7.

Alam ko naman na iba na
Pero masakit parin pala kapag ako mismo ang nakakita
Mahal kita pero mahal mo sya
Mahal kita pero hindi ka sakin sumaya

Kung aalis ka rin lang bakit kapa nagpakilala
Hindi kasi madaling baliwalain ka
Alam mo naman na ikaw lang
Saan nga ba ako nagkulang

Ang bilis mo namang mamili
Namili ka habang ako ay nanatili
Hindi mo ba alam ang sakit?
Hindi mo ba alam na ang buhay ko ngayon ay mapait?

Ano bang meron sya na wala ako?
Ano bang meron sya at iniwan moko?
Ano bang meron sya at siya ang pinili mo?
Ano bang meron sya na diko naibigay sayo?

Tanggap ko na sanang wala na
Bakit bumalik ka pa?
Bumalik tuloy ang ating ala-alang hindi na mababalik
Alaalang dati ako ay nananabik

Mahal, kung sa kanya ka masaya hahayaan na kita
Alam mo namang suportado kita
Alam mo naman na matapang ako kaya makakalimutan din kita
At sana alam mo rin na iniiyakan kita

°°°°°°°°°°

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top