I Beg You. Please Love Me

Isang simpleng babaeng may mataas na pangarap. Yan si Angela Pineda. Dahil na rin siguro sa kahirapan ay nagpursige siya sa kanyang pag-aaral.

Dahil ba rin sa angking katalinuhan niya ay nakakuha siya ng scholarship sa isang sikat na university sa Pilipinas.

Civil Engineering ang kinuha niyang kurso dahil isa sa pangarap niya ang maipatayo niya ng sariling bahay ang magulang niya.

Isang bananaque vendor ang mama niya. Suma-sideline pa ito ng pagluluto ng iilang ulam at nilalako nilang dalawa. Ang papa naman niya ay isang traysikel driver. Minsan, rumaraket rin ito bilang construction worker.

Nag-iisa lang siyang anak. At kahit gustuhin ng magulang niya na magkaroon siya ng kapatid ay hindi na pwede dahil nanggaling na sa sakit ang mama niya.

Nailigtas nga si mama dahil may ilang kamag-anak na tumulong sa kanila ngunit hindi na nila magawa ang makabuo ulit.

Nagpapasalamat nalang siya at hindi naghanap ng iba ang papa niya. Isa pa naman yan sa dahilan kung bakit may mga mag-asawang nagkakahiwalay.

Naging maganda naman ang takbo ng mga grades niya sa college. Kahit minsan masasabi niyang parang hindi na niya kakayanin. Buti nalang at may nagmomotivate sa kanya na magpatuloy pa rin.

At yun ay ang ultimate crush niya na si Von Castro. Kaklase niya ito at medyo may pagkanerd dahil sa nakasalamin ito pero lumalabas pa rin ang kagwapuhan nito.

Umabot talaga sa punto na sana ay magsolo silang dalawa dahil lagi kasi magkasama ang mga kakaklase nila. Kaya walang pagkakataon talaga.

Pero hindi niya inaasahang isang araw ay nakapagsolo nga silang dalawa. Inaya pa nga siya ni Von na kumain sa labas.

Sobra-sobrang kilig ang nararamdaman niya. Kaya nga hanggang nagfourth year na sila ay kabilang pa rin siya sa dean's list dahil sa inspiration niya.

Then, one Valentine's Day. Nag-usap-usap silang magkaklase na maggroup date sila. Ngunit nang magcr lang siya ay biglang nawala ang kaklase niyang sina Trina at Bea.

Hinanap naman niya ito sa buong building ng Engineering pero wala ang mga ito. Nagdesisyon siyang lumabas ngunit hindi niya inaasahang may nagbigay ng rose sa kanya.

Lumakas bigla ang tibok ng puso niya dahil first time niya na may nagbigay sa kanya ng rose. Nang umalis ang lalaki ay nagpatuloy na rin siya paglalakad ngunit may nag-abot na naman sa kanya ng isa pang rose.

Sa daan na tinahak niya ay may bigla na lang nagbibigay sa kanya ng bulaklak. Hanggang sa umabot na ito ng pang-13 na roses.

Nang makarating siya sa may garden ay nakita niya ang mga kaklase niya na nagsilinya na para bang mga sundalo. Itinaas pa nila ang tube na para bang espada.

Bigla namang lumabas si Von na may dalang rose at chocolate. Halos maiyak na sa tuwa at kaba si Angela. Hindi niya alam ang nararamdaman niya ngayon.

"Gela, dumaan ka na. Nangangalay na kami oh?" Untag sa kanya ni Bea.

"Ay! Sorry."

Naglakad naman siya agad sa gitna na para bang ikakasal siya. Nag makarating siya sa harapan ni Von ay huminga pa siya ng malalim. Gusto niyang pakalmahin ang sarili sa mangyayari ngayon.

"Gela, I know biglaan ito. But I convince myself to take courage para lang masabi ko sayo ang nararamdaman ko. Pero bago pa sa totoong pakay ko. I need to do this first" paliwanag ni Von sabay luhod sa harapan ni Angela.

Napatakip naman si Angela ng bibig. Pigil-hininga niyang pibakalma ang sarili.

"Angela, will you be my date this Valentine's day?" Sabi nito sabay abot sa kanya ng bulaklak at chocolate.

"Whoo!!! Sasagot na yan!" Cheer naman ng mga kaklase nila.

Napapatawanf lumingon siya sa mga ito saka napailing. Bumaling naman siya ulit kay Von. At walang pag-alinlangang sinagot niya ito.

Halos matumba naman siya ng bigla siyang yakapin ni Von. Napaiyak nalang siya sa tuwa.

Hindi na sila pinayagan ng mga kaklase nila na makipaggroup dito. Dapat daw silang magsolo para naman makaamin na sila sa isa't isa.

Pumunta naman sila sa isang fastfood chain. Doon nila inamin sa isa't isa na may lihim na pala silang nararamdaman sa isa't isa.

Matapos ng aminan, nagpatuloy naman si Von sa panliligaw kay Angela. Mas lalo namang nagpursigido si Angela na mag-aral dahil na rin kay Von.

Hanggang sa ipinakilala na ni Angela sa magulang niya si Von. Buti nalang at nagustuhan ito ng parents niya. Nag-advice pa ang mga ito na uunahin muna ang pag-aaral.

Sunod naman na kinilala nila ang parents ni Von. Kinakabahan pa nga si Angela.

Medyo istrikta ang mama ni Von king titignan ngunit pagnakausap mo na ito ay hindi ka na tatantanan.

Muntikan na ngang hindi makauwi si Angela dahil talagang nagustuhan siya ng mama ni Von. Palibhasa at kaisa-isang anak rin ito at gusto ng mama ni Von ng anak na babae.

Kaya nga kung magde-date sila ni Von ay bahay na nito sila pumupunta. At doon pagbe-bake ang naging hobby nila ng mama ni Von.

Minsan naman ay sa bahay nila nj Angela. May isang beses nga na nangulit si Von na subukan ang pagda-drive ng traysikel.

Pinayagan niya ito ngunit kasama niya ang papa niya. At atun nga, malaki ang kinita dahil nila dahil na rin sa dami na sumakay rito.

Naging close na talaga sina Von at Angela sa kani-kanilang pamilya. Lalo na nung sinagot na ni Angela si Von.

Medyo naging mahigpit na kasi ang parents ni Angela. Baka kasi kung saan pa sila mapunta lalo pa't magkasintahan na sila.

Naging maganda ang takbo ng relasyon nila ni Von. Hanggang sa ikalimang taon na nila sa koleho sila. Bantay sarado sila ngunit hindi naman nila ito tinutulan.

Nararamdaman na talaga ni Angela na si Von na ang magiging panghabang buhay niya. Kinilig siya bigla sa naisip.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top