02
We have created lots of wonderful memories. We started travelling to nearby provinces once a year, we challenged our college selves to get a high mark on every activity and whoever loses will put a thousand bill on our shared piggy bank for our next vacation trip.
Una sa Tagaytay lang, sunod ang hiking natin sa Sagada, hanggang sa marating natin ang magandang isla ng Boracay kasama ang ating pamilya at minsan pa ay mga barkada.
Taong 2016, sa ating ika-limang anibersaryo, pumunta tayo sa Japan at dinala ako sa Disneyland. May picture pa nga tayo sa mascot ni Mickey Mouse. Dahil sa'yo kaya ko sya naging paborito. Sinabi mo kasing sa tuwing maiisip kita, tignan ko lang sya para maalala ka. Effective nga!
Yan ang una nating out-of-the-country trip, yan din ang promise nating ireregalo natin sa mga sarili natin kapag grumaduate na tayo kahit na tutol ako, pero nakumbinsi mo ako sa linyang "reward mo sa sarili mo, iniyakan mo ng dugo at pawis ang diploma mo." dahil ang sunod nito ay ang pagrereview nating pareho para makuha ang ating lisensya sa propesyong napili nating pareho.
Taong 2017 ng magpunta tayo sa Thailand para i-celebrate ang ika-anim na taon natin bilang magkasintahan at taong 2018 naman ng magpunta tayo sa Singapore upang i-celebrate ang pagkapasa nating pareho sa exams. Naudlot iyon last year dahil namatay ang alaga kong aso at halos wala akong gana sa lahat. Kahit pa pumasa tayo ay nanaig pa rin ang kalungkutan ko dahil wala na yung alaga ko.
August 7, 2018 sa eksaktong a las 10:00 ng umaga, tapat ng Merlion. Habang abala ang bawat tao sa kani-kanilang ginagawa, ako'y iyong sinorpresa. Naghanda ka ng tatlong tao upang tumugtog gamit ang kanilang trumpeta sa salin ng kantang 'Got To Believe', ang kantang alay mo sa akin.
Nakuha mo ang atensyon ng daan-daang tao na naroon, lalo na ako na hindi alam kung ano ang gagawin. Lumuhod ka sa harapan ako, hawak mo ang isang maliit na kaha na naglalaman ng singsing habang nakangiting sinasaad ang mga katagang nagpadalos ng luhang dulot ng kagalakan.
"Macey, will you please carry my last name and be my queen for eternity?" nakangiti at nangangambang tanong mo.
Napatingin ako sa likod mo dahil nahagip ng mata ko ang mommy mo. Nasorpresa ako ng makita ang pamilya mo kasama ang papa ko na masayang masaya sa kanyang nasasaksihan. Itinaas nya ang dalawang hinlalaki at tumango-tango pa. Once again, you have gained my father's approval.
Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko at tatatango-tango habang sinasagot kita ng "yes. Yes, I will be your queen!"
Isinuot mo ang singsing sa daliri ko kung saan nararapat bago ka tumayo mula sa pagkakaluhod at hinalikan ako sa noo. Niyakap mo ako ng sobrang higpit ng mga sandaling iyon, sobrang higpit na parang ayaw mo na akong pakawalan.
Everything was almost perfect. You are no an engineer at a small company while I was a volunteer nurse at a public hospital. Nagkasundo tayong magkaroon ng longterm engagement upang mapag-ipunan ang plano nating pagpapakasal.
Masaya naman tayo noong una hanggang sa nagsara ang kompanya ninyo pitong buwan matapos kang ma-kontrata at nahirapan ka ng makahanap pa ng bagong papasukan habang nagkaroon naman ng malubhang sakit ang papa ko. He was all I had left kaya naman ng inirekomenda ako ng Head Physician na mag-trabaho bilang isang ganap na nurse sa isang private hospital ay tinanggap ko dahil kailangan ko ng pera para maipagamot si papa.
Inintindi mo ako noon at sinuportahan sa desisyon ko. Lumipas ang ilan pang buwan bago magpasko ngunit hindi ka pa rin nakahahanap ng bagong trabaho. Isang gabi, ng patapos na ang shift ko, hinintay kita sa labas ng hospital ba pinagta-trabahuan ko dahil sinabi mong susunduin mo ako per pagdating ko doon ay wala ka pa. 11:05 PM na noon at ni minsan ay hindi ka na-late. Inisip kong marahil ay traffic kaya naghintay pa rin ako.
Kalahating oras na ang nakalilipas ng lumabas ang isang nagreresident doctor, si Hanz. "Nurse Macey, naiwan mo." mahinang sambit nito habang iniaabot sa akin ang wallet ko kung saan naroon ang ID ko.
Gulat kong tinanggap iyon. "T-Thank you, doc!" sagot ko sa kanya. Sa kamamadali kong lumabas sa locker ko ay hindi ko napansing naiwan ko pala ito doon.
Ngumiti si doctor Hanz sa gawi ko. Tatlong taon ang tanda nya sa akin at sya madalas ang nakakasabay ko sa shift ko. "Wala yun. I'll see you tomorrow, nurse Macey. Room 1043 is demanding." casual nitong saad na ang tinutukoy ay ang pasyenteng ayaw sa ibang doktor at nurse kundi sa amin lang.
VIP patient iyon kaya halos lahat ng demands nya ay sinusunod namin lalo na't isa ito sa mga major stockholder ng hospital na pinagta-trabahuan ko.
Ngumiti ako pabalik at sasagot sana ng bigla mong sinugod ang doktor. Sinuntok mo sya sa kanang pisngi at sa lakas nun ay napabagsak sya sa lupa.
"M-Mickey!" pagtawag ko sa pangalan mo habang inaawat ka. Dumating din ang security guard para sawayin ka.
Nanatiling nakatayo si doc Hanz sa likod ko, pinunasan ang nagdurugong labi nito. "Mickey, ano ba?"
Napatigil ka sa pagwawala, naamoy ko ang alak sa hininga mo ng hilain mo ako't dinuro si doc Hanz. "Hoy, ibang nurse na lang ang landiin mo dahil sa akin ikakasal si Macey!" banta mo, dinuro mo pa nga sya.
I mouthed the word 'sorry' to doctor Hanz at tumango na lamang sya dahil hinila mo ako patungo sa taxi. Halos itulak mo akong papasok at pabagsak mong isinara ang pintuan. Wala tayong imikan habang nasa byahe at napaka-uneasy nito sa akin. Hindi ako sanay.
Hindi ko na hinintay na pagbuksan mo ako ng pintuan nang makarating tayo sa tapat ng bahay namin. I was very disappointed with you that time.
"Mace!" tawag mo sa akin. Hinawakan mo ang kanang braso ko para pigilan ako sa pagpasok ko sa aming bahay. "I'm sorry..."
Napatingin ako sa'yo ng nga sandaling iyon ng buong pagtataka. "Hindi ka sa akin dapat mag-sorry, Mickey." mahinahong banggit ko. "Iniabot lang sa akin ni doc Hanz ang wallet ko dahil nandito rin ang ID ko. Hindi ako makakapasok ng wala ito!" paliwanag ko habang pinipilit ang sarili na pigilan ang inis na nararamdaman ko.
Napahilot ka sa sentido mo na tila sumasakit ang iyon ulo. Doon ko napagtanto ang pagbabago ko. Tumubo na ang balbas na dati ay ayaw na ayaw mo, magulo ang buhok mong hindi mo na napapagupitan ng dalawang buwan, gusot-gusot rin ang t-shirt mo na dati-rati ay plantsadong plantsado.
Nilapitan kita at hinawakan ang pisngi mo. Pilit kitang pinatingin sa akin dahil umiiwas ka. "Ikaw lang..." saad ko ng sa wakas ay tinapunan mo na ako ng pansin. "Ikaw lang ang mahal ko. Ikaw ang pakakasalan ko at hindi ko magagawang saktan ka dahil mas masasaktan ako."
You gave out a long, deep sigh after hearing what I had said and slowly pulled me to a hug. Ilang minuto rin tayong nanatili sa ganoong posisyon bago mo maisipang papasukin na ako sa bahay para makapagpahinga na at ikaw nama'y uuwi na.
Matapos ng gabing iyon, naging okay ka na ulit dahil tinawagan ka kamo ng dati mong ka-klase at inalok ka ng trabaho. Napakasaya ko nun para sa'yo habang lalo namang lumulubha ang kalagayan ng papa ko. He has stage 5 leukemia and we already knew he wouldn't last. Nagbigay na ng palugit ang doktor nya ngunit ayokong bumitaw sa pag-asa na baka sakaling magkaroon ng milagro, na baka sakaling kahit kaunti lang ay madagdagan ang buhay nya.
Pero maramot ang tadhana. Kinuha na nga si mama sa akin ng ipinanganak ako, kinuha pa si papa sa akin isang araw bago ang pasko.
Sinubukan kitang tawagan sa cellphone mo dahil balisang balisa ako sa biglaang pagkawala ni papa pero hindi ka sumasagot. Ang sabi mo'y mayroon kayong tatapusing project kaya kailangan mong mag-overtime para wala ka nang aalalahanin.
Umiyak na lang ako ng umiyak sa isang sulok ng hospital suot ang aking damit pambahay. Ilang mga katrabaho kong nurses na rin ang kumuha ng ilang emergency break nila para patahanin lang ako pero kahit ano'ng gawin at sabihin nila ay hindi naibsan ang lungkot at sakit na nadarama ko.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nanatili sa ganoong estado ngunit nagising na lamang ako sa loob ng isang kwarto dito sa hospital.
Maliit ito, kulay puti ang kisame at dingding ngunit hindi tulad ng sa pangkaraniwang pasyente dahil nakakita ako ng ilang mga damit na nakasabit sa nakabukas na cabinet, dalawang baso sa maliit na mesang may pinagpatong patong na medical books at dalawang litrong bote ng tubig.
Nagbukas ang pintuan at saka pa lang ako napaupo mula sa pagkakahiga. "Nurse Macey!" biglang tumakbo si doc Hanz patungo sa akin kasunod si doc Hana, ang kakambal nyang doktor din.
"A-Ano'ng nangyari, doc?" tanong ko at kapwa silang napaupo sa gilid ng kama ko.
Kinuha ni doc Hanz ang kamay ko at inilapat ang dalawang daliri sa palapulsuhan ko, tila chine-check ang vital statistics ko. Bigla itong nakahinga ng maluwag at dahan-dahang ibinaba ang kamay ko.
"Normal na ang pulso mo." sagot nya sa akin saka kinuha ang isang basong sinalinan nya ng tubig at ibinigay sa akin na syang tinanggap ko.
"You passed out last night." sagot ng kakambal nito at hinaplos ang likod ng ulo ko. Malapit ako sa kanilang dalawa pati na rin sa mga ibang nurses na nakakasama ko sa mga duties ko.
"Overfatigue ang initial findings." dugtong ni doc Hanz at lumungkot muli ang mukha nito. "I... We're sorry for your loss." mahinang wika nito na nagpabalik sa alaalang wala na nga pala ang papa ko.
Napaalerto ako ng maalala kong tinatawagan ko si Mickey kagabi kaya naman inabot ko ang cellphone na nasa bedside table ko. Bumagsak ang mga balikat ko ng makitang wala ni isang missed call o text message mula kay Mickey.
Nakatulog kaya sya sa trabaho nya?
Siguro'y sobrang pagod sya kaya hindi na nya napansin ang mga tawag ko kagabi.
Sigurado akong darating sya kaagad upang damayan ako. Hindi nya ako pababayaan lalo na magiging isang pamilya na kami kapag naikasal kami.
Bumangon ako at nagpaalam sa dalawang doktor. Kahit pa tinututulan nila ako ay wala na rin silang nagawa pa. Marami pa akong dapat asikasuhin at hindi ko iyon maaaring ipagpabliban.
Kailangan kong ayusin ang discharge papers ni papa, maghanap ng cremation para tabi sila ng abo ni mama, at kung ano-ano pa.
"Bayad na ang discharge papers." nakangiting sambit ni Joan, ang pharmacist ng hospital na ito.
Gulat akong napatingin sa kanya. Wala akong maalalang nagbayad ako sa kanya kagabi.
"Binayaran ni patient 1043." sagot nya na mas lalong nakagulo sa pag-iisip ko. "Mukhang nawili sa'yo si Mrs. Ventura. Panay ang puri sa'yo at sinabi pang naaalala nya raw ang namatay nyang anak sa tuwing nakikita ka nya." paliwanag nito.
Kinuha ko ang resibo. Sa totoo lang, ayokong ibang tao ang umako sa responsibilidad ko. May naitabing pera naman ako at kaya kong bayaran ang nagastos dito.
"Ayon na pala sya oh!" turo nya sa aristokradang babae na patungo sa kanyang sasakyan.
Agad akong tumakbo para habulin sya, hawak ang resibong bayad na ng pera nya. "M-Mrs. Ventura!" tawag ko at napatigil ito. Sumenyas sya sa kanyang bodyguard na lumayo ng kaunti kaya nakalapit ako sa kanya. "H-hindi ko po matatanggap ito." nahihiyang banggit ko habang inaabot sa kanya ang resibong binayaran nya.
She smiled bitterly at that. "Then pay me when you can. Kahit paunti-unti." nakangiting sagot nya. "Or work for me as my personal nurse. I am old and I know persuading you to accept my help will not work."
"Personal... nurse?"
──────────
Your reads, votes, and comments are very much appreciated!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top