Cyber Ate
We only live once. Yan ang katagang tinatak ni Yena sa isipan niya.
Bata pa lang si Yena, ang ate lang niya ang mag-isang nag-asikaso sa kanya. Kaya laking tuwa niya ng magkakuha siya ng scholarship sa isa sa sikat na university sa america.
Pangarap kasi niyang maging scientist. Bata pa lang siya mahilig na siyang mag-imbento ng kung ano-ano.
Tuwang-tuwa at suportado palagi siya ng pamilya niya. Kahit mahirap lang sila, nagpursige pa rin siya na maging scholar palagi upang makatulong sa kanila.
Mula elementarya hanggang high school, achiever na siya. Yun na yata ang pinakamasayang araw niya kundi lang kinuha sa kanila ng maaga ang magulang nila.
Matagal na ring iniinda ng mama nila ang sakit nito. Malala na ito ng malaman nila. Kaya laking lungkot niya ng pumanaw ang mama nila bago pa siya magtapos sa high school.
Isang buwan pagkatapos pumanaw ng ina nila, napagdesisyunan ng ate niya na mag-abroad at doon na ipagpatuloy ang propesyon nitong nurse. Naiwan sila ng papa niya.
Nang makaipon ang ate niya, nakapagcollege naman siya. Kumuha siya ng BS-Biology.
Sa una ay medyo nahirapan siya sa pag-adjust. Dahil na rin sa pangungulila niya sa kanyang ate. Pero sinubukan niyang kayanin para lang makatapos siya sa tamang panahon.
Nasa 3rd year na siya ng magsimulang magkasakit ang ama nila. May cancer ito sa atay.
Labag man si Thea, napagdesisyunan pa rin niyang hindi umuwi dahil kailangan nila ng pera para sa pagpapagamot ng ama nila ni Yena.
Nasa apartment niya si Thea habang naghihintay na sagutin ng kapatid ang tawag niya. Ilang sandali pa ay nakikita na niya ito sa laptop niya.
"Hey sis. Kumusta si tatay?"
"Heto, pinipilit pa rin na malakas na raw siya at hindi na daw maaring magpaospital. He's sleeping right now"
"Okay na naman ang lagay niya?"
Suminghot ito, "Ate, ayoko mang mawalan ng pag-asa pero parang nawawala na eh" napaiyak na ito
"Yena.." naluluha na ri siya
"Ate, bakit ba nangyayari sa atin 'to? Naging mabait naman tayo sa kanila mama di ba? Bakit parang binabawi na agad sila. Mauulit na naman ba na hindi tayo kumpleto sa graduation ko. Gusto ko pa namang ipagmayabang sa buong mundo na kahit hindi man tayo mayaman, nakapagtapos pa rin tayo. Pero bakit ganun?"
"Yena..." umiiyak na ito
"Ate, I need you here. Hindi ko na alam ang gagawin. Wala akong kakampi dito"
She take a deep breathe and wipe her tears. "Uuwi ako diyan. Wait for me okay? Be strong"
Napatango lang ito. Agad naman niyang tinapos ang tawag. Tama ang kapatid niya. Kailangan siya nito.
Ilang buwan din ang nailagi nila sa ospital saka nila nailabas ang ama nila. Akala nila ay maayos na ito pero biglang bumalik ang mga cancer cells kaya naibalik na naman ito sa ospital.
Halos naubos na ang ipon ni Thea sa pagpapagamot nila sa ama. Napahinto na rin si Yena sa pag-aaral upang maghanap ng raket.
Napansin ng ama nila na nahihirapan na ang magkapatid kaya minabuting kausapin na niya ito.
"Thea.." nanghihinang tawag niya rito
"Tay, wag ka munang masyadong gumalaw. Baka mapano kayo"
"Thea, pasensya na kayo ng kapatid mo. Naging pabigat pa ako sa inyu"
"Hindi tay. Hindi kayo pabigat sa amin ni Yena. Kayo na lang ang natitira sa amin. Nakikiusap po ako, lumaban naman po kayo" naluluhang tugon ni Thea
"Ayokong sinsayang niyo ang pera niyo para sa akin. Alam ko rin naman na darating na ang panahon ko kaya wag kayong mag-abala pa. Tsaka hinihintay na ako ng mama niyo. Matagal ko na ring hinintay ang oras ko upang makasama ko siya. Kaya, ayos lang na wag niyo na akong ipagamot. Alalahanin mo nalang si Yena. Hindi ko nagustuhan na huminto siya sa pag-aaral"
"Tay.. wag kang magsalita ng ganyan. Kapag narinig ka ni Yena, sigurado akong magagalit yun. Alalang-alala pa naman yun sa iyo. Wag na kayong mag-alala dahil ako nang bahala sa pag-aaral ni Yena. Papasok siya ulit sa susunod na semester. Kaya magpagaling kayo okay?"
Hindi na sumagot ang tatay nila. Ilang araw rin ang lumipas, sumuko na rin ang katawan ng ama nila. Grabe ang iyak nila Yena at Thea dahil sinukuan na lang sila ng ama.
Matapos ang burol ng tatay nila, nagpasyang bumalik si Thea sa U.S. upang magtrabaho ulit doon. Hindi na rin ito tinutulan ni Yena. Nangako rin naman kasi ito sa ama nila na magtatapos siya ng pag-aaral at tutuparin nito ang pangarap niyang maging imbentor.
Kahit malayo ang nakuha niyang kurso sa gusto niyang maging, naisip na lang niyang maging katulad ng ate niya. Sa ganun ay matutulungan rin niya ang kapatid niya. Lalo na ngayon na silang dalawa na lang ang natitira.
Titiisin ni Yena ang malayo sa kapatid niya. Para rin naman sa kanya ang pagtatrabaho nito at sa iba pa nilang babayarin sa pagpapalibing ng ama nila. Nagdadasal siya na sana matapos na ang paghihirap nila ng ate niya.
Sana nga....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top