Your Craziest Dream (3)

Nagmadali namang nagmaneho si Red patungo sa office nila. Tanghali na kasi siya nagising dahil na rin sa matagal siyang nakatulog kagabi.

Agad naman siyang binati ng security guard at ibang empleyado nila sa agency.

Pagdating niya sa conference room ay nandoon na sina Fred, Paulo at Benj na mga business partner niya.

"Sorry mga dude, nalate ako ng gising"

"Finally. Dude, ang ganda ng pinalit kay Pia. Feeling ko magkakasundo kami" pagmamalaki ni Benj

"Oh shut up Benj. Kay Fred na siya okay so back off" pag-oppose naman ni Paulo

"Oh! There she is" sabi ni Benj

Napalingon naman sila ni Red at Fred. Ngunit laking gulat ni Red dahil hindi niya inaasahan na makita ang babae. Na sa panginip lang niya nakilala.

"Charm?/Crystal" sabay na sambit nila Red at Fred

Nagtaka naman sila Paulo at Benj sa tinugon ni Red. Pati rin si Fred at ang babae ay nagtaka din.

"Kilala mo siya?" tanong ni Fred

"Sino ka? Bakit mo ko tinawag na Charm?" pagtataray nito

"Oo nga Red. Hindi naman Charm ang pangalan niya" tugon ni Fred

"Um, I'm sorry. Napagkamalan kita. You are?"

"Crystal Ramirez. Your new com. eng.?" pagpapakilala ni Crystal

Nakipagkamayan naman si Red kay Crystal. Bigla na lang may naramdamang hindi maipaliwanag. Agad namang kinuha ni Crystal ang kamay niya.

Napatingin naman si Red sa kamay niya. Parehong-pareho sila ni Charm ng kamay.

"Dude, you okay?"

"Excuse me"

Agad namang lumabas ng conference room si Red.

"Anong nangyari dun?" tanong ni Crystal

"Excuse me lang. Susundan ko lang yun"

Sinundan naman ito ni Fred. Natagpuan niya ito sa may terrace ng agency nila.

"Red? Is there something wrong?"

"Why do I feel her like I feel her in my dream when I hold her hand?"

"What do you mean?"

"She's the girl in my dream"

"Are you sure?"

"I don't know" napapikit ito

"Dude naman, seryoso ako sa tanong ko tapos sasagutin mo lang ako ng 'I don't know'?"

Napatingin naman siya kay Fred at napangiti. Napailing nalang rin si Fred sa inasal ng kaibigan.

"Gulo mo dude. Tara na nga"

Inakbayan ni Fred si Red at hinila na patungong conference room.

-----------------------------

"Red, una na kami. Ikaw, umuwi ka na at baka malunod ka na sa kayamanan mo" biro ni Benj

"Baliw. Umalis na nga kayo?"

Nagtawanan naman sina Paulo at Benj saka lumabas ng office. Ilang papers din ang binasa niya bago siya magdecide na umuwi.

Ilang linggo din ang lumipas nang mangyari yung pagkikita nila ni Crystal. Noong una, medyo naninibago siya dahil na rin sa magkamukha si Charm at Crystal.

Pero nakaadjust rin siya dahil na rin sa pinapakitang ugali ni Crys. Medyo tomboy kasi ito kung makapagsalita at napakaamazona pa. Hindi nga nakatakas si Benj sa suntok nito dahil na rin sa mukhang nainsulto sa pinagsasabi noon ni Benj.

Buti na lang nga ngayon ay good friends na ang dalawa. At wala narin siyang awkwardness na nafifeel kung nasa paligid ang babae.

Pero may problema siya ngayon. Kahit may ilang traits na opposite sila ni Charm, may iba naman na hawig din sa kanila. Gaya na lang ng pagiging maalaga ni Crys sa kanila.

Minsan pinagalitan nga sila nito dahil nagpalipas sila ng pagkain. Mas lalo na ang pagiging concern sa ibang tao. Yung thing na mas inuuna pa niya ang iba kesa sa sarili niya.

At isa pang problema. Hindi man niya inaasahan pero nararamdaman niyang mangyayari ang nasa panaginip niya.

Pero imbes na shot gun wedding, arrange marriage ang mangyayari sa kanila.

Now, he's totally not earning his freedom anymore. Dahil iniinsist ng dad ni Crys na magpakasal na ito at malas lang dahil sa kanya pa.

"Hoy! Anong iniisip mo diyan? Tara na uwi na tayo" pag-aaya ni Crys

"Go ahead, susunod na ako"

"Eh, ayoko. Sabay na lang tayo. Kung sinundo mo ako kanina, then ihatid mo ako pabalik"

"Eh sino bang nagsabing magpasundo ka? At sino bang boss dito"

"Whatever. You're not boss to me. Dali na! Gutom na rin ako. Sige na tayo na!"

Hinila-hila naman siya ni Crys. Ito rin ang isa sa ayaw niya. Yung may nangungulit sa kanya bigla-bigla. At nababad trip na siya agad.

"Hoy! Ano?"

"Fine. Saan tayo kakain?" tumayo siya at kinuha ang sling bag at coat

"Hmm, sa Jollibee. I miss their shanghai roll. Gosh! Nagke-crave na ako. Dali na at nagugutom na ako" hinila siya ni Crys

"Bakit sa Jollibee pa, sa resto nalang tayo"

"Ayoko dun. Sawa na ako. Jollibee na lang tayo. Wala akong budget para sa mga high class restaurant na yan" sumakay sa kotse

"Itetreat na lang kita" pinaandar ang kotse

"Ayoko nga. Ayokong magkautang sayo no"

"Ikakasal rin naman tayo"

"Tss! Hindi naman approve sa 'ting dalawa yun eh"

"Right. Hindi naman tayo ganun ka yaman pero they still find it to arrange a marriage"

"Well, yung sa atin kasi unique. Hindi pera o negosyo ang dahilan. They arrange us dahil pareho tayong walang planong mag-asawa. Eh sa nakadagdag lang tayo ng sakit sa ulo. Ang tataas na kaya ng mga value ng mga bagay sa mundo. Kuryente, tubig, pagkain, pampaaral sa mga anak, pangnegosyo, oh, saan ka makakakuha ng tamang amount para ipangbuhay mo sa pamilya mo? Hay si papa talaga di nag-iisip"

"Hindi ko alam na napaka realistic mong tao"

"Oo naman no. Ang hirap kayang magbudget sa pamilya. Ako pa ang maglilinis ng bahay, aasikasuhin ang asawa at mga anak, maglalaba, magluluto, I can't do that. No way!"

"Ang dami mong reklamo. Gutom ka na nga" napatawa si Red

"Eh totoo naman eh. Ayoko ng mga ganun"

"New gen. woman ka nga. Mas inaalala mo ang umasinso kesa bumuo ng isang pamilya"

"Of course. Ayoko kayang pagsilbihan ang mga lalaki"

"You hurt our feelings. Anyways, why don't we just talk to them. Ipacancel natin ang kasal"

"That my friend ang hindi ko kaya"

"Why? We both want na hindi sana matuloy"

"Kaya ako pumayag sa arrange marriage dahil sa last wish ni papa"

"We're here" inihinto ang kotse at bumaba sila

Si Crystal na ang nag-order ng dinner nila dahil hindi mahilig si Red na pumila. Nang makapag-order na ay agad silang kumain.

"So, what about the last wish?"

"Papa has a cancer. Hindi lang halata. Pero pagsinumpong siya ng sakit niya, grabe ang suffer niya"

"So kaya ka pumayag rito para i-please lang ang father mo?"

"Yup. Gusto ko, before he died he will see me na masaya ako sa piling ng husband-to-be ko. Which is you"

"Alam mo bang mas mahal ko ang freedom ko kesa sa love life?"

"Yup. Fred told me about that. Kaya  nga NGSB ka di ba?"

"NGSB?"

"NGSB. No Girlfriend Since Birth"

"Eh bakit ikaw meron?"

"Well, I'm proud to say, NBSB ako"

"Eh?"

"Bawal kasi akong magboyfriend nung high school at college. Hindi ko na rin inintindi. Kaya naman kita mo naman sa kilos ko. Sinasadya kong magkilos astigin para walang lumapit na manliligaw o magpacute"

"Ang taas ng tingin mo sa sarili mo ha. So habulin ka ng lalaki?"

"Bakit hindi ka naniniwala? Tanungin mo pa si papa. May isang manliligaw ako na muntikan ng ipapulis ni papa dahil sunod ng sunod sa kin. Eh ayaw ko naman sa kanya. Wala man lang pangarap sa buhay"

"So, ang laki pala ng expectation mo sa isang lalaki"

"Yup. Kaya NBSB ako"

"Eh kung pa'no kung ayaw ko"

"Wala kang choice. Hiniling kasi ni papa sa dad mo na ikaw ang ipapakasal sa kin. At least daw mag-asawa na tayo, hindi ako mao-awkward sayo dahil para lang akong may housemate na bato. Ay hindi pala, hangin. Isa kang hangin na parang wala kang dinaanan man lang"

"Did someone told you na napakataklesa mo?"

"Yup. Marami na. Kaya nga napapaaway ako minsan. Uy! Order muna ako ulit ng sanghai rolls ha, wait"

Agad naman itong pumunta sa counter. Napailing na lang si Red. He never expect na makakatagpo siya ng isang ganyang klaseng babae. Yung masasabi ng ibang lalaki na nakakaturn off na ugali.

Nang makabalik si Crystal ay nagkwentuhan ulit sila. Naweirduhan naman si Red dahil nakatatlong plato na ng shanghai roll na si Crystal.

Ibang klase ang appetite ng isang to. Mamumulubi ka dahil hindi basta basta nabubusog.

Nang matapos silang kumain ay inihatid na ni Red si Crystal sa bahay nito. Binati niya ang ama ng babae saka siya umuwi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top