First Kiss
Bad reputation.
A playboy.
Heartbreaker.
Womanizer.
Ilan lang yan sa masasabi mo sa katauhan ni Chris Hidalgo. Walang araw na hindi niya naiikakama ang sino mang babae.
But then it came the girl who challenge his messy life.
She's Belle Delgado. A religious, optimist, smiling person. Marami siyang kaibigan dahil sa ugali niya. Pero marami ring nagagalit sa kanya dahil na rin sa insecurities.
Nagstart ang pagiging interesado ni Chris kay Belle nung naging magkaklase sila. Iba kasi ito sa ibang babaing nakakasalamuha niya. Yung point na susunggaban mo na sana pero hindi mo magaqa dahil na rin sa kainosentihan ng mukha at maging ang aura nito.
In the first place, he was annoyed with her. Lagi na lang itong nakangiti sa kanya na para bang iniinsulto siya.
Then one day, he just woke up na magkaibigan na sila. He owe a lot from her dahil tinulungan siya nito na ipasa ang subject kung saan magkaklase sila.
Kaya naman naging close sila. Pero may mga times na masyado nang pakialamera si Belle sa buhay ni Chris.
"Chris, saan ka na naman ba pupunta? May klase pa tayo" malumanay na tanong ni Belle
"Sandali lang ako. Mauna ka na. At wag mo na akong hintayin okay" naglakad ito
"Pupunta ka naman ba sa bar kasama nila Vince?" habol nito
"Pwede ba Belle! Hindi kita nanay o girlfriend para sundan mo at pangaralan mo. Can you just leave me alone?" naglakad palayo
"Chris! Please! Bumalik ka dito!" sigaw niya
Hindi na lumingon si Chris. Nababadtrip lang siya dahil nangingialam na si Belle sa kanyang buhay.
Sa bar, enjoy na enjoy siya kasama ng kanyang mga barkada. Plus may lumapit pa sa kanyang seksing babae na mas lalong kina-excite niya.
Kinabukasan, maaga namang napapasok si Chris sa klase niya. Sino ba namang hindi gaganahan kong nagkaroon ka ng energizer kagabi.
Nang magsimula na ang klase nila ay napansin niyang hindi pa dumadating si Belle. Winaglit niya sa isipan ang pagiging concern niya rito.
Pero nang makatatlong araw na itong hindi pumapasok ay nabahala na siya rito. Pagkatapos ng klase nila ay nilapitan niya agad ang terror na professor nila.
"Ah excuse me sir. Is Belle ask your permission for her absences this last three days?"
"And why are asking me that Mr. Hidalgo? As far as I know, you're her study partner"
"Um, I didn't see her these past days and wondering she excuses herself?"
"I don't know what's with you Mr. Hidalgo. By the way, Ms. Delgado is no longer your study partner. I already talk to Mr. Sanchez, he is available and just approach him" he left
"Ah sir! Wait! Um, why did you assign me to other study partner? Is there any problem, me with Belle?"
"Ask that to yourself Mr. Hidalgo. Why sudden of changes? So let me go? I have a class to attend" tuluyan nang umalis
Naiwan namang nag-iisip si Chris sa dahilan ng pagpalalit niya ng study partner. Nasa hallway na siya ng matigilan siya sa isang room dahil na rin sa narinig niya ang pangalan niya.
"Grabe din itong si Chris no? Hindi na nahiya. Siya na ngang tinutulungan ni Belle siya pa 'tong umaayaw" sabi ng nakaheadband na babae
"Eh tama rin naman si Chris no. Hindi naman niya girlfriend si Belle. Pakialamera kasi eh. Ayan, nagpapaawa effect. May pa-sakit-sakit pa siyang nalalaman eh nagpapansin lang naman---Aray! Ano ba?! Bakit ka ba nambabatok?" reklamo nung nakaskater skirt na babae
"Para matauhan ka. Hindi lahat ng babae nagkakandarapa sa ahas na yun. Kung susumahin natin, Chris is not worthy sa help ni Belle. Sinasayang lang niya ang oras sa isang taong walang pakialam sa buhay niya. Palibhasa kasi anak mayaman kaya lahat ng gusto nakukuha" depensa ng naka-eyeglasses
"Debbie's right. He's not worthy for any help. Ang mga taong ganyan, they're hopeless. Sinasayang mo lang ang oras mo sa mga walang kwentang tao..."
Hindi na kayang makinig pa ni Chris sa mga chismis ng mga babaing yun. He's hopeless? Walang kwentang tao? Mayaman kaya nakukuha ang gusto niya?
Yes, he's a rich kid pero ang makuha niya lahat ng gusto niya is beyond his dream. He wanted a happy family but it never happened. Every time his parents went home, he always saw them arguing on something. Parang wala silang anak na nakamasid lang sa kanilang pag-aaway.
They don't anything about me. How dare they judge me on something if they don't know the whole story. They don't know what I am. They don't run my life. How dare they judge me?! Akala mo kung sinong malilinis!
"Chris?"
Napalingon siya sa tumawag sa pangalan niya. Napakunot naman ang noo niya.
"Chris? Pasensya ka na ha. Medyo-----"
"Just stop acting on my face Belle. Alam ko naman na hindi mo rin gustong mapalapit sa 'kin di ba? For an achiever like you, I'm just a dirt to your eyes. Isang taong sinasayang lang ang oras ng isang katulad mo, di ba? Aminin mo na. Kesa maglokohan pa tayo dito"
"Chris, ano bang nangyayari sayo? If it is about what happen three days ago---" naiiyak na tanong nito
"You know what? Just get lost. Ayoko ng mga taong judgemental. Go! At wag na wag mo na akong lalapitan!"
Agad namang umalis si Chris sa harapan ni Belle. Bigla namang napahawak si Belle sa dibdib niya at bigla na lang nahimatay. Hindi pa masyadong nakakalayo si Chris ay napalingon siya sa sumigaw. Nakita niyang nakahandusay si Belle sa lupa.
Agad naman niyang tinakbo ang kinaroroonan ni Belle. Halos tinulak na niya ang mga nakakasalubong niya.
"Belle? Belle! Wake up! Belle---" pukaw niya
"Get your hands off her, you pervert!" tinulak siya nung babae. "Don't you dare touch her or talk to her again. Let's go Manong"
Nagmadali namang naglakad ang may pagkasosyal na babae patungo sa kotse nito kasama ang driver na buhat-buhat si Belle.
"Hey bro" tinapik siya ni Vince. "Anong nangyari doon?" tanong nito
"Hindi niyo ba alam? Tsk, tsk, tsk. Ang hina niyo talaga sa news. Alam niyo ba kung bakit nahimatay si Belle kanina? Buntis yun!"
Napalingon naman sina Chris at Vince kay Luigi. Bigla namang may humarap na babae rito at sinapak si Luigi.
"One bad word about Belle, Again! Mapapatay talaga kita ng sapak. You don't know what happen to kaya wag niyo siyang pagsalitaan ng masama! Ang hirap sa inyo puro kalaswaan yang nasa isip niyo! Mga walang modo!" sigaw nung babae
"Hey! Hey! Cool down dude. Naiinsulto na kami sa sinasabi mo eh. Hindi ako pumapatol sa babae pero baka maexempt ka" hamon ni Vince
"Oohhh! Nakakatakot ako. At kailan ka pa hindi pumatol sa babae. Eh halos dito, ginawa niyo nang prosti!"
"Hey! That's rude!" sigaw naman nung maarteng babae
"Aba't nakalalaki ka na ha. Ano bang problema mo ha? Siguro may nakakuha na ng virginity mo at ganyan ka---"
Hindi natapos ang sasabihin ni Vince dahil sinuntok na siya nung babae. Gaganti sana si Vince pero napigilan ito ni Chris.
"Enough! Vince, magpalamig muna kayo" utos ni Chris
"But Chris---"
"Vince, go. And everyone, magsibalik na kayo sa klase niyo"
Unti-unti namang umalis ang mga estudyanteng nanood sa kanila.
"Hindi pa tayo tapos" banta niya sa babae
"Vince, I said enough"
Hinila naman ni Luigi at ng iba pa nilang barkada si Vince.
"Well see" sabi ng babae sabay naglakad palayo
"Hey wait!" habol niya sa babae
"What?!" singhal nito
"Um, gusto ko lang malaman kung anong nangyari kay Belle these past----"
"I'm sorry, I don't talk ti stranger" naglakad ulit
"Wait! Please, gusto ko lang naman malaman kung anong nangyari sa kanya?"
"Seriously? You're asking on Belle's condition? I don't think so. So if you"ll---what the! Tumayo ka diyan!" utos niya kay Chris na nakaluhod sa harapan niya
"Please, let me know about her condition"
"Tayo ka muna"
Tumayo naman siya ngunit bigla lang naglakad ulit ang babae.
"Hey! Ano ba?! Nakakainis ka na ha!" habol niya rito
"Nakakainis ka na rin. Ano bang pakialam mo sa kanya. She's nothing to you di ba? Just continue whatever you are doing. Wag na wag mo nang aabalahin si Belle. Nakakaintindi ka naman siguro ano?"
"Paano ko maiintindihan kung ipinagkakait niyo sa 'king malaman kung anong nangyayari kay Belle? Tell me! How can I understand her if nobody's telling me about her?"
"It's none of your business Chris. At pwede bang umalis ka sa harapan ko. Naasiwa ako sa mga katulad mo"
"Please, tell me what's happening to her" malungkot niyang tugon
"Fine! Gusto mo talagang malaman? Nagkasakit lang naman siya dahil sayo. Happy? Now move" utos niya
"Why? How is that possible na ako ang dahilan?"
"Why don't you ask yourself? Ano bang ginawa mo kay Belle na naging dahilan ng pagkakasakit niya?"
"I just told her to leave me alone. Magkakasakit ka na nun?"
"You told her that! Well I'll tell you. Hindi niya pinapabayaan ang mga kaibigan niya. At kahit kontra ako, yes she consider you as her friend. At dahil sa sinabi mo, you hurt her feelings. Bakit pa? Dahil siya yung tipo ng tao na kahit gaano pa yan kasamang tao, kinakaibigan niya. Ganun siyang tao. And you just pushed her away. Hindi ko nga alam kong anong nakita ni Belle sayo at kunonsider ka niyang kaibigan. You're just a pain in the ass. You're not worthy of her friendship"
Pagkasabi nun ng babae ay agad itong umalis. Natulala naman si Chris sa sinabi nang babae.
"You're not worthy of her friendship".
Belle considered me as her friend? Kahit ganito ako? But why? Hindi ko naman hiningi sa kanya ang friendship ha.
"Siya yung tipo ng tao na kahit gaano pa yan kasamang tao, kinakaibigan niya"
Bakit Belle? Why did you want me to be you're friend?
--------------------------------
A/N
Third story of lesson of love. Sana po tangkilikin niyo.
Aishiteru! 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top