8
"ʙᴇʙᴇ"
Apat na salita
Isang taong gusto kong makita
Alam kung wala na
Kaya pagmamahal ay iaabandona
Alam kong napipilitan ka lang maging masaya kapag tayo'y magkasama
Alam kung gusto mo ng umalis,pero naaantala dahil sa iyak kung matinis
Alam kung ayaw mo na pero hindi mo gustong maging masama
Alam kong wala na kaya pwede ka ng lumihis
Sa mga pagkakataong tayo'y nagkasama
Isa lang ang palaging inaalala
Ang iyong mga ngiting gusto kong makita
Ang iyong halakhak na para bang musika
Mahal, sa araw na ito
Gusto ko lang sabihin na kung ika'y aalis ay ayos lang ako
Hindi ko na ipipilit ang sarili sayo
Salamat sa lahat ng ala-ala at tawanang ating binou
Kung nasan ka man ngayon
Sana ay tandaan mo ang mga payo at saya ng ating kahapon
Bilang kaibigan, magpakatatag ka at maging tunay na masaya
Huwag kang mag-alala, hindi mo man nararamdaman ang presensya, mananatili akong nakasuporta
°°°°°°°°°°
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top