11.

Valentines, ibig sabihin araw ng mga puso
Kakikitaan ng saya at pagmamahal at tukso
Inisip kong mabuti
Bakit ba sa tuwing ang buwang ito ay sasapit di ko kayang ngumiti?

Oo nga pala ito ang buwan kung kailan ka nangakong ang pagmamahal mo ay sakin lang ilalaan
Ang buwan kung kailan mo sinabing ako ang pakakasalan
Ang buwan kung kailan ako naging luhaan
At ang buwan kung kailan moko iniwan

Bakit ba ako nagdadrama?
Dahil ba sumama ka sa iba?
Ay mali
Mali palang isipin na tayoy sasaya pang muli

Uupo muna ako
Magbabakasakaling darating at susuklian ang pagmamahal ko
Baka may gustong sumama sakin sa intabladong ito
Sabay bulong na andito lang ako sa tabi mo

Oh lahat ng sawi ngayon ay tatahimik
Manonoud lang at walang imik
Tulad ng mga pagkakataong nakikita mo siyang may sinusuyo
Selos na selos ka pero naisip mo na wala namang kayo

Hay, kapagod umupo
Pero mas nakakapagod ang umasang magkakagusto siya sayo
Oh masakit ba ang katotohanang walang kayo?
O mas masakit yung kaibigan lang ang turing niya sayo

Hahaha friendzone
Diba yan yung nawala si friend ikay magiging alone?
Sa hapong ito walang iiyak ha
Baka kasi ikaw lang din ang kawawa

Teka pahingi nga muna ng tubig
Babalikan ko muna kung bakit ko siya biglang inibig
Oo nga pala wala pala akong dapat balikan
Kasi sa una palang wala na kaming sinimulan

°°°°°°°°°°

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top