Cyber Ate (3)

Nagising si Thea sa malamig na hangin na nanggagaling sa bintana. Nilanghap naman niya ang sariwang hanging gumigising sa kanya.

Agad naman siyang bumangon at tinungo bintana at tinanaw ang di kalayuang dagat.

Ngayon lang niya naalala na nakauwi na pala sila ng kapatid niya galing sa america. Nakokonsensya siya dahil nadamay ang kapatid niya sa nangyari sa kanya sa kamay ng nanliligaw sa kanya.

She's happy because she's been blessed with a caring and understanding sister. Kung nasaan man ang parents nila, sana masaya na ang mga ito. Pinangako niya sa parents nila na siya ang bahala kay Yena pero mukhang siya pa ang pabigat rito.

Natigil siya sa pag-iisip ng may kumatok. "Pasok", bumukas ito

"Good morning ate. Ready na po ang breakfast" nangiting sabi nito sabay hila sa kanya

"Naku, ikaw pa ang naghanda ng almusal. I should be the one taking care of you" pinaupo naman siya ni Yena

"Nah. Don't worry about me ate. Pambawi ko ito sa lahat ng oras na wala ako sa tabi mo. When I knew about what happen to you, hindi na ako nagdalawang-isip na umuwi tayo sa Pilipinas. Tayo na nga labg dalawa ang natitira, pababayaan ba naman kita"

"Yena... sorry" naluluhang sabi niya. "Kung di dahil sa akin, hindi ka magdedesisyong tumigil sa pangarap mo. This is all my fault" naluha na talaga siya

Tumabi naman sa kanya si Yena. "Ate, wag na wag mong sisihin ang sarili mo okay. Like I said, tayong dalawa na lang ang naririto sa mundong ito" niyakap siya ni Yena. "Hindi ko papayag na magkahiwalay tayo. I erase all the pain that will block our happiness. Mahal na mahal kita ate kaya stop blaming yourself okay?" pinahiran ni Yena ang luha niya

"I thank God that He gave me a wonderful sister like you. Salamat sa pag-intindi sa akin"

"O siya, tama na ang drama. Kumain na nga lang tayo"

Kumain naman sila. Napatawa na lang si Thea dahil nagjojoke na namab ang kapatid niya. Kahit korny ito, napapatawa na nalang rin siya sa kakornihan ng kapatid.

Masaya silang nag-umpisa muli ng kapatid niya. Ginamit naman nila ang naipon sa pagpapatayo ng flower shop. Mahilig rin kasi si Thea sa mga bulaklak. High school pa lang siya gusto niyang maging botanist. Pero napilitan siyang kumuha ng nursing para lang makaabroad siya at makatulong sa kanilang pamilya.

Nagkaroon na rin siya ng kaibigan kahit medyo malayo ang bahay nila sa ibang kabahayan. Ang kapatid naman niya ay hindi pa rin tumitigil sa propesyon niya. Nagigising na lang siya tuwing gabi na gising pa ito at nagtatrabaho sa bodega katabi sa bahay nila. Hinahayaan na lang niya dahil baka namimiss ba rin nito ang magtrabaho sa lab.

Few months later, someone visit their house. Kakilala ito ni Yena at makikita mo sa mukha nito na hindi ito masaya.

He's Ryan Davids. He's half Canadian half Filipino. Katrabaho siya ni Yena at batchmate sila sa Robotics class nila.

Thea noticed that Yena don't like Ryan's presence. As the days past, she can feel the awkwardness on them.

Naging close naman sila ni Ryan. Para siyang nagkaroon ng kapatid na lalaki. Napapansin rin niyang iba ang tingin nito kay Yena. Ito namang kapatid niya ay hindi man lang mapansin at sinusungitan pa si Ryan.

Napansin rin niya na minsan ay nagtatalo ang mga ito. Kinakausap rin niya ang mga ito dahil hindi maganda na nag-aaway ang mga ito.

Naramdaman ko naman na parang umiinit ang katawan ko. Hindi ko maintindihan. Para akong sinusunog. Napasigaw naman ako na kinabahala ng dalawa.

"Damn! We need to fix her immediately!" rinig niyang sabi ni Ryan

"Ate, hang on. Anong nararamdaman mo?" kalmadong tanong ni Yena

"Yena! She's in danger" he panic

"Just shut up! Ate, how do you feel?"

"I feel burning. Argh!!!!!!"

Naramdaman ni Thea na binuhat siya ni Ryan. Agad siyang dinala sa bodega. At doon na siya nawalan ng malay. Nang magising ito ay nasa kwarto na siya. Hindi niya alam kung ilang oras na siya nakatulog ng ganoon.

Kinumusta lang siya ng kapatid niya saka bumalik sa tinatrabaho nito. Ngunit hindi na nila inaasahan ang nangyari ng sumunod. May kasabihan nga na walang sikreto na hindi maiitatago. Kaya hindi makapaniwala si Thea sa nalaman niya tungkol sa kanya.

All the while, nabubuhay lang pala siya dahil sa conciousness ng kapatid talaga ni Yena. Oo, kapatid ni Yena. She did not consider herself as her sister dahil hindi siya tao. Isa siyang makina na nilagyan ng memory ni Thea.

Dahil sa nalaman niya, muntikan pa niyang masaktan si Yena dah hindi na rin niya makontrol ang sarili niya. What can you expect sa isang robot. Kahit na katawan iyon ng ate niya, hindi pa rin maalis na isa siyang makina lamang na ikinabit sa katawan ng ate Thea nito upang mabigyan niya ng buhay. Hindi siya totoong tao.

Pero nararamdaman niya kung gaano kasakit ang nalaman niyang hindi siya totoong tao, at lalong hindi niya kapatid si Yena. She waa build to gain Thea's memory. To make her live once again.

She decided to go far pero pinigilan siya ni Yena. Lumuhod pa ito sa harapan niya at nagmakaawa. She can feel that Yena is broken. At kahit siya ayaw rin niyang iwan ito but she wanted to leave. She needs to find herself. Even her purpose in this world. Pero sadyang matigas rin ang ulo ni Yena. Binalak pa talaga nitong magpakamatay para manatili siya.

And she did. She tried to trust Yena again. Even Ryan told her na pagpasensyahan ko nalang ito. Masyado nang marami ang pinagdaanan ni Yena para mawala pa siya rito. She really love her family. Kaya gumawa ito ng paraan manatili lang buhay ang kapatid niya sa katauhan niya.

Naging masaya naman ang pamumuhay nilang tatlo. Pero napawi na rin yun nung natunton sila ng dating kasamahan nila. Naging magulo na ang lahat at nagising na lang siya na nasa kamay na siya ng iba. Binalak ng mga scientist at inventors na baguhin ang sistema niya. Nagtagumpay ang mga ito but not that long dahil dumating sina Yena at Ryan.

Hindi na niya alam kung sinong papanigan dahil na rin sa pagbabago ng system niya. Pero nung nakita na niyang duguan at nagmakaawa na si Yena na sumama siya, doon na siya natauhan. Isa-isa niyang pinaslang ang mga tauhang nagtatangkang saktan siya.

Nung bumalik na siya talaga sa dati niyang sistema, naging eager na siya na ipagtanggol ang taong nagbigay ng buhay sa kanya. Yena consider her as her older sister. She was treated like a true human. Kaya hindi siya papayag na saktan ang taong naging dahilan upang masilayan ang napakagandang mundo. Kahit man nabuhay siya sa ibang alaala at katawan, still she lucky enough to be treated like you have a real family.

Nang makatakas na silang tatlo, nagdesisyon siyang pumunta sila sa isang lugar na hindi sila maabot ng mga gahaman na kasamahan ni Yena. Ayaw na Thea na mapahamak ang kapatid niya dahil lang sa pinagtanggol siya nito. Ngayon, pinapangako niya na siya naman ang gagawa ng paraan upang maging masaya silang magkapatid. Magkadugo man sila o hindi, Yena is still her sister. Ang creator niya na nagmahal sa kanya ng walang katumbas.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top