I Beg You. Please Love Me. (6)

Matinding saya ang nararamdaman ni Renz ngayon dahil na rin nasa kanya na ang mag-ina niya.

Kasalukuyan siyang naghahanda para sa surprise niya kay Angela. He can't believe na darating ang oras na ito na mag-eeffort siya para lang ma-please ang asawa niya.

May one time kasi na nag-away sila dahil sa pang-iispoil niya sa anak nila. Lahat kasi ng demand ni Gel ay binibigay niya. Kaya humantong sa hindi pagkausap sa kanya ni Gela.

Naalarma na siya nun. He thinks that if didn't do anything to fix their relationship, there's a possibility that Gela might leave him. At yun ang ayae niya.

"O hijo, anong okasyon at nagpahanda ka yata ng marami?" His lola ask him.

"Anniversary naming mag-asawa. Kaya sinubikan kong magluto para sa kanya."

"Hmm. Ang sweet mo naman. Siguradong matutuwa ang asawa mo niyan."

"I hope so lola. I want this night to be special for us."

"Nagbago ka na nga talaga. At nagpapasalamat ako kay Gela dahil binago ka niya. Sa mabuting paraan."

"At yun ang pinasasalamatan ko."

Ilang sandali pa ay dumating na rin sina Gela at Gel kasama ang mga magulang nito. Inimbitahan rin kasi niya ang parents ni Gela upang makicelebrate sa isang taong kasal nilang mag-asawa.

Masaya naman silang naghapunan. Kinakausap na si Renz ngayon ng ama ni Gela pero alam niyang nagiging civil lang ito sa kanya.

Nang matapos silang maghapunan ay nagkwentuhan muna sila saka nagdesisyong umuwi ang mga parents nina Renz.

Pagpasok ni Gela sa kwarto nila ay nadatnan niyang gising ang asawa niya. Nakasandal ito sa headboard ng kama nila.

"Akala ko nakatulog ka na. Hindi ka pa ba inaantok?" Tumabi siya rito.

"Naisip ko lang kong kailan kaya ako mapapatawad ng tatay mo?"

"Huh? Bakit? Kinausap ka naman niya kanina ha."

"Kahit kinakausap niya ako, ramdam ko pa rin na wala siyang tiwala sa akin. Siguro.... siguro iniisip niya na sana si Von nalang ang pinakasalan mo."

"Renz, ano ba yang pinagsasabi mo? Napag-usapan na natin yan di ba?"

"I'm sorry. Matulog na tayo."

"Renz, kung ano man yang gumugulo sayo. Wag mo nang isipin okay? Tsaka, anniversary natin ngayon. Di ba dapat, happy tayo?" She pouted.

"Hay! Bakit ba mahal na mahal kita?"

"Aba! Malay ko sayo." Tumalikod ito ng higa.

"Love? Nagtatampo ka ba? Uy!" Kinalabit niya ito.

"Oo. Kaya suyuin mo ako." Tumawa lang ito ng mahina.

Napangiti nalang si Renz sa tinuran ng asawa. Kiniliti niya ito hanggang sa humantong sila pagniniig.

Habang yakap-yakap noya ang asawa, hindi pa rin maiwasan ni Renz ang mainsecure. Dahil kahit wala na si Von sa buhay nila, nandoon pa rin ang pagkabahala niya. Lalo pa't gustong-gusto niya na makamit ang tiwala ng ama ni Gela.

Naging maganda ang takbo ng relasyon nilang dalawa. Kahit may mga konting away ay nagagawan rin nila ng paraan agad.

Hanggang sa bumalik na naman sa buhay nila si Von. Tumayming pa nung may hindi sila pagkakaunawaan ni Gela dahil sa pag-spoil niya ulit sa sa anak nila.

Nabahala siya lalo pa't nagkakasama ang dalawa dahil may ipinapatayong business building si Gela at si Von ang ginawa nitong engineer.

Halos hindi na siya makapagconcentrate sa trabaho niya. Minsan nga ay napapagalitan na siya dahil sa dami ng absent niya. Sinusundan noya kasi palagi ang mga ito.

He is so afraid na baka one day bumalik ang nararamdaman ni Gela para kay Von. Isipin pa lang niya yun para na siyang pinapatay. Ngunit hindi siya papayag na mangyari yun.

Kung kailangan niyang lumuhod at magkaawa kay Gela wag lang siyang iwan nito, gagawin niya.

And then that incident came. Sinabi kasi ni Gela sa kanya na may gusto pa rin si Von sa asawa niya. Hindi man pumayag si Gela dahil kasal sila pero hindi maiwasan ni Renz na mag-isip na baka napapagod na sa kanya si Gela at piliin nito si Von.

"M-may nararamdaman ka pa rin ba sa kanya?" Kinakabahang tanong niya.

"Renz.... please. Kung magse-self pity ka na naman, wag na natin yang pag-usapan. Okay. Matulog na tayo---" lumuhod naman si Renz.

"Tell me. A-anong pwede ko pang gawin para hindi mawala ang pagmamahal mo sa akin." Naluluha nitong tanong.

"Renz, ano bang ginagawa mo. Tumayo ka diyan." Pinilit niya itong tumayo.

"Please, Gela. I don't want to lose you. Please, sabihin mo sa akin kung ano pang gagawin ko. Kasi hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin. Kayo ni Gel. Please, I'm begging you." Napayuko nalang si Renz habang umiiyak.

"Renz...." niyakap niya ito habang naluluha na rin. "Ikaw ang mahal ko. At kahit na pilitin pa rin ni Von na mahal niya ako, ikaw pa rin ang pipiliin ko. Ganun kita kamahal. Kaya please, wag ka nang magmakaawa sa akin. Kasi nasasaktan ako kapag nasasaktan ka."

Inangat naman ni Gela ang mukha ni Renz na umiiyak pa rin. She can see the love, her husband have for her.

"Renz, love. Alam kong ilang beses na kitang sinabihan na walang patutunguhan ang insecurity di ba? I tell you a secret. Alam mo bang naiinsecure rin ako sa ibang babae. Lalo na yung nakakatrabaho mo. Renz, hindi lang ikaw ang natatakot na baka isang araw ay iwan mo kami. Pero sinasabi ko sa isipan ko na kung magpapadala ako sa selos at insecurity, pwedeng ito ang maging dahilan para iwan mo kami."

"No. Hinding-hindi ko gagawin iyo. Mahal-mahal ko kayo. And I treasure you."

"I know. Kaya nga sinigurado kong naasikaso kita. Kayo ni Gel para naman hindi ka maghanap ng iba na mag-aasikaso. Lalo na kung sexy time na natin. Gusto kong masatisfy ka para naman hindi ka ma-bore sa akin."

"Hindi mo naman kailangang gawin yun. You always satisty me in every way. You complete my life na noon ko pa hinahanap."

"And I thank you for that. Thank you na kahit hindi man tayo ipinagtagpo sa mabuting paraan, heto tayo at pinaglalaban natin ang family natin. Thank you so much, Renz. Thank you for loving me."

"So, hindi mo na ako iiwan?"

"Never. Because ikaw lang ang mahal ko."

"Thank you. For choosing me. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag iniwan mo ako. I'm sorry sa pagiging insecure ko. I'm... I'm just so afraid to lose you."

"Mahal kita. At itatak mo yan sa puso mo. Gusto mo pa ng isa pang evidence? Naghihintay na ang kwarto." Natawa nalang sila.

"You naughty. Pero seryoso ako. Sabihin mo lang sa akin kung ano pang kailangan kong gawin para hindi naman humina ang love mo sa akin."

"You don't trust me? Baka naman ako ang dapat may gawin at baka maagaw ka nung may mga magagandang legs na kliyente niyo ha." Pagtataray ni Gela.

"I don't care with those other legs. I'm already satisty with your legs." He smirk.

"Naughty. Halika na nga matulog na tayo. Puro ka kadramahan. May paluhod-luhod ka pa. Sa susunod na gawin mo yan hindi na ako mangngiming..." pinatayo na si Renz.

"Wait. No, I will not do it again. Just don't leave me."

"I mean, hindi ka tatabi sa akin. Sa sofa ka matutulog kapag inulit mo yung pagluhod mo. Paranoid. Diyan ka na nga." Pumasok sa kwarto.

"Love, wait. Promise, hindi ko na yun uulitin..."

Sometimes, we just don't know when is the time that love will makes us crazy.

We don't know when can you say that he or she is the one that will be my partner i for a lifetime.

We can't even know if a relationship will last.

Sa mundong ating ginagalawan, konti nalang ang masasabi nating "itong taong 'to, mahal niya ako at hindi niya ako iiwan." O di kaya naman, "kontento na akong siya lang."

Dahil kung ang isang tao ay papasok sa isang relasyon, be sure na handa kang masaktan at alam mo kung paano maghandle ng relationship. Especially yung nasa stage na ng 'responsibility.'

We should be careful when choosing your 'the one' but we should also be truth at all time in our feelings. If you think that 'he/she is the one.'

And at the end of the day, even if you deny to yourself that you are not going to love, it will come to you without you noticing it. Especially for those people who already gave up in love.

Because love makes the world go round. And crazy. 💗

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top