Black Magic

In our respective lives, we never know when is the time we can tell ourselves that we found the right person for us.

Sa estado ni Siena, hindi niya alam kung minamalas ba siya sa lovelife niya sadyang wala lang talagang nagkakagusto sa kanya.

Inaamin niyang hindi siya ganun kagandahang babae, hindi ganun kayaman, galing sa broken family, in short hindi perfect ang life niya.

She dream that her life would be as lucky as the other people. Mayaman, maganda, galing sa kompletong pamilya at higit sa lahat, may boyfriend na nandiyan para sa kanya.

Sometimes, she found herself being jealous with her friends. Masasaya ang mga ito sa lovelife nila, samantalang siya lagi na lang nag-eend up sa friendzone, pinaasa o kaya ay maloko.

She just wanted to be happy and be in a relationship with someone she love and who love her back.

Pero parang hindi siya pinapayagan ng swerte sa pag-ibig. Minsan, she question God kung bakit ganun ang buhay niya.

But nagbago ang pananaw niya nang makilala si Jester. Kasamahan niya ito sa trabaho. Unang kita pa lang niya nito ay nabighani na siya.

Ngunit ang problema niya ay wala itong nararamdaman sa kanya. Dahil mayroon itong ibang gusto. Ang mas malala pa ay sa kapatid pa niya.

Mas lalong siyang naging desidido na gumamit ng kulam para lang mapaibig niya si Jester.

Agad naman siyang pumunta sa kakilala niyang black magician upang bumili ng love potion o gayuma.

Hindi na niya hahayaang mawala pa si Jester sa buhay niya o maagaw man ng iba. Kailangan na niyang kumilos upang mapaibig niya ito.

-----------------------

Isang anak mayaman, gwapo at masipag na katrabho si Johann Martinez. Kung tutuusin, lahat na ng swerte ay nasa kanya at lahat ng ikakaselos ng iba nasa kanya na.

Ngunit kahit ganun si Johann, hindi siya kontento sa buhay niya lalo't may isang taong gustong-gusto niya ngunit hindi man lang niya makuha.

Masasabing isa siyang torpe pagdating sa babae pero hindi lahat. May isang taong nakakapagbilis ng tibok ng kanyang puso ngunit hindi niya masabi dahil na rin nauunahan siya ng takot.

May mga times na muntikan na siyang mapaamin dahil na rin sa selos at inis niya pagmay lumalapit na ibang lalaki dun sa nagugustuhan niyang babae.

Gusto na niyang umamin pero natatakot siyang mareject nito. Hindi niya kayang tanggapin iyon. Lalo na kapag magiging masaya ito sa piling ng iba. Para na siyang pinapatay sa sakit na nadarama.

Then, when he heard about the love potion thing, agad na niyang hinanap ang taong gumagawa nun. Alam niyang mali ito ngunit kailangan niyang gawin to win that girl's heart kahit na labag sa kalooban nito.

Ngunit laking dismaya niya ng wala na siyang naabutan na gayuma sa isang black magician. Nakuha na ito ng isang babae.

Laking gulat niya ng malaman ang pangalan ng bumili ng gayuma. Siena Rodriguez, ang babaing pinakamamahal niya ay bumili ng gayuma upang ipainom sa iba.

Bigla siyang nanlumo sa narinig. Hindi siya papayag mangyari yun. Hindi niya hahayaang mawala ito sa kanya ulit. Hindi na niya hahayaang may humadlang ulit sa kanila o sa kaya. He want her back. At sisiguraduhin niyang magiging masaya na sila this time.

----------------------------

Naisipan ng agency na kanyang pinagtatrabahuan ni Siena na magvolunteer sila sa pagtulong sa paggawa ng mga bahay sa isang subdivision.

Nakita niya na ito na ang tamang paraan upang gamitin na niya ang gayuma na binili niya. Hindi na niya inisip kung masasaktan man ang kapatid niya sa gagawin niya ngunit sobra niya talagang mahal si Jester kaya kailangan niya itong gawin.

Nang magpahinga sila ay ibinigay niya kay Jester ang glass ng juice na nilagyan ng gayuma.

"Um Jes, ito o. Uminom ka muna ng juice"

"Thanks. Nga pala, kumusta na si Sheena? Busy kaya siya sa Saturday? Maari ko ba siyang maimbitahang lumabas?" paalam ni Jester sa kanya

"Ha? Um, I think busy siya sa kanyang schedule. Alam mo na, ang mga teacher medyo busy palagi. Kahit weekend nagtatrabaho pa rin" palusot niya

"Ah ganun ba. I think next time na lang kung hindi na siya busy" he smile

"Yeah, as if naman maiinlove ka pa sa kanya" bulong niya

"May sinasabi ka?"

"Ah haha, w-wala. Sige, punta muna ako dun. Kukunan ko lang ng photos ang mga gawa natin"

"Sige. Be careful"

"Thanks and I will"

Lumayo naman agad si Sienna kay Jester. Samantala, nag-uumapaw naman sa selos at galit si Johann sa nakita niya. He just can't believe na Jester, ang matalik niyang kaibigan ang bibigyan ni Sienna ng gayuma.

He saw how Sienna put the potion in the juice she made then gave to Jester. Bigla naman siyang napatayo at kinuha ang juice kay Jester.

"Nauuhaw na ako pare, akin na lang to ha?"

"H-ha? Um sure. Kukuha na lang ako ng iba. Sige. Um, Jo? Ayos ka lang ba?"
"O-oo naman. Bakit?"

"Nothing. Para ka kasing nakakita ng multo. Sige kuha muna ako ng tubig" umalis naman ito

Hinatid na niya ng tingin si Jester hanggang sa mawala ito sa paningin niya.

Hawak hawak pa rin niya ang juice na binigay ni Siena kay Jester. Hindi siya makapaniwala na may ibang nagugustuhan si Siena at gumamit pa ito ng gayuma para mapaibig niya si Jester.

Why Siena? Bakit siya pa? What will I do para mahalin mo 'ko?

Walang alinlangang ininom niya ang juice na may gayuma.

Hindi ako makakapayag na maagaw ka niya sa akin. Hindi ako papayag na makuha niya lalo ang loob mo.

Naubos na ni Johann ang laman ng baso ng madatnan ito ni Siena. Now she's in trouble. Nais lang naman niyang mainlove sa kanya si Jester ngunit bakit sa kinamalamalas ay napunta ito sa kaibigan niyang si Johann.

What have I done? Bakit kasi siya ang uminom nun? Kung minamalas ka nga naman.

Nang papalingon si Johann sa gawi niya ay agad siyang nagtago at lumayo. Kailangan na niyang magsimulang magtago at siguradong susundan siya ni Johann kahit saan.

Hindi pa siya nakakalayo ay may tumawag na sa kanya. Alangin naman siyang lumingon rito.

"Siena! Um, ito o tubig. Baka kasi kanina ka pa nauuhaw---"

"No thanks. Bye"

Dali-dali siyang naglakad at umiwas kay Johann. Kailangan na niyang umuwi at makausap ang manghuhula na kinuhanan niya ng gayuma.

Agad siyang nagpaalam sa boss niya upang umalis. Maggagabi na nang makarating siya sa bahay ng black magician. Nasorpresa naman ang ginang ng bumisita ulit si Siena sa kanya.

"Siena hija, napadalaw ka? Anong----"

"May iba pa ba kayong gayuma Tita Liz?"

"Gayuma? Teka? Di ba nakabili ka na sa akin?"

"Yun nga tita eh. Nakabili nga ako sa inyo pero kamalasmalasan sa iba napunta. May extra pa kayo?"

"Siena, yung gayuma na yun ang huling gayuma na ginawa ng kapatid ko. At sinabi ko na din sayo, hindi ako marunong gumawa ng gayuma kung gusto mong magpagawa. Bakit nga ba sa iba napunta?"

"Si Jester kasi eh. Binigay niya doon sa weird niyang kaibigan. Nakakainis! Feeling ko talaga ay pinagtulong-tulungan ako ng tadhana upang hindi mapunta si Jester sa akin!" inis na daing ni Siena

"Nasabi mo na rin na ang tadhana na ang nagdesisyon na hindi kayo itinakda. Sana respetuhin mo na. Baka nga hindi para sayo si Jester--"

"No! He's mine! And only mine! Kung hindi ko siya makukuha sa gayuma, dadaanin ko sa ibang paraan. Wala akong pakialam kong may masaktan man. Hindi ang tadhana ang magdidikta sa akin. Ako ang gagawa ng sarili kong kapalaran"

"Siena. Ano bang nangyayari sayo? Hindi ka naman dati ha. Bakit sobra-sobra ka nang nagiging masam?"

"Pagnagmahal ka tita, maiintindihan mo ako"

"Hindi ganyan ang alam kong pagmamahal Siena. Ang pagmamahal ay mapagbigay. Mapagkumbaba. Hindi ito sakim"

"Salamat na lang sa oras niyo po. Pasensya na sa abala. Uuwi na po ako" lumabas ng gate

"Siena! Wag kang magpalamon sa galit at inggit. Hindi yan makakabuti sayo"

"Salamat sa paalala pero nagdesisyon na po ako. Sige po"

Umalis naman agad si Siena. Mga ilang oras ang lumipas ay bumisita naman si Johann kay Liz. Na ikinasorpresa rin ni Liz.

"Oh Johann, napadalaw ka?"

Bigla na lang yumakap si Johann kay Liz. Naramdaman ng ginang na umiiyak ito. Hinayaan na muna niya itong umiyak. Ilang sandali pa ay kumalas na si Johann sa kanya.

Medyo naawa siya sa binata. Simula pagkabata nito ay malapit na ito sa kanya. Para na niya itong anak. Iginiya naman niya ito sa loob ng bahay.

"Ilabas mo yan para makahinga ka naman" suhestyon niya

Huminga muna ng malalim si Johann bago nagsalita.

"She love someone else. I saw her, she put the love potion in Jester's juice. Ang sakit may. Ang sakit-sakit. Ang malaman mong may mahal na iba ang mahal mo. Yung wala kang magawa para maging sayo siya"

"Pumunta si Siena dito para sana bumili ulit ng gayuma. Pero sabi ko, huli na yung binili niya. Hindi daw niya naipainom kay Jester ang juice na may gayuma"

"Papainumin pa sana niya pero dumating ako at kinuha yun. I drank all of it"

"I-ikaw ang nakainom? Ikaw yung kaibigan ni Jester? B-bakit....."

"I have no choice may. Yes I'm selfish pero mahal ko siya eh. Kaya I drank the juice. Inisip ko na hindi ko man siya nabigyan ng gayuma, at least ako yung nabigyan niya ng gayuma. At least wala akong karibal sa kanya" he smile a little habang napapaluha

"Anak...."

"Masama ba akong tao? Bakit parang palagi nalang inilalayo si Siena sa akin? Hindi ba ako deserving para sa kanya? May, tell me. Hindi ko ba deserve na mahalin si Siena?"

"Anak, mabuti kang tao. Kaya wag mong tanungin ang sarili mo kung nararapat ka ba talaga sa kanya. Mahal mo siya di ba? Gawin mo kung ano nais ng puso. Ngunit, wag ka lang gagawa ng ikasisira ng pagmamahal mo sa kanya. Tandaan mo, mabuti kang tao at nagmamahal ka lang"

"Salamat Mamay. Gagawin ko po ang lahat, mahalin niya lang ako ulit"

"Tandaan..."

"Hindi po ako gagawa ikakasakit ng iba. Don't worry po, I will win her fair and square"

"Mabuti naman. Nga pala, kung may nararamdaman kang kakaiba sayo punta ka kaagad sa akin. Baka, malaki ang epekto sayo ng gayumang nainom mo"

"Tatandaan ko yan, may"

"Sige na. Baka hinahanap ka na ng mama mo. Alam mo namang napaka-overprotected sayo kahit kaya mo ang sarili mo"

"Salamat po sa pakikinig sa akin. Laking tulong po na may isang taong nakikinig sa mga schemes ko"

"Wala yun hijo. Anak na ang turing ko sayo. Kaya, nandito lang ako para sayo"

"Sige po. Salamat ulit"

Hinatid naman tingin ni Liz si Johann habang papaalis na ang kotseng sinakyan nito.

"Sana nga at hindi ka rin magiging sakim sa pag-ibig"

----------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top