Your Craziest Dream (4)
Hinilot ni Red ang sentido niya. Hindi siya makapaniwalang napapayag siya ng mga kaibigan niya at ni Crystal sa outing nila.
Kararating lang nila sa Subic at grabe ang excitement nila. Parang ngayon lang nakakita ng dagat.
Nang maggagabi na ay natripan nila Benj at Paulo na mag-inuman sila. Ang kaso eh si Crystal lang ang babae sa kanila kaya pinagbawalan ni Red.
Pero hindi naman nagpigil si Crys. Tinungo naman nila ang kalapit na bar. Ilang oras rin ang lumipas bago napagdesisyunan nilang bumalik sa hotel.
"Ahh! Ang bibigat niyo!" reklamo ni Crys
"Inom pa tayo!" sigaw ni Benj
"He! Inom ka jan, hindi mo na nga kayang tumayo!" binatukan ito
"Xera, balikan mo na ako" bulong ni Paulo
"Pau, c'mon" tinulungan ni Red na buhatin patungo sa kama
"Fred? Hey, ito o. Inumin mo muna para mainitan yang tyan mo" ibigay ni Crys ang tasa na may mainit na tubig
"Ako nang bahala sa kanya. Magpahinga ka na" tugon ni Red
"Okay lang. Sanay na ako sa ganito. Ako ang tagaalaga ni papa 'pag nalalasing siya. Fred, lipat ka na doon sa kwarto" aya niya
"Halika pare, tulog ka na" tinulungan ito ni Red patayo
"Guys, sorry ha. Medyo mahina talaga ako sa alcohol. Naabala ko pa kayo. Lalo na sayo Crys. Sorry kung naabala pa kita"
"It's nothing okay. Matulog ka na"
"Sana askbnhjgfxcv-----" bulong nito at nakatulog na
Napatawa lang si Crys nang mahina. Agad naman siyang lumabas kasunod ni Red.
"Pasensya ka na ha. Ganyan talaga ang mga yan"
"I told you it's okay. Sanay akong nag-aalaga ng lasing. Ah! May hot water pa dun sa kitchen niyo. Magpahinga ka na rin. Good night"
"Wait! Um, gusto mo bang magcoffe muna? Nakainom ka rin" alok ni Red
"Hmm? Okay pero not coffee. Baka di ako makatulog"
Dumiretso naman sila sa kitchen. Si Red nang nagtimpla. Kape sa kanya, coffee with creamer naman ang kay Crystal.
"Matagal ka na bang umiinom?" panimula ni Red
"Not really. Hindi naman ako palainom kasi. Mababa rin ang tolerance ko sa alcohol. At kayo pa ang mga kasama ko. So, hindi ako masyadong nagpapakalasing"
"Um, ganun ba. Mabuti yun" he smile
"Ikaw? Hindi ka ba mahilig makipag-inuman? Himala at hindi ka napilit ng Benj na yun"
"They know what will I do if they insist me to make me drunk"
"And what is that?"
"Well, nakakahiya mang sabihin pero nagwawala ako pagnakainom. Yung thing na nag-eeskandalo na ako"
"Really? Grabe ka rin malasing no"
"Yup. Kaya hindi nila ako mapipilit. Kundi, perwesyo ang makukuha nila sa 'kin. How about you? May experience ka na bang embarrassing moment while you're drunk?"
"Wala naman. Actually hindi naman ako lasing nun. Ang magtapat sa ultimate crush mo at nireject ka lang, that's the most embarrassing moment ko. Hindi ko alam kung anong naisipan ko at nagawa ko yun. Pero at least alam kong hindi niya ako gusto"
"Nakakatuwa ka naman noon"
"Makapal lang talaga ang mukha ko" natawa silang dalawa
"Nga pala, bakit ayaw mo sa babae? Natrauma ka ba or nireject ng babaing gusto mo noon?" dagdag ni Crystal
"Hindi naman sa ayaw ko sa babae. At walang nangreject sa akin. Isama pa natin, hindi ako torpe. Gaya ng sinabi mo, praktikalan lang ngayon. Mahirap bumuhay ng pamilya ngayon. Madami kang dapat pag-ipunan para lang masustain ang needs ng family mo"
"Right. Praktikalan na nga ang dapat sa mga tao ngayon. Ang pag-aasawa ay isang malaking responsibilidad lalo na kung magkakaanak na kayo. Pero, naniniwala pa rin ako sa kasabihan na 'No man is an island'. Lahat ng tao ay may nakatadhanang magiging kaagapay nila sa panghabangbuhay. Well, isa na dun ang mainlove ka sa isang tao. Yung iba naman ay kaibigang tunay. Ikaw? Are you believe on that?" tanong niya kay Red
"Well sa case ko, I think I don't. Masaya akong mag-isa. Walang maingay, walang nagdidikta sayo, o nagbubulyaw sayo. Walang arguments, or misunderstanding. Ayoko kasi ng ganun. Gusto ko peace lang ang paligid ko" sagot ni Red
"Okay, ipagpalagay na nating tama ka. Actually tama ka naman eh. But what if? What if magkasakit ka at walang mag-aalaga sayo, di ba hassle yun? Ipagpalagay nalang nating busy o malayo ang parents mo at yung mga friends mo busy. Plus wala kang kapitbahay. Sinong tutulong sayo? Sino ang mag-aalaga sayo? Or what if makatagpo mo yung taong para sayo pero nireject mo siya. Then, pinagsisihan mo. What if mangyari yun sayo? Anong gagawin mo?" seryosong tanong ni Crystal
"Seryoso? Tinatanong mo ako niyan?" she nod
"Hmm, mahirap nga ang mag-isa ka lalo na yung mga taong nasanay na may masasandalan sila. For me, hindi ko alam kung ano ang tamang sagot sa tanong mo. Lalo na sa isang independent na kagaya ko. Pero paninindigan ko kung ano man ang magiging desisyon ko. Kahit na pagsisihan ko na pinakawalan ko ang nakadestined sakin. Pinili ko ang mag-isa, eh di mag-isa akong mabubuhay at iche-cherish ang moment ko dito. Hindi ako yung taong sising-sisi sa desisyon na ginawa niya dahil mali ang tinahak niyang daan. Dahil ikaw ang nagdesisyon niyan, dapat panindigan mo lalo at alam mong magsisisi ka sa huli" sagot ni Red
"Wala akong masabi. Pero what if kung mainlove ka sa isang tao, lady to be specific? Are you going to stick to your philosohy or not?" pahabol na tanong ni Crystal
"Hindi ko alam. I never been in love before. Hindi ko alam kong babaliin ko ba ang philosophy ko o hindi"
"Ang hirap mo namang kausap. For example lang naman. Kung nainlove ka talaga then mahal na mahal mo ang babaing yun, anong gagawin mo? Pakakawalan mo ba siya? O you will stay with her for a long time?"
"Ang hirap mo namang magtanong. Ano 'to exam?"
"Sort of. Sige na. Answer na. I just want to know your point of view lang naman" kumbinse niya
"Okay. Example lang ha. Kung Mainlove man ako at mahal na mahal ko siya, maybe I will set her free"
"Bakit naman?"
"Dahil hindi ko deserve ang isang tulad niya. To live with a guy like me na walang kinakapitan kung ano ang tama o mali, she doesn't deserve to be with me. Yung hindi man lang maipaglaban ang love nila sa isa't isa dahil may doubt siya. Ang worse kung may fear ka sa relationship ninyo"
"Eh pa'no kung ayaw niyang bumitaw. Pipilitin mo ba siyang bumitaw? Masasaktan lang kayong dalawa"
"I don't know. Pero parang tama ka rin. Masasaktan lang namin ang isa't isa. Kaya I let her go"
"Ang weak mo. Wala ka talagang magiging love life niyan dahil sa sobra-sobra mong freedom sa sarili mo at sa girl mo"
"Eh ganun ako eh. Wala na siyang magagawa"
"Uy nga pala, malapit nang engagement party. Itutuloy pa ba natin?"
"Seryoso, tinatanong mo ako?"
"Bakit? Bawal? Eh, you want your freedom then I'll give it to you. Ayoko namang magpakasal sa isang hangin no"
"At bakit ako naging hangin?"
"Kasi pagkasal na tayo, walang pakialaman di ba? Eh mas mabuti pang wag na nating ituloy. Maghahanap na lang ako ng iba. Yup, yun ang gagawin ko. Sino kaya ang pwede?"
"Teka, teka, ganun-ganun lang? Hindi mo ba ako pipilitin?"
"At sino ka para pilitin ko Mr. Freedom? Red, I want ti fulfill my father's last wish. At wala akong planong magpakasal sa isang lalaking ayaw ng may asawa. Gets?"
"Hindi naman sa ayaw ko ng asawa. Is just that-----"
"Sus! Ang dami mong arte. Just consider our marriage as a gift to your parents. Sa pagkakaalam ko, tita Daisy is much happier when you built your own family. You know, they worried about you. What if wala na sila, paano ka? Hindi matatahimik ang kaluluwa nila dahil mag-isa ka na lang"
"Alam mo, masyado kang madaldal. I don't like that" medyo naiinis na tugon ni Red
"I just saying the truth, that's all. Palibhasa kasi sayo, you don't even consider those advice na binibigay sayo"
"I don't need. Gets?"
"Bahala ka. I will tell my parents na i-cancel ang engagement. I hope, happy ka sa desisyon mo. Remember, 'No man is an island' Red. Sige, good night"
Tumayo na si Crystal at lumabas ng kwarto nila Red. Napapikit naman si Red dahil na rin sa topic nila ni Crystal at sa alcohol na nainom niya.
Pumunta naman siya sa balcony at nagpahangin muna.
Ano ba talaga ang gusto ko? Masaya ba talaga ako ngayon?
No Red. Stick to your plan. You will be happy.
"Right. I will be happy"
Kahit mag-isa lang ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top