6.

Ito na ang huli
Ito na ang huli kong pananatili
Ingatan mo ang taong mahal ko
Ingatan mo ang taong binuo ko

Alam kong sa pagpili niya sayo nakita niya ang mga bagay na wala ako
Ang mga bagay na nakakapagpasaya sa kanya
Ang mga bagay na pinagkait ko noong kami ay magkasama
Ang mga bagay na naging daan upang humantong kami sa ganito

Alam mo bang ang swerte mo?
Ang swerte mo kasi ikaw ang pinili ng taong gusto ko
Ang taong binuo ko habang ako ngayon ay wasak
Wasak at ang puso ay unti-unting nabibiyak

Siguro nga dumating ako sa buhay niya para buoin siya
Para kapag nakilala ka niya kayo ay maging masaya
Siguro ako yung pantapal sa puso niyang naiwan na kapag ok na ay iiwan
Siguro ito talaga ang aming kahihinatnan

Ingatan mo ang taong pinahahalagahan ko
Ingatan mo ang taong gustong-gusto ko
Ingatan mo ang taong pinagpalit ako para sayo
Ingatan mo ang taong mamamaalam na sa buhay ko para maging masaya kayo

°°°°°°°°°°

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top