Tartarus
Isa's POV
Fear.
The smell of fear. It smelled like someone's greatest desire. It is what I desire at this moment. What I have been desiring ever since I found out he was an enemy.
Fear... and pain.
Pain for Raphael who just fell with a loud thud on the snow, bloody and beaten.
"You..." Gusto kong magkapunit-punit ang kanyang buong katawan. "You made me hurt her!" I screamed, my voice trembling with rage. And with even more rage, I summoned a thorn from the ground, impaling his waist.
Nakataob sa lupa, wala na ang dating puti sa katawan ni Raphael dahil balot na balot na ito sa dugo. Even the snow that landed on his back got so easily stained with his blood.
That was how severe his condition was.
But it wasn't severe enough. Not after what he made me do.
My right hand twisted, and as I pulled it upward, another thorn sprang from the ground. I used my left hand to summon another, and another, and another, until blood melted the snow beneath and around him.
I wanted him to die, but I knew he wouldn't.
Pagka't alam ko rin kung nasaan kami sa kasalukuyan. Nasa lugar kami kung saan walang kamatayan.
We were in the prison of all prisons. A realm of eternal torture. Eternal pain.
Nararapat nga lang naman sa lugar na ito ang nangyayari sa kanya ngayon. At sisiguraduhin kong saktan siya—sa puntong hindi na niya makikilala ang kanyang sarili. Sa puntong nanaisin niyang mamatay na lang, kahit alam niyang imposibleng mangyari 'yon.
No one will come for him here. Not even his own father, death.
Nanginginig ang aking mga kamay nang ipinagdaop ko ang mga ito. At sa isang mabilis na galaw, sabay kong itinabig ang mga ito upang sirain ang mga tinik na nakatagos sa kanyang katawan.
Naglaan ako ng ilang segundo para mahigpitan niya ang kanyang kapit sa natitira niyang kamalayan. I could sense his fading in and out of consciousness by the way he breathed. Paiba-iba ang kanyang paghinga. Minsa'y humihina ito, parang saglit na nawawala, ngunit sinusundan ng biglaang pagsinghap, na parang pilit niyang binubuhay ang kanyang diwa sa kabila ng matinding sakit.
Raphael groaned as he turned onto his back, his body full of holes. Every movement made him wince, his face twisting in pain. And blood continued to pool beneath him, reminding me of how much he had endured because of me.
But I didn't feel any remorse.
It was what he deserved.
Patuloy ko siyang minasdan, gamit ang mga matang tinatanggihan siyang kilalanin.
Unti-unting umangat ang aking noo nang magsimulang humapdi ang aking mga mata, na labis kong ipinagtaka.
What...
My breathing started to labor, as if I was... feeling... deeply feeling...
Since when have I felt emotions this way?
Kinapa-kapa ko ang aking harapan, hinahanap kung saan nanggagaling ang sakit na nararamdaman ko. Wala akong nadamang sugat, pero sa huli'y napahawak ako sa aking dibdib. Hindi naaayon ang tibok nito sa galit na bumabalot sa akin.
I felt hurt. A different kind of hurt.
Namamasa ang aking mga mata nang muling tignan ang lalaking nakahandusay sa lupa.
Because he was the first one who knew about me. The first person I ever talked to—aside from my sister, who I shared a body with.
And he...
I clutched my chest, tears threatening to fall.
He still betrayed me!
Naiiyak kong isinigaw ang nakakapanibagong sakit na namuo sa aking kalooban at tinawag ang kadiliman na palibutan kami nang walang makakita sa'kin at makarinig. At kasabay ng muling pagkidlat ng aking galit, sumabog ang mas matinding sakit ng pinaghalong lungkot at dismaya.
Bella's POV
Napabalikwas ako ng bangon pagkatapos makarinig ng sigaw.
Woah... Wala akong makita... Natanggalan ba ako ng mga mata?! Paano nangyari 'yon?! Amazing with a zombieee!
Pero, sa kasamaang palad, pagkatapos kong i-summon ang lumiliwanag kong katana, napag-alaman kong sadyang madilim lang talaga kaya wala akong nakita.
Malungkot akong bumuntong-hininga.
"Snow!" kasunod kong sigaw, at agad nanumbalik ang aking tuwa nang ikuyom ko ang aking palad sa makapal na snow. Pinalibutan ako nito at nakakagising ng diwa ang sobrang lamig ng kapaligiran dahilan para mapalinga-linga ako, pilit inaalam kung nasa'n ako.
Di ko talaga alam kung nasa'n ako pero—"Yay!" Gusto ko dito! Malamig at madilim—malakas akong suminghap. "Tartarus?!"
Nasa Tartarus na ako?!
Masigla akong tumayo.
Sabi ko na nga ba na ito yung magiging favorite realm ko, eh!
Napasuntok ako sa hangin. "Tartarus!" mahaba kong sigaw sa kadiliman. "Andito na me!" anunsyo ko at lulundag-lundag na sana paalis sa pwesto nang kamuntikan na akong madapa dahil isang binti ang nakaharang.
Inilapit ko ang maliwanag kong katana rito.
Lumiwanag din ang aking mga mata.
May putol na paa!
Pero, sa kasamaang palad, hindi pala ito putol. Dahil nakakonekta pa rin ito sa katawan ng... "Reign?" sambit ko nang makita kung sino ang nakahilata sa lupa at bahagyang natatakpan ng kumakapal na snow.
Patay na si Reign?!
"Hindi," mabilis kong sagot sa sarili kong katanungan. Wala namang kamatayan sa Tartarus, eh! Sobrang layo kaya namin kay Thanatos! As in napakalayo!
Lumuhod ako sa tabi niya at sinuri ang mabagal na pag-angat at pagbaba ng kanyang dibdib.
"Reeeign!" sigaw ko pero hindi siya nagising. Ibinaba ko ang aking espada sa snow at hinawakan siya. "Skyreeign!" pilit kong gising sa kanya habang niyuyugyog siya.
"Hmp!" Paano kami mag-eenjoy dito kung hindi siya magigising?!
Isang ideya ang pumasok sa isip ko. Kumuha ako ng snow at itinipon ito sa isang kamay ko. At saka ko ito ginamit upang takpan ang kanyang ilong, para pigilan ang kanyang paghinga at mapipilitan siyang guminhawa gamit ang kanyang bibig.
Epektibo nga naman ito dahil pagkalipas ng ilang segundo, bigla siyang suminghap sabay balikwas ng bangon.
Suot ang isang malapad na ngiti, kinisap-kisapan ko si Reign na humihingal. Napahawak siya sa kanyang dibdib, at ilang sandali pa bago niya nakamit ang buong kamalayan... o katinuan, dahil ilang saglit niya akong pinaningkitan, hindi pa sigurado sa nakikita.
"Bella?" kapos sa hininga niyang sambit.
"Mm-hmm." Tumango-tango ako. "Hulaan mo kung nasa'n tayo," nananabik kong tugon.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa kapaligiran.
"Tartarus," sagot niya.
"Tartarus!" masigla kong ulit.
Pinulot ko ang aking espada at inalalayan si Reign na makatayo.
"'Lam mo? Napanaginipan ko si Tita Kaye..." kuwento ko sa kanya. "Akala ko no'ng una, namatay na rin ako pero..." Ngumuso ako. "Tinawanan ako ni Tita! Sabi niya malabong mangyari 'yon kasi mahirap daw akong patayin!"
Kumunot ang noo ni Reign habang nakatitig sa'kin.
"Ikaw?" Ngumiti ako. "Ilang araw din tayong nahulog. Mahaba-haba rin siguro 'yong panaginip mo, 'no? Halos ayaw mo pa ngang magising!"
Nanatili siyang nakatuon sa'kin nang hindi umiimik.
Ipinagtaka ko ito. "Reign?"
"Wala akong napanaginipan... o baka nakalimutan ko na," aniya. "All I knew is that I woke up out of breath."
"Hehe." Nag-peace sign ako sa kanya. "Sorry."
Pansin ko ang pagsantabi niya ng malalim niyang iniisip, at saka niya ako nginitian pabalik. "How long have you been awake?"
"Kagigising ko lang din," sagot ko.
Natagpuan ko si Reign na muling natutulala.
"Reign?" tawag ko ulit sa kanya.
Umiling-iling siya. "Sorry, Bella," sabi niya. "Parang may gusto lang akong alalahanin..."
Napa-"oooh..." ako. "Walang problema yan! Andito naman na si Grey!"
"Oo nga pala," sang-ayon niya. "Kailangan muna natin silang hanapin..."
Malakas siyang bumuntong-hininga. Sa sobrang lamig, nag-anyong usok ang hangin na binuga niya. "Ang lamig..."
"At ang dilim!" natutuwa kong dugtong.
Mahina siyang tumawa. "Pansin ko nga."
Dahan-dahang nabura ang aking ngiti habang nakatuon sa kanya, dahil napansin ko ang kakaibang pamumutla niya.
"Reign..." Inabot ko sa kanya ang lumiliwanag kong espada. "Gusto mo hawakan? Mainit-init 'to pero di naman sobrang init..."
"I'm okay," giit niya sabay lahad sa'kin ng kanyang palad kung saan sumiklab ang isang maliit na apoy. "See? I can keep myself warm."
"Galing mo talaga..." namamangha kong puna dahilan para makaani ulit ako ng marahang tawa mula sa kanya.
"Hanapin na natin yung iba?" aya niya.
Nauna akong naglakad. "Sure ka ba talagang hindi ka nanghihina? Like one hundred and one percent sure? Or ninety-nine sure lang?"
Marunong naman na akong gumamit ng healing powers ko, eh! Sigurado akong kung anong kayang gawin ni Mommy, kaya ko rin!
"One hundred percent sure," natatawang sagot ni Reign habang naglalakad sa tabi ko.
'You need to take care of her, Bella, and keep her safe for me,' naalala ko ang habilin ni Tita Kaye sa panaginip ko. 'Reign. She is one of them.'
'Huh? Isa sa ano po?'
Nginitian niya lang ako. 'Gumising ka na. May naghihintay sa'yo.'
Tumigil kaming dalawa ni Reign nang sabay naming napansin ang malaking bakas ng dugo sa lupa—mas malaki pa kaysa sa katawan ng isang tao.
Nilingon niya ako, nag-aalala ang mga mata. Samantalang, pinigilan ko ang aking sarili na tumalon-talon sa tuwa.
"Sundan natin," muntik ko nang sigaw. Hihi.
Inunahan ako ni Reign sa pagsunod sa bakas ng dugo na humahaba, tila may direksyon na tinahak.
Sana kaming dalawa ang unang makakakita ng bangkay dito sa Tartarus!
"Oof—" Tumama ako sa likod ni Reign na biglang huminto.
Hagod-hagod ang aking noo, sumilip ako sa ikinatigil niya, at unang nakita ang likod ng isa pang babae na abot tuhod ang haba ng maitim na buhok.
Sino yan?
"Excuse me," ani Reign upang kunin ang atensyon ng babae.
Mabilis itong lumingon sa'min, nangangalit ang namamagang mga mata, pero higit sa lahat, pamilyar ang hitsura niya.
Napakapamilyar.
Dahil magkamukha kami.
"Isa?!" sigaw ko.
Reign's POV
Isa?
Nilagpasan ako ni Bella na tumakbo patungo sa babaeng kamukha niya at niyakap niya ito, nang napakahigpit, na may kasamang pagpihit-pihit.
"Huwaaah!" iyak ni Bella. "Isaaa!"
Samantalang, hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pati na rin ata 'yong babae dahil nakatulala lang ito sa malayo.
"Hold on." What was once anger on the stranger's face quickly turned into surprise and confusion.
Nilakihan ko ang apoy na lumulutang sa aking palad upang mas maaninag ang hitsura niya.
She looks exactly the same as Bella. How?
"Bella?" she whispered.
Gusto kong ihanda ang aking sarili kung sakaling may masama siyang gagawin sa'min, pero hindi ko ito magawa-gawa dahil may bahagi sa'kin na hindi nararamdaman ang anumang panganib mula sa kanya.
She gently pushed herself away from Bella.
"I don't—" She shook her head, her face twisted in deep confusion. "Why are you here? No..." She glanced at where Bella stood. "Why are you there?"
Then her head snapped toward me. "Reign—" Nagmamadali siyang lumapit sa'kin. "Reign!" Puno ng alala ang kanyang pagtawag, ngunit napatigil siya nang makita akong napaatras.
"I'm..." Regret was written all over her face. "I'm sorry. I had no choice."
"Sino ka?" naguguluhan kong tanong at muling tinignan si Bella na mahinahong dumako sa aking gawi.
"Reign, may ipapakilala ko sa'yo," aniya, at nilingon ang babaeng tila nahihiya dahil umiwas ito ng tingin.
"Isa," sambit ni Bella.
Hindi pa rin kami tinitignan no'ng Isa.
"Isa!" Napapadyak si Bella. "'Lika kasi!"
It took her some time, but Isa finally decided to step forward. She moved hesitantly, as if the weight of the moment was too much for her.
She stopped in front of me, her gaze still fixed on the ground.
Beside the awkward silence, Bella smiled widely. It's the first time I've seen her this excited.
"Hi ka muna," ani Bella.
Isa glanced up quickly, her eyes meeting mine for the shortest moment before darting away again.
Ngayong kaharap ko na siya, parang pamilyar na rin siya sa'kin...
"H-Hi," she finally whispered, her voice barely audible, as if she was testing if it was safe to speak.
Pakiramdam ko, kilala ko na siya dati pa... at nakausap ko na...
"Isa?" tanong ko.
For a moment, there was silence. She shifted nervously, her weight moving from one foot to the other. Then, as if mustering courage, she finally spoke, her voice steadier this time.
"I'm... Bella's..."
And like how the sun slowly rises and casts light over the earth, it finally dawned on me—kung sino ang kaharap ko ngayon.
"You're her twin," napagtanto ko.
Her eyes sparked with a little bit of hope, pagkatapos kong sabihin 'yon. Her lips also curved into a shy smile, but it disappeared just as quickly.
After a while, I let out a small scoff, hindi makapaniwala, before breaking into a wide smile.
"Oh my Gods." Hindi ko napigilan ang matuwa sa nadiskubre. "Dalawa kayo."
"Dalawa kami!" kumpirma ni Bella.
"There's two of you!" sabi ko ulit, lumiliwanag ang mga mata sa sobrang saya.
"Mmm!" Tumalon-talon si Bella. "Dalawa nga kami!"
"Oh-Gods-Hi!" Naglaho ang apoy sa aking palad nang hilahin ko si Isa upang yakapin siya. "It's so nice meeting you!"
Mabilis din akong bumitaw sa kanya. "Ba't ka nandito?! Kailangan mong ikuwento sa'kin lahat ng tungkol sa'yo—"
I was interrupted by someone groaning in pain.
Sabay kaming lumingon sa pinagmulan ng ingay at nang mag-summon ulit ako ng apoy, bumungad sa'min ang katawan ng isang lalaki na malapit nang magkagutay-gutay.
"Raphael?" Nakilala ko agad ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top