Your Craziest Dream (2)
Nagising naman si Red sa liwanag na nanggagaling sa labas. Napilit naman siyang bumangon dahil hindi na rin siya makatulog.
Naalala naman niya na ikinasal na pala siya. Napalingon siya sa tabi niya, wala ito.
Nasaan kaya siya.
Tumayo naman siya at nagstretching saka lumabas ng kwarto. Pagdating niya sa kusina ay wala si Charm.
"That's weird. Charm?" tawag niya rito
Hinanap naman niya ito sa buong paligid pero wala ito. Bigla na lang may nagsink in sa utak niya.
"Sana, paggumising ka hindi mo ko kakalimutan. Mahal na mahal kita kaya papalayain na kita"
Agad naman siyang pumunta sa kwarto upang tignan ang cabinet pero walang laman.
Shit! Wala pala kaming dalang gamit kagabi.
Kinuha naman niya ang phone niya at tinawagan ang mama. Ilang ring din ang narinig niya saka ito sinagot.
"Yes anak. Napatawag ka?"
"Ma, nawawala si Charm"
"Charm? Sinong Charm?"
"Ma, yung asawa ko"
"RED STEWARD MADRIGAL! KAILAN KA PA IKINASAL NG HINDI NAMIN NALALAMAN!"
"Ma! Kakasal ko lang kahapon---"
"IKINASAL KA NA KAHAPON! HINDI MO MAN LANG SINABI SA MIN?!"
"Ma, stop shouting okay?"
"Eh sinong hindi mabibigla na ang anak ko ay ikinasal ng hindi naman lang pinaalam sa amin"
"Ma, nakalimot na ba kayo? Nandoon nga kayo sa kasal ko"
"Ano bang pinagsasabi mo anak. Walang kasal na nangyari kahapon. Unless nagpakasal ka ng hindi mo pina---"
"Pinapaalam sa inyo, I get it. Ma listen to me, nandoon kayo ni papa sa kasal ko. Pinagalitan mo pa nga ako dahil naiinip na ako. Ma, may amnesia ba kayo?"
"Wala akong amnesia anak. Ako pa tong pinaratangan mo"
"Hindi naman sa ganun ma. Wala ba talaga kayong naaalala kahapon?"
"Anak, hindi ka nga namin pinipilit na mag-asawa kahit na atat na kami ng papa mong magkaapo. Kung ikinasal ka na kahapon, bakit naman malilimutan ko. Isang himala na kaya yun na lumagay ka na sa tahimik"
"Ma peaceful ako without a wife. Wala ba talagang nangyaring kasalan kahapon?"
"Inuulit ko, kung ikinasal ka na kahapon, hindi ko makakalimutan yun. Magiging masaya pa kami. Ayos ka lang ba anak? May gusto ka bang sabihin sa amin?"
"Ano naman po?"
"Since nasambit mo na ang kasal, do you think---"
"Ma, tatawagan na lang kita ulit"
Agad na naman niyang kinansel ang tawag dahil may nagbukas ng pinto. Agad naman siyang lumabas sa kwarto at tinignan kung sino ang dumating.
"Charm? Bakit bigla-bigla kang---- Fred? What are you doing here?"
Napataas ng kilay si Fred.
"Dude, sinusundo na kita. Malelate sa presentation natin. At anong trip mo at nambulabog ka dito sa hotel ko kagabi?"
"What? Why on Earth I do that?"
"Aba malay ko sayo. O eto magbihis ka na. Tinakot mo pa ang employee ko sa reception"
"Did I? Fred ikinasal ba ako kahapon?"
"Dude, nagbreakfast ka ba?"
"No. Kakagising ko lang"
"Kaya naman pala. Maligo ka na at magdadrive thru na lang tayo. 20 minutes dude. Malelate na tayo"
Agad namang siyang pumasok sa loob ng kwarto niya kung saan may banyo.
Pagkatapos ng presentation nila ay nag-aya naman si Fred na kumain sila sa isang resto.
"Buti na lang at nakuha natin ang account. Tiba-tiba na naman tayo nito. Anong gusto mong pwedeng---- hoy!" pukaw niya
"Ha? May sinasabi ka?"
"Kanina ka pa lutang ha? Ano bang nangyayari sayo?" pagtataka ni Fred
"Um, nothing. May iniisip lang ako"
"Is it serious? May hang-over ka pa ba?"
"No. Its just that.... never mind"
"Dude, may problema ka ba?"
"Okay, sasabihin ko sayo pero sana wag mo kong tawanan"
"Tss! Ano ba yan at mukhang di kanais-nais yan ha" natatawa ito
"Tsk! Wag na lang" tumayo at naglakad
"Uy teka! Nagbibiro lang naman ako. Uy! Dude, sige na ikwento muna"
"Sa kotse na lang. Let's go"
Agad naman silang sumakay sa kotse at umalis.
"So what is it?"
"I had a craziest dream last night. Ikinasal na daw ako"
"Whoah! Really? Maganda ba ang bride mo?"
"Well, oo. She's beautiful but the thing is, alam mo ba yung ramdam mo na parang totoo yung nangyari. Yung ikinasal ka talaga"
"Dude, I think senyales na yun na panahon na para mag-asawa ka"
"Hell no! Alam mo naman kong gaano ko iniingatan ang freedom ko. I don't want to---"
"Stuck with someone, blah blah blahh. Alam mo, yan ganyang mga paniginip minsan, senyales yan. So, mag-asawa ka na. Matutuwa pa sina tita Daisy"
"Ayoko. What I dream last night is a nightmare. Buti na lang nga at nagising ako"
"Tapatin mo nga ako, bakla ka ba?"
"What?! No! Saan mo ba yan nakuha?"
"Wala. Curious lang. Eh kasi naman, hindi ka man mahilig makipagdate, iniinjan mo pa nga yung sineset up ng mama mo. Ayaw mo rin sa mga flings. Umiiwas ka sa mga babaing lumalapit sayo. Now tell me, asan dun ang mali para macurious ako sayo"
"I assure I'm not a gay. Is just that, ayoko sa relationship. Nakakapagod. Sasaya ka tapos masasaktan ka, what the hell? Ayoko ng mga ganun. Nakakabading"
"Dude, that is how love goes. Kung masaktan ka ng sobra, well ang balik naman sa yo ay matinding kasiyahan"
"Have you been in love?"
"Um, b-bakit naman napunta sa kin ang usapan. Ikaw ang pinag-uusapan dito" nauutal na tugon ni Fred
"Well, curious lang din ako. So, I assume meron na nga. Sino yang unlucky girl na nakakuha ng loob mo" he smirk
"Um, hin...di naman sa in love pero crush oo"
"Uy! Meron nga. Sino? Kilala ba namin?"
"No. She's um, m-my acquintance in high school. Nagkita kami kahapon" napangiti ito
"Whoah! Hindi na yan crush dude. Pag-ibig na yan" tukso ni Red
"At nagsalita ang magaling sa love"
"What? I know about it. Ayoko lang e-experience. So, when can we meet her?"
"Tomorrow. She will stop by in our office. Makikilala niyo siya"
"Alright! Itetext ko sina Benj at Paulo"
"Kung makabalita ka parang ipapakilala ko siyang girlfriend. Hoy! Computer engineer natin yun"
"Com. Eng? Bakit? Na'san na si Pia?"
"At nakalimutan na niya. Matagal na wala sa atin si Pia. Nasa U.S. na siya. Ano bang nangyayari sayo?"
"I told you na parang totoo yung ikinasal ako"
"Grabe din yang panaginip mo. Para kang binundol ng sasakyan. Nagkaamnesia ka na"
"Eh ikaw kaya ang managinip nun. Tapos sinabihan pa ako na wag ko raw siyang kakalimutan at papalayain na niya ako. Now tell me, hindi ka ba masisiraan ng ulo nun?"
"Whoah! Teka, yun ang huling sinabi ng babae sayo?"
"Yup. At mahal niya daw ako"
"Hanep pare! Anong pangalan? Details naman o!"
Ikunwento naman ni Red ang napaniginipan niya. Hindi naman makapaniwala si Fred sa narinig.
"Grabe pare. Ang harsh mo sa kanya. Kung ako sayo hindi ko na pakakawalan yun"
"Baliw ka ba? Panaginip nga eh. Isang masamang panaginip"
"Pero dude may nasabi kang babae na nakita mo. Sino siya?"
"I don't know. She just keeping on asking kung gusto ko ba daw na bumalik sa pagiging single. Ewan ko ba. Feeling ko multo yung nakita ko"
"Baka nga. May mga times kasi na nagpapakita ang kaluluwa ng isanf tao sa panaginip. It depends kung winawarningan ka lang nila or gusto mo lang talaga silang makita"
"Eh hindi ko nga kilala yun eh. Anyways wag na ng nating pag-usapan yun. Nakakasakit ng ulo"
"Okay"
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa bahay ni Red.
"Thanks sa paghatid. Uy, wag mong kalilimutang magpagwapo. Malay mo mapansin ka ng crush mo bukas"
"F*** you, dude. Sige. Mapanaginipan mo sana ulit yung multo" pananakot ni Fred
"Never. Ingat"
Kumaway naman siya at pumasok sa bahay nila.
Sana nga hindi ko na mapanaginipan si Charm.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top