01
"Pangako, ikaw lamang ang pakamamahalin ko. Buong buhay ko ay iaalay ko sa'yo hanggang sa ang katawan ko'y maging abo. Ikaw at ako lamang kahit pa magunaw ang mundo."
──ʚ♡ɞ──
A bittersweet smile escaped my lips as I read the anniversary card you sent me for the nth time today. Tila ba bawat titik sa mga isinulat mo'y nagmistulang palaso at punyal na tinuturok ang aking luhaang puso.
I slumped on the wooden floor at the end of my bed surrounded by the gifts you have given me over the years we were together. Pictures from when we first met to the very last day we swore our love would never end.
I sprayed the half-emptied bottle of your favourite scent and hugged the Mickey Mouse stuffed toy you gave me on my birthday as tears came rushing down my cheeks once more.
Memories flooded my head as I rummaged over the scrapbook I made — a gift I was supposed to give you on our wedding day to remind you of how far we've come.
But destiny is cruel and my heart felt betrayed.
Taong 2009 nang tayo ay nagkakilala dahil sa liga ng basketball na ginanap sa aming bayan. Kayo ang kalaban ng sinusuportahan kong team, kung saan star player ang crush ko noon at ikaw naman ay nagpakitang gilas upang mapansin ko.
Nagulat pa nga ako isang umaga nang tawagin ako ni papa dahil may bisita raw ako at hindi maipinta ang mukha nitong tumingin sa akin. Hindi sya mapakaling iniwan ako sa sala kung saan ka nakaupo, may dalang mga bulaklak at tsokolate. Nakasuot ka ng red checkered na polo at maluwang na pantalong kupas, pinarisan mo pa ng sapatos mong adidas.
Kunot-noo at taas-kilay kitang hinarap dahil hindi ikaw ang gusto kong makita o makausap. Iba ang gusto ko at ilang beses ko iyong sinabi sa'yo ngunit mapilit ka at pinagpatuloy mo ang iyong panunuyo hanggang makuha mo ang loob ng papa ko at ng alaga naming aso.
"Para kang barya sa umaga." Banat mo pa isang araw habang pilit akong hinahatid sa bahay namin kahit na malayo pa ang uuwian mo.
Inirapan lang kita at hindi pinansin dahil dyan ka naman magaling — ang mangulit sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit napapayag mo ang papa ko na ikaw na ang susundo at maghahatid sa akin mula eskwela hanggang sa bahay ko.
"Uy, itanong mo naman kung bakit!" pangungulit mo nang wala kang imik na nakuha mula sa akin.
Binilisan ko ang lakad ko at tumakbo ka para mahabol ang bilis ko. Naglakad ka patalikod para ako ang kaharap mo. Hindi mo na ako kinulit ngunit nanatili kang nakatitig sa akin habang nakangiti. Nainis tuloy ako dahil naramdam kong na-conscious ako kung bakit ganun mo na lamang ako titigan.
"Ano'ng tinitingin-tingin mo?" singhal ko sa'yo dahil sa sobrang iritasyon ko. Napahinto pa tayong dalawa mula sa paglalakad dahil pakiramdam ko'y sasabog na ako sa inis ko.
Habang ang ibang lalaki ay bigla-bigla na lamang lumalayo kapag tinatarayan ko sila, heto ka at ngumiti ng mas malapad, tumayo ng mas tuwid at ginulo ang buhok ko sabay sabing, "ang cute mo talaga. Kaya love kita eh!" saka tumalikod at nagsimulang maglakad ulit.
Padabog akong sumunod dahil ayokong ma-late sa pag-uwi. Kinse anyos pa lang tayo noon at wala pa sa isip kong mag-nobyo. Pangarap ko ang makatapos ng pag-aaral na may mataas na marka upang matanggap sa unibersidad na nais kong pasukan kaya halos tatlong taon kang nagtiis sa panunuyo at panliligaw.
"Bumabait ka na. Siguro... Love mo na rin ako, 'no?" pang-aasar mo nang minsang hinayaan kitang bitbitin ang tatlong medical books na hiniram ko sa library. Taong 2011 na noon at first year college na tayo. Nursing ang kinuha kong kurso habang ikaw naman ay engineering dahil sinabi mong nais mong ikaw ang magtatayo ng palasyo kung saan ikaw ang hari at ako naman ang reyna mo.
Kunot-noo lang ang iginawad ko sa'yo dahil iniisip ko ang unang project ko para sa Anatomy and Physiology. Mas importante yun kaysa sa mga pang-aasar mo kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Mickey! Daan ka sa bahay mamaya ah?"
Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako ng marinig ko ang boses ng babaeng kumausap sa'yo, todo ngiti pa at sobra kung magpa-cute sa'yo. May 'Future Engineer' pa sa ID lace nya kaya inisip kong kaklase mo sya.
Nagpatiuna akong maglakad sa'yo ng mga sandaling iyon kaya naman paglingon ko sa inyo ay mas lalong kumunot ang noo ko ng makitang malambing kang nakikipag-usap sa kanila.
"MIKAEL!" iyon ang unang beses na tinawag kita sa tunay mong pangalan at iyon din ang unang beses na halos mabitawan mo ang lahat ng librong hawak mo sa pagkagulat.
Napalunok ka pa ng lumapit ako at pilit bawiin ang mga kagamitan kong bitbit mo habang ninenerbyos kang tinatanong ako, "M-Macey, ako na magbibitbit nito at baka mapagod ka pa!" pagpupumilit mo habang nakikipag-agawan ka sa akin.
Unang beses kong sinalubong ang iyong mga mata at bakas ang iyong pagkabigla. Napatitig ako ng masama sa babaeng kumausap sa'yo kasama ang kaibigan nya.
"Huwag na! Mukhang busy ka!" tiim-bagang kong saad. Halos hindi ko alam ang paghingang gagawin ko para lang mahabol ang bilis ng pagpintig ng aking puso.
Nagpalipat-lipat ka ng tingin mula sa akin patungo sa babaeng kumausap sa'yo pabalik muli sa akin saka biglang tumawa ng malakas kaya sa'yo ako napatitig.
Nabaliw ka na yata?
Tumayo ka sa tabi ko at inakbayan ako habang hinaharap ang mga kaklase mo. "Sorry, classmates. Selosa si mylabs. Kaya kung puede lang sana kausapin n'yo na lang ako tungkol sa class-related topics. Bye!" saad mo sa kanila habang tinatalikuran sila at hinila ako papalayo.
Ibinaba mo ang kamay na nakaakbay sa upang hawakan ang kanang kamay ko na nagbigay ng bolta-boltaheng pagkagulat sa buong sistema ko. Bagay na hindi ko pa nararamdaman kahit kanino. You intertwined our fingers and I don't why, but I felt secured.
"August 7, 2011." banggit mo sa petsa ngayon. Napatigil ako sa paglalakad nang humarap ka sa akin at inilagay ang kamay ko sa tapat ng dibdib ko. Ramdam ko ang lakas at bilis ng pagtibok ng iyong puso kaya napaangat ako ng ulo upang salubungin ang mga mata mong nangningning na tila mga tala sa napakagandang umaga.
"Ikaw lamang ang may kakayahang patibukin ang puso ko ng ganiyan kalakas." malambing ang iyong mga boses at napaka-sinsero. "Una pa lang kitang masilayan, hanggang ngayon at siguradong hanggang sa mga susunod pag taon ay ikaw at ikaw pa rin ang ititibok nyan."
Napalunok ako sa mga sinabi mo. Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam na ganito pala ang nararamdaman mo para sa akin.
"Macey, mahal kita. Mahal mo na rin ako... 'di ba?"
Pinakiramdaman ko ang aking puso. Unang pagkakataon na ginawa ko ito. Ang totoo nyan, nagustuhan na kita bago pa tayo grumaduate ng highschool. Lagi ka kasing nasa tabi ko sa bawat lungkot at ligaya. Halos alam mo na kung paano ako pasayahin at lagi mo akong sinusuportahan sa lahat ng bagay.
Mas pinili ko lang talaga na hindi ka sagutin dahil mas focus ako sa aking pag-aaral. Pero ngayon, sigurado na rin ako. Ayokong mawala ka, ayokong maagaw ka ng iba.
Ngumiti ako sa'yo sa unang pagkakataon at dahan-dahang tumango. Mas lumawak ang nga ngiti mo at nagulat na lamang ako ng bigla kang sumigaw at buong atensyon ng ibang estudyante ay iyong naagaw.
"YES! MGA KABABAYAN! SINAGOT NA AKO NI MACEY DEL VALLE! ANG BABAENG NILIGAWAN KO NG HALOS TATLONG TAON! I LOVE YOU, MACEY DEL VALLE FROM COLLEGE OF NURSING WOOOH!"
──────────
Your reads, votes, and comments are very much appreciated!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top