Yours or Mine
Every girl's dream is to have a guy who can call it theirs. But it seems that destiny really had its own way in playing people's feeling. That is why sometimes people are walking at the wrong way.
Yun ang pakiwari ni Diana. Hindi niya inaasahan na makakatuntong siya sa isang komplikadong sitwasyon na sa tingin niya ay mahirap umalis.
And that is being a mistress.
Noong nakilala niya si George ay naakit na talaga siya sa kagwapuhan nito. Malapit kasi ito sa mga katrabaho niya. He is her boss. Pero hindi niya inaasahan na magiging magkaibigan sila at umabot sa puntong naging kabit na siya.
Ilang beses niyang inisip kung papayag ba siya sa bawal na relasyon nila ni George. Nandiyan ang asawa at dalawang anak nito.
May one time pa nga na tinanong niya ito kung bakit pa ito naghanap. Sinabi lang nito na hindi niya mahal ang asawa nito. Typical lies na sinasabi ng mga lalaki sa kanilang mistress.
Pero naniwala rin naman si Diana. Bago pa kasi nagsimula ang relasyon nila ay hindi niya nakikita sa mga ito ang pagmamahal na nakikita niya sa ibang mag-asawa.
Sinabi rin naman sa kanya ni George na nagpakasal lang sila dahil nabuntis niya ito. Ngunit kahit ganun ay nakadalawa rin naman sila ng anak kahit sabihing walang pagmamahalan na naganap sa pagitan nila.
Nasa isang resthouse siya ngayon kung saan malayo sa kanya-kanyang buhay. Doon sila nagtatagpo ni George kung gusto nitong magkasama silang dalawa.
Habang nagtutunaw siya ng kape ay may pumulupot na kamay sa bewang niya at binigyan siya ng mumunting halik sa leeg niya.
"George, ano ba? Nakikiliti ako. Hindi ka pa ba nagsawa kagabi?" Hinarap niya ito.
"Hinding-hindi ako magsasawa sayo. Sobra kitang namiss eh." Hinalikan naman siya nito.
"George. Times-up muna okay. I prepare breakfast. Kumain muna tayo."
"And then after that, wrestling ulit?"
"Walang wrestling. May gagawin tayo ngayon." Pumunta siya sa mesa at inilagay ang coffee na para kay George. "Di ba sabi ko sayo na tutulungan mo akong maglinis ng bahay dahil maalikabok na o?"
"Hindi ba pwedeng maghire nalang tayo ng maid para gawin yan?"
"George no. Ayoko ng complication. Kapag in-insist mo pa rin yan, hindi ko na alam kong magkikita pa tayo." Naupo na ito at nilagyan ng pagkain ang plato ni George.
"Okay fine. I'm just suggesting okay. Gusto ko lang naman na makabonding ka dahil kahit na nagkikita tayo sa office iba pa rin yung nakakasama kita. At isa pa, sino pala yung lalaking narinig kong nanliligaw sayo?"
"Hmm? Mayroong nanligaw sa akin? Sa pagkakaalam ko ay may tinalakan lang akong lalaki. Mayroon ba?"
"Mabuti na yung nakakasiguro ako. Ayoko ng may kaagaw." Kumain ito.
"Bakit ako, may kaagaw din naman ha?"
"Yana, please..."
"Chill. I'm just kidding. Syempre, ano namang laban ng isang katulad ko sa nauna?"
"Yana..." he warn.
Natawa naman si Diana. "Hindi ka talaga mabiro. O heto, say ahhh..." sinubuan niya ito. "Uy! Ahh na."
Sumunod naman si George at isinubo ang pagkain. Hanggang sa matapos silang kumain ay si Diana lang ang nagpakain kay George.
Natapos nalang si Diana ng paghuhugas ay hindi pa rin natinag si George sa upuan nito. Na ipinagtaka niya.
"Hey. May problema ba?"
"Nagsasawa ka na ba sa relasyon natin?" Diretsong tanong nito.
"Wow! Ang straight mo ha. Sabagay, straight ka naman tala----"
"Yana! I'm serious. May iba ka na ba at narealize mong mali ang relasyon natin?"
Bumuntong-hinga si Diana at lumapit siya rito.
"Umupo ka na nga muna at mag-usap tayo ng SERYOSO. Yan ha. Sa una palang alam na nating mali ang relasyon natin---"
"Nakikipagkalas ka na nga."
"Pwede bang patapusin mo na ako?" Mahinahon niyang sabi. "Kapag di ka huminahon, hindi ako tatabi sayo mamaya. Sige ka." Huminga ito ng malalim. "We're on the wrong situation. Hep! But. May but ha. It's my decision na magkaroon ng relasyon sayo. Kahit mali, sinunod ko pa rin ang puso ko dahil mahal kita. At kung nagmamahal ang isang tao, hindi na niya iniisip kung ano ang tama at mali. Hindi ako nakikipagkalas sayo at wala akong iba para sa kaalaman mo. Ikaw lang ang mahal ko. Okay. So stop your craziness okay? Naliwanagan ka na?"
"I'm sorry for my outburst. I was just afraid na makikipagkalas ka na sa akin. Please, nakikiusap ako sayo. Konting kumbensi nalang kay Kyla. Magsasama na tayo."
"Pero paano ang mga bata?"
"I will make them understand na hindi namin mahal ang isa't isa ng ng mommy nila. Yana, mahal kita. Sana makapaghintay ka pa."
"What did I do ba at bumabalik ka pa rin sa akin? If ever man na maannull ka kay Kyla at pakasalan mo ako, hindi rin naman kita mabibigyan ng anak."
"Sina Drey at Bella ang magiging anak natin."
"Pero alam nating hindi nila ako matatanggap dahil ako ang magiging dahilan para masira ang family niyo. George, gusto ko talagang malaman kung bakit nagtitiis ka pa sa akin?"
"Because I love you. Wala akong pakialam kung hindi tayo magkaroon ng anak. As long as magkasama tayo, kompleto na ako. Please wag ka nang maghanap ng iba pang dahilan para magkahiwalay tayo."
"Okay. I believe you."
Niyakap naman siya ni George. Contented. Yan ang pakiramdam ni Diana kapag nagkakasama sila ni George.
Matapos ng yakapan ay naglinis naman sila ng buong bahay. At nang mapagod ay nanood lang sila ng movie. Then they plan to take a bath together. And when they are united, nakalimutan na naman ni Diana na mali ang pinasukan niya.
Because the only thing thinks that time. Is she's quitely madly inlove withher boss who happens to be married.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top