HATE • TWENTY
Ellaine
SOBRANG laughtrip ng reaction ni Jamie kanina.
Halos umubo na ako sa kakatawa sa naging reaction niya kasi ngayon ko lang siya nakita na ganoong kiligin sa isang lalaki.
Akala ko nga never ng magkakagusto si Jamie eh. Masyado kasi siyang mapili, ewan ko kung ano ang pinainom ng doctor na 'yon kung bakit nagka-ganoon si Jamie. Basta ako, masaya ako na masaya siya sa lovelife niya. Siyempre support lang ako sa kaniya.
At siyempre, nahuli na naman ako ni Zander kanina, may chance na sana akong makatakas sa kaniya kanina.
Pagkarating ko sa bahay dumiretso ako sa aking kwarto at humiga sa kama. Napatitig ako sa kisame at biglang sumagi sa aking isipan ang mga naramdaman ko kay Zander dati.
Kailangan ko na talaga siyang iwasan kasi nanganganib na ang puso ko at baka bumalik.
Erase! Erase!
Ano bang iniisip mo Ellaine? Aasa ka na naman ba? Hindi ka na ba nadadala, ilang beses ka ng sinaktan ng mga lalaki! Tapos ganito! Maawa ka sa sarili mo! Maging pusong bato ka! Huwag kang magpadala sa bugso ng nararamdaman mo.
Nag-shower na lamang ako imbes na mag isip ng kung anu-anong bagay at pagkatapos noon, saka ako nag-facebook.
Tiningnan ko kaagad ang message ni Jamie kasi mukhang na-intriga ito sa sinabi ko kanina. "Hoy! Ano nga? 'Di na ako nagbibiro! Ano 'yung nakita mo?"
Napahagikhik ako dahil sa naging tanong nito. Saka ako nag-reply sa kaniya. "Hoy Jamie! Mahiya-hiya ka naman sa sarili mo oh, nagsakit- sakitan ka pa para lang makita si Doctor Harvey. Galawan mo Jamie, halatang halalata."
Inintay ko itong mag-reply at mukha pa yatang mala-LSM ang reply kaya medyo matagal. "Masakit naman talaga ang ulo ko noon eh kaya napunta akong clinic! Pero bonus na rin 'yung makita ko siya 'no! Oyy, ang gwapo niya talaga! Saka huwag mong ipagkakalat na may crush ako kay Doc. Harvey ah! Papatayin talaga kita, sinasabi ko sa 'yo."
Gumigiit pa, napaamin naman. Natatawa tuloy ako sa kilusan niya. "E 'di lumabas din ang katotohanan na kaya ka nagpupunta sa clinic ay gawa ni Doc. Harvey. Saka oy! Hindi naman ako katulad mo na ipagkakalat kung sino ang crush ko 'no!"
Kaagad itong nag-reply at binasa. Napangiwi ako sa sinabi nito. "Lumabas din ang totoo na crush mo pa rin siya."
Heto na naman at nabaliktad na naman ang sitwasyon, parang ako pa tuloy ang iniintriga imbes na siya ang pagdukdukan ko ng tanong.
"Hoy! Hindi ko na 'yon gusto 'no!" kaagad na reply ko rito.
"Wala naman akong sinabing pangalan eh! Siguro si Zander ang nasa isipan mo ano? Gusto mo ulit 'yon 'no? Don't worry 'di ko naman ipagkakalat 'yon puwera lang kung pinagkalat mo 'yung sa akin. E 'di sasabihin ko rin na crush mo si Zander, sige ka!" sagot nito sa aking chat. "Saka don't you worry, sasabibin ko rin naman kina Alexia 'yung tungkol sa nararamdaman ko para kay Doc. Harvey, kapag handa na akong sabihin. Nahihiya pa rin kasi ako eh."
"Oo na sige na! May papanoorin pa ako," reply ko sa chat niya.
"Sige, bye!"
Pagkatapos noon, sineen ko na lang siya at nagtingin-tingin ng messages na halos karamihan ay group chats lang. Kapansin-pansin din ang group chat na Food Expo. Binuksan ko ito tapos binasa. Nakasaad doon ang magiging plano namin sa darating na biyernes.
Maganda ang ideas at alam kong papatok sa mamimili. Kaya hahayaan ko na lamang sila na mag-plano. Kahit anong plano, support ko. Syempre nagbigay naman ako ng idea, pero mas maganda talaga ang kanilang idea kaya iyon din ang nagustuhan ko.
Pagkatapos noon, nagtingin naman ako sa SMS, at chineck kung mayroon bang message si Knight in Shining Armor, pero wala.
I'm sorry MJ. I didn't mean to break your heart.
Pagkatapos kong mag-check ng message. Pumunta ako sa kwarto ni Kian para ayain na manood ng anime. Game na game naman siya at sabi pa nga niya, siya na ang bahalang mag-decide ng panonoorin namin.
Kumuha muna ako ng chichirya sa kusina, mga dalawang malaking balot.
Naalala ko tuloy bigla si Kuya kasi kapag nakain 'yon ng mga chichirya, hinihimod niya pa ang packaging nagmumukha tuloy siyang patay gutom. Kadirdir talaga.
"Kian, tara, nood na tayo."
Habang nagiintay kay Kian, pinagmasdan ko ang kaniyang kwarto at sobrang linis kagaya ng kwarto ni Kuya. Hindi mo nga aakalain na sa lalaki ang kwartong 'to, pero kapag sa akin, hindi ko alam kung kwarto ba 'yon o basurahan.
"Ate okay na," sabi nito sabay umupo na siya rito sa kama.
Nag-start na ang papanoorin namin. Sa wari ko'y isa siyang anime movie at kung ibabase ang texture ng anime, romance ito.
Bakit parang naiiyak na kaagad ako?
"Ang ganda," bulalas ko kahit wala pa kami sa kalagitnaan.
Habang pinapanood ko ito, parang bumibigat ang aking pakiramdam at para bang gusto kong umiyak.
Habang natagal, nabigat ang sitwasyon. Hindi ko sukat akalain na nakakaiyak itong ipapanood sa akin ni Kian. Kung alam ko lang sana na nakakaiyak ito, e 'di nagdala man lang ako ng tissue o ako na mismo ang namili ng papanoorin namin. Ayos lamang sana kung romantic-comedy tapos happy ending at saka action o fantasy, huwag lang ganito kasi hindi talaga ako ganoon kabilis mag-move on sa tragic ending. Dinaig mo pa na ako ang nakaranas nitong nasa palabas.
Ang sakit kasi sa part nitong lalaki na hindi pa siya maka-move on sa childhood friend niya and the girl is already moved on which is engage na siya sa fiancé niya. Lalo pang bumigat ang aking dibdib ko noong part na lamang ang lalaki sa memories ng babae. Just a memory.
Naiiyak ako kasi parang tamang tama sa akin iyong nangyari sa lalaki and I feel bad for him. Just like him, I am longing for someone. Iba lamang sa sitwasyon ko kasi a certain someone promised me that day na magkasama kaming manonood ng fireworks, but he never came at nabalitaan ko na lamang na siya ay umalis na. I like him, kaya parang sobrang sakit. He just wrote a letter and told me that he is looking for me. Hindi niya ako hinarap, kaya ang sakit. Pero ilang taon na ang nakalipas, hindi niya pa rin ako nahahanap. Siguro kagaya ng babae sa pelikula, naka-move on na siya at may nagpapasaya na sa kaniyang iba. At siguro kailangan ko na rin mag-move on gaya ng lalaki sa kuwento.
"How ironic when people who gave you the best memories, but end up in just a memory," sabi ko.
Ngayon ko lamang na-realize na hindi lahat ng taong gusto mo ay mapapapunta sa iyo. Kasi kung ang tadhana na ang kalaban, mahirap ipilit ang gusto mong ipaglaban.
"Ahhh, aray!" pagkainda kong iyon, bigla akong namilipit sa sakit.
Kaizer
"ANONG ginagawa n'yo ngayon Kian?" tanong ko kay Kian na ngayon ay ka-videocall ko.
"Nagpprepare si Ate ng chichirya para sa papanoorin naming anime movie mamaya."
"Ah gano'n? Sad story ang piliin n'yong panoorin."
"H-Huh bakit Kuya?"
"Gusto kong makita siyang umiyak!" sabi ko saka humalakhak. "Iyon ang panoorin niyo ah? Mas maganda iyon, tapos kapag nakita mong naiiyak i-video mo at papanoorin ko kung ano ang reaction niya."
"Baka magalit Kuya," natatawang sagot ni Kian sa akin.
"Hindi iyan! Basta video mo lang tapos i-send mo sa akin!" sabi ko. Siyempre stress na stress na nga kaming magkakaibigan dito dahil sa nagpapadala ng sulat sa amin, in mysterious way. It is very alarming at ayaw na naming maulit 'yung nangyari kay Ellaine.
"I'll send the video later Kuya, I hope you'll treat me something for making this hard request."
"Sure, I will." After that, he ended up his call and look for other papers related to that mystery sender.
Makaraan ng ilang minuto, may inisend na si Kian na video. Napatawa na kaagad ako gawa ni Ellaine. For the sake of blackmailing her. Ang blackmail na ito ay para sundin niya ang utos ko, tigas kasi ng ulo nitong kapatid kong ito at kung wala pa talagang blackmail, hindi niya gagawin ang utos ko.
Isa na roon ang paglapit niya kay MJ.
"Ba-Bakit ka natawa riyan ng mag-isa dre? Nababaliw ka na ba?" tanong ni Vhan na tsismoso. Kahit kailan talaga, napaka-tsismoso nito.
"May sinend kasing video si Kian," sagot ko saka ipinakita sa kaniya at tinuro ang nasa phone screen ko. "Kita mo iyan? Si Ellaine iyan!"
"What about Ellaine?" Ethan asked sabay tumingin sa phone ko. "A video?"
"Panoorin natin," sabi ko sabay humalaklak. Nilakasan ko ang volume, pagkatapos noon, ini-play ko na ang video.
Gaya ng sinabi ko kay Kian, pinanood nila'y sad anime movie. She's crying because of the movie. Mukha siyang uhuging bata, kahit kailan talaga ang babaw ng kaniyang luha. Maya-maya bigla itong umimik. "How ironic when people who gave you a best memories, but end up in just a memory."
Si MJ kaya ang tinutukoy nito? Kung siya nga, kailangan ko ng umuwi kasi mayayari si Ellaine akin. Pagsasabihan ko siya na layuan na niya si MJ.
"Uwi na ako mga tsong," kaagad na paalam ko kina Ethan at Vhan. Pagkatango nila, naglakad na ako papunta sa pintuan nitong secret place namin.
Hindi pa ako tuluyang nakakalabas ay nakasalubong ko si Zander. "Tsong, una na ako."
Pagkasalubong ng aming landas, bigla itong nagsalita dahilan para lingunin ko siya. "Curiousity kills a cat," sabi nito. "Take care of your sister, she's little bit curious about everything."
Pagkasabi niyang iyon naglakad na ito patungo sa aming secret place.
Masyadong seryoso si Zander pagdating kay Ellaine. Hindi na nakakapagtaka, ayaw niyang maulit ang nangyaring insidente last month. Ellaine was abducted by someone na akala namin ay biro lamang.
Kung sinuman 'yon makakatikim 'yon sa 'king nag-aalab na kamao.
MAYAMAYA narito na ako sa bahay namin.
Nakakapagod talaga ang mga responsibilidad sa buhay, pero kahit na ganoon kayang kaya ko naman. Feeling ko nga tuloy wala akong kwentang kuya. Hindi ko man lang kasi magampanan ang tungkulin ko bilang kuya. Pinipilit ko naman maging katulad ni Mama at Dad eh, pero 'di pa rin sapat.
Naalala ko tuloy ang nag-udyok sa akin na maging SC President. Sabi ng tatlo kong kaibigan, ako raw ang may potensyal na maging presidente ng school.
Pinipilit ko pa nga noon kay Zander na siya na lang ang tumakbo kaysa sa akin, pero dahil sabi niya na waste of time raw iyon. Kaya iyon, si Vhan at Ethan naman ang nagpumilit sa 'kin na sumali sa student council. Hindi na tumulong sa akin si Zander kasi naniniwala naman siya na mananalo ako. At noong nanalo ako, sinabi pa nito na you are much deserving of high respect in this school.
Ang sarap balikan ang alaala.
At isa pa, basta mas importante na hindi ko pinababayaan ang kapogian ko, ayos na sa akin.
Dumiretso na ako kaagad sa kwarto ko. Katapat lang ng kwarto ko ang kwarto ni Kian at sa tabi noon ay kay Ellaine na burara.
Nakakainis talaga ang isang iyon. Masyadong pabaya sa gamit. Laging makalat kwarto at higit sa lahat hindi marunong maglinis ng kanyang kalat. Ipagkumpara mo sa akin at kay Kian, masyadong maayos ang gamit.
Kababaeng tao napaka-samlang.
Naalala kong pagsasabihan ko siya tungkol sa sinabi niya kanina. Hangga't maari, talagang gigisahin ko siya at nang mag-dala.
"Ahh, aray!"
Binuksan ko kaagad ang pintuan at tiningnan si Ellaine. "Huwag mong sabihing niloko ka na naman ni MJ? Kaya ka umaray?"
Napatingin ako sa kaniya ng maigi at ngayon ay nakahawak ito sa kaniyang tiyan. "K-Kuya, ang sakit ng tiyan ko."
Ellaine
"MAY lagnat ka, Ellaine."
Sinapo niya ulit ang noo ko habang namimilipit ako ng sakit sa tiyan. "Napaka-init mo!" Kuya said. "Kian, paki-check nga ng temperature ng ate mo! Tatawagan ko lang sina Yayey."
Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid. Ang alam ko lang inicheck ni Kian ang temperature ko. Sa sobrang sakit ng tiyan ko hindi ko na alam ang nangyayari.
"A-ray!" malakas na daing ko dahilan para mataranta si Kian.
Pagka-daing kong niyon, dumating sina Kuya at Yayey. Madali akong binuhat ni Kuya. Pagkababa namin, nakaabang na si Kuya Jonas sa labas.
Madali nila akong isinakay sa kotse at kaagad na dinala sa hospital.
Pagkarating ko roon, maraming ginawang test kahit hinang hina ako. Nakuhanan pa ako ng dugo na siyang iniyakan ko. Pagkatapos ng mga test, napapikit na lang ako sa sama ng aking pakilasa parang umiikot ang mundo ko dahil doon.
Kumusta na kaya si Nightmare?
"Kuya, pasabi kay Yayey, paki-alagaan muna si Nightmare," sabi ko.
"Si Kian na muna ang bahala roon kay Nightmare, magpahinga ka na lang," pagkasabi ni Kuya noon, hindi na ako umimik pa.
Tanging tunog lang ng orasan ang nagmimistulang ingay dito sa loob ng kwarto ko. Paulit-ulit ito sa aking pandinig para bang ang lungkot ng paligid.
"WHY are you crying?" tanong sa akin ng bata habang ako ay umiiyak.
Tumingin ako sa bata at tiningnan ang sugat ko sa aking tuhod. "Clumsy."
Sinamaan ko ito ng tingin saka lumakas ang iyak. "Hindi naman ako lampa eh! Inaway kaya 'ko! Ang sama mo bata! Pati ikaw, binubully ako."
Tumakbo ako palayo rito pero bigla akong nadapa dahilan para umiyak ako ng malakas. Pero napatigil ang iyak ko nang lumapit ito sa akin at pinunasan ang iyak ko.
"I'm Zy, how 'bout you?" tanong ni Zy sa akin.
"Ako si Shasha," sagot ko rito.
Inihandog ni Zy ang kamay niya saka ngumiti. "Smile Shasha, I'll treat you something."
Sumama naman ako kay Zy at pagkatapos no'n, bumili kami ng ice cream kaya kahit papaano, naging masaya ako. Habang naglalakad kami, nakita ko ang mga naging kalaro ko at isa na roon ang pumatid sa akin.
"Ayaw kong tumuloy Zy," bulong ko rito.
"Hoy lampa!" sigaw ni Tristan sa akin.
Mag-iiba na sana kami ng daan nang biglang sinugod ni Zy si Tristan. Sinuntok nito si Tristan dahilan para mapalapit ako sa kanila.
Pinigilan ko si Zy sa pamamagitan ng pagkuha ko ng kaniyang kamay. Inilayo ko siya kina Tristan at kami'y tumakbo.
Pagkatigil namin sa tapat ng malaking puno, kaagad ko siyang tinanong,
"Zy, hindi mo na dapat ginawa 'yon."
"As long as I am here, you're not able to touch by anyone. I will protect you always, Shasha."
Napangiti naman ako dahil doon.
Simula noong araw na iyon, madalas na kaming nagkikita. Nakilala ko rin sina TJ at Sam na kakilala ni Zy.
Araw-araw na nasa bahay ni Lola si Zy para makasama niya ako. Lagi itong nagddrawing sa kaniyang sketch pad, habang ako naman ay kuwentong kuwento sa kaniya. Sinabi ko pa kay Zy na kami lamang ni Mama ang nandito kasi gusto namin na makadalaw rito kay Lola at si Kuya naman ay nasa San Pablo kasama sina Kian at Dad.
Hindi ko siya magawang tanungin tungkol sa kaniya, hindi niya ugaling umimik kaya naiintindihan ko. Hahayaan ko siyang magsabi ng tungkol sa kaniya, hindi ko siya pipilitin.
I look at him, habang siya ay nakatingin sa mga naglalaro. We are currently in the playgroud, sitting on the bench. Sa sandaling magtagpo ang aming mata, kaagad akong umiwas at tumingin sa hawak kong bulaklak.
"Let's watch fireworks later?" pag-aaya niya sa akin dahilan para mapangiti ako ng malawak.
"Saan tayo magkikita?" tanong ko.
"Here. Same place. At 6:30 pm."
"Promise me that you will come?" I asked for assurance.
"Yeah, I promise."
"Okay!" pagpayag ko nang buong galak, saka ako sumampa sa may bench at binigay ang bulaklak na hawak ko at pati na rin ang bracelet na para sa kanya. "Thank you Zy!"
Ginulo niya ang buhok ko sabay ngumiti. At napansin ko pa na may kinuha siyang kwintas sa kanyang bulsa at sinuot niya ito sa akin. "Keep it."
"Thank you!"
Noong kami ay naghiwalay na ng landas, kaagad akong nagtungo sa amin at pumunta kay Mama. "Mama, may dress po ba ako riyan?"
Napangiti si Mama dahil sa tanong kong iyon. "Saan ka pupunta anak? May date ka?" natatawang tanong ni Mama sa akin.
"Wala po akong ka-date! Bata-bata ko pa po!" nahihiyang tanggi ko kay Mama.
"Okay okay! I will look for your dress, wait lang," sabi ni Mama dahilan para mapangiti ako nang wagas.
Makalipas ng ilang oras, saktong 6:15 pm ay naglakad na akong playground suot ang dress gayon na rin ang kwintas na bigay niya. Hindi naman ako nagwoworry sa aking safety dahil marami namang taong nadaan. Kaya nag-intay ako sa kanya, at saktong 6:30 pm, wala pa rin siya, kaya naman nakaramdam na ako ng tinik sa lalamunan at inisip kung, darating pa ba siya?
After ten minutes, he never came, kaya napagdesisyunan ko na lang na umuwi, pero noong patayo na ako sa kinauupuan ko, may lalaking lumapit sa akin. And that was, "TJ?"
He suddenly hugged me. "What are you still doing here? Gabi na," he said.
"W-Wala, nag-iintay lang ng fireworks, mas maganda kasi kung dito ako pupuwesto. Bye! Iwan na kita, baka hinahanap na siguro ako nina Mama," sabi ko at bumitaw sa kanya, sabay tumakbo patungo sa amin. Habang tumatakbo, dumadaloy ang luha mula sa aking mata. He promised me . . . but he break that promise.
Pagkagising ko ng umaga, may binigay sa aking sulat si Lola kaya kaagad ko itong kinuha sa kanya. Noong makita ko ang labas ng sulat na may pangalan ni Zy, binuksan ko ito, baka kasi narito ang dahilan kung bakit hindi siya nagpakita kagabi.
Dear Ellaine,
I'm sorry that I didn't meet you last night. I didn't mean to break my promise. I am sorry. And thank you for talking to me, and playing along with me. This would be the happiest experience that I had. But I had to go, I had to leave in Batangas. But I promise you, I will be going to find you and at that time, I won't let you go. I won't forget your existence. Please keep my memory. I love you, Ellaine, just like how the universe loves me. I love you and I always do.
Sincerely,
Zy.
Pagkabasa ko, kaagad akong tumakbo patungo sa kanila, umiiyak ako habang natakbo. Ayaw ko siyang umalis nang hindi man lang ako hinaharap. Ayaw ko. Ayaw. At noong makarating na ako sa kanila, nagtanong ako kaagad kay TJ na naroon pa at sinabi niyang wala na sina Zy.
I cried. He does know my name, but I didn't.
NAPAMULAT ang aking mata at sabay niyon ang paghawak sa aking mata. Tiningnan ko ang petsa sa digital clock at umaga na pala.
I realized that I miss Zy, baka kaya napanaginipan ko ang alaalang iyon.
Miss na miss ko na ang kalaro kong si Zy. Si TJ naman, hindi ako iniwan, sa halip ay naiwan ko siya sa Batangas kasi bumalik na ako ng San Pablo.
Nakaka-miss si Zy, at ngayon, patuloy pa rin akong humahawak sa kaniyang pangako na kahit kailan ay hindi ko alam kung magiging totoo nga ito.
Sana dumating na ang panahon na magkita ulit kami.
Umupo ako nang maayos at bigla muling tumulo ang aking luha. Hindi ko alam kung ano ang dahilan nito.
"She's here po ba?"
Isang napakalamig na boses ang narinig ko mula sa labas kaya tiningnan ko ang pintuan nitong kwarto.
The familiar cold presence slowly embraced me.
Kitang-kita ko sa mukha niya ang pag-aalala, 'yung malamig niyang emosyon, napalitan ng pag aalala.
"Why are you crying?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top