Your Craziest Dream (5)

Final part

-----------------------------

After ng vacation nila ay balik na naman sina Red sa trabaho nila. Pero nitong mga nagdaang araw ay hindi siya mapakali.

Napanaginipan kasi niya si Charm at ang huling sinabi nito sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit niya ito napapanaginipan.

Lately, napansin rin niyang medyo close na sila Crystal at Fred. Minsan parang nagdedate na nga ang mga ito. Pero paki ba niya sa buhay nila.

At isa pang nanggugulo sa kanya eh sa apat nilang magkakaibigan, siya lang ang walang partner. Medyo na depress na nga siya.

Ang panghuli eh ang pagiging concern ni Crystal sa kanya. Simula nung natuloy ang engagement nila, halos araw-araw na itong dumadalaw sa kanila para dalawin ang parents niya.

Nakapagdecide na din sila sa date ng kasal. Isang buwan na lang at itatali na siya kay Crystal. Magiging totoo na nga yung nasa panaginip niya.

Ngunit habang napapalapit ang kasal nila, lalo rin siyang napapalapit kay Crystal. Pag hindi ito dumadalaw sa kanila, he seek for her na hindi niya ginagawa noon.

Kung magkasama sina Crystal at Fred, nababatrip siya. Minsan nga nagagalit at naiinis siya. At hindi niya maintindihan kung bakit siya ganun.

Until, he dreamed that woman in white. Yung nakita niya sa panaginip niya sa reception ng kasal nila Charm.

"A-anong kailangan mo sa'kin? Bakit ka nagpakita ulit?" tanong ni Red sa babae

"Ang nais mo ay hindi matuloy ang pag-iisang dibdib ng iyong mapapangasawa"

"Teka, nasabi mo na rin yan noon. Sino ka ba talaga? Bakit mo gustong tuparin kung ano ang gusto ko?"

"Hindi mo na kailangang makilala ako. Ang importante ay mapaisatupad nang nais ng isang taong humihiling" she smile

"Bakit nga tinutupad mo? Bakit kamukha ni Crystal si Charm sa panaginip ko?"

"Hindi mo pa ba nakukuha? Si Charm at Crystal ay iisa"

"Bakit ko siya napanaginipan? Anong ibig sabihin nun?"

"Ikaw ay ikakasal sa kanya. At yun ang iyong tadhana. Ngunit nais mong hindi matuloy dahil ninanais mong mag-isa"

"Oo. Tama yun"

"Kung ganoon, maari ko na siyang kunin sayo"

"Kunin--wait bakit?"

Bigla na lang naglaho sa paningin ni Red ang babae. Hinanap niya ito kahit saan pero hindi niya makita.

Napansin naman niyang may liwanag na papalapit sa kanya. Napapikit siya sa silaw nito at nang imulat niya ang mata niya ay nabigla siya dahil nakahiga siya sa kama.

Bumangon naman siya at inisip niyang panaginip yun. Buong araw dala-dala ni Red sa isip niya ang tungkol sa panaginip niya. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin nun.

Papauwi na sila ni Crystal ng bigla na lang silang naaksidente. Agad niyang niyakap si Crystal upang protektahan hanggang sa tumilapon ang kotseng sinasakyan nila.

"C-Crystal...." niyugyog ito. "Please, gumising ka, wag kang mamatay, ugh! Crys!.."

"Gising ang isa. Dalian niyo. Sir? Naririnig niyo ba ako? Sir...."

"Iligtas niyo si Crys..." sabi niya saka nakatulog

Sinugod naman sila sa ospital at halos agaw buhay na silang dalawa. Ngunit ang pinakakomplekado sa kanilang dalawa ay si Crystal dahil sa parte nito bumangga ang pick up truck.

Ilang oras din ang inilagi nila sa emergency room saka sila nilipat sa private room. Grabe ang iyak ng parents ni Crystal dahil muntikan na itong bumitaw. Ngayon, makina na ang pag-asa nila sa pagdugtong ng buhay nito.

Ilang linggo ang lumipas saka nagising si Red. Agad naman nitong hinanap si Crystal. Nagpumilit pa nga siyang bumangon para makita lang ang fiancee niya. Ilang araw rin ang hinintay niya bago pa niya nadalaw si Crystal.

Bigla naman siyang napaiyak sa itsura ni Crystal. Puno ng mga tubo ang katawan nito. Nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay.

"Crys, I'm sorry..... kasalanan ko ang lahat kung bakit nangyari sayo to. Ako dapat ang nasa sitwasyon mo hindi ikaw. I'm sorry..." iyak niya

Narinig naman niyang may pumasok ngunit hindi niya ito nilingon.

"Your father told me na sinisisi mo raw ang sarili mo sa nangyari sa inyo" tugon ng papa ni Crystal na ikinalingon niya

"Sir, I'm sor---"

"Don't be. It's not your fault. Naipakulong na namin yung bumangga sa inyo. Lasing yung bumangga kaya kaya nung nagpagewang-gewang na ang pagdadrive niya, nabangga niya kayo. But I will sure na mabubulok sa kulungan yung walang hiyang yun"

"Still, hindi ko pa rin naprotektahan ang anak niyo"

"I said don't be. You did everything to protect her. Pero, hindi ko alam kong magagalit ako o magrerelax dahil hindi ko alam kong anong mangyayari sa anak ko. She's my angel. My only loving daughter. Mas tatanggapin ko pa kung ako ang unang mawawala kesa sa kanya. Hindi ko matatanggap kong mawawala siya sa akin ng maaga"

"Sir..." he tap him

"Naikwento sa akin ng anak ko na ayaw mo raw magpakasal sa kanya. Sana hindi ko na lang kayo pinilit. Sana hindi ko siya nasabihan ng masasamang salita" umiiyak na ito

"Anong ibig niyong sabihin?"

"The time before your accident, she told me to cancel the wedding. Pero pinilit ko pa rin siya. Hanggang sa napagsalitaan ko siya na hindi ko dapat ginawa. Kaya kung bibigyan ako ng pagkakataon, I will brought back the time para hindi nangyari ito sa kanya"

"It's my fault also. Hindi ko napansin na she's hurt deeply, siya pa ang pinagmaneho ko nun. Kaya sorry rin po dahil naging manhid ako at hindi ko siya napansin"

"Ano ba to? Nagsisihan pa tayo. Kung gising lang ang anak ko siguradong binatukan na tayo. Anak, please gumising ka na" hinawakan niya ang kamay ng anak

"I believe she will wake up. We should"

Ngumiti lang ang ama ni Crystal. Ilang linggo nila hinintay ang paggising ni Crystal at nangyari ang pinalangin nila. Nanghihina pa ito ng mga ilang araw.

Sa pagdaan ng mga araw ay bantay sirado na ni Red si Crystal. Lagi niya itong inaasikaso at hindi pa pinagpapagod sa trabaho.

Balik na rin ang wedding nila and they set up at the last day of February. Sa pagiging malapit nila sa isa't isa ay napapansin na rin ito ni Fred. Kaya kinausap niya si Red one time na sila na lang dalawa.

"Hey! Asan ang fiancee mo?"

"She's with her parents. Hindi niya ba nabanggit sayo?" nililigpit ang mga papeles

"Hindi na kami masyadong nagkukwentuhan eh. You know, baka mainlove pa ako sa kanya, kawawa ka"

"What do you mean? Eh ano ngayon kung mainlove ka sa kanya?"

"Alam mo, ang slow mo rin minsan dude. Natural liligawan ko siya at if mainlove siya sa akin, your marriage with her will be over"

"So?"

"So? Anong 'so'?"

"So if she's happy with you why not cancelling the wedding. After all, we are just doing it for her father's will"

"So ginagawa mo lang pala ito dahil sa father ni Crystal not because you're inlove with her"

"Yes. And we agreed on that"

"Wala ka ba talagang feelings kay Crystal? Yung unexplainable feeling. Walang ganun?"

"Unexplainable feelings? Fred ano bang drama mo?"

"Dude, this is serious. You are concern with her. To the point na nga na gusto mo na siya eh"

"I never said that I hate her"

"Man, your so naive. Kawawa si Crystal sayo kapag nainlove siya sayo"

Napatigil naman si Red sa sinabi ni Fred.

Bakit nga ba hindi ko naisip yun?

"Gets mo na? Dude, hindi naman sa hinahadlangan ko ang kasal niyo. I accept it in the first place when you announce that you're engage with her. Pero dude, si Crystal yan eh. There is a chance na mafall siya sayo. Lalo na ngayon at halos magkasama na kayo buong araw sa kakabantay mo sa kanya. Wala ka ba talaga ni katiting man lang na feelings sa kanya. Just be honest dude"

"Okay, she's too important for me para mawala siya"

"And?"

"And wala na?"

"Ang boring mo namang kausap dude. Alam kong may ikakabit ka pang 'words of love'. Sige na. Aminin mo na"

"Ano ba? Wala akong aaminin sayo"

"Then why did you react when Crystal told us she met her long time crush huh? Aminin mo nang nagseselos ka nun"

"Ano ba?! Pwede bang tantanan mo na ako. Just go back to your office" he ordered

"Aha! Huli ka! Confirm! Nasa in denial stage ka na. Haha! I can sense na malapit ka nang mafall kay Crystal"

"Just shut up okay" hinagisan niya ito ng ballpen

"I'll tell you dude, aamin ka rin. The thing na ayaw mo siyang mawala, good sign iyon ni Pag-ibig. Whoah! Inlove na ang kaibigan ko!" sigaw ni Fred

"Hey! Fred...! Shut up!" he whisper while covering Fred's mouth

Agad namang tinanggal ni Fred ang kamay ni Red sa bibig niya.

"Hindi ako makahinga dude"

"Pwede wag ka ngang sumigaw"

"Yeah, yeah. Anyways, if ever na mainlove ka, if ever lang. We are here to support you. Tsaka boto kami sa inyong dalawa. Wait anong pwedeng name ng love team niyo?" he think

"Just go and be quiet okay. Sige na at may tatapusin pa ako"

"O sige. Basta, think about it dude. Nothing is impossible. It's all possible when it comes to love"

Lumabas namang office ni Red si Fred. Habang papaupo siya, napaisip naman siya sa sinabi ni Fred kanina. What if he will fall for her? What will happen to his?

-------------------------------------

Three weeks before their wedding, parang gusto na niyang umatras. Simula nung mag-usap sila ni Fred, hindi na mawala sa kayang isip na possible mainlove siya kay Crystal.

Every time they will together, he felt happy. Nung magkasakit siya, si Crystal ang nag-alaga sa kanya. After nun, hinahanap na niya ang presence ni Crystal.

Now, he conclude na maybe he's starting to fall for Crystal. He really hope na she felt the same way as his.

He notice also that he is starting to be overprotected kung may lumapit sa kanyang ibang lalaki. And the worst is, gusto niya nakafocus lang ang attention ni Crystal sa kanya hindu sa ibang lalaki (excluded his friends and Crystal's father).

Hindi na niya kilala ang sarili niya when he's with her. Hindi siya ganun dati pero ngayon, he's starting to notice that he is learning to love her that much. To the point na ayaw na niya itong pakawalan.

Pero nasira ang na naman ang mood niya when he saw that woman. This time, hindi na sa panaginip. Kundi nakikipagkilala kay Crystal.

Bigla naman siyang kinabahan dahil sa sinabi ng babae noon sa panaginip niya. Nang magkachance siyang kausapin ang babae, agad niya itong kinompronta.

"What are you doing here? May balak ka bang kunin si Crystal? Then I'll tell you this, hindi ko siya hahayaang kunin mo. Hindi mo siya mapapalayo sa akin"

Nginitian lang siya ng babae na kinainsulto ni Red.

"Hindi mo ako makukuha sa ganyan. Sabihin mo, kukunin mo pa rin ba siya kahit hindi ko iaallow yun?"

"Sa pangalawa mong hiling ay aking itinupad. Mangyayari at mangyayari ang nais mo na maging malaya ka"

"Teka, bawiin mo-- miss!" naglaho ang babae

No no no no. She can't leave me. I can't allow that. Hindi niya maagaw si Crystal sa akin. Not this time. Not this na mahal ko na siya. Hindi ko kakayanin pagnawala siya sa akin.

Hinanap naman niya si Crystal at nang makita niya ito ay agad niyang niyakap.

"Crys..." he hug her tightly

"R-Red. Ano bang-- ayos ka lang ba? Bakit ka umiiyak? Uy!" tinapik niya ito

"Promise me you'll stay with me. That you won't leave me"

"Ha? Teka nga" kumalas siya sa pagkakayakap

"Ano bang nangyayari sayo? Tsaka saan naman ako pupunta? Red, may problema ba? Tell me. You make me worry" she added

"Hindi ka naman aatras sa kasal di ba?"

"Oo. Never akong aatras ano kaba? We talk about this. Pati yung set up natin----"

"I love you Crys"

"H-ha?"

"I know biglaan ang pag-amin ko. It's just that, I had this nightmare na mawawala ka sa akin at iniwan mo ako then naging miserable ang buhay ko dahil hindi kita pinaglaban. I'm so afraid na mangyari yun lahat. Hindi kita minamadali pero sana... accept me. Accept my love. And please don't ever leave me. I beg you" he kneel

"Hoy Red! Tumayo ka diyan! Red naman eh. Wag ka namang mangtrip o. Red"

"Please, promise me you'll never leave me. Please say it" he cried

"Red naman. Ano ba 'to?... Okay fine. I promise not to leave you. I will always at your side no matter what happen. Yan ha, nasabi ko na. Suppose to be, sa wedding natin ko yun sasabihin. Atat ka rin----" he hug her

"Thank you. And I love you. Promise, I will do anything, magiging masaya ka lang sa piling ko"

Niyakap naman pabalik ni Crystal si Red.

"You already make me happy. O tama na hindi na ako makahinga sa yakap mo" kumalas si Red

"I'm sorry. Natakot lang akong bigla na baka mawala ka"

"Hey. Listen to me. Hindi ako mawawala sayo okay? Tsaka ilang araw na lang kasal na natin at lagi na tayong magkasama" she touch his cheeks

"I'm sorry kung nabigla kita pero gusto ko lang malaman mo kung ano ang nararamdaman ko sayo. Crys, in a short period of time you made fall in love with you. Hindi kita minamadali kung wala ka pang feelings sakin, I'll wait for that time. Wag ka lang mawala sa akin okay? Hindi ko kaya"

"Alam mo ang laki na talaga ng pinagbago mo. Biruin mo, your inlove with your freedom and now you're in love with me. And I think my feeling is mutual" she bite her lip

Red's eyes widen for what he hear. Bigla na lang siyang naspeechless.

"Okay aamin na rin ako. Gosh! Ang hirap pa lang magconfess. Okay! (deep breathe) I started to like you nung nasa Subic tayo. Nakakaturn on kasi sa akin yung pagiging esnabero mo at tahimik at seryoso. Yun, doon na nagsimula. Then lagi na akong nagpapapansin sayo. I get jealous kung may babaing lumalandi sayo. (he smirk) Wag kang tumawa, papatayin talaga kita!"

"I'm not" he's grinning

"Pinagtatawanan mo ako eh"

"No I'm not. Go on"

"Yun na yun. Wala nang kasunod" she pout

"Talaga?" he hug her from her back

"Stop it. Pinakikilig mo ako eh"

Malakas naman ang tawa ni Red. Mas lalo namang nabadtrip si Crystal.

"I hate you!" umalis

"Uy! Teka. Sorry na, Crys. Hindi na ako tatawa promise"

"Oh really? Ewan ko sayo" she walk away

"Hala nainis! Crys, sorry na. Uy! Masaya lang naman ako dahil gusto mo ako. I'm not laughing you because nakakatawa yung sinabi mo. I'm just happy. That's all"

"Talaga? Hindi mo ako pinagtitripan?"

"Why would I? I told you I love you"

"Siguraduhin mo lang yan Mr. Sandoval"

"So, are you ready to be Mrs. Sandoval?"

"Noon pa"

Niyakap naman ni Red si Crystal. He can't believe their feeling is mutual. Ngayon, sigurado na siya na hindi niya kayang mawala pa si Crystal sa kanya.

----------------------------------------

Wedding day.

Hindi mapakali si Red sa simbahan. Maski ang mama niya ay hindi mapakali dahil masyadong malikot ang anak niya. Parang kada minuto na lang ay tatayo ito, maglalakad-lakad o mag-estastomp ng paa.

"Anak, magrelax ka nga. Ako ang nahihilo sayo eh"

"Masyado yata silang natagalan. Sigurado ba kayong papunta na sila?"

"Yes. Tumawag na ang mommy ni Crystal. Papunta na sila"

"Eh bakit ang tagal?"

"Wag ka ngang atat anak. Baka sa pagmamadali nila imbes na sa simbahan ang punta eh sa ospital"

"Ma!"

Napalingon ang mga tao sa kanila. Nagsorry naman si Daisy sa inasal ng anak.

"Ano ka ba? Bakit ka ba sumisigaw? Tsaka nagsasabi lang naman ako ng totoo. Magrelax ka diyan"

Pinaupo na muna ni Daisy ang anak. Hindi na mapakali si Red. Masama ang pakiramdam niya na may mangyayaring hindi maganda.

Nag-excuse muna siya sa mama niya at lumabas ng simbahan upang magpahangin at hintayin na rin ang sasakyan ni Crystal.

At sa di inaasahan ay nakita na naman niya ang babae. Nakangiti ito sa kanya ngunit hindi niya nagustuhan ang ngitk nito.

Ilang minuto pa ay naaninag na niya ang bridal car. Ngunit sa di inaasahan ay may nakasabay itong nagpuputukan at naghahabulang kotse.

Natamaan naman ang kotse nila Crystal at bumangha sa isang building. Agad siyang pumunta sa kotse at tinignan si Crystal. Ginising niya ito ngunit napansin niyang may dugo sa may dibdib nito.

"Crys! Crys! Gimising ka. No! Don't leave me please. Ikakasal pa tayo di ba?! You promise me you'll never leave. Please wake up! Crys! Don't leave me!" iyak niya habang niyayakap ito

Agad nilang isinugod sa ospital ang mag-ina. Ngunit sa kasawiang palad ay dead on arrival na si Crystal dahil sa tama nito malapit sa puso.

Halos magwala na si Red sa ospital dahil hindi niya matanggap na wala na si Crystal. Nang mahimasmasan siya ay tinungo niya reception kung saan doon niya unang nakita ang babae.

Hindi naman siya nabigo dahil nagpakita ito sa kanya.

"ANO BANG PROBLEMA MO SA AKIN HA! BAKIT MO BA AKO PINAGLALARUAN! BAKIT MO KINUHA SA AKIN ANG PINAKAKAMAMAHAL KO. BAKIT ANG SELFISH MO!" paasim niyang tanong

Napaluhod na lang siya dahil sa bigat ng nararamdaman niya sa nangyari kay Crystal.

"Lahat ng bagay, may dahilan. Ang pagkawala ng taong mahalaga sayo ay dahil din sa iyo"

"AKO PANG SINISISI MO NGAYON! SINO BA SA ATIN ANG UMAAGAW? KINUHA MO NA SIYA. WALA NA SIYA SA AKIN DAHIL SAYO! ANO PA BANG GUSTO MO HA! MASAYA KA BA TALAGANG NAKAKAKITA KA NG TAONG NASASAKTAN! PALIBHASA SAYO, HINDI MO ALAM ANG NARARAMDAMAN KO!" sigaw niya

"Ikaw ang gumawa ng iyong kapalaran. Ginusto mong mapag-isa hindi ba? Pinagbigyan lang kita"

"Hindi mo ba alam na masaya na ako sa kanya. Lahat kaya kong gawin maging masaya lang siya pero anong ginawa mo. You take her away from me!"

"Kung hindi ko iyon ginawa, mas lalong hindi siya sasaya sa piling mo"

Napalingon siya, "anong ibig mong sabihin?"

"Nakalimutan mo na ba ang sinabi ni Charm sayo? Magiging masaya ka rin. Hiniling rin niya na sana ay maging masaya ka, ngunit ang kapalit ay ang buhay niya"

"Di ba sa panaginip lang yun. Bakit pati si Crystal dinamay mo!"

"Dahil iyon din ang hiniling ni Crystal sa iyo. Nasabi ko na sa iyo. Si Charm at si Crystal ay iisa. Kung ano ang magiging desisyon ni Charm, iyon din ang kay Crystal"

"Hindi. Hindi totoo yan. Mahal ni Crystal! Hindi niya ako iiwan. She promise me! You kill her!"

"Hindi ako ang pumatay sa kanya. Ikaw mismo ang pumatay sa isang masayang tadhana na para sa iyo. Wag mong isisi sa iba ang desisyon iyong ginawa"

"Nagsisi naman ako ha. Kinain ko lahat ng salita na binitawan ko. Nakikiusap ako, ibalik mo siya sa akin. Hindi ko kakayanin na wala siya. Nakikiusap ako. Mahal na mahal ko siya. Wag mi siyang ilayo sa akin. Please I'm begging you" iyak niya habang yumuyuko sa paanan ng babae

"Hindi ko kinakailangang gawin iyan. Kailangan mong magsimula muli. At kailangan mo ring patawarin ang iyong sarili. Kung hindi, makukulong ka sa malungkot mong tadhana"

"How can I move on? Tell me, how can I move on?! Kung hindi ko matanggap sa sarili ko na wala na siya!"

"Matatanggap mo rin balang-araw. Nakakasiguro ako, sasaya ka ulit. At kapag nangyari yun, hinding hindi mo na ako makikitang muli"

Bigla namang naglaho ang babae habang napahiga naman sa lupa si Red. Hindi niya alam kung paano pa mabuhay na wala na sa tabi niya si Crystal. Hiniling na lang niya na sana, mawala na rin siya sa mundo para makasama na niya si Crystal.

Sana nga.

---------------------------------

1 year later.

Hindi inaasahan ni Red na makakapunta ulit siya sa reception sana ng kasal niya isang taon ng nakakalilipas.

May party kasi siyang dinaluhan. Party para sa expansion ng business nilang magkakaibigan.

Malinaw pa sa kanyang alaala ang sinapit niya. Isang masamang panaginip ang lahat nangyari nitong mga nakalipas na taon.

Hindi na niya alam kung anong totoo. Muntikan na siyang magpakamatay dahil lang sa bangungot na ayaw na niyang balikan.

Sana nga, hindi na bumalik sa akin yun. Ayoko nang masaktan.

"Um, excuse me? May kasama ka ba?"

Napaangat naman ang ulo niya sa narinig. Hindi maaring siya ang narinig niya.

"Um, uupo na ako ha. Thanks"

Unti-unti naman niyang tinignan ang katabi niya at laking gulat niya at hindi makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Hindi na niya namalayan na napaluha na pala siya. Lumingon naman ang babae sa kanya.

"Um. May problema ka ba? Am I not allow to sit here? Hey. Ayos ka lang ba?"

"Crystal..."

"Okay. That's weird. You know my name. Um, s-sino ka?"

Napakurap naman si Red sa tanong ni Crystal. Bakit hindi niya ito maalala? Panaginip lang ba talaga ang mga yun?

"Are you to believe me if I tell you, I saw you in my dream?"

Na-speechless naman si Crystal. Ilang sandali pa ay bigla na lang itong natawa. Napakunot naman ang noo ni Red.

"Alam mo, luma na ang style na yan. Alam kong attractive ako pero hindi mo ako madadaan sa ganyan. Naku! Akala ko pa naman may problema ka, yun pala babanat ka lang"

Napangiti na lang si Red sa inasal ni Crystal. Hindi nga sa nagkamali. Ito ang babaing nagpatibok ng puso niya.

"So, banat pala ang ginawa ko. My bad...... By the way, Red Sandoval. May I know you miss...?" inilahad ang kamay

"Tss! Mukha ka namang mabait. Charm Crystal Ramirez. C.C. Ramirez for short. Nice meeting you Mr. Banat" they shake their hands

"Nice meeting you...... again"

************THE END**************

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top