Dangerous Love (5)

Nagising naman si Wayne na puti lahat ng nasa paligid niya. Nang malaman niya kung nasaan siya ay nagpumilit pa siyang bumangon upang makita ang asawa niya.

Walang choice ang doctor kundi ang patulugin siya dahil hindi siya tumitigil sa pagwawala. Natigil lang ito ng sabihin sa kanya ni Kris, ang kanang kamay na nasa mabuting kalagayan na ang asawa niya. Kinumbinse pa nila itong magpagaling muna pero nag-insist pa rin itong puntahan ang asawa niya.

Napilitan naman si Kris na ihatid si Wayne sa ICU kung saan minomonitor ang kalagayan ni Cassie.

Nagpagulgol naman si Wayne sa kalagayan nito. Nagpapasalamat siya dahil siya tuluyang iniwan ni Cassie.

Ilang linggo rin nagpagaling si Wayne saka siya nakakapagbisita kay Cassie. Halos hindi na siya lumalabas sa kwarto na pinaglipatan nito.

Kung may ipapabili siya ay inuutos niya ito. Ginawa na niyang bahay ang ospital dahil gusto niyang siya mismo ang unang mabungaran ng asawa.

Ilang linggo pa ang hinintay nila pero wala pa ring improvement sa kalagayan ni Cassie. Sumuko na rin ang mga doktor.

"Wayne, please. Pagpahingahin mo na si Cassie. For once, wag kang magpakaselfish" tugon sa kanya ni Kris.

"No! Hindi ko siya isusuko. Kung maghihintay ako sa kanya ng ilang taon, wala akong pakialam! She promise me she don't leave, paninindigan ko yun!"

"Pero ilang linggo na rin---"

"Hindi magbabago ang desisyon ko. Hindi ako babalik sa grupo. Gusto ko nang tahimik na buhay kasama si Cassie" malungkot na sabi niya habang nilalaro ang daliri ni Cassie.

"Alam mong hindi matatahimik ang buhay natin. Kahit gaano mo ibaon ang pagiging mafia mo, hindi maalis na kakabit na sa atin ang kapahamakan"

"Then I face it bravely. Ang mahalaga ay maging masaya si Cassie. (sniff) Sobra ko siyang mahal. I will do anything wag lang siyang mawala sa akin. Dahil kung susuko man siya ngayon, hindi ako magdadalawang-isip na sumunod sa kanya" naiyak na ito.

"Wayne.."

"Yun lang tanging paraan para magkasama kami. Kaya nakikiusap ako, wag mo na akong guluhin tungkol diyan. Ayoko nang mawala ulit sa akin si Cassie dahil diyan"

"You already lost her"

He took a death glare on her. "Just get lost bago ko pa makalimutan na kaibigan kita"

Napilitan namang umalis si Kris. After two days, nilipat ni Wayne si Cassie sa bahay nila. Doon niya ito aalagaan.

Sa tagal ng hindi nagrerespond si Cassue sa mga gamot, konti na lang at susuko na rin siya. Hindi na niya alam kong anong gagawin niya.

"My lady. Please, kung gusto mo nang sumuko sana..... isama mo na ako. Kasi... hindi ko kaya kung wala ka. Wala rin naman akong silbi kung wala ka. Kaya sana, bigyan mo ako ng dahilan upang sumunod sayo kung susuko ka na. Dahil hindi kita lulubayan. Kasi mahal na mahal kita. Kaya kung saan ka man pumunta, doon na rin ako para magkasama tayo. Mahal na mahal na mahal kita, my lady ko. Please, live for me" pagsusumamo niya rito.

Bigla namang gumalaw ang daliri ni Cassie ngunit hindi ito napansin ni Wayne dahil nakayuko ito. Tumabi naman si Wayne kay Cassie at nakatulog na nga ito.

Nagising si Wayne sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana. Napabalikwas siya ng bangon ng makita niya na wala sa tabi niya si Cassie.

Agad niya iyong tinawag ngunit walang sumasagot. Pinuntahan naman niya ang veranda nila ng mapansing may nakatayo doon. At hindi nga siya nagkamali na si Cassie ang nakatayo doon.

"C-Casie" mahinang tawag niya rito.

Lumingon na naman ito saka ngumiti. Nagsilabasan naman ang mga luha ni Wayne at hindi siya nag-aksaya ng oras para mayakap lang ito. Sobrang saya niya na nakasama na niya si Cassie.

"Your real. Hindi mo ako iniwan. You keep your promise" madamdaming sabi ni Wayne habang hinahaplos ang mukha ni Cassie.

"Hindi kasi kita maiwan eh. Kaya heto ako"

Napansin naman ni Wayne na parang mapayapa ang paligid at parang sila lang ang naroon.

"Patay na ba tayo? Nasa langit na ba tayo?" tanong ni Wayne.

Bigla naman siyang binatukan ni Cassie. "So nag-expect ka talaga na mamamatay ako ha, ganun?"

"Ha? H-hindi sa ganun my lady ko. Eh kasi ang tahimik ng paligid at nang hinanap kita kanina walang sumagot"

"Eh natural tulog pa ang mga tao. Ikaw, nagising ka lang sa mahabang pagkakatulog mo, nadislocate na agad yang pag-iisip mo. Hmp!" nagcross-arm naman ito.

"Wait. Nakatulog ako? You mean paniginip ito?"

Binatukan naman siya ulit ni Cassie. "O ano? Gising ka na?"

"Wait. How could I sleep that--ilang araq na akong tulog?"

"Three days lang naman. Nung magising ako, naalarma naman ang mga tao sa bahay dahil hindi ka daw magising. Kinabahan pa nga ako nun baka nagpakamatay ka, magaya pa ang storya natin kina Romeo at Juliet. Ayun, nakatulog ka dahil sa over fatigue ka. Lang-hiya ka, at pinabayaan mo din ang katawan mo no?" umirap naman ito.

Napangiti nalang si Wayne. "I'm sorry kung napag-alala kita. Napabayaan ko lang naman ang sarili ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko para magising ka lang. Kung hindi man ako magising nun, eh di maganda dahil para magakasama tayo. Mahal na mahal kita kaya kahit ano pa yang lugar na mapupuntahan natin, susundan kita"

"Ehhhh! Ano ka ba? Wag ka ngang ganyan, kinikilig ako eh" parang batang reklamo nito.

Napatawa na lang si Wayne ng mahina. Agad naman niya itong niyakap ng mahigpit.

"Kahit na anong mangyari, tandaan mo ito. Mahal na mahal na mahal kita my lady ko"

"At tandaan mo rin ito, mahal na mahal na mahal raise to the power of infinity, my lord ko"

Napangiti nalang si Wayne saka hinaplos ang mukha ng asawa.

"O ano na? Wala bang kiss diyang?" tudyo ni Cassie sa kanya.

Napailing nalang si Wayne saka niya ginayawaran ng halik ang pinakamamahal niya 'my lady ko'.

Hindi natin maiiwasan na sa buhay natin ay kaakibat ang kapahamakan. Hindi natin alam king kailan tayo mawawala sa mundong ito.

Kaya bago pa mahuli ang lahat, gawin natin ang nararapat na na gawin na makakabuti hindi lang sa sarili mo kundi para sa lahat.

Magkaiba man kayo ng sa lahat ng bagay, iisa pa rin ang dapat manaig sa inyong dalawa. At yun ang kapangyarihan ng pagmamahal.

Dahil kung may pagmamahal, may pag-asa. May kapayapaan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top