Dangerous Love (3)
Ayaw pa sanang bumangon ni Cassie kaso may makulit na kamay at labi ang pumupukaw sa kanya.
"Ano ba? Gusto ko pang matulog eh" inaantok niyang reklamo.
"Kailangan mo nang bumangon, my lady. Marami pa tayong papasyalan" sabi ni Wayne habang patuloy pa rin siya sa ginagawa.
"Wayne ano ba?" saway niya rito.
"Ayaw mi talagang bumangon ha" banta nito.
Naramdaman ni Cassie na bumaba sa kama si Wayne. Hindi naman niya inaasahan ang ginawa nito sa kanya. Bigla na lang kasi siyang binuhat at deneretso sa banyo.
Akala pa ni Cassie na siya ang ang maliligo doon, nakijoin then pala ang mister niya. Wow, mister talaga ha?
Sobra namang nag-enjoy ang bagong kasal sa pamamasyal nila sa Italy. Dinamdam talaga ni Cassie ang pagiging romantic ng lugar. Parang gusto niyang sumabog sa umaapaw na pagmamahal na nasa kanya.
Tinignan niya ang asawa niya. Hindi siya makapaniwalang hahantong sila sa ganito. They are quite opposite in every ways pero heto at nagkakapareho sila dahil lang sa pagmamahal na napapalibot sa kanila.
"My lady, baka matunaw na ko niyan ha" tukso sa kanya ng asawa.
"Che! Bakit ka naman matutunaw eh hindi naman ikaw ang tinitignan ko ha?" ininguso naman niya ang tinitignan daw niya.
Napansin niyang napakuyom ang kamay nito. Ngunit nakangiti itong humarap sa kanya. Hmm, lalambingin na lang niya ito pagdating nila sa hotel.
Nang makapasok na sila sa kwarto nila ay hindi pa rin umiimik si Wayne. Mukhang dinamdam nito ang sinabi niya kanina.
Alam niyang madaling magselos si Wayne. Pagdating sa atensyon niya, hindi nito pinapayagang maagaw ng iba ang atensyon niya.
Niyakap naman niya ito mula sa likod. Yun na lang ang way upang kumalma ito.
"Sorry. Hindi magandang biro yun" paumanhin niya.
"Alam mo namang ayoko ng ganung biro" seryosong sagot nito.
Hinarap naman niya ito. "Oo na po. Hindi na mauulit. Tsaka, baka matunaw ka na kanina eh kaya ipinasa ko na lang sa iba. Ayoko ko kayang matunaw ka" biro niya rito.
Napabuntong-hininga na lang ito sa kanya at ngumiti. "Wag mo nang ulit gagawin iyon. Alam mo namang napakapossessive ko pagdating sa atensyon mo. Ayokong magising isang araw na wala ka na sa tabi ko at masaya ka iba" seryosong sabi nito.
"Grabe ka naman. Tingin lang maagaw na ako ng iba. Grabe din yang imagination mo ha"
"You can't blame kung aandar man ang insecurities ko. Hindi mo alam kong gaano ako kaswerte na kahit nadungisan na ang kamay ko, minahal mo pa rin ako. You still accepted me. Kaya natatakot ako na baka hindi talaga tayo para sa isat isa. Bigla nalang dumating ang para dapat sayo at----"
Pinigilan na ni Cassie na magsalita pa ito gamit ang daliri niya.
"Ikaw ang mahal ko period. Pakiss nga"
Agad namang hinalikan ni Wayne si Cassie. Nakatulog naman agad si Cassie dahil aa pagod sa pamamasyal nila. Habang si Wayne ay nakatunghay pa rin sa natutulog na asawa.
"If ever na hindi man tayo, pipilitin ko pa rin ang tadhana na maging tayo. I am so much in love with you, to the point na babalikan ko ang pagiging mafia ko makuha lang kita. No one can take you away from me. I will assure that. Magkakamatayan kami bago ka nila makuha sa akin. Akin ka lang, at ako lang dapat ang mahal mo"
Hinalikan niya ito sa noo saka niyakap ng mahigpit. Hindi-hindi niya pakakawalan si Cassie kahit na anong mangyari. Kahit ang kapalit nito ay ang buhay niya.
Ilang days rin silang namasyal bago napagpasyahan na na umuwi. Hindi madali ang pagsisimula nila bilang bagong kasal pero hindi rin nila hinahayaan na magkahiwalay lang sila dahil sa isang problema.
Hindi naman mapakali si Wayne tuwing may mga events at kailangan niyang ipakilala ang kanyang asawa. Lalo na't marami rin itong kakilala. Hindi niya maiwasang mangamba tuwing may kakausapin itong lalaki lalo na yung mga kababata nito.
Napansin naman ni Cassie na medyo aloof si Wayne sa lahat ng taong nakakasalamuha nila lalo na sa mga kakilala niya at kababata niya.
Naiintidahan niyang nagseselos na naman ito. Agad naman niya itong ginagamitan ng special power para hindi na ito mainis. Nagiging mainitin ang ulo nito o di kaya ay hindi ito nagsasalita.
"My lord ko, busy ka ba?" tanong ni Cassie sa asawa habang dahan-dahan niya itong minamasahe sa balikat.
"What is it?" baling naman sa kanya ni Wayne.
Hinila naman niya si Cassie ng dahan-dahan at ipinaupo sa kandungan niya.
"Nagiging tahimik ka na naman. At kanina mainit ang ulo. Gusto mong i-massage kita?" paglalambing ni Cassie while pouting.
"Maybe later. Marami kasi akong ginagawa"
"Di ba ang mag-asawa nagtutulungan sa problema? Hindi naman sa nakakadagdag ako ng init ng ulo mo pero gusto kong malaman kung bakit nagiging aloof ka na naman sa lahat?" tanong nito habang pinaglalaruan niya ang tie ni Wayne.
Napangiti lang si Wayne. Ito ang gusto niya kay Cassie. Para kasi itong bata kung maglambing.
"Alam mo naman ang dahilan kung bakit ako aloof sa mga tao di ba? Tsaka nagiging alert lang ako, my lady. Alam mo naman ang sitwasyon natin dito di ba?"
"Pero hindi naman about sa safety ko ang pinoproblema mo tama?"
"Cassie.."
"Ayan, lumabas na ang pagiging authoritarian mo"
"I just.... I just don't want to lose you okay. Hindi mo maalis sa akin ang insecurities ko sa iba"
"Bakit mo ba iniisip mo sila? Dapat pala ako dapat ang magselos eh. Sila ang iniisip mi imbes ako" maktol nito na parang bata.
Natawa na lang si Wayne. "Oh my lady. Nasisiyahan talaga ako kapag nilalambing mo ako"
"Hmp! Buti ka pa nga nilalambing kita. Eh ikaw?" napanguso ito saka sumiksik sa leeg ni Wayne.
"I just really love you, my lady"
"Hindi mo ba talaga maalis ang insecurities mo sa kanila? Kasi ako, love na love na love kita. I accepted you no matter who you are in past, present and future. Ikaw lang ang nag-iisang my lord ko na love na love ko. Kaya wag mo na silang isipin ha. Can you promise me?" kumbinse nito.
"Basta ba you will stay on my side no matter what happen. I love you so much, my lady"
"I love you infinity, my lord" she smile saka yumakap ito kay Wayne ng mahigpit.
Days past, nag-adjust naman agad si Wayne sa paligid niya. He just need to trust his wife more. Pero lagi nalang kumukontra ang kabilang side niya.
You can trust your wife but not the people around her.
Kaya mas lalong nahirapan si Wayne sa pag-aadjust. Pero kinakaya naman rin niya dahil na rin kay Cassie.
Then, sa hindi inaasahang pagkakataon. Napatunayan niya ngang hindi mapagkakatiwalaan ang mga taong nasa paligid nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top