Veils
Grey's POV
Reign and Paige just came back from the Underworld, and they brought the most interesting news and piece of information.
The council is dead. All of them were found hanging on a veil turned noose. Everyone's saying it was suicide, a premonition of the chaos that's to come.
Other oracles are worried, as well. They think that the council saw a vision that led them to kill themselves. They also believe that the world is ending again. For real this time, because unlike before, during the time of our parents, there were prophecies, but now, there's none.
The council left nothing but their lifeless bodies.
"Henri killed them," sabi ko sa mga kasama kong nakapalibot sa dining table ng templo ni Cronus, kung saan kami pinatawag at tinipon ni Reign. "I'm sure."
"Oracles don't commit suicide," Paige added. "And if they did, they'd be wise enough to leave something behind."
"Pinatay nga?" ani Zack.
"You mentioned veils," sabat naman ni Vance na nakaupo sa aking tabi. "The council was found with white veils tied around their necks, and not the usual rope or blanket. Would that mean anything?"
"Veils symbolize hidden knowledge or secrecy," Raphael informed us. "If you wanna know."
Kasunod akong napalingon kay Bella na kanina pa nakatulala sa gitna ng mesa habang sinisinghot ang nagbabanta niyang mga luha.
"Council..." Kumisap-kisap siya. "Patay..."
Namamasa ang kanyang mga mata nang salubungin ang aming mga tingin.
"H-Hindi prito?" tanong niya.
I heard Vance sigh defeatedly beside me, while I just gave Bella a smile and gently shook my head to answer.
"Veils..." Narinig kong bulong ni Paige sa sarili. "Why veils?"
And from then on, my eyes never drifted away from her, as I have always been fascinated by how she looks whenever her thoughts consume her.
Wala sa sariling gumalaw ang isang sulok ng aking labi, nagpipigil ng ngiti, nang masdan siyang unti-unting nadadala sa lalim ng kanyang iniisip. Komportable akong sumandal sa aking upuan at napahilig nang kaunti ng aking ulo.
"You can't really make it any more obvious?" Vance asked.
My attention lingered on his sister for a few seconds before I turned to face him and slightly leaned on my armrest. "What?"
"What the fuck?" he whispered.
Tuluyan na nga akong napangiti at marahang napahagod ng aking labi. "Vance..." Laughing softly, I straightened my back on my chair and cleared my throat. "We have got to find you a woman that can lighten the burden of these days."
"La vie est courte..." I reminded him. "Donc qu'est que tu attends?"
'Life is short. So, what are you waiting for?'
Hindi siya sumagot dahilan na matawa ulit ako nang mahina, at mula sa kanya, inilipat ko ang aking mga mata sa babaeng nakaupo sa pagitan nina Paige at Ash.
"Have you really done nothing these past few days?" usisa ko.
"Shut up, Grey."
"It's not working..." puna ko. "Quelles que soient les conneries que vous foutiez."
'Whatever the fuck you're doing.'
"I was training, idiot," pagbibigay-alam ni Vance. "I don't have time to-"
"You have." Sinulyapan ko siya mula sa sulok ng aking paningin. "If you really wanted to."
"You see that necklace she's wearing, Grey?" He referred to the flaming sword necklace that hung comfortably against Amber's chest. "That's a token of love, from someone else."
"Et bien..." Pinadalhan ko si Vance ng nangangampanteng ngiti. "It's a good thing that I have just come to know..."
Kumunot ang kanyang noo.
"That they're not in a relationship, yet," pagpapatuloy ko. "That's a token of courtship, Vance, not reciprocated love."
"And who told you?" He scoffed. "A little birdie?"
"Oui," sang-ayon ko. "Mon petit doigt m'avait dit."
'Yes, a little birdie did tell me.'
Pinanliitan niya ako ng mga mata saka tinignan si Amber na panandalian siyang sinulyapan bago muling ituon ang atensyon nito sa iba.
"Every day is a chance to dry the tears you wept on that night, Vance," sabi ko sa kanya. "Il ne faut pas hésiter trop longtemps à sauter sur l'occasion."
'Do not hesitate too long to grab the chance.'
"You want me to give her a ring instead?" he, himself, suggested, to which we exchanged sarcastic grins.
"Grey," tawag ni Reign kaya mabilis akong napalingon sa kanya. "Can I talk to you?"
"You didn't have to ask, ma belle," sagot ko. "I have always been here when you needed me, non?"
Ginantihan niya ako ng isang ngiting nagpapasalamat.
"You're dismissed," anunsyo niya sa iba naming mga kasama na agad nagsitayuan at isa-isang umalis.
Tumayo na rin ako at nakapamulsa nang lapitan si Reign.
"What is it?" I lowered my head and my voice, just in case she does not want anyone to hear what she wants to tell me.
"I need you to do something for me," tugon niya.
Napamasid ako sa malayo, at palihim akong napangiti, sabay liwanag ng aking mga mata.
"Find out where Hecate keeps her memories," utos niya. "And get mine."
"You gave her one of your memories in exchange of information?" I clarified. "Now, you want to steal it?"
"You don't understand." She lowered her head closer to me. "I asked that she keep a certain memory. One that I couldn't remember but I know exists."
A memory my sister can't remember but know exists, I repeated to myself. Interesting.
"C'est tout?" tanong ko.
'Is that all?'
Tumango siya.
"Bien," sambit ko. "I'll be on my way."
Reign's POV
Mabigat akong bumagsak sa higaan sabay buga ng hangin.
Wala na ang council. Wala na ang mga oracles na silang tagapagpanatili ng balanse sa mortal at mythological realms. Wala na ang tagapagpatupad ng mga batas, ang tagapag-alaga ng mga nilalang na katulad namin.
At hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit kailangan nilang mawala.
"Consequences..." bulong ko.
According to Hecate, the reason why the scale of good and evil is tipping off is because as a consequence of restoring the realms, our parents unknowingly brought back too much power.
It's like what Elpis said.
Pandora, all over again.
But Mom and Dad did not release evil when they came back. They only introduced power that the world does not deserve.
They did not open a box of evil. They opened a box of power.
And thus, the war of powers, for a world once fair but now has turned greedy, selfish, and evil for having and knowing too much.
'And it is you who the gods are seeking for...'
Panay ang aking pagbuntong-hininga habang inaalala ang sinabi ng goddess.
'You, are the golden symbols the most powerful once bore...'
Pumikit ako.
Wala nga akong nakikita pero ang dami ko namang nararamdaman.
'You are the power that your parents have unknowingly brought back to the realms...'
Ngayon ko lang nalaman na nagdudulot rin pala ng sakit ang matinding pag-aalala, dahil ramdam ko ito. Ramdam na ramdam ko ang kabang hindi pa namumuo dahil nakikipag-unahan ito sa takot.
Ayokong darating ang panahon na ililigtas ko sila dahil nagkulang ako sa pagprotekta. Kaya nasasaktan ako, kasi gusto kong gawin na lahat ngayon matapos lang 'to.
Lumalaban na ako kahit wala pa ang digmaan, at ayokong manghina't mapagod sa sandaling sasabak na ako sa totoong laban.
Araw-araw, may bahagi sa'kin na kinukuha ng mundo. Sa bawat problema, bawat responsibilidad, at bawat balita, pakiramdam ko nananakawan ako ng isang segundo ng hininga.
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata.
Nakakapanghina na rin ang matulog.
Sa panahon ngayon, pakiramdam ko na rin kasing kasalanan na ito, dahil mas marami akong nagagawa kapag gising ako.
Hinayaan kong lipasan ako ng antok, at nanatiling nakahiga't nakatulala sa kisame.
Ilang sandali pa'y narinig ko ang pagbukas ng portal.
"Reign."
But it wasn't my brother who had just come back from his mission.
Umupo ako sa higaan. "Dad," bati ko pabalik sa lalaking nakatayo malapit sa pintuan. "You finally received my letter?"
"Yes," sagot niya. "You called for me."
Crossing my legs on the bed, I asked, "How's Mom and Celeste?"
"They're both at home," aniya.
"And what took you so long?" karagdagan kong tanong. "Is it almost time for the attack?"
Sinundan ko ng tingin si Dad na humakbang papalapit sa'kin, at umupo sa kabilang dulo ng higaan nang nakatukod ang isang kamay dito.
"Reign..." His voice was stripped off of its cold. He sounded worried. Seriously worried. "I know why you asked me to talk to you."
"Still, I can't give you what you want," dugtong niya. "As much as I want to, I cannot allow you to join the Alphas in the attack."
"Dad, hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila," paliwanag ko. "Pero wala akong tiwala sa kanya, na maaawa siya kapag darating ang sandaling papatayin niya sila."
Nagkasalubong ang kilay ni Dad. "Isn't that what he's supposed to do?" aniya. "He's an enemy, Reign, you'd expect that he'd try to kill them."
"And do you already know what he's capable of?" usisa ko. "And he doesn't kill, Dad, sabi ni Tito Hector."
"We know," sabi niya. "But rest assured that Kara, Chase, and I will see to it that the soldiers' safety is prioritized, most especially the Alphas'."
The determination in his voice was not enough for me. "What if you're heading to an ambush?"
"We have already considered that, and we're prepared," saad niya.
I let out a long tired sigh. "But I want to..."
"Why don't you rest?" suhestyon niya. "You looked like you haven't slept for a week."
Binigyan ko si Dad ng nagtatampong tingin. Nakaani naman ako ng isang nag-aalalang ngiti mula sa kanya.
"Rest, Reign." Tumayo siya. "You need it."
Napailing ako. I can't.
Tinalikuran niya ako, ngunit bago pa siya tuluyang makalapit sa portal na kabubukas lang ay bigla siyang napatigil.
Bahagya siyang lumingon sa gawi ko. "Where's your brother?"
"Out for an errand," kampante kong sagot.
"Mmm." Tinuwid niya ang kanyang ulo at sa wakas ay nagpaalam na.
"I will come back for you," saad niya, na para na ring pangako. "And don't even think about defying your father, Skyreign."
Nakapamulsa siya nang makapasok sa portal.
"You know how I don't like it," huli niyang bilin saka tuluyang naglaho kasama ang portal.
Hinintay ko munang mawala ang huling bakas ng presensya ni Dad sa kwarto, bago tumawag.
"Bella," sambit ko.
Mula sa labas ng pintuan, matuling dumaloy ang anino at nagtipon malapit sa paanan ng higaan. Umangat ito at binuo ang katawan ng isang babae na humahagikgik habang yakap-yakap ang sira niyang teddy bear.
"May nalaman ka ba?" tanong ko sa kanya.
If Dad was prepared for the attack, I was prepared to join even though he's against it.
So, I had Bella crawl into the portal the second it appeared to gather information from the other side. I was worried that she might not return but fortunately, she was quick to locate the second portal that Dad used to transport back.
"European Headquarters!" nagagalak niyang sabi. "Bukas! Ng gabi!"
Ngumiti ako sa kanya. "Thank you."
"Ah- ano-" Pumihit-pihit siya sa kinatatayuan niya. "Reign, pwede bang sumama?"
Tumango ako. "Kung gusto mo, basta huwag mo lang ipaalam sa iba."
"Heh..." She snickered. "Hehe..." She giggled. "Hahaha!" Then she laughed, before vanishing from my sight, leaving cold air on the spot where she once stood.
Bumalik ako sa pagkakahiga sa aking higaan.
Tomorrow night...
Tumagilid ako ng higa.
I wonder if he's going to be there...
Zack's POV
Napahikab ako habang naglalakad pabalik sa bundok kung saan naroon ang templo ni Cronus at yung mga bahay namin.
Nangangawit na yung mga braso ko kaka-train at ang kailangan ko ngayon ay isang mahabang tulog, yung tipong pagkagising ko malalaman kong panaginip lang pala lahat ng nangyari simula nung pumasok si Henri sa Academy.
Bitbit ang mga espada sa tig-iisang kamay, iniunat ko muna ang likod at magkabilang balikat ko bago inilabas ang nag-aapoy kong mga pakpak.
Humugot ako ng malalim na hininga nang iangat ito at akmang ibababa na sana para lumunsad, nang bigla akong nakarinig ng maraming mga pagaspas mula sa likod.
Napaikot ako sa kinatatayuan ko.
Nakakunot-noo kong minasdan ang napakaraming mga ibon na nagsilipiran mula sa mga puno. At sa malayo, nasilayan ko rin ang anino ng nagkukumpulang mga ibon na nagsialisan din mula sa mga bundok ng Elysium.
Dahan-dahang bumaba ang aking mga pakpak, at humigpit ang aking pagkakahawak sa mga espada ko.
Pagkatapos ng mga ibon, sumunod ang kakaibang katahimikan.
Muli na naman akong napahinga ng malalim at saka napabulong, "Putangina..." Inikot-ikot ko ang espada sa aking kanang kamay. "Ano na naman 'to..."
Napatuon ako sa sinag na lumitaw sa abot-tanaw. Liwanag ito na hugis bilog na agad kumalat sa langit dahilan na mapatingala ako upang sundan ito ng mga mata ko. Umalingawngaw din ang malabong tunog ng may tumama.
Maaliwalas sa Elysium, ngunit napansin ko ang unti-unting pangunglimlim ng mga ulap. Nawala na ang dating sariwang simoy ng hangin. Nawala na nga yung simoy, dahil wala nang hanging dumadaan, pagka't napalitan na ito ng kakaibang lamig.
Kumawag-kawag ang aking panga habang pinapakiramdaman ko ang kapaligiran.
Hindi naman masyadong madilim, para nga lang mag-aambon, pero para sa isang lugar na parating maliwanag, tila isang malaking bagyo o kalamidad na ang patungo rito.
Dumagundong na naman ang pamilyar na tunog.
Narinig ko na ito noong nasira ang pakpak ng Academy.
Tunog ng may sinisira, tunog ng may mali sa buong lugar.
Luminga-linga ako pagkatapos malamang nanggagaling ito sa iba't ibang direksyon.
May sinisira...
Umikot-ikot ako sa kinatatayuan ko nang makita ang mga pagsabog ng liwanag kumakalat din sa kalangitan. Lumilitaw na rin ito sa iba't ibang dako ng Elysium, at sa tuwing nagpapakita ito, sumasabay ang kakaibang tunog, na parang... tumatama ito, at hindi lumilitaw.
"Reign..." Napahakbang ako paatras. "Raphael!" Pumihit ako saka tumakbo at marahas na inanga't baba ang aking mga pakpak upang mabilis na makalunsad mula sa lupa.
Lumipad ako patungo sa bundok na kinaroroonan nung iba. Muntik na akong madapa nang salubungin ako ni Ash na kalalabas lang mula sa bahay niya.
Bumukas ang kanyang bibig para ata tawagin ako pero napatigil siya nang matanaw ang nangyayari sa likod ko.
"Hoy! Mga gago! Gumising kayo!" sigaw ko habang tumatakbo papunta kay Reign. "Reign- anak ng!"
Nilagpasan ko si Amber na humihikab pa at naka-pajama. "Fireworks sa araw?"
Huminto ako sa tapat ni Reign na kalalabas lang din at nasa kalagitnaan ng pagtatali ng kanyang buhok. "Zack."
Sinulyapan ko muna yung iba na papalapit sa'min, bago muling hinarap si Reign.
"Di ko rin alam kung anong nangyayari pero-" Hindi ko matapos ang sasabihin ko nang makarinig kami ng mas malakas na mga alingawngaw ng sunod-sunod na pagtama. "Yan nga."
"Where's Raphael?" tanong niya.
"Kaninang umaga ko lang siya huling nakita," sagot ni Amber.
"Someone find him," utos ni Reign. "And is my brother already here?"
"No," ani Paige.
"Woah..." namamanghang puna ni Bella. "Dumidilim pala dito sa Elysium?"
"Someone's trying to get in," sabi ni Vance. "They're trying to break the barrier."
"Magbihis muna kayo, at maghanda," tugon ni Reign. "Titignan ko lang kung anong nangyayari."
Sinenyasan ako ni Reign na sumunod sa kanya kaya gano'n din ang ginawa ko nang lumipad siya paangat at huminto para matanaw ang kabuuan ng Elysium.
Nawala na ang parating matingkad na kulay ng mga halaman, dahil nadapuan ito ng anino. At habang tumatagal, dumarami rin ang mga pagsabog ng liwanag na tumatama sa ere, at lumalakas ang bawat dalang ingay nito.
Nilingon ko si Reign na namimigat ang mga mata habang nakamasid. Nakakapanibago ang makita siyang nakayuko ng kaunti ang ulo, at nakababa ang mga balikat, ngunit sa halip nito, nakita ko kung paano siya huminga nang malalim, sabay tuwid ng kanyang likod.
"Reign..." bulong ko.
Tumango-tango siya, tila tanggap ang nangyayari at nang salubungin niya ang nag-aalala kong tingin, nakataas na ang kanyang noo.
"Circle the entire realm, Zack," utos niya. "Gather all the spirits. Don't leave one soul unprotected."
Aalis na sana ako nang may idinagdag pa siya.
"Bring me the souls of every soldier and warrior," aniya. "And the heroes Achilles, Helene, Menelaus, and the sons of Odysseus... and the rest of them."
Pinaningkitan ko siya pagkatapos mahagilap ang gintong kinang sa kanyang mata kahit wala namang liwanag.
Bumaba ang aking tingin sa mga daliri niyang kumibot-kibot, at mula rito, lumabas ang iilang kislap ng kuryente.
Suot ang blangkong ekspresyon, tumuon si Reign sa tanawin. "Someone stupid forgot that the realm he seeks to destroy is where heroes from the first ages live."
"He's gone too far..." bulong niya. "They've all gone too far..." Nangitim ang mga daliri niya sa kabilang kamay dahil sa unti-unting paglabas ng mist.
Dahil dito, madahan akong lumipad palayo sa kanya.
"Elysium..." mahinang sabi ni Reign, tila hindi pa rin makapaniwala. "The Isles of the Blessed..."
"Pasensya ka na, Reign," tugon ko. "Hindi ko rin maintindihan kung bakit nila ginagawa 'to, at sa dinami-raming lugar na pwede nilang unahin..."
"Just because they want to, Zack." Umiling siya. "Manalo man tayo o matalo sa digmaang 'to, iiwan pa rin nating wasak ang realm na 'to, at alam na nila 'yon." Mahina siyang natawa. "Hindi ko alam kung anong totoong pakay nila rito, pero sigurado akong pinlano na nilang sirain ang lugar na 'to."
"Kung tayo lang ang kailangan nila pwede naman nila tayong kunin, eh, padalhan ng mensahe, hindi yung-" Napalunok siya sa gitna ng pangungusap. "Hindi yung ganito..."
"Reign..." gising ko sa kanya mula sa matinding pagkabalisa. "Paano ba 'yan? Wala na tayong magagawa kundi ang lumaban dito."
Nagkasalubong ang kanyang kilay, at palalim nang palalim ang hugot niya ng bawat hininga.
"I can't let them," saad niya. "I won't allow it."
"Hayaan mo na," pagsusumamo ko. "Sa Tartarus pa rin naman ang patutunguhan natin," paalala ko sa kanya. "Gusto mo, isabay nalang natin sila."
Tinapunan niya ako ng tamad na tingin. "Zacharille."
Marahan akong natawa at sinaluduhan siya, bago umalis para sundin ang inutos niya. Nilagpasan ko sina Ash at Amber na nakasakay sa kanilang mga ibon na gawa sa baga at abo, at sa huling pagkakataon, nilingon ko si Reign na seryosong sinalubong ang kambal.
Reign, paano ka makakapagpahinga ng maayos n'yan kung gusto mong panagutan ang lahat?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top