I Beg You. Please Love Me. (3)

Hindi nga siya nagkamali. Dahil hindi pa nga uwian ng mga bata ay dumating na ito. Medyo nabigla pa ito ng makita siya.

Hindi na niya napagilan ang sarili at nasampal niya ito ng napakalakas. Hindi pa siya nakontento at pinagsusuntok pa niya ito sa dibdib.

Hindi naman pumapalag si Renz at tinanggap niya lang ang mga sampal at suntok ni Angela.

Nang mapagod si Angela ay napaupo nalang siya at napahagulgol. Naghalo ang sama ng loob at galit sa puso niya ngayon. Tumayo naman siya at hinarap ulit ito.

"Hayop ka. Matapos mo akong bababuyin, bigla-bigla ka na lang magpapakita sa anak ko! Sino ka ba sa akala mo?!"

Binigyan niya ulit ito ng malakas na sampal. Kinailangan na siyang pigilan ni Renz dahil nag-eeskandalo na sila sa tapat ng school.

"Angela please..."

"Umalis ka na! Wag na wag mo nang lalapitan ang anak ko. Simula nung sinira mo ang buhay ko, pinangako ko na hinding-hindi mo mahahawakan ang anak ko. Umalis ka na!"

Walang nagawa si Renz kundi ang umalis. Naiwan naman si Angela na umiiyak. Nang gabi ring yun ay sinabi niya sa magulang niya na bumalik na ang ama ng anak niya.

Mahigpit namang pinagbawal ng papa niya na wag itong palapitin kay Gel. Sinigurado naman ni Angela na hindi ito makakalapit.

------------------------------------------------

[His side]

Happy-go-lucky. Yan ang ang madidiscribe mo sa isang Renz Samaniego.

Idagdag mo pa ang pagiging 'women catcher' nito. Halos lahat yata ng babae ay sa kanya nakatingin dahil sa way ng ngiti niya.

Renz consider his self lucky. But it all changes when his mom cheated on his father.

Doon nagsimula ang hindi niya pagtitiwala sa isang babae. Naawa siya sa papa niya dahil ginawa niya lahat para lang mapasaya ang mama niya pero hindi pa rin ito naging sapat.

Ang masakit pa ay kaibigang matalik ng papa niya ang naging kabit ng mama niya. Naging idolo niya ang tito Rainer niya dahil isa itong arkitekto. Pero rin pala ang sisira ng tiwala niya sa kanya.

Ngayon ay nakatira siya kasama ang papa at lola niya. Nasa abroad ang kanyang papa bilang sea man. At naiwan siya sa lola niya, which is mother ng papa niya.

Dahil nga laking lola siya, hindi maiwasan na minsan ay nagrerebelde rin si Renz. Nung minsan na pinagalitan siya ng lola niya dahil ang tagal niyang umuwi, bigla nalang niya itong sinagot-sagot. Na naging dahilan ng kamuntikan ng atakihin sa puso ito.

Nang makauwi ang papa niya ay sangkaterba naman ang sermon nito sa kanya. Lalo pa't bagsak-bagsak din ang mga grado niya.

Kaya kinompronta siya ng papa niya at nagsuggest itong sumama nalang sa mama niya. Ikinagalit naman niya ito dahil pakiramdam niya ay pinagpasapasahan siya.

Muntikan pa silang magpambuno ng ama niya. Kaya ang ginawa niya ay imalis nalang doon sa bahay nila. Tutal naman ay wala namang may pakialam sa kanya.

Humingi siya ng tulong sa mga kaibigan niya ngunit wala ni isa ang tumulong sa kanya. Feeling niya ay ipinagkait sa kanya ang lumigaya dahil sa nangyayari sa kanya.

Gutom naman siyang umuwi ulit sa kanila. Agad siyang niyakap ng lola niya at pinakain. Hindi naman sila nag-usap ng ama niya dahil baka king may magsalita sa kanila ay makapagsisimula na naman sila ng panibagong gulo.

Nang makapag-ayos na siya sa sarili niya ay kinausap naman siya ng lola niya. Ipinaintindi sa kanya ang sitwasyon ng ama niya ngayon.

Dahil na rin sa tigas ng ulo ni Renz ay ni hindi man lang nagsink-in sa utak niya ang mga sinabi ng lola niya. Isa lang ang gusto niya ngayon, sana bumalik na sa barko ang ama niya para wala nang balakid sa paligid niya.

Ilang linggo rin ang lumipas at bumalik na sa barko ang papa niya. Ikinasiya iyon ni Renz. Tinupad naman ni Renz ang pangako niya sa lola niya na mag-aaral na siya ng mabuti.

Plani niyang umalis na sa poder ng papa niya. Gusto niyang mag-isa. Yung walang magdidikta sa kanya.

Nung magkoleheyo na siya ay kumuha naman siya ng kursong Architecture. Plano niya bumuo ng sariling bahay. At naisip rin niya na malaki ang magiging sweldo niya kung yun ang kukunin niya.

Naging maganda naman ang takbo ng pag-aaral niya. Hindi man siya naging scholar ay napapasa naman niya ang mga subjects niya. Syempre sa tulong na rin ng mga babaing lumalandi sa kanya.

Minsan nga ay may kapalit ang pagpapagawa niya ng assignment at projects. Well, madali lang naman ang mga nirerequest ng mga ito. Sino ba siya at hhihindian niya ang mga ito? Inihain na nga sayo, aayaw ka pa ba?

Dahil na rin sa pagiging sikat sa school niya, hindi rin maiwasan na marami-rami rin siyang naging kaibigan. Mga bad influence friends ika nga.

Natuto siya sa mga barkada niyang gumamit ng droga which is first time para sa kanya. Hanggang sa nasanay na siya. Pero hindi niya pa rin hinahayaan ang pag-aaral niya. Dahil kapag bumagsak siya, mas lalo lang hindi siya makakalaya sa ama niya.

Isang araw ay may tinitignan ang mga kabarkada niya. Nakita niya na may parang pinagkakaguluhan. Siguro nagpropose ang lalaki dahil nakaluhod pa ito.

Napalingon naman siya sa barkada niya nang sabihin nitong type niya yung babaing nakahawak ng mga roses.

Napailing nalang siya sa mga barkada niya. Iba talaga ang mga tama ng mga ito. Hanggang sa nasama na siya sa usapan. Hinamon pa siya ng mga ito na makipagkilala sa babaing nerd na yun.

Hindi naman ako pumapatol sa hindi gaano kaganda at sexy. Tsaka ikakasala na ito dahil nagpropose pa nga ang boyfriend niyo.

Pero hinamon pa rin siya ng barkada niya. Ten thousand ang pusta ng mga ito kung magagawa niya itong maikama. Malaki-laki ring pera yun. Kailangan niya yun para sa pambili niya ng droga at pang-bar niya.

Tinanggap naman niya ang hamon. Sinimulan niyang banggain ito at magpakilala sana. Ngunit binigyan lang siya ng napakalamig na tingin. Makikita mo sa mukha ng babae na disgusto talaga ito sa kanya.

Hanggang sa mainip na talaga siya dahil hindi siya pinapansin nito. Ang malala pa ay bantay-sarado ang boyfriend nito.

Bigla nalang siyang may naisip. Galing noon sila sa bar at kakatora lang niya noon. Nakita niyang may inaabangan si Angela kaya laking tuwa niya dahil tsansa na niya yun.

Hinanda niya ang panyo na nilagyan niyang likidong nakakahilo kung sakaling hindi ito pumayag. Inaya niya nga ito ngunit hundi ito pumayag. Kaya wala siyang choice kundi kidnapin niya ito.

Dinala niya ito sa isang motel at doon niya ginahasa si Angela. Wala siyang pakialam kung umiiyak ito sa harapan niya. Basta ay magawa lang niya ang dapat niya gawin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top