Cyber Ate (2)

Gumawa na ng paraan si Thea para lang makaabot siya sa graduation ng kapatid ngunit hindi pa rin siya pinayagan ng ospital na pinagtatrabahuan niya. Kailangan niya kasing punan ang mga naiwan niyang trabaho noon.

Kaya naman kapitbahay nalang nila Yena ang nagsama sa graduation nito. Malungkot man si Yena dahil wala ang ate niya sa pinakaimportanteng event sa buhay niya, at least sinabukan pa rin nitong umuwi kahit na hindi pwede.

She understand her sister. Napakahirap nga naman ang trabaho nito sa ibang bansa lalo na't wala kang kaibigan o mahingan man lang tulong.

Kaya nga nagsumikap siyang mag-enroll sa university sa U.S. para lang magkasama lang sila ng ate niya. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang natatanggap na kahit isang sulat or e-mail man lang.

Kaya nang makagraduate siya ay humanap muna siya ng mapagtatrabahuan. Kahit ano basta hindi immoral at ilegal.

Mag-iisang taon na rin ng matapos nila ang mga babayarin nila. Nag-intern na rin siya sa isang ospital malapit sa kanila para na rin sa experience.

Hanggang sa makatanggap si Yena ng magandang balita sa kanyang ate. Naaccept na ang petition ng ate niya para sa kaya sa america. Masaya naman siya dahil magkakasama na silang magkapatid doon. Naaccept na rin siya sa isa sa mga university na malapit sa lugar na tinitirahan ng ate niya. Matutupad na rin ang pangarap niyang maging imbentor.

Napakahirap ng pinag-daanan ni Yena sa pag-aaral niya. Isa ba run ay ang pakikitungo sa mga banyagang kasamahan niya. Muntikan na ngang mawala sa kanya ang scholarship dahil na rin medyo napabayaan na rin niya ang pag-aaral niya.

Ngunit hindi pa rin siya sumusuko na mapatunayan na karapat-dapat siyang maging imbentor kahit na taga-ibang bansa man siya o babae man siya.

Sa pagiging busy niya sa pag-aaral ni Yena, nakaligtaan na niyang bumisita sa ate niya. Marami kasi silang ginawang experiment, at ang mamahal pa ng mga kagamitang ginagamit nila. Buti na lang at nakakadiscount siya dahil napo-provide naman ng iba pa niyang kasamahan.

Ilang taon rin ang lumipas, sa wakas at natapos rin si Yena sa pag-aaral niya ng Robotics. Mas lalo siyang naging masaya ng makadalo ang ate niya sa pinakamasayang araw niya. Nadagdagan pa ito dahil may company na naghire sa team nila na magtrabaho bilang mga inventor.

Hindi inaasahan ni Yena makakamit ang pangarap niya. Inaalay niya ito sa mga magulang niya.

Una niyang sweldo ay agad niyang nilibre ito sa isang mamahaling restaurant. Aayaw sana ang ate niya pero gustong-gusto talaga niyang malibre ang ate niya sa sarili niyang sweldo galing sa trabahong gusto niya.

Pagkatapos nilang kumain ay huminto sila sa isang catholic church upang ipagdasal ang nakamit niyang tagumpay. Ipinagdasal na din nila ang mga magulang nila.

Lumipas ang taon, naging maayos rin ang pamumuhay nila. Nakabili na rin sila ng bahay at lupa malapit sa pinagtatrabahuan ni Yena. Nagresign si Thea sa trabaho at lumipat malapit sa area nila.

Pero hindi inaasahan ni Yena ang nangyari na sumunod. Nag-out of town ang team nila upang mangalat pa ng ibang ideas para sa next project nila. At hindi inaasahang balita ang natanggap niya.

"Yes? This is Yena Salcedo. Who's this?" sagot niya sa tumawag

"This is a nurse from St. John's Hospital. I'm afraid to inform you that your sister had an accident. She's currently at the ICU for some test"

"What?! Okay, I'm on my way"

Dali-dali siyang nagpaalam sa kasamahan niya upang puntahan ang ate niya. It's a long way drive pa naman kaya medyo naiinis na rin siya dahil ang tagal niyang makarating sa ospital.

After a few a hours of driving, she arrive at St. John's Hospital. Dumiretso agad siya sa ICU upang makita ang ate. Ilang oras din ang hinintay niya bago lumabas ang doctor.

Nagkabone fracture ang ate niya. Grabe ang natamo nitong bali dahil sa nangyari rito. Galit ang namuo sa kanya ng malaman ang nangyari sa kanyang ate. Hindi niya inaasahan na ang nanliligaw rito ang may sala kung bakit nag-aagaw buhay ang ate niya ngayon.

Lumipas ang dalawang linggo ngunut ganun pa run ang sitwasyon ng ate niya. Hanggang sa nagsabi na talaga ang doctor na tanggalin na ang mga makina na nakakabit sa ate niya.

Hindi niya ito pinayagan. Muntikan na nga siyang magwala kung hindi lang siya pinigilan ng mga kasamahan niya. Nangmahimas-masan siya ay nakaisip naman siya ng paraan upang hindi lang mamatay ang kapatid niya.

Sa tulong na rin sa ng dalwang kasamahan niya ay itinakas niya ang ate niya at dinala sa bahay nila. Doon, siya mismo ang nag-alaga sa ate niya. Paminsan-minsan ay pumapasok siya sa trabaho upang may panggastos siya.

Pero sinasadya lang niyang pumasok upang makakuha ng ibang kagamitan na gagamitin niya sa experiment niya. Alam niyang pagnanakaw ang ginagawa niya ngunit kailangan niya iyong gawin para matapos ang ginagawa niya.

Hindi pa nagdadalawang buwan ay pinacrimate niya ang katawan ng ate niya. Labag man sa kalooban niya ngunit kailangan niyang gawin yun upang walang ibang ebidensya.

Umabot sa limang taon ang ginugol niya sa kanyang experimento. Nagpupuslit rin siya ng ibang gamit mula sa lab na pinagtatrabahuan niya. Yung iba ay pinagpaalam niya upang hindi na rin makahalata ang iba at ang team niya.

At matapos nga ng dalawang taon ay natapos niya rin ito. Kailangan na lang niyang subukang paandarin yun upang gumana. Nagdesisyon na rin siyang umalis na sa trabaho. Idibahilan na lang niya ang pangungulila niya sa ate niya upang makaalis siya.

Babalik siya sa Pilipinas. Doon, magsisimula ulit siyang mamuhay kasama ang naimbento niya. At least may kasama siya at hindi na siya mag-iisa.

"Hang on ate, we will coming home. Wala nang makapaghihiwalay sa atin" sabi ni Yena habang hinihimas ang rectangular steel box.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top