Yours or Mine (4)
Months.
Ganun na katagal na iniiwasan ni Diana si George. Natatakot kasi siyang baka makita sila ng anak nito at siya ang maging dahilan upang magkasira ang mag-ama.
Pero heto siya at naghihintay sa cafe upang may kitain. Hindi niya inaasahan na kakausapin siya ni Driana. At nasisiguro siya na tungkol ito sa relasyon niya kay George.
Ilang sandali pa ay dumating na ito. Muli namang sumibol ang kabang kanina pa niya nararamdaman. At ngayon naging triple pa.
"Buti naman at nauna ka pa sa akin." Naupo ito.
"Um, ganito ako makipagmeeting. Hindi ako sanay na pinaghihintay ang client." Paliwanag niya.
"Kaya pala nakuha mo agad si dad. Ang aga mong kumilos eh." Pilosopong sagot nito.
"Miss Driana..."
"Noon ko pa pinaghihinalaan si dad na may querida na siya. Obvous naman kasi sa action nila ni mommy na parang wala na talagang spark sa relasyon nila. And now, may proof na talaga ako. Tell me, magkanong kailangan mo para lubayan mo ang dad ko."
Para namang nainsulto siya sa sinabi nito pero hindi pa rin niya ito papatulan.
"Miss Driana, hindi pera ang habol sa dad. Mahal ko siya."
"Oh really? You love my dad. Nasisikmura mo talagang manira ng isang pamilya dahil lang sa pagmamahal na sinasabi mo. FYI, kati lang yan, hindi pag-ibig."
"With all due respect, I know na mali ang relasyon namin. I know hindi tama na nakipagrelasyon ako sa kanya habang ang pamilya niyo ay hindi na matibay. Pero mahal ko ang dad mo." Buong tapang niyang sagot.
"I can't believe you. Desperada ka na talaga. Well, I'll tell you. Hindi mo makukuha sa amin si dad. Isa ka lang kabit. Mas matibay pa ang dugo kesa tubig. Sisiguraduhin kong magiging meserable ang buhay mo. Gaya ng pagsira mo sa pamilya namin." Tumayo ito.
"Sige. Gawin mo. Wag mo kong sisihin kapag sa akin pumunta si George at iwan niya kayo." Matapang niyang sumbat rito.
Napalingon naman si Driana. "Anong sabi mo?"
Napatayo naman si Diana. "How about I'll make a deal? Kapag napagtagumpayan mong buuin ang pamilya mo, lalayo ako. Hindi mo na ako makikita kahit kailan. Pero..." nilapitan niya ito. "...kapag hindi at sasama sa akin si George, pasensyahan nalang tayo. Hindi ko bibitawan ang ama mo."
Hindi naman inaasahan ni Diana na masampal ni Driana. Nang tignan niya ito ay ngitian lang siya.
"Oops! Sorry. My hand slip. Pero bagay lang yun sa mga kagaya mong kabit. I'll accept your challenge. At sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay." Tumalikod ito saka umalis.
Nanghihinang napaupo ulit si Diana. Hindi na niya alam ang gagawin niya dahil na rin sa nangyari. Napansin niyang nasa kanya pa rin ang mga tingin ng mga tao.
Bakit pa kasi napunta ka sa ganitong sitwasyon?
Walang lakas na umuwi si Diana sa bahay niya. Nang nakapasok siya ay hindi niya inaasahang nandoon si George. Saka pa niya naalala na na may spare key ito ng bahay niya.
"Saan ka nanggaling?" May inis sa tono nito.
"George please, pagod ako. Tsaka, bakit ka ba nandito? Baka hinahanap ka na ng mga anak mo."
"Pinagtatabuyan mo na naman ba ako? Tell me, ate you cheating on me?"
"George pwede ba? Tantanan mo ako sa mga pang-aakusa mo. Tsaka pwede bang umuwi ka na. I need to rest."
"No! Hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasabi ang totoo. Akala mo hindi ko alam na palagi kayong magkasama nung Drake na yun!"
"We're not doing anything para sa kaalaman mo. At ano namang problema kung magkasama kami. Afterall we're both single...."
"Don't ever talk na parang wLang nagmamay-ari sayo!" Galit nitong hinawakan siya sa braso ng mahigpit.
"George, let me go!" Nagpupumiglas si Diana.
"No! I will not let you go! Dahil akin ka! And no one will ever get you from me."
Mapusok na hinalikan ni George si Diana habang nagpupumiglas ito. Huminto lang si George ng mapansin niyang umiiyak na si Diana.
"Why are you like that? Ayaw mo na ba talaga sa akin kaya mo ako iniwasan. Yana please. Wag mo akong iwan..." mahigpit niya itong niyakap.
"George, please itigil na natin ito. Ayoko nang may masaktang iba dahil sa relasyon natin. Ayoko nang saktan ang mga anak mo."
Kumalas naman si George sa pagkakayakap niya rito at tinignang maigi si Diana na umiiyak pa rin.
"Did you talk to my wife? Sinabihan ka ba niya na iwan ako. Yana, tell me! Did she blackmail you?"
Umiling lang si Diana habang nakatungo. "George, ayoko na... sobrang sakit na eh. Hindi ko na kaya..."
"Yana, look at me." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. "Lets run away okay. Um, saan ba pwede? How about Visayas or Mindanao. Kahit saan man dun. Sigurado akong hindi tayo mahahabol---"
"I'm sorry. But I can't. Nakapagdesisyon na ako. Pagod na pagod na ako. Pahinga na tayo."
"Yana..."
"Kahit anong gawin natin, mali pa rin na niloko natin ang pamilya mo. Sana maintindihan mo kung bakit ko ito ginagawa. Hindi ito dahil kay Drake o kung sino mang lalaki. Tungkol ito sa pamilyang binuo mo." Hinawakan niya ang pisngi ni George. "Choose your children. Kahit yun lang ang dahilan mo para bumalik sa pamilya mo. Hindi ko kayang makita ang isang anak na iniiwan ng sino man sa mga magulang niya. Sana maintindihan mo ang dahilan ko. Hindi kakayanin ng konsensya ko yun. So please..... let's stop this.."
Hagulgol lang ang sinagot ni George kay Diana na kaagad niya itong niyakap.
Masakit man para kay Diana na pakawalan ito pero alang-alang lang para sa mga anak nito, bibitawan niya si George.
Hindi na sila ulit nakapag-usap dahil umalis agad si George. Nanalangin siyang sana ay safe itong umuwi.
Kinabukasan ay nagdesisyon si Diana na magresign sa kompanya ni George. Ipinagpasalamat niya na hindi siya nito pinigilan. Pero may parte pa rin sa kanya na umaasa na san ay pigilan siya nito.
Masakitan man pero kailangan niyng lumayo upang hindi na sila magtagpo ng landas ni George. Umuwi siya sa probinsya nila sa Negros Occidental at doon magsimula ng panibagong buhay.
Noong una ay nangangapa pa siya dahil na rin siguro sa pagkamiss niya kay George. Pero habang tumatagal ay nasasanay narin siya sa buhay na wala ito sa tabi niya.
Masaya na rin siya dahil paunti-unting nabawasan ang mga sakit na naidulot sa bawal niyang pag-ibig. Sa tulong na rin ng pamilya niya, nakakapagsimula na siyang bumangon mag-isa.
Two years later...
Busy ang munisipyo nila sa paghahanda sa darating na kapistahan ng lungsod nila. Dahil na rin sa tourism siya na-assign, hindi na nakakagulat kung sobrang busy siya.
Nagfa-finalize na sila para sa gagamitin sa fiesta ng may dumalaw sa kanya. Hindi naman sinabi kung sino. Inisip nalang niya na baka isa sa mga kaibigan niya.
Ngunit nabigla siya ng makilala kung sino ang dumalaw sa kanya. Walang iba kundi ang bunsong anaka ni George na si Driana.
"D-Driana. A-Anong ginagawa mo rito?"
"Dad needs you."
Tatlong salita lang ang binitawan ni Driana pero sari-saring mga imahe na ang nasa utak niya.
Hindi na siya nag-alangan at sumama siya kay Driana. Akala niya nakalimutan niya na ito ngunit isang sambit lang ng pangalan nito ay hindi na siya mapakali.
Nakarating sila sa lugar kung saan dating sekretong tagpuan nila ni George.
"Bakit tayo narito?"
"He's there. Every first of the month, lagi siyang nandito. I hope, matulungan mo akong pawiin ang kalungkutan niya."
Napatitig nalang si Diana sa bahay. "Pero bakit--- Driana? Driana!"
Hahabulin niya sana ang sasakyan nito ngunit malayo na. Alanganin namang tinungo niya ang cabin. Nang makarating siya sa may pintuan ay hindi niya alam kung kakatok siya o papasok nalang.
Aakmang kakatok siya ng bigla nalang bumukas ang pinto.
"Driana, ikaw na ba---- Yana."
Halos kapusin ng hininga si Diana. Hindi na niya namalayan na naluha na pala siya.
"You're okay..." nasambit nalang niya.
"Um..."
Hindi na napigilan ni Diana na yakapin si George. "Akala ko kung ano nang nagyari sayo. Salamat at ligtas ka."
"Um, ayos lang naman ako." Kumalas sa pagkakayakap. "Pasok ka muna. Yana?"
"Akala ko hindi na kita makikita ulit. George, I'm sorry for hurting you. I'm sorry for leaving you. Hindi ko lang talaga alam kung anong gagawin ko that time---"
"Hey. Hey. Relax. Hindi kita susumbatan okay. Masaya akong nakita kita ulit. I thought hindi na mangyayari ito. Pero teka, paano mo nalaman na nandito ako?"
"Si Driana. Pinuntahan niya ako sa probinsya namin. At sinabi niyang kailangan mo ako, agad na akong sumama sa kanya. Iniisip ko kung ano nang nangyari sayo. Nagkasakit ka ba? O nadisgrasya? I can't straight dahil sa pag-aalala ko sayo."
"And I assume na ginamit yun ng anak ko para masama ka niya rito. That child. Kahit kailan talaga hindi nakikinig sa akin."
"Anong ibig mong sabihin?"
"I'll tell later. Pumasok na muna tayo."
Slowly, she entered the house at hindi niya naiwasang tignan ang kabuuan nito. It was the same as those time na narito sila ni George.
Inaya siya ni George na umupo. Inalok naman siya ng maiinom. Nang maibigay na sa kanya ang juice saka nila pinag-usapan ulit ang tungkol sa ginawa ni Driana.
Hindi makapaniwala na sinet-up lang pala siya nito para makapunta siya sa dating tagpuan nila.
Hindi rin makapaniwala si George na sa ginawa ng anak niya ay nasisiguro siyang pumapayag na ito sa pakikipagrelasyon niya kay Diana.
Naisip ni George na sa mga nangyari sa pamilya nila, siguro binigyan na siya ng anak niya ng oras upang maging maligaya ulit.
After his divorce with his wife, subsob na siya sa trabaho o di kaya ay i-treat ang mga anak niya ng outing. Minsan ay sila lang dalawa ni Driana ang namamasyal dahil may sarili nang pamiya ang panganay niyang si Drino.
Kahit pala may pagkabratty ito ay naisip pa rin nito na paligayahin siya. At yun ay ang makasama muli si Diana. Natutuwa siya na simula ngayon, malaya na nilang mahalin ang isa't isa.
*****
People do mistakes. Yan ang nagpapatunay na tao ka. Pero sa pagkakamali, hindi maiiwasan na may consequence.
Loving a person in a wrong time is impossible. There are lots of hindrance that will block in your way.
But we can't blame them. Afterall, they are still human. May damdamin ding nagmamahal tapos nasaktan.
Hindi minamadali ang pag-ibig. Kusa yang dumarating. Every person who can wait, there's a reward.
Even if you're in the wrong way, darating din ang araw na magiging tama na rin para sa inyo.
Just be patient. Then you can get your prize.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top