Mr. Ba(n)d Boy
Every time is precious. We should not waste even a single seconds. Because if our time is up, we hardly can't go back.
Unless if you are given a chance to go back the time you waste for nothing.
The time you taken for granted.
******
Harold effortly get every girls attention. Being the lead vocalist of the famous band, "Euphony".
Wala na siyang mahihiling pa dahil halos lahat nalang ng kailangan niya ay nasa kanya.
Then it came this fan girl who hopelessly in love with him. Hindi niya alam kung paano nakakapuslit ang babae sa dressing room nila at lagi nalang siyang binibisita at binibigyan ng kung ano-ano.
Hindi naman niya ito mapalayo dahil baka maging bad ang image niya sa iba pang fans.
Kasalukuyan silang palabas ng dressing room ng bigla na namang sumulpot sa harapan nila ang babae.
"Hi guys. Hi Harold" bati nito habang kumakaway sa kanila.
"Uy! Sheka. Andito ka na naman. May dala ka na naman ba para kay Harold?" tanong ni Vince.
"Ah, oo. Here." Ibinigay nito ang paper bag kay Harold. "Vitamins yan para hindi ka madaling mapagod at magkasakit." Paliwanag nito.
"T-thanks. Sige, mauna na kami" sagot ni Harold saka umalis.
"H-Harold, sandali.." habol ni Sheka.
Humarap naman si Harold sa kanya at kinompronta. Huminga siya muna ng malalim upang kontrolin ang inis.
"Sheka, to tell you frankly ayokong sinusundan mo ako palagi like you are obsessing me. Nakikiusap ako sayo, tigilan mo na ako dahil wala pa sa plano ko ang makipagrelasyon. Sana maintindihan mo yun ha. Thank you. And one more thing, stop sending me gifts. It gives me creeps sometimes" nasabi na lang ni Harold saka umalis.
Nalungkot naman si Sheka sa sinabi ni Harold. Alam naman niyang wala siyang pag-asa kay Harold pero sige pa rin siya dahil mahal na mahal niya ito. At hindi yun obsession.
Napatigil nalang siyang umiyak nang may mag-abot sa kanya ng panyo.
"Makakalimutan mo rin siya kung kakayanin mo. Marami pa diyang iba" advice ni JC sa kanya saka ito umalis.
Simula ng araw na yun ay hindi na pinupuntahan ni Sheka si Harold. Parang natrauma siya sa pangrereject nito sa kanya.
Pero tadhana na ang naglapit sa kanilang muli at imbes na makalimutan ni Sheka si Harold ay lalo lamang siyang naiinlove rito.
Kaya, sinubukan niya ulit na kulitin ito. At hindi nga siya nagkamali dahil napapansin na siya ni Harold.
Tuwing may guesting o concert man ito ay present siya lagi. Hanggang sa naging sila na nga. Para kay Sheka, dream come true ang nangyari sa kanya dahil naging sila ni Harold. Though hindi pa niya naririnig mula na mag-I love you sa kanya ang nobyo.
Binuhos lahat si Sheka ang nalalaman niyang pag-aalaga kay Harold. Kung magkasit man ito, lagi siya ang nag-aasikaso nito. Halos kalimutan na niya ang sarili niya para lang kay Harold.
Hanggang sa dumating ang hindi nila inaasahan na pangyayari. Hapon na noon at natatataranta na si Sheka dahil late na siya sa usapan nila ni Harold.
Nang makarating na siya sa headquarters ng Euphony ay dali-dali siyang pumasok. Ngunit napanhinto siya ng marinig niyang may kausap si Harold sa may bandang kusina.
"Bro, hanggang kailan ka ba magsisiningaling sa kanya?" rinig niyang tanong ni Lewis, isa pa nitong kabanda.
"What are you talking about?"
"Bro, alam kong plano mo lang na maging girlfriend yang si Sheka para pagselosin si JC dahil alam mong may gusto ito sa kanya"
"Eh ano naman kong plinano ko lahat. Maswerte nga siya at pinagbigyan ko siya" mayabang na sagot ni Harold.
"You didn't mean that don't you?"
"Of course I did. You know that I don't want any complication right now dahil sumisikat na tayo. That's the part of my plan para sumikat pa tayo lalo"
"You're a jerk, man"
"Call me anything, I just did this for our band dahil mahal siya ng mga tao. We need her popularity"
Hindi na napigilan na mapahikbi ni Sheka na ikinabaling sa kanya ng dalawa.
"H-hi. Sorry ha, ngayon lang ako nakarating--"
"You heard us right?" tanong sa kanya ni Harold.
"H-huh? Ano bang sinasabi mo? Nga pala, I bought you guys some fruits and--"
"Sheka! Stop being so naive!" sigaw sa kanya ni Harold.
"Bro.." tawag ni Lewis.
"I know what I've heard, Harold. A-and if you need my popularity just to be on top, I don't mind. As long as I can help you. Then I'm happy" she smile.
"Sheka. Wag kang ganyan" sambit ni Lewis.
"I know its my fault dahil nagpumulit pa rin ako kay Harold, so if this the payment of being an annoyance to you, I don't mind if you are just using me"
"Sheka naman. Bro, ano ba? Magsalita ka naman" untag sa kanya ni Lewis.
"Buti naman at tanggap mo. Dahil ganun lang ang tingin ko sayo. Hindi ako magsosorry dahil ikaw rin naman ang lumalapit sa akin. Mind as well, gamiyin ko na ang opportunity na yun"
"You bastard!"
Napalingon sila sa nagsalita. Agad namang sinugod ni JC si Harold sakaniya ito sinutok ng napakalakas. Agad naman itong inawat nina Vince at Lewis.
"Sabi ko na nga ba at ginagamit mo lang siya! Nakakahiya ka!" pagalit na sigaw ni JC.
"JC please, tumigil ka na" pagmamakaawa ni Sheka.
"Bakit ka ba kumokontra? Nakikinabang ka rin di ba?"
Nabitawan naman ni Vince si JC saka sinugod ulit si Harold. Sigaw lang ng sigaw si Sheka.
"Ano? Pagod ka na? Bago mo ako bugbugin, sana narealize mi na lahat ng ginagawa kong ito para sa banda natin. Kaya wag mong isumbat sa akin na makasarili ako!"
"Makasarili ka! Dahil sarili mo lang ang iniisip mo. Hindi mo man lang naisip pakiramdam ni Sheka. She doesn't even deserve a bad guy like you!" dinuro ni JC si Harold.
"Pwede ba tama na! Tama na! Wag mong sisisihin si Harold. It my decision to be with him kaya wag kang makialam!" umiiyak na sigaw ni Sheka kay JC.
"At kinakampihan mo ang g*g*ng ito"
"Kakampihan ko siya kahit ano pang gawin niya"
"Sheka..."
"Kakampihan ko siya dahil mahal ko siya. Kung makakatulon ako sa kanya then its my pleasure to be helpful and useful for him" naiiyak na sagot ni Sheka.
"See? She want it. Kayo lang naman ang against"
"Then I have no choice to get out you from the band" seryosong sagot ni JC.
"JC.." tawag ni Sheka.
"What? Aalisin niyo ako dahil sa babae. I can't believe you. Matapos ng ginawa ko to make this band a famous one, ako pa ngayon ang aalisin niyo? Fine, ayoko rin naman ng mga kasama na walang binatbat" sagot nito saka umalis.
Susugod sana si JC pero napihilan ito ni Vince. Agad rin namang sumunod si Sheka. Tinawag pa siya ni JC pero patuloy lang siya sa pagsunod niya kay Harold.
Nakiusap naman si Sheka na bawiin ang sinabi niya kina JC pero matigas talaga ang ulo nito.
"Just stop following me okay! Nakakirita ka na eh! Pwede bang lubayan mo na ako? Nagamit na kita at wala kanang silbi sa akin" sigaw nito saka ito yumawid.
Napatulala naman si Sheka roon. Nasaktan siya sa sinabi ni Harold pero hindi pa rin siya naniwala rito. Agad naman siyang sumunod kay Harold ngunit hindi niya inaasahang mahagip siya ng kotse.
Tumilapon naman si Sheka. Napalingon naman si Harold sa nangyaring aksidente at nang makita niya si Sheka na nakahandusay sa daan ay natuliro siya.
Dahan-dahan siyang lumapit rito at hindi niya namalayang napaluha na siya. Nagising nalang ang diwa niya ng may tumulak sa kanya. Si JC. Umiiyak rin ito.
Hanggang sa ospital ay tuliro pa rin siya. Sinalubong niya lahat ng galit ni JC sa kanya dahil alam niyang siya ang may kasalanan nun.
Mula noon ay hindi niya nabisita ang kritikal na kalagayan ni Sheka. At nalaman na lang niya na pumanaw na ito.
Nagsisisi siya sa mga sinabi niya rito. Alam niyang dahil lang sa bad trip lang at problema sa bahay nila ang dahilan kung bakit niya nagawa yun. Kung may paraan pa sana.
Gagawa siya ng paraan mapatawad lang siya ni Sheka. Makita niya lang itong muli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top