Finale
What does it really mean to love?
To most people, this is when you are at your happiest. This is where you share fondest of moments with that special someone. And this is when you wish that your 'once upon a time' will lead to your 'happily ever after'.
But what about the sad days? Will those memories fade and fairytales end?
──ʚ♡ɞ──
It's been exactly three weeks since I tried reaching out to you and three weeks that you never tried to call me back nor even read the messages I sent.
Gabi-gabi akong lumuluha habang paulit-ulit kong binibigyan ng rason ang sarili ko kung bakit hindi ka nagpaparamdam. Pinapaniwala ko ang sarili ko na busy ka sa trabaho kahit na saliwat ito sa mga nakikita ng mga tao sa paligid ko.
"Buksan mo ang mga mata mo, Macey!" saad ni nurse Yvonne sa akin nang minsan niya akong nakasama sa shift. Napag-alaman na nilang ikaw ang lalaking nasa video at lahat sila'y pilit akong pinapangiti sa tuwing lalabas na naman ang mga luha ko.
"You deserve someone better, Ma'am Macey." palaging saad ni John sa tuwing nakakasama ko siya sa shift.
I inhaled air as if my life depended on it. I wanted to gather all the strength I need as my cab slowly came to a halt.
"Ma'am, narito na tayo." saad ng taxi driver nang tuluyan na niyang maiparada ang sasakyan sa tapat ng bahay ninyo.
Tiningnan ko iyon at nakita ang daloy ng tubig na may kasamang sabon. 'Siguro'y may nililinis si tito.' Sambit ng isipan ko.
"Manong, pakiantay na lang po ako rito. May kakausapin lang ako." Paalam ko sa driver bago ako tuluyang bumaba. Isang malalim na hininga muli ang aking inipon. "It's now or never." pagpapatatag ko sa kalooban ko.
Pahigpit nang pahigpit ang hawak ko sa strap ng shoulder bag ko habang papalit ang mga habkang ng paa ko tungo sa bahay ninyo. Hindi ako sigurado kung makikita kita ngayon rito ngunit laking pasasalamat ko nang lumabas ka mula sa pintuan at may dala-dalang basahan habang tinutungo ang isang bagong sasakyan na nakaparada sa inyong garahe.
Kulay puting Honda Civic, ang kotseng nais mong bilhin sa una mong suweldo at mukhang ito ang nililinisan mo.
"Macey!" Magiliw na tawag sa akin ng papa mo nang masilayan niya akong nakatayo sa gate ninyo. Pinagbuksan niya ako't pinatuloy. "Ang tagal mong hindi nagpakita rito, ah! Sandali't ipaghahanda ka namin ng meryenda."
Ayaw ko mang tanggapin ang alok ng papa mo'y wala na akong nagawa dahil kaagad siyang pumasok sa loob ng bahay ninyo at wala ka nang nagawa kundi ang harapin ako.
Kung noo'y punong-puno ng lambing at pagmamahal ang mga mata mo sa tuwing nakikita mo ako, ngayo'y hindi ko na mabasa kung ano ang nasa isipan mo ngunit klarong-klaro sa pagkunot ng noo mo na ayaw mo akong makita sa araw na ito.
Tila sinaksak na naman ng libo-libong punyal ang puso ko nang makitang hindi ka natutuwa sa presensya ko.
I inhaled air again and again as if it was the only thing that is giving me strength right at this very moment.
"Kamusta ka na?" Malambing kong tanong sa 'yo.
Ang dami kong gustong sabihin katulad ng "I miss you" at "I love you" ngunit tanging "kamusta ka na" lamang ang nakayanan kong isaboses nang masilayan ka.
God knows how much I wanted to run to you and embrace you because I have missed you that much.
Hindi mo ako sinagot, bagkus ay nagpatuloy ka sa paglilinis ng kotse mo. Sinundan kita na siyang ikinairita mo, ayaw mo mang sabihin ngunit halata sa ekspresyon sa mukha mo.
"Mickey... c-can we... talk?" Pinilit kong huwag pumiyok ang boses ko. Pinilit ko ang mga luha kong huwag akong traydurin sa mga oras na ito,
You gave out a long sigh before standing straight. Ibinato mo ang basahan sa maliit na timba bago mo ako hinarap. "Make it quick! May pupuntahan pa ako!"
Sakto namang nag-vibrate ang cellphone mo na nakapatong lamang sa maliit na garden table. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pangalang naroon – 'Babe calling...'
Kaagad mong kinuha iyon at pinatay ng tuluyan ang cellphone mo.
Para akong isang salamin na nawasak. Totoo nga ang sinabi nila sa akin, iba ang sakit na mararamdaman ko kapag ako mismo ang nakakita ng katotohanan kaya naman inihanda ko talaga ang sarili ko sakali mang mangyari iyon.
Akala ko makakayanan ko. Akala ko kaunting sakit lang ang mararamdaman ko dahil sa loob ng tatlong linggo ay kinumbinsi ko ang sarili kong magiging matatag ako kapag nagkita tayo.
Pero akala ko lang lahat ng iyon.
"If you have nothing to say..."
Hindi na kita pinatapos pang magsalita at bigla na lang kitang niyakap ng husto na siyang ikinagulat mo. Tumulo ang mga luha ko at ibinaon ko ang mukha ko sa balikat mo. "I know..." garalgal ang mga boses ko at hindi ka pa rin nakibo. "I know all about her..."
Unti-unti akong bumitaw sa 'yo at nagtataka kang tiningnan ako. Hindi ka nagsalita ngunit wala ka ring kibo.
Pinunasan ko ang mga luha mula sa mga mata ko at pilit kang nginitian.
"Alam mo na pala. Bakit ka pa naparito?" umiwas ka ng tingin nang tanungin sa akin ang bagay na iyon.
Pinakalma ko ang sarili ko bago nagsalitang muli. "Because I wanted to see you for one last time." I responded truthfully.
Your eyes looked confused gazing back at me.
"Hindi kita pahihirapan. Hindi rin kita papipiliin pa." Humakbang ako papalapit sa 'yo habang may inaabot ako mula sa bulsa ko. I held onto it with all my might. "Salamat sa lahat ng masasayang mga alaala. You are my first, true love, Mickey. Wala akong ibang hinangad kundi makasama at mahalin ka araw-araw."
Napalunok ka sa mga sinabi ko. Mukhang hindi ito ang inaasahan mong magiging reaksyon ko.
Kinuha ko ang kanang palad mo. Kunot ang noo mong tinitigan ako nang maramdaman mo ang munting malamig na metal na ipinatong ko doon.
"Mahal na mahal kita kaya pinapalaya kita." I tried to put a smile on my face but I can no longer put up a show. "At kailangan ko na ring mahalin ang sarili ko kaya't sana'y mapalaya mo rin ako."
Hinaplos ko ang iyong pisngi. Alam kong ito na ang huling pagkakataong magagawa ko ito kaya hindi ko na pinalampas pa. Ilang segundo rin akong nanatili sa ganoong ayos bago ako bumitaw. "Good bye, Mickey."
Tinalikuran na kita nang tuluyan sa mga sandaling iyon at dali-dali kong binalikan ang taxi na kanina pang naghihintay sa akin. "Manong, derecho na ho tayo sa airport." utos ko sa driver.
Isinuot ko ang aking earphones at nagpatugtog ng musika. Isinuot ko ang dala kong shades at pumukit ng mariin. Hinayaan kong iduyan ako ng bako-bakong daanan patungo sa airport kung saan naghihintay si Mrs. Ventura. Ngayon ang alis namin patungo sa Europe at tinanggap ko ang offer niya.
I already deleted all my social media accounts. I want to have a fresh start beginning today. Sarili ko naman muna ang pipiliin at mamahalin ko para mabuo muli ako.
HALOS takbuhin ko ang pasilyo tungo sa VIP lounge nang makapasok na ako sa departure area ng airport. Hinanap ko kaagad si Mrs. Ventura at hindi naman ako nahirapaan doon. Her contagious laughter and flambouyant attire was eye-catching at may dalawang bodyguard na nakaharang sa kaniya.
"E-Excuse me, ako po yung personal nurse ni Mrs. Ventura!" Pagpapakilala ko sa dalawang matatangkad na bodyguards niya.
"You're finally here! Sabi ko naman ipasusundo na lang kita sa driver ko, eh." Nakangiting sambit ni Mrs. Ventura nang masilayan ako.
Tinanggihan ko ang alok niyang iyon dahil gusto kong magpaalam kay Mickey bago ako tuluyang umalis ng bansa. I did it to have my own peace of mind.
Ngumiti lamang ako sa kaniya at hindi na nagbigay pa ng dahilan. Maya't maya'y kumaway siya kaya napatingin ako sa gawi ng taong iyon. Namilog ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ang paparating.
"D-Doc Hanz?"
"Nurse Macey?"
"Ano'ng ginagawa mo rito?" Pareho naming tanong sa isa't isa. Ang mga mukha nami'y punong-puno ng pagtataka.
Tumayo mula sa kinauupuan si Mrs. Ventura at kinausap ang kaniyang mga kasamahan. "My personal doctor and my personal nurse are here. Let's go! I think we'll board soon."
Nagpatiuna na itong naglakad patungo sa aming boarding gate at sumunod na lamang kami.
"You're ready to leave everything behind?" Doc Hanz asked once we were already inside the airplane. Magkatapat kami ng upuan dito sa VIP area.
Ngumiti ako ng malapad at walang halong pilit bago ko sinagot ang tanong niya. "I'm ready to start anew."
END.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top