Let Me Go


Let Me Go


"Hello?"


"Hello Honey!" Full of energy kong sabi. My gosh more than ten times ko siyang tinatawagan. "Buti sinagot mo na ang tawag ko sa'yo. I'm so worried to you."


"Skylee!"


Napakunotnoo ako. Bakit parang nagulat siya na tinawagan ko siya? "Yes Michael, its me. Bakit parang na-surprise ka na tinawagan kita?" Natatawa kong sabi.


"Uhm no. Its just... Nagulat lang ako, parang nag-iba ang boses mo."


"Really?"


"Yes Honey."


Napangiti ako. Umayos ako ng upo. "Parating ka na ba dito?" Pinagmasdan ko ang paligid ng restaurant. One hour na akong nandito at sobrang late na ng boyfriend ko para sa first anniversary namin. Narinig ko ang mahinang mura sa kabilang linya. "What happen Honey?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya baka kasi napano na siya.


"Uhm honey I cant go there because masama ang pakiramdam ko. I'm sorry..."


"Its okay, pupunta ako dyan para alagaan kita." Tumayo na ako at nilagay ko sa bag ang laptop ko. Kailangang pumunta ako kay Michael. Mamaya may lagnat siya.


"No Honey. No need to worry, my parents is here. So Mom will take care for me."


"Are you sure?"


"Yes hon and you know na hindi kayo magkasundo ni Mom. Ayoko na magkagulo kayo. I'll end this call. I want to sleep now. Bye."


Nag-end call na bago ako magsabi ng bye sa kanya. Napabuntong hininga ako. Tama siya. Hindi kami magkasundo ng Mom niya. Hindi kasi boto sa akin si Mrs. Harisson at sobra pang kumukulo ang dugo niya sa akin. I dont know why. Nakakabastos na nga rin minsan si Mrs. Harisson because nirereto niya si Michael sa ibang babae kahit alam nito na may girlfriend na ang anak niya. Hay buhay nga naman. Paano na ito kapag naging mag-asawa na kami ni Michael?


Hay saka na iyan. Basta pupunta pa rin ako kina Michael. Baka mangyari ulit na sinabi niya nandoon ang mommy niya tapos wala naman talagang nag-aalaga sa kanya. And I dont care kung nandoon ang parents ng boyfriend. I'm just doing my role as a girlfriend.


Pagkatapos ko bayarin ang bill ng in-order ko ay nag-stay muna ako sandali sa table ko. Ewan ko ba pero may nag-u-urge sa akin na mag-stay muna ako sandali.


"Good evening sir!"


"Reserved table from Mr. Michael Harisson."


"Here Ma'am."


Napatingin ako sa babaeng bumigkas ng pangalan ng boyfriend ko. Umupo ito malapit sa table ko. Sino kaya ito? Paanong nagkaroon ng nakareserbang table sa kanilang dalawa? Napailing ako. Baka naman ibang Michael Harisson. Napailing na lang ako. Napa-paranoid na ako.


"Good evening Elaine. Sorry if I'm late."


Bigla akong natigilan. Boses iyon ng boyfriend ko. Agad akong napatingin sa table ng babae at doon nakita ko ang lalaking mahigit isang oras kong hinintay dito sa restaurant. 'Shit!' So wala pala itong sakit at nakipagkita lang ito sa isang babae. Sa araw mismo ng anniversary namin!


"I thought hindi ka makakapunta dito." Bumalingkis sa braso ng boyfriend ko ang babae.


"Ikaw? Iindiyanin ko. No I will not do that."


"Good."


Sh*t! Hello, nandito kaya ang girlfriend ng lalaking nilalandi mo? Napatayo ako at hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng boyfriend kong gulat na gulat at ng babaeng nagtataka.


"Hi!" Binigyan ko sila ng pinaka plastic kong ngiti.


"Hi!" Nginitian din ako ng haliparot na babaeng ito. "Friend ka ba ng Sweetie ko?"


Sweetie. Ingudngod ko pagmumukha mo sa mesa eh. "Uhm... Yeah! Hi Micky!" Then hinalikan ko si Michael sa pisngi.


"Micky?"


"Ah yeah girl. I call him Micky. Cute di ba? Oh by the way sabi ni Skylee she's been waiting you more than one hour, di ba anniversary niyo? So sad may iba ka palang kasama. Bye enjoy!" Tinalikuran ko na sila at humarap ulit sa kanila. "Oh before I forgot to say this to you Micky, go to hell daw with that b*tch. Ciao!" At iniwan ko sila. Pagkalabas ko ng restaurant ay tumulo na ang luha ko.


----


"Skylee!" Sigaw ni Tori habang papalapit ito sa akin. Mukhang may mahalaga itong sasabihin kaya tumatakbo ito papunta sa akin.


"Tori napadalaw ka bigla dito ng ganitong oras ng gabi." Tumayo ako.


"S-Si Dash..."


Napakunotnoo ako. "Oh napano ang best friend natin?" Ano kayang nangyari kay Dash kaya nandito sa harapan ko si Tori?


"S-Si Dash..." Huminga ito ng malalim. "Binubugbog niya si Michael ngayon."


"Ano?" Nabingi ata ako sa sinabi ni Tori.


"Binubugbog ni Dash si Michael ngayon!"


"Ano? Nasaan sila?" Nagpanik bigla ang sistema ko. Bakit naman nila ginagawa iyon? Jusko baka mapatay ni Dash si Michael.


"Nasa park sila ngayon."


Agad akong tumakbo papuntang park at iniwan ko na lang si Tori. Buti na lang at malapit ito sa bahay namin.


Pagkadating ko ay nakalugmok na sa sahig di Michael at duguan ito habang si Dash naman ay patuloy sa paggulpi dito.


"Ang kapal ng mukha mong saktan si Skylee!"


"Dash tama na iyan!" Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.


"Kakausapin ko ang girlfriend ko!"


"Eh loko ka pala eh!" Sinuntok ulit ni Dash si Michael.


"Tama na!" Hinila ko si Dash palayo. "Jusko! Mapapatay mo siya sa ginagawa mo!" Agad kong nilapitan si Michael. Nanghihina niyang hinawakan ang kamay ko.


"I dont care kung mamatay siya! Kulang pa iyang mga ginawa ko sa kanya. Wala siyang karapatang saktan ka!"


"Skylee I'm sorry."


"Wag kang pipikit! Dash isugod natin siya sa hospital."


"Hayaan mo na siya dyan Skylee. Hayaan mo siyang mamatay."


"Tutulungan mo ba ako o hindi?" Naiinis kong tanong kay Dash. Nakita namang nahihirapan si Michael, mas gugustuhin pa nito mamatay ang tao.


"Shoot naman Skylee!" Tinulungan na ako nitong alalayan si Michael at dumeretso kami sa nakaparadang kotse ni Dash.


---


"Skylee naman!"


"Ano?" Naiinis kong sabi kay Dash. Hindi sana nasa operating room si Michael kung hindi ito binugbog ni Dash.


"Bakit ka pa pumunta doon?" Tumayo ito. "Ginag*go ka lang niya Skylee. Last week nakita ko siya na may kasamang ibang babae at huling balita ko ay may fiancé na siya."


Napatungo ako. Nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Dash. Parang tinatarak ng punyal ang puso ko. "Oo alam ko na may fiancé na siya."


"Skylee..."


Tumulo ang luha ko. "In-arrange marriage sila." Alam ko iyon dahil sinabi sa akin ni Michael. Noong umalis ako sa restaurant ay hinabol niya ako. Sinabi ni Michael na napilitan siyang hindi ako siputin at puntahan ang babaeng ipapakasal sa kanya ng magulang niya.


"Magpapakasal siya sa ibang babae. Akala ko ba mahal ka niya? Bakit hindi ka man lang niya pinaglaban sa magulang niya?"


Napayuko lalo ako at tumulo ang luha ko. Ewan ko ba? Siguro sadyang duwag si Michael kaya hindi niya ako nagawang ipaglaban sa magulang niya.


"Nasaan si Michael?"


Napatingin ako sa sumigaw. Ang babaeng papakasalan ni Michael.


"You call her?" Pabulong na tanong ni Dash. Tumango ako bilang pagsagot sa tanong niya. Karapatan malaman ng fiancé ni Michael kung anong nangyari sa lalaki.


"Nasaan siya?"


"He's inside the operating room." Naiinis na sagot ni Dash.


Nanlaki ang mata nito at nagbabadyang tumulo ang luha ng babae. "A-Anong nangyari sa kanya?"


"Binugbog ko siya."


"What?"


"Sana nga mamatay na siya eh."


"Dash!" Sita ko kay Dash. Jusko ang sama talaga nito.


"Totoo naman eh sana mamatay na siya."


"Kapag may nangyari sa Daddy ng baby ko..."


Biglang huminto ang oras ko. Daddy ng baby ng babae. Magkakaroon na sila ng anak. Ibig sabihin matagal na akong niloloko ni Michael.


"Pagbabayaran mo--" At biglang natumba ang babae.


"Miss!"


----


"Skylee."


Hindi ko tinapunan ng tingin si Michael. Masakit sa akin na may iba pa pala si Michael bukod sa akin. Masakit sa akin na niloko niya ako. At mas masakit sa akin na may nabuntis siya.


"Skylee, sorry..."


Napatingin ako kay Michael. Umiiyak ito.


"Skylee, sorry. Please 'wag mo akong iwan. Mahal na mahal kita."


Napatingin ako sa kisame. Pinipigil kong tumulo ang luha ko. "Michael hindi na tayo pwede."


Hinawakan nito ang kamay ko. "Kung gusto mo, magpakasal tayo. Lumayo tayo dito."


"Hindi iyon pwede." Hinayaan ko ng tumulo ang luha ko. "Michael magkakaanak ka na."


"Pwede ko namang hindi pakasalan si Elaine. Susuportahan ko na lang ang anak namin, Skylee."


"No Michael. Huwag mong hahayaang lumaki ang anak niyo na hindi buo ang pamilya."


"Ayoko Skylee. Kung gusto mo gawin nating anak mo ang ipinagbubuntis ni Elaine." Humigpit ang hawak nito sa kamay ko habang patuloy ito sa pag-iyak. "Honey, hindi ko naman kasi alam na may nangyari sa amin. Pinikot lang niya ako. Please Skylee huwag mo akong iwan. ikaw ang mahal ko, hindi siya."


Pumikit ako. Ang sakit ng nangyayari sa amin ngayon. Bakit ba ang lupit ng tadhana? "Michael..."


"Please Skylee."


"Michael tama na."


"Skylee..."


"Let me go now. Tama na pagod na ako."


"No Skylee." Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko.


"Tama na Michael. Pareho lang tayong nasasaktan. Let's end our relationship. Wala na. Magkakaanak ka na, huwag mong hayaang lumaki siya sa mundong ito na hindi buo ang pamilya." Hinawakan ko siya pisngi. "Mahalin mo ang magiging asawa mo at anak mo."


"Skylee please."


"Michael, tandaan mo mahal na mahal kita. Hanggang dito na lang tayo." Pumiyok ako. "Alagaan mo ang sarili mo pati ang magiging pamilya niyo."


"Skylee." Mukhang naiintindihan na ni Michael ang nangyayari sa amin ngayon.


"Let me go now Michael for the sake of your child."


"I'm sorry Skylee." Pinagdikit niya ang noo namin. "Sorry."


"Ito na ang huli nating pagkikita. Kung sakaling magkita ulit tayo, sana makita ko ang Michael na masaya sa piling ng pamilya niya."


"Sorry Skylee." Napahagulgol ito.


"Goodbye My Micky." Hinalikan ko siya sa labi bago umalis ng hospital room niya.


Sobrang sakit ng nangyari sa amin ni Michael. Gustuhin ko ko mang makasama siya habangbuhay, hindi maari iyon dahil kailangan siya ng magiging pamilya niya. Ayoko din na ako ang maging dahilan kung bakit hindi buo ang pamilya ng anak nila.


Siguro nga hindi talaga kami ni Michael sa para sa isa't isa.


-wakas-


Copyright©2016 by LightStar_Blue

All Rights Reserved



DISCLAIMER:


THIS IS A WORK FICTION. NAMES, CHARACTERS, PLACES, EVENTS AND INCIDENTS ARE EITHER PRODUCTS OF THE WRITER'S IMAGINATION OR USED IN A FICTION MANNER. ANY RESEMBLANCE TO ACTUAL PERSONS, LIVING OR ACTUAL EVENTS IS PURELY COINCIDENTAL.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top