Your Craziest Dream
Valentine's Day Special
-----------------------------------
Shot gun wedding.
Yan ang nangyari kay Red. Dahil lang sa isang pagkakamali, nagkaroon siya ng biglaang asawa.
Perfect na sana ang life niya. Successful career with a perfect family. Wala na siyang mahihiling pa.
Ang pag-aasawa para kanya ay isang kulungan. Wala ka nang kawala lalo na kapag obsess ang asawa mo sayo.
Pero heto siya at ikakasal na dahil naka-one night stand niya ang pinakaconservative na anak ng kaibigan ng kanyang papa.
Napamura naman si Red. Sana hindi na niya pinatulan yung babaeng yun. Sobrang bait pero napakasensitive. Bigla-bigla na lang iiyak pagmay ginawa kang hindi maganda sa kanya.
He hate women na weak. Kaya nga ayaw niyang mag-asawa dahil alam niyang kokontrolin lang siya nito.
Kasalukuyan silang naghihintay sa simbahan. At inip na inip na si Red sa kahihintay. He hate waiting. Lalo na sa mga taong pinaghihintay siya. Siya lang ang may right na hintayin hindi yung siya mismo ang naghihintay.
"Ma, matagal pa ba? Nangangati na ako sa suot ko o? Malapit na ba sila?"
reklamo niya
"Wag kang atat. Maghintay ka diyan at papunta na sina Maricar dito" bulong ng ina niya
"Eh sa naalibadbaran na ako sa suot ko eh. Necessary talaga na magbarong ako? Ano ako patay?"
Napatingin naman sa kanila ang ibang tao. Siniko naman siya ng ina.
"Tumahimik ka. Kasalan mo to eh. Kung hindi mo pinatulan yung anak ni Maricar, wala tayo ngayon dito. Alam mo naman na importante sa kanila ang dignidad. Di mo man lang ba naisip yun?" bulong nito
"Ginusto namin yung dalawa ma. Malay ko ba na traditional pa rin ang generation nila. Na kailangan kasal muna bago yun"
"Just shut up and wait there"
Bored na naghintay si Red hanggang sa dumating na ang bride niya. Isa-isa nang pumasok ang mga imbitadi sa kasal. At nang magsimula na ang ceremony ng kasal.
Bigla namang napalingon si Red sa pari ng sabihin na nito na sambitin na nila ang wedding vow nila.
"Umm..... ano ba ang pwede kong sabihin?"
"Um, father, ako na lang po ang mauna" tugon ni Charm
"O sige"
Tumingin naman si Charm sa kanya. He rate her, iiyak na naman ito mayamaya.
Pero nagkamali ata siya dahil hindi pa ito nagsisimulang magsalita ay napaluha na ito.
"I'm sorry. Um, saan ba ako magsisimula. Ah, nung una kitang makilala, nayabangan na agad ako sayo. But napalitan yun ng pagkagusto when you show how you really care. Red, what happen between us, I didn't regret it. I love you Red so much. And I'll do my best para maging mabuting asawa sayo. I will understand you. I will do my best para magwork out ang marriage natin. I will do everything para sumaya ka lang. And I will always at your side in times of sorrow and happiness, for richer and for poorer, in sickness and in health, kahit kamatayan, I will conquer it makasama lang kita. And this is my solemn vow"
Wala namang masabi si Red sa narinig. Hindi niya inaasahan na marinig kay Charm kay salitang yun.
I love you Red so much.
Hindi pa sana titigil sa kakaisip si Red kung hindi siya ginising ng pari. Agad namang nagbigay ng vow si Red.
"Um, Charm. Sorry I will tell you this. But ang katulad mo, hindi dapat niloloko. I'm sorry kung hindi ko kaya- I mean hindi ko Pa kayang sabihin sayo ang salitang gusto mong marinig. This wedding is unexpected. Hindi ko naisip na malalagay ako sa ganitong sitwasyon. But.... I will try to adjust. I will try my best to be the husband you wanted to be. I will try my best to make you happy. And I will try my best to be at your side always. Charm, also for the people who are here, I know nakakainsult ang mga sinabi ko but gusto ko lang talaga na maging honest sa inyong lahat especially sa parents ni Charm. And to you my bride. Nakakahiya naman sa harapan ng diyos, nagsisinungaling ako. Alam ko napaka-straight forward ko but gusto ko lang malaman niyo yung side ko. But don't worry, hindi ako magra-runaway groom. Papanindigan ko ang responsiblity ko kay Charm. Who knows, baka mapaibig mo ako. Hindi ka pa naman mahirap mahalin"
Napangiti na lang si Charm. Masam naman ang tingin ng ama ni Charm sa kanya.
"Charm, kung makakapaghintay ka, wait for me okay?" she nods
"In sorrow and happiness, for richer and poorer, in sickness and health, 'till do us part, I will wait for the time that I can utter the words you want to her. And this is my solemn vow"
"And with the power who vested in me by our dearest God, I'll now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride"
Dahan-dahang inilapit ni Red ang mukha niya at hinalikan si Charm. Nang matapos ang seremonya ay agad naman silang sumakay sa bridal car nila.
"Red... thank you for this"
"It's nothing" he smile bitterly
"I'll promise Red, after this, magiging masaya ka na. Trust me"
Napalingon naman si Red sa sinabi ni Charm. Ngumiti lang ito.
Pagdating nila sa reception ay binati naman sila ng iba pang bisita na hindi nakadalo.
Nasa kalagitnaan na ng kasiyahan ng mag-excuse si Red. Agad naman siyang pumunta sa bayo dahil ihing-ihi na siya. Nang makalabas siya ay napansin niyang may nakatingin sa kanya. Agad naman niyang nilingon ito.
Isang magandang babae na nakangiti sa kanya. Nakasuot ito ng puting damit na hanggang sahig. Agad naman itong tumalikod at umalis.
Hindi na sana niya aabalahing sundan ito ngunit may nag-uudyok sa kanyang sundan ito.
Agad niyang hinanap ang babae at natagpuan niya itong nasa garden.
"Ah, miss? Mukhang naliligaw ka ata. Imbitado ka rin ba sa kasal namin? Miss?"
Hindi ito sumagot. Ilang segundo rin ang lumipas at humarap ito sa kanya habang nakangiti. Namangha naman siya sa ganda nito. Parang isang engkantada.
What the hell! Bakit ko ba naisip yun?
"Nakikita ko sa iyong puso na hindi ka masaya sa kasal mo"
"Eh? Paano mo nalaman? Wait, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko kanina, invited ka ba dito?"
"Gusto mong kumawala sa kasal ngunit wala kang nagawa..."
"Miss, sino ka ba? Bakit----?"
"Hinihiling mo na sana hindi na lang nangyari ito. Na sana malaya ka pa rin at hindi nakakulong sa buhay na may asawa"
"Teka, bakit mo alam na yun ang gusto ko? Sino ka ba talaga?"
"Nais mo bang bumalik sa dati mong buhay?"
"Sobra. Kung pwede ko lang maibalik ang oras, hindi ko na yun gagawin. Na-stuck tuloy ako dito"
"Yan ba talaga ang nais mo?"
"A big yes. Kulang na nga lang ay takbuhan ko ang kasal ko kanina. I'm sorry, sayo ko pa ito sinabi. Ayoko talagang matali sa kahit na sinong babae. I love my freedom that much"
"Kung ganun, matutupad ang hiling mo"
"Ha? Anong sinabi--- wait saan ka pupunta?"
Agad naman niyang hinabol ito ngunit nawala na lang ito bigla ng lumiko na siya.
"Red. Sinong hinahanap mo?" tanong ni Fred
"Nothing. Baka guni-guni ko lang yun"
"Tara na sa loob, hinahanap ka na ng mama mo"
"Okay"
Bago pa siya makaalis ay tumingin ulit siya sa paligid. Napakibit balikat na lang siya at sumunod kay Fred.
Nang matapos ang kasiyahan ay agad silang nagtungo sa isang hotel upang doon muna magstay. Sa pagod ay agad napahiga sa kama si Red at ipinikit na ang mata. Hindi na niya inintindi kung tatabi ba si Charm sa kanya o hindi.
Ilang sandali pa ay naramdaman niyang may tumabi sa kanya. Wala siyang balak na kausapin ito dahil bumalik na naman ang inis na naramdaman niya para sa babae.
Papatulog na sana siya nang marinig niyang nagsalita si Charm habang umiiyak. Hindi niya masyadong naiintindihan ang sinasabi nito dahil inaantok na talaga siya. Pero may isang kataga na pumasok sa isip niya.
"Sana, paggumising ka hindi mo ko kakalimutan. Mahal na mahal kita kaya papalayain na kita"
At yun na ang huling narinig niya at nakatulog na talaga siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top