I Beg You. Please Love Me. (2)

Nagising si Angela sa pag-iimahinasyon niya nang may nakabangga siya at nagsilaglagan ang mga photocopy at folder na dala niya.

Dali-dali naman niya itong pinulot at narinig niyang humingi ng sorry ang lalaking nakabangga niya.

Nang tignan niya ito ay kinuha niya agad ang mga photocopy rito at umalis. Kilala niya yung nakabangga niya. Si Renz Samaniego. Ka-collegemate niya. Isa itong Architech students at gaya niya, graduating rin ito.

Ayaw na ayaw niya talaga itong makaharap dahil para ka talagang minamanyak kapag nginitian ka na niya. Kaya todo iwas si Angela rito.

Ngunit hindi pala huli yung pagkikita nila. Dahil para itong stalker na sunod ng sunod sa kanya. Sinabi na nga niya ito kay Von.

Ilang araw ang lumipas ay hindi na nga siya sinusundan ni Renz. Ngunit akala lang pala niya. Dahil hindi niya inasahan ang sumunod na nangyari.

Hinihintay niya noon si Von sa may gate ng nilapitan siya ni Renz. Inaaya siya nitong sumama rito pero tumanggi siya. Nabigla naman siya ng nilagyan ng panyo na may matapang na amoy ang ilong niya ba naging dahilan ng pagkahilo niya.

Nagising nalang siyang may humahalik at humahaplos sa katawan niya. Gusto sana niyang lumaban ngunit nakagapos ang mga kamay niya.

Nagmakaawa naman siya rito ngunit parang wala itong naririnig. Iyak lang siya ng iyak. Hanggang sa inangkin na nga siya nito.

Nang matapos ito ay kinalagan naman siya. Napayakap nalang siya sa katawan niyang binaboy. Agad naman siyang pinagbihis nito. Himala nga at hinatid pa siya.

Hanggang sa makarating sila sa bahay niya ay tulala pa rin siya. Nagsinungaling nalang siya sa papa niya kung bakit siya ginabi sa daan.

Nang makapasok siya sa kwarto niya ay tahimik siyang umiyak. Kinabukasan, napansin naman ni Von nanmatamlay si Angela. Niyakap lang niya si Von ng mahigpit at paulit sinasambit kung gaano niya ito kamahal.

Halos hindi na siya humiwalay kay Von dahil na rin sa takot na baka makasalubong niya si Renz. Ayaw na niyang isipin ulit ang kahayupang ginawa nito sa kanya.

Ayaw na rin niya itong ipagsabi sa magulang niya at kay Von dahil natatakot sita na baka kung ano pa ang gawin ni Renz sa mga ito lalo pa't binalaan siyang hindi magsusumbong kahit kanino.

Ngunit ealang sekretong hindi nabubunyag. Ayos lang sana kung habang-buhay niyang maiitatago ang sekreto niya. Ngunit may isang dahilan pala na makakapagpalabas ng sekreto niya.

Renz impregnate her. Grabe ang galit ng papa niya at muntikan pa nitong bugbugin si Von. Kaya sinabi na niya ang totoo. Grabe ang iyak niya. Hindi niya aakalaing mangyayari sa kanya yun.

Pilit siyang pinapaamin kung sino ang gumawa nun sa kanya ngunit hindi niya masabi-sabi dahil baka kung anong gawin ng papa niya at makulong pa ito.

Humingi na rin siya ng patawad sa parents ni Von dahil disgrasyada siya. Nagpasalamat nalang siya dahil agad rin siyang napatawad ng mama nito.

Mahirapa man pero kailangan ni Angela na kumalas kay Von. Hindi dahil sa hindi na niya ito mahal ngunit ayaw niyang maging pabigat siya rito lalo't magkakaanak na siya.

Masakit sa kanya dahil nangarap siyang magkaroon ng anak kay Von ngunit hindi niya inasahang sa iba pa niya makukuha. At sa maling paraan pa.

Napatigil rin siya sa pag-aaral upang magtrabaho para sa pagpapanganak niya.

Paminsan-minsan ay pinapansin na siya ng papa niya. Lalo na kung bigla-biglang sumasakit ang tiyan niya. Ipinatigil na rin siyang maglako ng mga ulam dahil mabilis siyang mapagod.

Hindi naman niya inaasahang bumisita sa kanya si Von. Naiiyak nalang siya ng makita niya itong muli.

Hindi na niya napigilan si Von nung nagpresenta itong magbantay sa kanya sa bahay kung wala ang magulang niya. Nagi-guilty siya dahil imbes na maghanap ito ng trabaho ay heto at binibisita at inaalagaan siya nito.

Kung hindi lang sana siya nagahasa siguro ay tinutupad na nila ni Von ang pangarap nila.

Hanggang sa manganak siya ay nasa tabi pa rin niya ito. Hindi siya nito pinabayaan.

Nang makapanganak na si Angela, ilang buwan din ang pinalipas nila saka siya bumalik sa pagkakayod para lang sa anak niya.

Nahihiya na nga siya kay Von dahil halos sila na ang inaatupag nito at binibilhan pa niya ng mga kailangan si baby Gel.

Pinangalanan niya anak niyang Vanica Angel. Yun kasi ang naisip niyang ipapangalan sa anak nila ni Von. Natuwa rin naman si Von dahil nakuha sa pangalan nilang dalawa.

Magwa-one year na si baby Gel ng magdesisyon si Von na magpunta sa ibang bansa upang magtrabaho.

Umaasa naman si Von na sa pagbabalik niya ay may pag-asa pa silang dalawa ni Angela. Umaasa rin si Angela na magkakaroon sila ng ikalawang pagkakataon.

Lumipas ang taon, nagiging malikot na si baby Gel. Hanggang sa matuto na itong maglakad at magsalita. Hanggang sa marunong na itong kumain mag-isa. Mag-ayos ng sarili niya.

Nagiging makulit na rin ito at pasaway. Kung didisiplinahin naman niya ito ay ang tito Von naman ang takbuhan nito para magsumbong.

Halos araw-araw pa rin ang komunikasyon nila ni Von. May isang beses nga nung nakauwi ito ay bumisita sila sa parents ni Von.

Kinabahan siya sa magiging reaksyon ng mga ito ngunit malugod siyang tinanggap ng mga magulang ni Von. Napalapit rin ang mama ni Von sa anak niya.

Kaya nga minsan ay bumibisita sila sa parents ni Von. Nawiwili na nga anak niya roon. Kalaro kasi nito ang papa ni Von at baking naman ang bonding nila ni Tita Mercy.

Hanggang sa nagseven na si Gel, doon na nagsimula ang pagtatanong nito tungkol sa ama niya. Hindi naman alam ni Angela ang isasagot sa anak niya. Buti nalang at nasasalo siya ni Von at ito na ang nagpapaliwanag.

Ngunit bigla nalang siyang nabahala ng sabihin ng anak noya na may lalaki raw na nagpakilala rito na siya ang ama ni Gel.

Kaya hindi siya nagdalawang isip na bantayan ang anak niya. Natatakot siya na baka nga si Renz ang nagpakita rito at bigla nalang kunin ang anak niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top