Let Me Be The One

Si Kyungsoo at Kim Jong In ay matalik na magkaibigan simula pa noong limang taong gulang pa lamang sila.
Nag aral sila magmula elemaentary hanggang college sa School of Talents,
Sa kanilang pang elementaryang lebel, pinili ni Kim Jong In ang Dancing, at si Kyungsoo naman ay Singing..

Bata pa lamang sila ay alam na ni Kyungsoo ang pangarap ni Jong In..
Si Jong In ay isang mabuting anak sa kanyang mga magulang, ganon din si Kyungsoo.. Halos sabay silang lumaki..

Ngayon ay nasa ikaapat baitang na sila sa kolehiyo..
Dito magsisimula ang kanilang kwento...

"Kyungsoo walang masama kung mangarap ka ng mataas! Libre naman yun eh!"
"Jong In alam ko yon... Ang yabang mo kase." sagot ni kyungsoo saka umirap at sumipsip sa kanyang starbucks cofee.
Lagi silang magkasama. At madalas, pagkatapos mag aral ay nagpupunta muna sila ng mall..
"Balang araw, magiging sikat na dancer din ako! Tapos ikaw singer!! Sabay nating aabutin ang mga pangarap natin kyung!" sabi naman ni kai saka umakbay kay kyungsoo..

Jong In, paano kung isa ka sa mga pangarap na gustong gusto ko maabot? Sasabay ka pa kaya sa akin o iiwan mo nalang ako sa ere?
Sabi ni Kyungsoo sa sarili.

Napangiti si kyungsoo nang akbayan sya ni Jong In.
"Uy! Kyungsoo oh!! May videoke duun! Kanta ka daliii!!" sambit ni jong in sabay turo sa videoke booth sa may Quantum at hinila si Kyungsoo sa loob nito..
Napangiying muli si Kyungsoo nang hawakan ni Kim Jong In ang kamay nya..

"Jong In kagagaling lang natin ng school eh!" sambit ni kyung
"Eh kulob naman eh hindi yaaan!"

Nang makapasok sila ay agad na kumanta si Kyungsoo..

"Kasalanan ko ba?
Kung iniibig kita?
Di ko naman sinasadya..
Ang mahalin kita.."

Jong In, kung alam mo lang ang nararamdaman ko para sayo.. Siguro ay matagal mo na akong iniwasan..

Sambit ni kyungsoo sa sarili..
Matapos syang kumanta ay hinawakan ni kyungsoo ang kamay ni Jong In..

Desperada na kung desperada pero mahal ko talaga sya, gusto ko malaman na nya ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya..

"Jong In, kasalanan ba ang magmahal?" tanong nito.
"Syempre hindi! Bakit naman?"
Nagsimula nang bunuhos ang mga luha ni kyungsoo..
Isniksik nya ang ulo nya sa leeg ni Jong In.. Niyakap naman sya nito..

"Jong In kasi.....

Gusto kita... Mahal na kita Kim Jong In" umiiyak na sabi ni kyungsoo.
Tinap ni jong in ang likod nya..

"Kyungsoo.... Naiintindihan kita.. Mahal din kita.. Pero alam mo, isa to sa mga pinakamasarap na pakiramdam na naramdaman ko sa buong buhay ko.. Pero kyung.... Mahal ko din si krystal.. Hindi ko sya kayang iwan.. Mahal din kita..
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag wala kayo.. Pero kyungsoo.. Wag kang lalayo ha? Mahal din kita, Do Kyungsoo.." sagot ni jong in saka itinaas at hinarap ang mukha nya kay Kyungsoo at hinalikan ito sa labi..

Jong In...

Ikaw ang... First Kiss ko... Mahal na mahal kita..

Dumampi ang mga labi ni Jong In sa labi ni Kyungsoo..
Isang halik na habambuhay nyang itatago sa kanyang puso..

~~~~~~~~~~

"Jongin ano ba wag ka ngang magulo nag luluto ako!!" naiinis pero kinikilig na sabi ni kyungsoo kay jongin..
Hinahalikan kasi sya nito sa leeg at naka back hug pa..
"Namiss kita.. Pati yung luto mo namiss ko din.."
"Mhm.. Sige na umupo ka na du--" naputol sa pagsasalita si kyungsoo nang halikan sya ni Kai sa labi..

Hindi pa lubos na nagsisink in sa isip ni kyungsoo na sya ang pinili ni kim jong in...

Bukas na ang graduation nila.
Pero may isang lihim si Do Kyungsoo na ayaw nyang malaman ni Jong In..
~~~~~~~~~~~~~~
GRADUATION DAY
"Kyungsoo!!! Mamimiss kitaaa!!!" sigaw ni joonmyeon kay kyungsoo saka ito niyakap ng mahigpit.
Sa isang Graduation, hindi mawawala ang iyakan.. Highlight to ng isang graduation..

Sa araw na iyon.. Hindi nakita ng mga mata ni Kyungsoo si Jong In..

Nasaan kaya si Jong In?
Tanong ni kyungsoo sa sarili nya..

"Joonmyeon, t-tara.. Magpalit na tayo.. Tapos na nga naman na diba? Picture taking nalang okay na." sabi ni kyungsoo kay joonmyeon..
Tumango naman si joonmyeon kaya agad na silang dumiretso sa CR.

Nasa unahan si kyungsoo at nasa likod naman si joonmyeon..
Labis na ikinagulat ni kyungsoo ang nakita nya..
Si Jong In..

At Jung Krystal...

Magkahalikan....

Sobrang sakit nito para kay kyungsoo..

Kasi bukod sya makakapag palit... Baka oras na din ng kamatayan nya ngayon..

Kinagabihan ay si kyungsoo lang ang magisang umuwi ng Apartment nila ni Jong In..
Agad syang umakyag ng kwarto at doon umiyak nang umiyak..
Kasabay ng mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata ay ang malakas na pagbuhos ng ulan..

Hindi na nya alam ang gagawin nya...

Ilang oras pa ay nakarinig sya ng kalabog sa gate..

Kilala nya yon..

Agad syang bumaba kahit na iyak pa din sya ng iyak..

Lumabas sya at nang makita nya si jong in na basang basa sa ulan, binuksan nya ang gate..

Bakit?

Iiwan na nya si Jong In.. Aalis sya.

Niyakap sya ng sobrang higpit ni Jong In.. Pero kumalas sya dito at sinampal ng malakas si jong in..

"Jong In bakit? Ano bang mali yung ginawa ko para ganituhin mo ko? Bakit ngayon pa jong in! Buong buhay ko...
Wala akong ibang ginawa kundi ang intindihin ka jong in!!! Tapos ganito igaganti mo saken ha? Sabihin mo sakin.. Kailan ako nagkamali sayo ha? Akala ko ba ako yung pinili mo kesa kay krystal? Bakit ganon yung makikita ko jong in? BAKIT?!!"

Flashback
...
Kyungsoo's POV

Mamamatay na ba ko?
"Joonmyeon, lipat tayo ng CR."
sambit ko kay joonmyeon.. Kaya ko pa bang kimkimin yung nakita ko?

Bakit Kim Jong In?

Dahil sa hindi ko na kaya ay agad kong niyakap ng mahigpit si joonmyeon..

"Joonmyeon...." lalong bumuhos ang mga luha ko.
"Hindi na ko mahal ni Jong In.. Ayaw na nya sakin.." umiiyak na sabi ko sa kanya habang pahigpit ng pahigpit ang yakap ko.
"K-Kyungsoo" sambit ni joonmyeon saka yumakap pabalik..

Hindi mo lang alam Jong In.

Sobrang sakit.. Sobrang sakit..
Bakit?

End of Kyungsoo"s POV
End of Flashback...

"Ayoko na Jong In! Napagod na ko.. Siguro hanggang dito nalang ang storya ko.. Siguro hindi talaga tayo para sa isat isa Jong In.. Paalam.. Sana maging masaya ka kasama si Krystal... Mahal kita.." umiiyak na sabi saka hinalikan si Jong In sa labi..
Saka ito tumakbo paalis..

Naiwan si Jong In..
Napaluhod sya sa gitna ng ulan at umiyak ng umiyak..
Nasaktan din sya sa nangyari..
Hindi nya ginusto na ganun ang mangyari sa kanila ni krystal..

Nilasing sya ni krystal noong gabing yon.

Oo nagsex sila.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Tatlong taon na ang lumipas...
Dancer na si Jong In. Nakikita na sya sa TV, sikat na..

Natupad nya ang mga pangarap nya sa buhay..
Pero hindi nawawala ang pagmamahal nya kay kyungsoo.. Mahal na mahal nya ito..

Asaan nga ba si Kyungsoo?
"Pasensya ka na Mr. Do, kumalat na ang cancer sa iyong katawan.. Hindi na ito kaya pang magamot chemo theraphy.. I'm really sorry.
May taning na din ang buhay mo.. 3 weeks ka.... Nalang na mabubuhay Mr. Do" malungkot na sabi ng doktor sa isang payat, at kalbong si Do Kyungsoo.
(Guys wag nyo imaginine na kalbo sya, isipin nyo may ano sya sa head.. Yung sarong? Yung pagnakakalobo ang babae diba? Ayun)
Wala nang ibang ginawa si Kyungsoo kundi ang umiyak ng umiyak sa mga balikat ni Yeol... Ang kaibigan nyang may lihim na pagtingin sa kanya..
"Chanyeol...." umiiyak na sabi niya dito..
Wala na syang magagawa..

Sya si Do Kyungsoo na nag akalang hindi na sya mahal ni Jong In..
Payat, wala nang buhok.. At namumutla na dahil sa colon cancer na kumalat na sa katawan nya..

(2 weeks later)
January 12, 2016 [Pang apat na araw sa mundo]

"HAPPY BIRTHDAY KYUNGSOO!!!" Bati nila baek kay kyungsoo saka inabot ang cake dito...

Sa ospital nila cinelebrate ang kaarawan ni kyungsoo..
"Akala ko baekhyun.. Hindi nyo maaalala nila joonmyeon at yeol.. Salamat" naiiyak na sabi ni kyungsoo habang nakahiga sa kama.

"Pwede ba yon?" naiiyak na sagot naman ni baekhyun saka niyakap si Kyungsoo...

"Ah.. Kyungsoo" - Yeol
Lumingon si Kyungsoo
"Ah... Maadvance daw.." naiiyak na sabi ni yeol..
Napayuko si kyungsoo at umiiyak na tumango.. Grinoup Hug naman sya nila joonmyeon, bumuhos ng todo ang luha ni baek. Lumuhod sya at hinawakan ang kamay ni Kyungsoo.
"Kyungsoo.... Sana.... Wag mong kalimutan yung,... Yung mga pinagsamahan natin..."
Umiiyak na sabi bi baekhyun.
Nadamay si kyungsoo kaya lalo itong naiyak..
"Hindi ko kayo iiwan... Pangako yan..." umiiyak na sagot niti.. Niyakap naman sya nila chanyeol.

Tok tok!

Agad na binuksan ni joonmyeon ang pinto. Niluwa nito ang isang kim jong in.. Umiiyak, nanlulumo,.. Parang wala sa sarili.. Tinignan nya si Kyungsoo ngunit nag iwas ng tingin si kyungsoo.. Lumapit sya dito at niyakap si kyungsoo ng mahigpit.. Matapos yon ay hinawakan nya ang balikat ni kyungsoo saka niyugyug ito..
"BAKIT KYUNGSOO? BAKIT HINDI MO TO SINABI SAKEN HA? BAKIT?!! BAKIT KAILANGANG SA IBANG TAO KO PA MALAMAN? BAKIT?!!!!" Bulyaw nito kay Kyungsoo..
"Buong tatlong taon kitang iniisip kyungsoo! Kung ano nang nangyari sayo! Kasi mahal na mahal na mahal kita kyung!! Iniwan ako ni Krystal at alam ko na ikaw nalang ang nakakaintindi sakin! Kyungsoo baki--"
"JONG IN KASE NATATAKOT AKO! GANUN DIN AKO JONG IN! PINILIT KITANG KALIMUTAN PERO NATALO AKO! JONG IN MAHAL PA DIN KITA!! HININTAY KO ANG PAGBABALIK MO!" Humahagulgol na sagot ni Kyungsoo..
Niyakap nya si Jong In..

At muli na nga silang nagkaayos..
~~~~~~~~~~~~~
January 13, 2016[Huling isang araw sa mundo]
Nagising si kyungsoo sa liwanag ng kurtina ng ospital.
"Jong In?" tawag nya pero walang sumagot.. Sya lang ang nasa loob ng kwarto.. Nagulat sya ng may pumasok na pari sa loob ng kwarto..
"S- Anong meron?" tanong nito sa pari ngunit hindi sumagot ang pari.. Bagkos ay pinapasok nya si Yeol, Joonmyeon, at Baekhyun sa loob, nakasuot ito ng tuxedo.. At may white rose sa bulsa ng tuxedo.. Nakangiti sila..
Maya maya ay may pumasok na bata.. May dala itong singsing, dalawang pares..
"Baek, sinong ikakasal?" tanong ni kyungsoo.
Sunod na pumasok si Jong In na nakatuxedong puti.
"J-Jong In.."
Lumapit si Jong In kay kyungsoo at hinawakan nya ang kamay nito.
"Tayo Kyungsoo.. Tayo.." sagot ni Jong In saka lumuhod, umayos naman si Kyungsoo ng higa..
"Simulan na natin ang kasal, ikaw Do Kyungsoo.. Tinatanggap mo ba si Kim Jong In bilang iyong kabiyak? Sa hirap at ginhawa?*chuchuchu*"

"Opo.. Tinatanggap ko" umiiyak na sagot ni Kyungsoo.
Gayon din naman ang sagot ni Jong In nang tanungin sya ng pari..
Agad nyang kinuha ang singsing.. Saka sinuot ito kay kyungsoo..
"Mahal na mahal kita Kyungsoo" sambit ni Jong saka hinalikan ang kamay ni Kyungsoo.
Tanggap na din ni Chanyeol ang lahat, na pagkakaibigan lang ang kayang ilaan ni Kyungsoo sa kanya..

Hindi hadlang ang pagkakasakit ni Kyungsoo para maituloy nila ni Kim Jong In ang inaasam nilang habambuhay na pag iibigan..
Pag iibigang naudlot.. Ngunit ngayo'y naituloy na..

Kasabay nv pagsuot ni Kyungsoo ng singsing kay Jong In ay ang pag awit ni Baekhyun..

"I'll never go far away from you, even the sky will tell you.. That I need you so.. For this is all I know,
I'll never go, far away from you.."

"Mahal din kita Kim Jong In.. Mahal na Mahal.." sambit ni kyungsoo saka ngumiti..

"You may Kiss the Bride!" mahinang sabi ng pari na sya namang ginawa ni Kyungsoo at Jong In..

Sa pangatlong pagkakataon..

Nahalikang muli ni Jong In ang hugis puso at malalambot na labi ni Kyungsoo..

Nagpalakpakan sila Baekhyun..

Lihim ang kasal na ginawa na Kyungsoo dahil alam nilang hindi ganon kadali para sa kanilang mga magulang na tanggapin ang kanilang pagmamahalan. Lalo na ng ibang tao.. Matapos ang kasal ay nagkaroon ng maliit na salu salo ang lima sa loob ng kwarto.. Kinagabihan naman ay umuwi din muna sila..

Bukas, kaarawan ni Kim Jong In..
Bukas na..
Paalam Kim Jong In..
Mahal na mahal kita..
Hinding hindi kita makakalimutan,
Mananatili ka sa puso ko..
Habambuhay..
Habambuhay..

Sambit ni Kyungsoo sa sarili habang lalong hinigpitan ang pagyakap nya kay Kim Jong In..
"Mahal na mahal na mahal kita..... Kim Jong In.." nakangiting sambit nito saka siniksik ang mukha nya sa leeg ng binata.
"Mahal na mahal na mahal din kita.. Do Kyungsoo" sagot naman ni Jong In saka hinalikan ang mababangong buhok ni Kyungsoo.

~~~~~~~~~~~~
January 14,2016
[Kaarawan ni Kim Jong In.. Ang huling Araw]
Nagising si Kyungsoo sa huling liwanag na masisilayan nya, anumang oras ngayon ay mawawala na sya.. Hindi na sya takot mamatay, dahil alam nyang naayos na ang lahat..
"Happy Birthday... Kim Jong In.." nakangiti nyang bungad sa bagong gising na si Kim Jong In. Hinalikan nya ito sa labi.
"Ang tanda mo na." natatawang sabi ni Kyungsoo..
"Wow ah!" sarcastic na sabi ni Kim Jong In saka muling hinalikan si Kyungsoo..
"Ngayong birthday ko, gusto kong makasama yung taong pinakamamahal ko. Ikaw kyungsoo.. Gawin natin ang mga gusto nating gawin.."
Sambit ni Jong In kay Kyungsoo.. Tumango naman si Kyungsoo habang umiikot sa kanyang isip ang lahat ng mga posibleng mangyari mamaya..

Pagkatapos nilang mag almusal ay naligo na si Kyungsoo, ganun din si Jong In..
Pagkatapos ay nagbihis na sila.. Nagtaka naman si Baek nang makita silang nakapang alis.
"Oh san lakad nyo?" tanong ni Baekhyun
"Ah may pupuntahan lang baek"

"Happy Birthday Jong In!" biglang nakaalala si Baekhyun kaya niyakap nito si Jong In..
"Salamat Baekhyun.." nakangiting sagot ni Jong In saka na sila umalis.

Pupunta sila sa isang Isla..
At alam na din ni Kyungsoo na malapit na syang mag paalam.. Dahil nakakaramdam na sya ng pagod at mas lalo na syang namumutla.
Nang makarating sila sa Isla, hapon na.. Maganda ito dahil mapapanood nila ang Sunset.

Habang naglalakad sila sa dalampasigan, magkahawak ang kamay habang nakayapak.
"Jong In," sambit ni Kyungsoo sabay hawak sa pisngi ni Jong In
"Bakit Kyungsoo..?"
"Isa ka sa mga pinakamagandang nagyari sa buhay ko.. Mahal na mahal kita.."
"Mahal din kita. Do Kyungsoo.." matapos ito ay hinalikan nya si Kyungsoo sa gitna ng lumulubog na Araw.
Isang halik na hinding hindi malilimutan ni Kyungsoo. Pagkatapos ay naupo sila sa isang bench..
Pagkatapos ay nahiga si Kyungsoo, ipinatong nya ang ulo nya sa nakaupong si Jong In..

"Jong In.. Kapag wala na ako.. Wag kang madedepress ha.. Kakain ka lage. Gusto ko healthy ka kahit na wala na ako..
Lagi mong ipapaalala kila baekhyun na mahal na mahal ko sila.. Sana wag mong kalimutan yung maraming taon na pinagsamahan natin kung sakaling makahanap ka ng ipapalit sakin..
Hinding hindi ako bibitaw sa pagmamahal ko Jong In.. Pasensya ka na kasi.. Naging maayos lang lahat kung kailan mamamaalam na ako. Pero at the same time, napakasaya ko... Kasi binalikan mo ako Jong In, hindi mo ako tuluyang inalis sa isip at puso.. Ganun din ako Jong In, hindi ko magawang magalit sayo kasi mahal na mahal kita.. Higit pa sa iniisip mo.. Let me be the One Jong In, let me be the one to sacrifice, siguro ito ang ganti sa akin kasi hindi kita pinakinggan noong gabing malakas ang ulan..
Mahal na mahal kita Jong In.."

Pagkasabi nito ay tumingin sya sa binata saka ngumiti.. Umiiyak si Jong In

"Kyungsoo.. Hindi mo naman kami iiwan eh.. Habambuhay kang mabubuhay.. Ipaparamdam ko sayo lahat ng pagmamahal na hindi ko naparamdam noon.. Hinding hindi kita kakalimutan Kyungsoo, kasi alam ko na bukas.. Makikita ko pa din yung maamo mong mukha, sabay pa rin tayong matutulog at magigising"
"At isa pa, yang sakit mo? Hindi yan karma kyungsoo.. Sinubukan lang ng Diyos kung sa kabila ba ng maraming problemang pinagdadaanan mo, kaya mo pa rin ba kung ganito. Binalikan kita kasi alam ko na mahal pa din kita at ganin din ikaw.. Wala kang kasalanan kyung... Mahal..
Na.. Mahal.. Din kita..." umiiyak na sabi ni Jong In saka hinawakan ang kamay ni Kyungsoo at hinalikan ito..








Parang kusa itong bumitaw sa kanyang pagkakahawak..
Dumulas ang kamay ni Kyungsoo sa pagkakahawak nya...
Nung mga oras na yun....

Lalong bumuhos ang mga luha ni Jong In..

Naglakad na ang isang Kyungsoo sa dalampasigan suot ang isang puting puting damit..
-----------------------------------------

Binuhat nya si Kyungsoo pauwi.. Naglakad lamang sya nang nakayapak.. Gusto nyang damayan si Kyungsoo sa pagsasakripisyo nito...
Nang makauwi sila..
Inihiga nya si Kyungsoo sa couch..
"Baekhyun, bumitaw na sya" umiiyak na sabi mi Jong In saka lumuhod sa harapan.. Pinatayo naman sya ni Baekhyun.. Naalala ni Jong In ang mga sinabi ni Kyungsoo...
"Mahal na mahal ka ni Kyungsoo Baekhyun.. Mahal na mahal..."
Pagkasabi non ay niyakap nya ang umiiyak na si Baekhyun..

×××

Tuwing pinagdiriwang ni Jong In ang kaarawan nya, lagi syang nasa puntod ni Kyungsoo.. Isang medjo matanda nang Kim Jong In..
Limang taon na ang nakalipas nang mawala si Kyungsoo.. Nanatili syang matatag at hindi sya bumitaw kay Kyugsoo.. Katulad nang dinabi nito noon.. Hindi sya bibitaw sa pagmamahal nya kay Jong In..
Napapikit si Jong In at inalala nya ang mga masasayang nangyari sa kanila ni Kyungsoo..

At naramdaman nya ang isang halik sa kanyang pisngi.. At isang yakap mula sa likod nya..

Sa mga oras na iyon.

Nagtapos ang isang kwento ng wagas na pagmamahalan..

Pagmamahalang hindi binitawan..

At higit sa lahat..

Isang pagmamahalan na pinagitnaan man ng kamatayan ay nanatiling pagmamahalan..

×××

WAKAS
















Hay!! Natapos na syaa!!
Pasensya na sa mga naiyak. Mehehezzz.. Ganito talaga.

Maraming salamat sa suporta nyo sa The Mermaid at Starting Over Again!!
Kahit konti lang ang votes nun.. Masaya na ko.. Sobra. HIHIHI.

Keep tha Kaisoo Otp sailinnnngggg!!!
Hanggang dito nalang!!! Salamat!! xoxo~
- ChinChinn

(This Kaisoo One Shot is Dedicated to gracedelvalle96 HahuYeah and kylaxalyk pwede naman kung triple dedications diba? Hehehe)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top