namula ang aking pisngi.
"H-Huh? Anong girlfriend?" tanong nitong tatlo. Si Kuya naman nananarak na ng mata dahil sa nalaman niya.
"What the f*ck are you talking about Zander? Anong girlfriend ka riyan!" galit na tugon ni Kuya kaya kaagad itong nagtungo sa direksyon namin at saka kinuwelyuhan si Zander.
"K-Kuya . . ."
"See, you still care Ellaine despite of having a conflict between the both of you," Zander said dahilan para lumuwang ang pagkakahawak ni Kuya sa kaniya at makalaunan ay bumitaw na si Kuya.
"Ano bang pakialam mo?" tanong ni Kuya, dahilan para makaramdam ako ng guilt. Guilt sa mga nasabi ko sa kaniya kanina at ngayon, humantong sa ganito.
"K-Kuya, humingi ako ng tulong sa kaniya para magkaayos tayo," pagdadahilan ko kahit alam ko sa aking sarili na si Zander naman ang nag-offer ng tulong. "K-Kaya, may pakialam siya."
"Eh, bakit sabi ni Zander, girlfriend ka raw niya? Kayo na ba? Bakit hindi mo sinabi sa akin?"
"K-Kasi, galit ka nga sa akin, nilalayuan mo nga ako eh kaya-"
"E 'di kayo na nga!" Nanlaki ang mata ni Kuya dahilan para kuwelyuhan ulit ni Kuya si Zander. "Nang-aasar ka ba Zander?"
Pinilit kong alisin ang kamay ni Kuya at saka nilayo siya kay Zander, sabay niyakap. "Eh sa mahal ko siya eh, anong magagawa mo?!"
Biglang humalakhak si Kuya kaya napatingin ako sa kaniya. "Karir na karir ang pagiging mag-on ah!" sabi ni Kuya at saka humalakhak. "I can't take this anymore! Oo na! I already forgive you na!"
"H-Huh? Ba-Bakit?" tanong ko at kumalas ako ng pagkakayakap sa kaniya. "Ano'ng . . ." Bigla akong nakaramdam ng kaba ngayong mga oras na ito.
"Zander offer a help para magkaayos tayo 'no? Tapos sinabi niya na maging girlfriend ka niya, and little you don't know that he has a hidden agenda which is, he want you to be his personal assistant." Assistant? What the heck he is talking about? "Kinarir mo na pagiging mag-on n'yo, for the sake of your deal! Sige, hindi kita pipigilan since he is your crush."
Habang salita siya nang salita, hindi naman mag-sink sa aking isipan ang mga sinasabi niya. Akala ko sobra siyang nagalit sa naging settlement namin ni Zander at kinakabahan ako dahil sa mga sinabi niya, but in the end, Kuya just act.
"O-Oh? Anong nangyari sa 'yo? Bakit ang tahimik mo riyan?" tanong nito sa akin.
Hinarap ko siya at saka tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayong oras na ito, may part na masaya ako na nagkaayos kami ni Kuya at may part na kinakabahan pa rin dahil sa inasal ni Kuya.
"Don't cry!" Kuya shushed and hug me tight. "I just act! I already forgive you na 'di ba? Kaya okay na!"
"Then why you forgive me already even though I didn't say sorry?" I asked while sobbing.
Naramdaman ko namang hinaplos-haplos nito ang buhok ko at iniharap ako. "You already say sorry, but I just ignore you. Saka I also realized na may mali rin ako. Nag-over act ako at naging sanhi ng hindi natin pagkakaunawaan."
"At siyempre, natapakan ang pride niya," dagdag pa ni Vhan.
"Lalong higit na nag-iinarte lang siya na parang bata!" dagdag din ni Ethan.
Napabusangot naman si Kuya nang dahil sa mga sinabi ng mga kaibigan niya. "Saka hoy Kaizer! Bakla ka naman talaga ah! Nagsasabi lang naman ng totoo si Ellaine!"
"Hindi ako bakla, g*go 'to ah!" kontra ni Kuya sabay bato ng plastic bottle, pero nakailag naman kaagad si Vhan.
"Ayaw pang aminin eh totoo naman ang sinabi ko!" pang-aasar pa ni Vhan kaya lalong napikon si Kuya at binato muli ng bote at kasamaang palad, hindi niya natamaan si Vhan.
"Oy tumigil na nga kayo! Mayayari kayo kay Zander, nagkalat na naman kayo!" sabi ni Ethan. "Tingnan n'yo ang sama na ng tingin!"
Tumigil ang dalawa sa pagtatalo at dahan-dahang tumingin may Zander. Tumingin din naman ako sa kaniya at totoo ngang sobrang masama ang tingin nito kina Kuya. Kaya naman kaagad na nilinis ang kanilang kalat.
Habang naglilinis sina Kuya, nilapitan naman ako ni Zander. "My dummy girlfriend," he called dahilan para sumimangot ako. Oo nga pala, may deal kami. "Don't forget our deal."
Then suddenly he handed an envelope and give it to me.
"Sign this, and give it back to me tomorrow."
PAGKARATING na pagkarating namin sa bahay, napansin ko kaagad ang bagong kotse na nakaparada sa garahe.
"Saan galing ang kotse mo, Kuya?" tanong ni Kian tapos bumulong si Kuya kay Kian habang tumatangu-tango.
Napakunot ang noo ko nang dahil doon. Ayaw pa yatang sabihin sa akin ng kung saan galing 'to! Kaya naman mas minabuti ko na lamang na pumasok sa loob ng bahay at dumiretso agad sa kuwarto ko.
Bigla ko tuloy naalala ang deal namin ni Zander. Kaya naman binuklat ko ang envelope at binasa ang nilalaman ng kontrata.
End of contract, November 15, 2017. As his personal assistant and acting like his girlfriend.
Sh*t. Paano ko maisasakatuparan ang paglayo sa kaniya kung may deal na naman kami ngayon?! Akala ko matatapos na 'yung mga worthy cause conditions niya, pero hindi pa pala at may karugtong pa.
Isa pa, naguguluhan na ako sa nararamdaman ko.
Bakit lagi na lamang ako nakakaramdam ng ganito kapag kaharap ko na siya?
ANO bang tunog 'yon? Hindi naman ako nag-alam.
Kunot noo kong kinuha ang phone ko, kinusot-kusot ko muna ang mata ko saka binuhay ang phone.
One message from an Unknown number
This is Zander. Hurry up, I am here in your residence to fetch you.
Isinave ko ang phone number niya at saka ipinatong pabalik sa lamesa ang phone ko.
Makalaan ng limang segundo, bumalikwas ako sa aking kama at nagmadaling kumilos. Pagkatapos kong maligo, nagbihis kaagad ako at nag-ayos ng sarili. Ayaw kong magmukha akong luka sa harap niya-I mean nila.
Pagkatapos kong mag-ayos, bumaba ako papuntang kusina at nadatnan ko si Zander dito.
"Hoy Bansot, ba't ang tagal mo? Siguro nagpaganda ka pa 'no?"
Sinamaan ko na lang ng tingin si Kuya at saka lumapit ako sa lalaking nagiintay sa akin. Naglalaro rin siya ng mobile games na nilalaro ni Kuya. Parang kahapon lang, aatakihin ako sa puso nang dahil sa pag-arte nila. Bwis*t.
"Ba't ka narito?" tanong ko sa kaniya at tumigil naman siya sa paglalaro, sabay tingin sa akin.
"To fetch you."
"Hindi ako sasama sa 'yo kaya kung maari umalis ka na."
"We have a deal," sabi nito saka niya kinutingting ang phone niya.
"P-Payag na ako."
"P-Payag na ako."
"P-Payag na ako."
Napalaglag ang aking balikat at bumusangot. Nakakainis talaga! Paano niya nai-record 'yon? Bakit hindi ko pansin na nagre-record siya?
Kumura ito at saka ko naman inilabas ang envelope na naglalaman ng kontrata namin, sabay ibinigay sa kaniya. Akala ko, makakatakas na ako.
"Wala kang takas!" pang-aasar ni Kuya kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Alis na," sabi ko.
"Hindi puwede bansot! Sumama ka na kay tsong, huwag ka na nga riyan mag-inarte! Nasira ka sa usapan eh!" sabi ni Kuya.
Napakunot ang noo ko. "Kuya, hindi mo ba ako pipigilan? 'Di ba ayaw mo akong mag-boyfriend eh bakit go na go ka kapag si Zander na?"
"Hindi kita pipigilan at saka ang tanong, totoong kayo ba?" tanong nito kaya sumimangot ako. May point siya. "Kaya shupe na! Dali!"
"Let's go."
"Ililibre mo ako Zander ah!" sabi ko rito. "Kapag hindi, break na tayo!"
"Aba! Kinarir na talaga eh 'no?" kontra ni Kuya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Pagkatapos ay sumunod na ako kay Zander at nakita ko na lamang sa kaniyang kamay na dala-dala niya na ang bag ko.
Habang naglalakad palabas, bigla akong napaisip tungkol sa naging deal namin. Kuruin mo 'yon, sinusubukan kong iwasan ang taong nasa harap ko, pero kahit anong pilit ko ay siyang paglapit pa rin ng tadhana sa aming dalawa. I want to fight on what is right not what fate wants to be for us. Ayaw kong may masaktan nang dahil dito.
Sure na siguro na, by the end of November 15, I will stay away from him, for the sake of others.
Pagbubuksan na niya sana ako ng pinto pero ako na lang ang nagbukas.
Pagkapasok ko, nag-seatbelt ako at inintay siyang pumasok sa loob ng kotse. Pagkapasok niya, kaagad niyang pinaandar ang kotse at makalaan ng ilang minuto, tumigil kami, kaya nagtaka ako.
"I thought you have no breakfast," sabi nito saka ko siya tiningnan.
"Libre mo?" tanong ko saka ngumiti. "Ah oo nga pala, kailangan mo pala akong ilibre since I am your girlfriend."
"Tch, a contract dummy girlfriend, oh my brat."
"Gr-Grabe!! Brat na nga, naging dummy pa! Sobra mo talagang sama!" bulyaw ko rito. "Pero basta! Ililibre mo ako! Bawal tumanggi, pagbigyan mo ang girlfriend mo!"
"Call me Zander-sama first," he said while eyeing me.
"Hentai-sama baka mo?" tanong ko saka tumawa ako, pero seryoso itong nakatingin sa akin kaya tumigil ako. "Ay sus! Nagtatampo naman kaagad ang boyfie ko! O siya, Zander-sama na!"
Kaya naman bumaba na ako at ganoon din siya. Pumasok kaming dalawa sa 7-Eleven at bago magtungo sa itaas, bumili muna siya ng pagkain namin.
Saktong pagkaupo naming dalawa sa bakanteng lamesa, biglang tumunog ang phone ko kaya kaagad kong sinagot iyon.
"Hello."
"Hoy Ellaine, nalimutan kong ibigay sa 'yo 'yung report card mo!"
"Eh, kinuha mo?" tanong ko. "Akala ko ba ayaw mong kuhanin kasi babagsakin ang grades ko?"
"Oh eh ayaw mo?"
"Oo na! Thank you na Kuya!" Ibababa ko na sana ang tawag nang bigla itong nagsalita.
"Pasabi pala sa kasama mo, may practice pa kaya huwag siyang tumakas. Captain siya ng team kaya huwag siyang tumakas."
"Oo na. Bye!"
Call ended.
"May practice kayo mamaya sabi ni Kuya, pinapaalala ko lang baka tumakas ka!" sabi ko.
Tumingin siya sa akin at uminom ng tubig. "You need to eat first."
"Sinong nagsabi sa 'yo na magpapalipas ako ng kain? Siyempre kakain muna ako bago tayo umalis!" sabi ko saka binuksan ang meal. "Itadakimasu."
"Dummy . . ."
"Bakit?" I asked sabay tumingin sa kaniya. "Oh my gosh! Buti hindi mo na ako sinasabihan ng brat! Yey!"
"Tch," he tch'ed. "You look dummy pig brat."
Napangisi dahil sa inis at pinagpatuloy muli ang pagkain. Ano nga naman ba ang maaasahan ko sa mapanglait niyang bibig? Wala! "Napaka-harsh mo talaga sa akin!"
"You were the one who is harsh to me, tch."
"A-Ako?" tanong ko at sinamaan siya ng tingin. "Hindi mo ba naririnig ang sarili mo Zander? Eh sa panglalait sa akin, hindi pa ba iyon harsh?" irita kong tanong.
Hindi na siya nagsalita pa kaya nagpatuloy na lamang akong kumain. Habang nakain kami, iniisip ko kung ano ang puwede naming pag-usapan. Although, I hate him, but I should do my task like what is in the contract.
"Tu-Tulungan mo ako," sabi ko kahit na hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi. Kaya naman tumingin ako sa kaniya at saka ko lamang napagtanto na nakatingin din pala siya sa akin.
"What help?"
Huminga ako ng malalim at mabilis na mag-isip. "Since I am acting as your girlfriend, I will take advantage of this."
Humalumbaba siya at tinitigan ko. "You wanna touch my body, dummy girl?"
Siyempre oo. "Ah? Siyempre hindi! Nagpapatawa ka ba?!" sabi ko sabay humalakhak. "Magpapaturo ako sa 'yo sa studies, since . . ."
"You are a dummy and I'll teach you, right?"
Napabusangot ako at sinamaan siya ng tingin. "Sobra ka naman kung magsalita, Zander!"
"Zander-sama," he corrected.
I rolled my eyes. "Okay, Zander-sama!" sabi ko saka sinamaan ito ng tingin. "Turuan mo ako sa studies," sabi ko at huminahon na ako. "Kailangan kong bumawi, baka hindi ako maka-graduate ng senior high school kung puro bagsak ang mga grades ko," pagkasabi kong iyon, nagkaroon ng saglit na katahimikan.
"I'll teach you," sabi nito kaya lumawak ang ngiti ko.
"Walang kapalit?" tanong ko.
"Bakit gusto mo ba?" he sarcastically asked kaya umiling ako habang nakangiti.
Tumingin ako ng diretso sa kaniya at hinawakan ang mukha ko kasi nakatitig ito sa akin. "May dumi ba?"
"You want to be a teacher right?" he suddenly asked. Naalala pa pala niya iyon.
"Yes!"
"Then why you choose GAS instead of Humss?" he asked again.
"I want to experience more!" I answered sabay tinaas ko pa ang dalawa kong kamay at ibinaba kaagad.
"Even though you have a lack of knowledge?"
"O-Oo," sagot ko saka ngumiti."Hindi man ako matalino gaya mo, pero gusto kong may matutunan kahit ganito ako. Gusto kong mag-aral kahit nahihirapan akong matuto," sabi ko while eyeing on him. "Siguro ngayon baka makapasa na ako kasi tuturuan mo ako!" Saka ako tumawa. "Seriously, I admire your intelligence, that's why I want to learn from you."
Saglit kaming nagtitigan sabay ngumisi siya kaya bigla akong nag-blush. Tama ba ako? Ngumisi siya? Then he patted on my head. "Tch."
Para mapigil itong pamumula ng mukha ko, napatingin na lamang ako sa pagkain niyang hindi niya binubuksan.
"Puwede bang akin na lang 'yan?" tanong ko sa kanya sabay turo ko roon sa pagkain and he just nod. Kaya kinuha ko iyon at ibinalot sa isang supot.
"Tara na!!" pag-aaya ko sa kaniya at hinigit siya patayo. Kaya naman nagpatuloy na kaming lumabas at nag-tungo sa labas. Mabilis akong nag-tungo sa kinaroroonan ng isang bata. Buto't balat ito at tila hindi na talaga nakakain ng maayos.
"Bata, heto tanggapin mo ito." Binigay ko 'yung pagkain na hiningi ko kay Zander at saka ako naghulog ng isandaang piso sa kaniyang baso.
"S-Salamat po sa bigay n'yo po! May pangkain na po kami ni Inay!" tuwang tuwang sabi ng bata.
"Anong pangalan mo at saka nasaan nanay mo?" tanong ko rito.
"Elvi po ang pangalan ko," sabi nito. "Tara po! Ipapakilala ko po kayo kay Inay."
Tumingin ako kay Zander at nag-nod lamang ito, ibig sabihin ay magpatuloy kaming dalawa kaya sumama kami sa kinaroroonan ng nanay niya. Habang nasa daan kami, nagkukuwento ang bata tungkol sa kanilang buhay. Iisa lamang siyang anak at ang nanay niya lamang ang kasa-kasama niya palagi.
Wala na ang tatay nito at namatay ito sa isang malubhang sakit kaya nakaramdam ako ng sakit sa aking dibdib.
"I-Inay! May ipapakilala po ako sa inyo!"
Napatigil kami sa labas ng bahay nila at biglang bumigat ang pakiramdam ko, noong nakita naming nakahiga ang nanay ni Elvi at . . .
"P-Pat—"
"Shh! Natutulog lang po siya!" Nagtungo ang bata sa kinaroroonan ng ina niya at inihandog ang bigay naming pagkain.
Iniharap ako ni Zander sa kaniya at bumuhos ang aking luha. "S-Sabi ko sa 'yo 'di ba palagi, huwag magsasayang ng pagkain kasi maraming nagugutom?" I asked him and he didn't respond. "H-He's very innocent for this Zander."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top