Mastermind

Reign's POV

"Reign!"

Mula sa mga kalaban, inilipat ko ang aking atensyon kay Luke na kalalapag lang ang mga paa sa lupa. Nagmamadali siyang tumungo sa'kin, bakas ang kaunting inis sa mukha.

"What are you doing here?!" tanong niya.

Sinulyapan ko ang malaking facility kung saan siya galing bago sumagot, "I don't think I should answer."

"This is our war, Omega."

Para sa kanya, hindi dapat ako kasali sa digmaang ito.

"Our war," pag-uulit ko.

Ngunit para sa akin, kasali na ako bago pa man ito nakapagsimula.

Luke and I both looked like we just came out of a war, even though we were still fighting it. His hair struggled to hold up against the blood and sweat. It was obvious. We were on the verge of exhaustion.

"Go back," sabi niya, nang-uutos ang boses at nagmamadali, dahil alam niyang hindi hihinto ang digmaan na nangyayari sa paligid namin dahil lang tumigil siya para kausapin ako.

"Nandito na ako, Luke," sabi ko sa kanya. "At wala ka nang magagawa."

"Go back, Reign!" He pointed to the mountains with urgency. "You can't be here!"

Nanliit ang aking mga mata pagkatapos niya akong sigawan. Hindi ako sumagot at sa halip ay tinitigan lang siya, halatang walang balak na sundin ang utos niya.

"Why-" He said, frustrated. "Why the hell-"

"Because I want to," tugon ko. "I want to see for myself how this war will end."

"Great." He chuckled sarcastically. "You've underestimated us. You don't believe we can win this?"

"You will," giit ko. "I know you will."

Tinignan niya ako nang nagtatanong ang mga mata.

I sighed. "Luke, sigurado akong-"

Umangat ang kanyang magkabilang kilay.

"Sigurado akong mananalo kayo," paliwanag ko. "Pero hindi ako sigurado na walang mawawala sa inyo."

Unti-unting nanlambot ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha.

"So, just let me, okay?" I asked. "Let me be here."

"Your father's here," paalala niya. "Don't you trust him? Because he swore to protect us," aniya. "And Kara and Chase."

"I know..." Nanghina ang aking boses. But who will protect them? From him?

"Then go," udyok niya.

"I won't," I insisted. "I'm going to stay until I make sure all of you are safe-"

"You can't do everything, Reign!"

Napatigil ako sa muling pagtaas ng kanyang boses. Nanumbalik din ang galit sa kanyang mga mata kung saan tumatakas ang maliliit na kislap ng kuryente.

"At this point, Skyreign Austria, I believe you're not underestimating us, but rather overestimating yourself," dagdag niya. "Do you really think you can be everywhere at the same fucking second?!"

Napahugot ako ng malalim na hininga sa sinabi niya.

"You may be powerful but you are not that powerful!" Nagsimulang mandilim ang kalangitan sa likod niya at kumapal ang mga kislap ng kuryente na pumalibot sa kanyang sentido. "So listen to me when I say you should leave, Reign!"

Kumibot-kibot sa inis ang isa kong daliri at mula rito, kumislap-kislap ang liwanag na nagtatangkang sumabog sa aking palad.

Pagkatapos, itinaas ko ang aking noo. "Why are you venting all your anger towards me, Alpha?" mahinahon kong tanong. "I can help you relieve it, but not this way."

Mabagal akong umiling. "Gusto kong tumulong. Gusto ko kayong protektahan. 'Yan lang ang mga dahilan kung bakit ako nandito."

"Hindi ako nandito para lang magpakita ng kapangyarihan," saad ko, at saka pinasadahan siya ng nanghahamong tingin. "O di kaya'y..." Sinadya kong hinaan ang aking boses. "Ipaalala sa iyo na mas makapangyarihan ako sa inyo."

Luke snickered, tila hindi makapaniwala, pero mabilis din niyang napagtantong nagbabanta ako.

"I am as frustrated as you are," sabi ko. "I am as overwhelmed as you, but the difference between us, is that I actually try not to be a burden."

"So don't be a burden to me," I asked, sincerely. "I already have a lot on my plate, and I chose to have, a lot, on my plate, Luke."

Nagkasalubong ang kanyang kilay.

"I chose to come here because I chose to worry over you and everyone." The more I spoke, the more I felt like I was talking to a child.

Tila libo-libong taon ang pumuno sa blankong espasyo sa pagitan namin, at ngayon ko lang nadama ito, dahil ito lang din ang unang beses na sinigawan at minura niya ako.

"Do not question my decisions, Luke." Naglaho ang mga kislap sa aking kamay dahil pinalitan ito ng itim na mist. "Or I'll question every one of yours' that led to regret."

His eyes fluttered weakly. Nawala na rin ang kuryente sa kanyang mga mata, at ang namumuong bagyo sa likod niya.

Nanatili siyang nakatayo sa aking harapan, tila nagtataka. Bahagyang umawang ang kanyang bibig. Gumalaw nang kaunti ang kanyang lalamunan, at ako na naman ang napakunot ang noo nang mahina siyang bumuga ng hangin imbes na magsalita.

"Reign."

Palihim akong napasinghap pagkatapos marinig ang pamilyar na boses.

Shoot.

Napalunok muna ako bago lingunin ang lalaking malamig na nakatuon sa akin habang naglalakad. Sa likod niya, nakasunod ang isa pang lalaki na nakangisi, at isang babae na seryosong tumitingin-tingin sa paligid.

Nag-aalangan akong umikot paharap kay Dad na siyang nanguna sa paglapit sa'kin.

"D-Dad..." I greeted him awkwardly. "I can explain-"

"Is there?" Nakapamulsa siya. "Is there anything to explain?"

He asked, and I can see it in his eyes that he didn't want me to answer.

So, I answered, "I just want to-"

"Want?" He cut me off again. "What about what you need to do, Reign?"

Sa likod niya, dahan-dahang nabahiran ng alala ang ngisi ni Tito Chase, hanggang sa tuluyan na nga itong naging isang nagsusumamong ngiti.

"The others are fine," pagbibigay-alam ko kay Dad. "They've survived the attack."

"Attack?" aniya.

Napalunok na naman ako bago muling nakapagsalita. "Elysium was attacked."

Dad continued to give me a blank look. He didn't move his gaze away from me as he slightly turned his head to the two other founders behind him.

"Cal," sambit niya.

Three founders stood behind him now. Pagka't umangat ang anino sa likod ni Dad at namuo ng katawan ng isa pang lalaki na siyang nagdulot ng biglaang paglamig ng kinaroroonan namin.

Kasingdilim ng suot na ekspresyon ni Tito Cal ang mga mata niyang agad tumutok sa'kin sa sandaling lumitaw siya. Katulad din ni Dad, hindi niya inalis ang malamig niyang titig sa'kin nang bahagya niyang ipiling ang kanyang ulo.

"I just found out," he told my Dad whose jaw started to clench.

Between my Dad and I, I was the first to look away because I could not stand his piercing gaze that physically hurt.

Dumaan ang ilang segundo ng katahimikan, ilang segundo ng pagdurusa sa ilalim ng matalim na titig ng sarili kong ama.

"Who came here with you?" tanong niya.

I lightly bit my lower lip.

"Reign," tawag ni Dad.

"Bella," sagot ko.

Mabagal na tumuwid ang leeg ni Tito Cal pagkatapos marinig ang sinabi ko.

"Who else?" tanong ni Tita Kara.

Napabuntong-hininga ako. "Just us two."

Matagal-tagal na naman akong tinitigan ni Dad.

"You are coming with us," sabi niya. "Right now."

Luminga-linga ako sa kaguluhang nakapalibot sa'min na hindi matapos-tapos. "But Dad-"

"That is an order, Austria."

Panandalian akong napapikit sa inis nang tawagin niya ako sa apilyedo namin. As if we didn't have the same last name because I was his daughter.

No, because he wanted to remind me that even though we were both leaders, he's still someone above me. By calling me by my last name, he stripped me off of my first and personal name. The one he and Mom gave me.

At this moment, I was only a warrior. Another soldier. Not a daughter. Not even an Omega.

Huminga ako nang malalim sabay taas ng aking noo. Nanatiling nakatuwid ang aking likod nang maglakad ako at tahimik siyang nilagpasan.

Now that I was able take a short break from fighting, I realized I've been fighting with a blurry vision. My eyes began to hurt from straining too much. My head throbbed from focusing too much.

My body finally acknowledged that what I went through, was too much.

I fought... and fought...

Pinigilan ko ang aking katawan na humilig-hilig habang naglalakad papalayo sa founders na alam ko'y nakasunod ang mga mata sa'kin.

My eyes desperately wanted to close and my system threatened to shut off, but I managed to walk a few steps and I thought I was going to be fine.

Not until one of my legs turned completely numb. 

Great. Saka lang nagparamdam ang matindi kong kapaguran ngayong nasa harap ako ng founders at ni Luke.

Tumigil ako at hinarap si Dad na nakamasid sa'kin, suot pa rin ang pangkaraniwan niyang blangkong ekspresyon.

We exchanged empty looks. He stood straight while I, I struggled.

Hindi ako mawawalan ng malay, pangako ko sa sarili. Hindi sa harap nila.

I summoned the mist to surround me, and planned to use it to bring me anywhere but here where they can watch me lose consciousness.

Hindi ako manghihina. 

Huwag sa harap nila.

"Skyreign!" matigas na sigaw ni Dad.

Napangisi ako sa naiinis niyang ekspresyon, at marahan akong natawa pagkatapos niya akong tawagin sa pangalan ko.

You can get angry at me, Dad, but we both know you can't do anything to me.

Malapit nang balutin ng mist ang kabuuan ng aking pananaw, nang bigla itong tumigil sa paggalaw, dahil bigla rin akong napapigil ng hininga.

"Dad..." nag-aalala kong sambit.

Bakit ko sila iiwan? Bakit ko sila iiwan sa ilalim ng isang mapagmatyag na kalaban?

Nagsimulang bumigat ang aking pakiramdam habang nakatayo sa gitna ng dilim.

Alam ba ni Henri ang mangyayari sa mga sandaling ito? Alam niya bang aalis ako kasi ayokong magmukhang mahina sa harap ng iba?

I gathered the founders and Luke all in one place at the same time...

An opportunity for the enemy...

Dahil ibig sabihin maaari na niyang saktan silang lahat... dahil magkasama sila sa mga sandaling ito, nasa iisang pwesto...

"No." I made a mistake.

I brought all of them in one place where the enemy can strike them all at once...

Umawang aking bibig at mula rito, isang nanginginig na ginhawa ang kumawala, dulot ng patinding pagsisisi nang mapagtanto kong, isang malaking pagkakamali ang alisin ang aking mga mata mula sa founders at sa leader ng Alphas.

I shouldn't have left them...

I shouldn't have left them! I screamed inside my head, the same time I swung my arms to tear apart the mist around me. Pinunit ko ang mist na nakapalibot sa akin at saka ako napatigil sa nakita ko.

The battlefield was a storm of chaos, and in the midst of it all, a body lay a few feet in front of me.

Unti-unting lumukot ang aking mukha, hindi makapaniwala. 

"Luke..." bulong ko.

Paano? Saglit ko lang siyang iniwan... at kasama niya pa sina Dad...

"Luke!" I screamed, my legs stumbling forward, my arms turning him over the moment I fell beside him.

Lumuhod ako sa tabi niya, nanginginig ang mga kamay habang iniiling ang kanyang balikat. "No, no-" Napahawak ako sa dumudugong dibdib niya. "W-Why are you bleeding?" Hindi ako makahinga. "Luke-" Napasinghap ako nang makita ang malaking sugat na bumiyak sa tagiliran niya. 

"H-How?" My voice broke.

How did it only take a few seconds?

I laughed, nervously, bitterly. "No..." Gumuhit ang labis na pagsisisi sa aking mukha. "No-" My voice shivered. "Luke, you're not..." Nagsimulang manghapdi ang aking mga mata. "No, no, no-" Yumuko ako at maingat na itinuwid ang kanyang ulo para lang mapatigil nang makita ang maputla-putla niyang hitsura.

"N-No, please," pagsusumamo ko, pagmamakaawa. "Hindi pa tayo tapos dito..." 

Pero hindi siya gumalaw.

An Alpha.

A son of Zeus.

And it only took a moment...

The weight of Luke's lifeless body still clung to me, my hands stained with his blood. My chest felt hollow, but there was no time to mourn. 

"Dad..." I murmured under a shaky breath. "Dad?!" I looked around me frantically. 

He was out there somewhere, fighting in this war. I had already lost Luke, and I couldn't lose him too. 

Tumayo ako at pinilit ang aking mga binti na gumalaw, mabibigat ang bawat hakbang sa lupa. "Dad!" sigaw ko, namamaos na ang boses dahil sa alikabok at usok na bumabalot sa ere.

My heart pounded, fear rising with every moment that passed without finding him.

I pushed through the chaos, eyes scanning every corner of the battlefield. The smell of burning flesh filled the air, and the cries of the wounded rang in my ears, but none of it mattered. 

'You are lost...'

Napahinto ako nang umalingawngaw sa aking pandinig ang sinabi ni Achlys. 

Mahirap makakita nang higit sa ilang hakbang sa harap ko pero dama ko pa rin ito, ang kapangyarihan ng bawat presensyang naglalaban para sa amin at para sa kalaban. Ilang segundo kong dinama ito, bago lumingon sa nakahandusay na katawan ni Luke, kung saan wala na akong nararamdamang kapangyarihan o presensya mula sa kanya.

And when I turned to face everyone again, disappointment clawed at my chest.

A nearby explosion shook the ground beneath me. Tumingin ako sa pinanggalingan nito at nakita ang pagsabog ng kalahati ng facility. 

My ears were ringing as I began walking towards it.

Nararamdaman ko kasi ang presensya ng founders mula doon...

Behind me, I heard someone scream Luke's name. 

One of the Alphas, maybe...

And maybe, just maybe, just like how Henri killed Luke in a matter of seconds, I can end this war the same way...

I can end this war in the blink of an eye.

My eyes drifted up to the dark storm above the facility. Gawa ito ni Dad, kumikislap ang buong katawan niya habang isa-isang pinapatamaan ng kidlat ang loob ng facility. I figured he was looking for something. Maybe a source of the enemies' power.

I continued to stare at the storm he summoned. It was heavy and powerful and dark...

But it was not enough.

So I summoned more clouds for it, strengthening his storm, amplifying his power, widening the darkness until it reached the horizon. 

And when I summoned the mist to join the storm, Dad's head snapped at me, eyes glowing with small lightnings. His lips curved down to a scowl. Hindi siya sang-ayon sa ginagawa ko.

He tried to control the storm, the mist. I could feel it. I could feel him wanting to control his own power. And so I took a step forward and my head hurt when I fought to overpower him with his own abilities.

I summoned more. More storm. More lightning. More darkness. More mist. Until everyone in the battlefield could no longer see anything.

Nilabanan ko ang lumiliwanag na mga mata ni Dad habang inaako ang hangin na nakapalibot sa'min. It took him a while of considering, but he did. He sent thunder to strike me.

But it missed.

Tinignan ko siya gamit ang dalawang mata ng mas malaking bagyo na namumuo sa likod ko.

My chest tightened, rage and grief coursed through my veins, fueling my hatred for the heavens. The heavens that are now under my control. The heavens that have now become my storm.

The heavens that gave me what I asked for. The strongest wind and rain to end it all.

"Reign!"

Napabugwak ako ng hangin nang biglang may tumulak sa'kin. Malakas na tumama ang aking likod sa bakal na pader.

"Reign! Hanapin mo si Bella!" boses ni Tito Chase ang gumising sa'kin. "At umalis na kayo rito!"

Humihingal pa ako nang muli niyang itinulak ang aking magkabilang balikat. "Reign!"

Napahawak ako sa braso niya habang umuubo-ubo.

"Kami na ang bahala dito," aniya. 

Umiling ako, naninikip ang dibdib sa samu't saring emosyon na nagbabantang sumabog.

"S-Si Luke..." naalala ko.

Nag-aalangan akong binitawan ni Tito sabay lihis ng kanyang ulo.

"Anong nangyari-" Hindi ko natapos ang aking tanong nang muling mag-abot ang aming tingin. He looked at me, eyes pleading not to ask him because it seemed that he does not have an answer either.

A bitter smile drew across his lips. "Kaya namin nagawang labanan si Chaos noon dahil nasa panig namin ang tadhana." He chuckled with a rough throat. "Pero ngayon, kalaban natin ang anak niya at wala pa ring nakakaalam kung ano ang tunay na sukat ng kapangyarihan niya."

I nodded in understanding. "I'm sorry... I shouldn't have done that... I shouldn't have summoned a bigger storm..."

Malumanay akong nginitian ni Tito. "Hanapin mo na si Bella."

I didn't answer nor react to his request. I stood, completely still, and he was quick to understand.

Humugot siya ng isang napakalalim na hininga. "Tangina talaga..." Tumingin siya sa malayo. "Sa dinami-raming pwede mong manahin sa'min... katigasan pa ng ulo..." sabi niya sa sarili bago ako muling tinignan. "Reign, kailangan niyo na talagang umalis ni Bella."

"I'm not leaving until I know you're fine," sagot ko. "Until I know we are going to win this war."

Tila may malalim na pinag-isipan si Tito. Lubos na pinagdedesisyunan.

"Kung gano'n, huwag mo nang ulitin 'yong ginawa mo kanina," tugon niya. "Sapat na ang bagyo ng tatay mo para sa digmaang 'to. Kung dadagdagan mo pa, hindi lang mga kalaban ang maaapektuhan nito. Naiintindihan mo ba kami, Skyreign?"

Naiintindihan mo ba kami.

And in that moment I felt every one of the founders' eyes on me, watching my next move closely.

What was I doing? I asked myself. Malaki na ako. Bakit ko pa dinagdagan ang binabantayan nila?

"I'm sorry," sabi ko kay Tito. "Hindi ko-" Umiling-iling ako, naguguluhan. "Hindi ko alam- Hindi ko sinasadya 'yon." 

Sandali akong napapikit sa pinagsasabi ko, hindi makapaniwala. 

Gods, Reign, you're practically admitting that you almost lost it!

Napalunok ako.

Because it only took the enemy one moment. One single moment to end one of us.

"He will always be a step ahead of us, won't he?" nag-aalala kong tanong. "That's how poweful he is."

Marahan akong tinawanan ni Tito. "Di bale na," mahinahon niyang sagot. "Ang mahalaga hindi pa tapos ang digmaan... kaya di bale nang palagi siyang nauuna," he repeated. "Dahil may oras pa tayo, Reign, at mayroon pang patutunguhan..."

Nagtaka ako saglit kung paano niya nagawang tawanan ang labis kong pinag-alalahan, hanggang sa maalala ko ang pinagdaanan nila.

Mabilis kong pinaniwalaan ang sinabi ni Tito.

Why wouldn't I?

It came from one of the founders who, at one point in their lives, have experienced losing everything.

And yet, they're still here. Alive. Fighting.

"Luke. Can you..." Gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi ni Tito pero hindi ibig sabihin nito tuluya na ngang nabura ang lahat ng aking pag-alala. "Do you think we can get him back?"

No answer. Only silence, and a look of uncertainty.

I wet my drying lips. "Bella and I could stop by the river of souls in the Underworld-"

"Kami ang mananagot sa lahat ng mangyayari sa digmaang ito, kaya huwag mo nang isipin 'yon," sabi ni Tito. "Alalahanin mo na lang ang sarili mo at ang mga Omega."

Nanumbalik sa'kin ang sinabi ni Tito Hector.

'In our realm, he is already considered a god, Reign...'

Bella and I could stop by the Underworld but Henri already holds power over there, making it dangerous for us...

And the heavens are also wrapped around his fingers... the gods, on his side...

And now he's waging wars in the mortal realms...

Which means no realm is safe for us.

Pagka't hawak na niya ang lahat.

Kumunot ang aking noo.

Maliban sa Tartarus.

"Sir!"

Isang lalaking naka-uniporme ang biglang nagpakita.

A CAP soldier.

"The containment procedures has just begun," pagbibigay-alam nito.

"Containment?" Seryosong napaharap si Tito sa sundalo. "Para kanino?"

"For the daughter of Poseidon."

Sylvia.

"Putcha," mariing napamura si Tito. "Putangina." Mabilis din siyang naglaho dahilan para mapalingon ako sa CAP.

"What's the containment procedures?" tanong ko.

"It's the emergency response for supreme divination, ma'am-"

A sudden earthquake interrupted him. Bahagya kaming napayuko nang maiwasan naming matumba at nang lumakas na nga ang pagyanig ng lupa, napatukod ang CAP sa pader habang lumipad naman ako paangat.

Sinalubong ako ng mga ulap na na unti-unting bumababa, dumadapo na sa tuktok ng mga bundok na nakapalibot sa'min. The sky was slowly being painted a dark blue, and the clouds thickened, hiding something.

Not a storm.

But a tidal wave forming.

As if to confirm my hunch, hundreds of birds flew frantically away from the nearest sea, one of the warning signs of a tsunami.

A sound of breaking filled the air around me. It was the earth splitting open. Isang mahabang bitak ang gumuhit sa lupa, at nang sinundan ko kung saan ito nagmula, nakita ko si Sylvia na nakatayo malapit sa katawan ni Luke.

 "Sylvia!" Another Alpha screamed.

Hope, the daughter of Hestia. But she was still too far away. 

Hindi lang si Hope ang tumatakbo patungo sa kinaroroonan ni Sylvia. Pati na rin sina Denzel at Maeve na tumatakbo mula sa magkaibang direksyon.

The air was too stale around Sylvia. Masyado itong mabigat kaya bumaba ako sa lupa, at tulad ng ibang Alphas, tumakbo rin ako patungo sa kanya, tinutulak palayo ang mga kalabang nasa pagitan namin.

I was in the midst of battling an Orion huntsman when I caught sight of something falling above Sylvia.

A someone.

Sophia, the daughter of Athena.

She landed silently behind Sylvia, her expression blank as she struck her own classmate in the head with her shield. The blow was hard enough to make Sylvia gasp and immediately lose consciousness.

From a distance, the sound of heavy rainfall echoed across the battlefield. But I knew it wasn't rain— it was a tidal wave crashing down.

And when I thought everything was okay, Sylvia slowly opened her eyes, unfazed by it all. Dahan-dahan niyang itinulak ang kanyang sarili paupo sa lupa, walang bakas ng emosyon sa mukha. At saka niya sinamaan ng tingin si Sophia na sumulyap sa isa pang Alpha na lumapit sa kanila.

A slow, steady exhale escaped my lips as I watched Cleo crouch beside Sylvia, whispering something.

A daughter of Aphrodite has come...

Napahugot ako ng malalim na hininga.

Sylvia's going to be okay...

Saka ko nahuli ang kinang ng mga pinipigilang luha ni Cleo na siyang nagpapagaan sa hangin na nakapalibot sa kanila. 

Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at umiwas ng tingin, bago pa ako tuluyang madala sa nakita. I managed to keep my grief inside me and when I looked back at the Alphas again, the three of them were already disappearing into a trance.

I'm not certain whose trance it was—Sophia's or Cleo's. But what matters is that Sylvia is in a place where she can't hurt anyone else.

Lumapit ako kay Denzel na siyang bumuhat sa katawan ni Luke.

"Wala munang magsabi sa iba." Humahangos si Hope nang makarating. "Lalo na kila Ivan."

Samantalang, hindi kami magawang tignan ni Maeve na nakalihis ang namamasang mga mata mula kay Luke. Kumuyom ang palad niyang may hawak ng kanyang pana, at kapansin-pansin ang paglalim ng kanyang hininga sa bawat segundong lumipas.

"Reign." Sinenyasan ako ni Hope na sumunod sa kanya kaya sinabayan ko siya palayo sa iba.

"What was that earlier?" aniya. "Alam mo bang wala kaming containment procedures para sa inyong mga Omega?"

"I know, I'm sorry," nagpapakumbaba kong sabi.

Huminto siya upang harapin ako. "Whatever happens in this field, we will need you."

"That's why I'm here," sang-ayon ko.

"No, Reign," giit niya. "We will need you. Not now, but soon."

Hindi maipagkakailang ipinagtaka ko ang sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"You will only make things worse if you stay," sabi niya. "Kasi dapat wala ka rito."

I scoffed, hindi makapaniwala dahil ilang beses na ba akong napagsabihan n'yan?

"You didn't see how Luke died, did you?" tanong ko. "Because I didn't too, kahit nasa harap niya lang ako."

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang labi, nang bahagyang yumuko ang kanyang ulo.

"In one blink of an eye, Hope, nawala na siya," dagdag ko pa. "I didn't see him kill Luke, but I know it was him, because that is how a son of destiny kills. Not by his own hands, but by anything or anyone else."

A painful laugh escaped my lips. "For all we know, Hope..." Matagal ko siyang tinitigan, habang pinipigilan ang aking mga mata na muling mamasa. "He could end this war with just a snap of his finger."

I continued with a low, pained, chuckle. "He could end you in just a moment, if he really wanted to," saad ko. "Hindi ako sigurado kung anong meron sa panig natin ang pumipigil sa kanya na tapusin ang digmaan, kahit alam kong kaya niya itong gawin sa isang iglap lang."

"Ano sa tingin mo ang pumipigil sa kanya?" tanong ni Hope.

Ilang segundong umawang ang aking bibig bago ako makasagot.

"May kutob akong hindi niya inasahan yung pagdating ko..." Seryoso akong tumuon sa malayo. "At alam niyang nandito ako para pigilan kung ano mang balak niya."

"He didn't waste a chance. No'ng nagtangka akong umalis, agad niyang kinuha si Luke. Every second to him matters, as long as everything's going according to his plan." Sinalubong ko ng determinadong tingin ang nakakunot-noong si Hope. "But I wasn't planned, was I? Meaning, as long I stay here, his plan will not push through and will continue to fall apart."

"Hangga't hindi pa natin alam kung hanggang saan aabot yung kapangyarihan niya, at kung ano yung kahinaan niya, ako muna ang tatayo sa pagitan niya at ng mga plano niya," anunsyo ko, na isa na ring pangako.

"You are on another level of being stubborn, Omega, and unpredictable," puna ni Hope. "I hope you know how heavy your burden is, na sa sandaling iisipin mong umalis, posibleng may mawawala na namang isa sa'min."

"But you lied," sabi niya. "Alam kong alam mo kung anong kahinaan niya."

Humugot ako ng isang mahaba at mapanakit na hininga.

"Ipangako mo lang sa'kin na kaya mo siyang pabagsakin nang hindi ka kasama..." ani Hope. "At hahayaan kitang gawin kung anong gusto mo."

"Pipigilan ko ang pipigil sa'yo, ma-founder man o Alpha," dagdag pa niya. "Just promise me, Reign, that in between the two of you, you'll be the better mastermind."

"Mmm." I softly hummed.

Hope nodded. "Anong gusto mong gawin?"

"Scratch all your plans," sagot ko. "Don't even think of a plan. Burahin natin lahat ng mga planong tinutupad ng allies ngayon. Let them fight freely without thinking of the consequence. Kung gusto nilang humiga muna't magpahinga sa sideline, let them."

A worried look plastered on the Alpha's face.

I continued, "Tell everyone who wants to go home that they can go home, and those who want to stay, can do anything they want, kahit labag ito sa inutos ng founders."

"Kung naniniwala ang anak ni tadhana na mangyayari ang dapat mangyari, naniniwala akong hindi kailangang mangyari ang dapat mangyari," sabi ko. "Kaya kung ano mang inaasahan niyang mangyayari, ay sisirain ko..."

"Sisirain ko siya..." Humigpit ang aking panga nang mamuo ang isang naiinis na ngiti sa aking mukha. "Sa pamamagitan ng panggugulo sa kanya."

"Let's make everything worse," kampante kong tugon. "Then we'll see who will burn first."

Nanliit ang mga mata ni Hope.

"Tama nga ako..." mahina niyang sabi. "Andito ka lang para lalong manggulo."

Hindi ako sumagot bilang sang-ayon.

"I think you're slowly losing your mind, Reign," puna niya. "Hindi ikaw yung tipong gusto ng gulo."

"I think..." Isa-isang nanumbalik ang bawat emosyon na naramdaman ko noong nalaman ko ang kataksilang ginawa ng deities na simula pa nung una ay hinangaan lang namin at nirespeto, at itinuring na pamilya, dahil lumaki kaming naniniwala na ito ang nararapat sa kanila.

Pagkatapos, nanlamig ang aking buong katawan, nang muli kong madama sa aking mga palad ang init ng dugo ni Luke sa mga sandaling huli ko siyang nahawakan.

"I think everyone's capable of change," sabi ko. "Even it's for the worse."

Malalim na bumaba ang dibdib ni Hope habang unti-unti niyang pakawalan ang pinipigilan niyang hininga.

"You shouldn't." Binigyan niya ako ng isang kabadong ngiti. "Hindi bagay sa'yo."

Patuloy akong tumitig sa kanya hanggang sa napansin ko ang pag-angat-baba ng lalamunan niya dulot ng kaba sa kahihinatnan ng sinabi ko.

"'Yong deities ang tinutukoy ko, Hope," I spoke with a reassuring tone. "Na sa kabila ng libu-libong taon nilang pamumuhay at sa lawak ng kanilang kaalaman tungkol sa mundo, mga tao, at pati na rin sa kanilang sarili, pinili pa rin nilang maging masama."

Nang makitang hindi pa rin nagbabago ang nababahalang ekspresyon ni Hope, magaan ko siyang nginitian. "Ayoko pa rin naman ng gulo," Sighing, I informed her. "But if that's what it takes to win a war against the son of destiny, why not?"

"You're dangerous, Reign," aniya. "You're putting out fire with fuel."

"Am I?" tanong ko. "Pwersa ng tadhana ang kalaban natin, Hope, at wala akong balak tuparin ang kung ano mang inaasahan mula sa'kin."

"And what if the fire starts to burn everything around it?"

"You're a daughter of the goddess of fireplaces..." paalala ko sa kanya. "Have you ever heard of a controlled burn?"

It's when a part of the forest is intentionally burnt to stop the actual forest fire from spreading. Hindi na kasi lumalagpas ang apoy sa mga bahagi ng gubat na nasunog na. Wala na itong masusunugan kaya hindi na ito makakalat.

"So, I say..." Malumanay ko siyang nginitian. "Let it burn."

Let me burn first, I asked silently. So I can stop the fire from spreading.

I am willing to get burned first, I promised, if it means protecting you.

At saka ko napagtantong, inilagay ko na naman ang sarili ko sa gitna.

Achlys' voice rung loudly in my ears.

'You know you're caught in between...'

My brows furrowed.

'You are lost...'

Naliligaw ba talaga ako dahil palagi nalang akong nasa gitna?

'You are stuck. Imprisoned. Confined. Detained. You can only see the end but you cannot move towards it.'

Kung gano'n, ba't komportable ako rito? Sa pagitan ng lahat? Kung saan nakikita ko ang lahat?

Walang direksyon ang hindi ko nasisilayan...

Mula rito, sa gitna, kung saan pakiramdam ko ako ang may hawak ng lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top