I Beg You. Please Love Me. (5)
Konti nalang at iisipin na talaga ni Angela na plinano ni Renz ang magkasama sila. Nasasambit kasi ng anak niya na gusto niyang magkasama kami ng papa niya.
Paano naman sila magkakasama kung wala naman silang nararamdaman sa isa't isa? Ang tanong, wala nga ba?
May mga times kasi na maasikaso si Renz sa kanila. Parang nakikita niya ang ibang side nito. Ngunit hindi pa rin siya kombinsado dahil baka pangfront niya lang ito.
Pero parang hindi rin. May time kasi na napadalaw silang mag-ina sa bahay nila Renz ng wala sa plano dahil bigla itong nagkasakit.
Doon niya nakilala ang ama at lola ni Renz. Humingi rin ng tawad ang lola nito sa mga nagawa sa kanya. Inalagaan naman niya ito dahil doon na rin sila pinatulog dahil gabi na noon at hindi siya pinayagan ni Renz na umuwi silang mag-ina.
Matapos ang pagpapakilala sa kanila ay nasundan pa yun ng mga araw na dinadalaw nila ang lola ni Renz. At napapansin niyang hindi masyadong magkasundo si Renz at ang ama nito.
Kaya nakwento sa kanya ng lola nito ang nangyari kay Renz. Bigla siyang naawa rito. Hindi pala talaga madali ang pinagdaanan nito kaya nagawa ni Renz ang mga bagay na hindi na maganda.
Nang magkausap naman sila ni Renz ay narinig niya mismo rito na gusto nitong bumuo ng sariling pamilya. Yung buo at hindi maghihiwalay.
Gusto rin naman ni Gela ng ganoon. Gusto niyang bigyan si Gel ng kompletong pamilya. Ngunit papano? Ni hindi niya magawang pagkatiwalaan si Renz ng ganun kadali, bubuo pa kaya sila ng pamilya.
Bigla nalang namula si Gela sa naisip niya. Bakit ba kasi naisip niya ang bagay na yun?
Hindi naman niya inaasahan ang pagdating ni Von ulit sa buhay niya. Matagal-tagal na rin simula nung huling kita nila. Nagtatawagan nga sila ngunit iba pa kung makikita mo ito sa personal.
Makikita mo sa kanila kung gaano sila kasabik sa isa't isa. Ngunit natigil lang sila ng hilain siya ni Gel at pinapunta kay Renz. Humingi nalang siya ng paumanhin kay Von.
Hindi alam ni Gela kung paaano sasabihin sa anak niya na hindi pwede ang sinasabi nito na magkasama sila ng ama nito. Ngunit sadyang makulit ito at nasigawan niya pa ito dahil hindi pwede ang gusto nito.
Kaya naman nabahala siya nung ginusto nito na sa ama muna ito matutulog. Nasaktan siya dahil sa ginawa sa kanya ng anak niya. Ayaw pa naman niyang mahiwalay rito ng napakatagal.
Sigurado talaga siyang plano yun ni Renz para magsama sila. Wala siyang choice kundi pagbigyan ang gusto ng anak.
Bago pumayag ang magulang ni Angela sa pagpapakasal nito ay pinahirapan muna ng ama niya si Renz.
Doon na naranasan ni Renz ang pakiramdam ni Von nung nililigawan pa niya si Angela.
Pero ayos lang sa kanya, tatanggapin niya lahat ng hirap mapasakanya lang ang mag-ina niya. Hindi niya papayagan na mukuha ni Von si Angela. Ngayon pa na may nararamdaman na siya sa ina ng anak niya.
Kahit pagod sa trabaho, sige pa rin ang panunuyo niya sa ama ni Angela. Pero nagdesisyon si Angela na patigilan na ang ama niya sa pagpapahirap rito.
Hindi nga nagtagal ay ikinasal silang dalawa. Grabe ang tuwa ng anak nila dahil magsasama na ang mga magulang niya. Naging masaya rin naman si Angela dahil masaya ang anaka niya.
Sa isang pagsasama, hindi maiwasan na minsan ay hindi pagkakaintindihan. Minsan nga ay hindi ni Angela maintindihan si Renz pero gumagawa naman ito ng paraan para mag-ayos silang dalawa.
Pakiramdam ni Angela ay nagsasama lang talaga silang dalawa dahil sa anak nila. Hindi niya kasi alam kong mayroon ba talagang konting pagmamahal ang asawa niya para sa kanya.
Natatakot siya na baka isang araw ay masaktan siya at maghihiwalay rin sila. Kapag naiisip niya yun ay parang hindi niya kakayanin lalo pa't may anak sila ni Renz. Ayaw niyang masaktan ang bata king sakaling maghiwalay man sila.
Ngunit parang kabaligtaran yata ng iniisip niya dahil todo ang pag-aasikaso sa kanya. Minsan nga may mga awkward moments pa silang dalawa. Para silang mga teenagers kung kiligin minsan.
Kahit magkaganun man, Angela is still holding on to Renz promises. Na sasaya siya sa piling nito. At ginawa naman nito. Kahit sa maliliit na bagay ay kinasisiya na niya. She's hoping that Renz would feel the same.
Gusto niyang maging masaya ang pamilya niya. Kahit ilang unos pa ang danasin ng pamilya nila basta ay sama-sama nila itong lalabanan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top