Achilles Come Down
Reign's POV
'P-Pero pa'no kung makuryente ko yung ibon, Dad?!' naiiyak kong tanong. 'Ayoko!'
Nanginginig ang aking bibig sa takot at awa habang nakatuon sa owl na pinagitna ni Dad sa field.
'You won't if you aim right,' kampanteng sagot ni Dad. Nakahalukipkip pa nga ang mga braso niya sa dibdib habang nakamasid sa ibong wala namang ginawang masama para masali sa target practice ko.
'Dad!' Napapadyak ako. 'Isusumbong kita kay Mama!'
Tatakbo na sana ako pabalik sa bahay nang tapunan ako ni Dad ng nagbabantang tingin.
Tumingala ako sa kalangitan sabay sigaw, 'Huwaaah! Ayoko nga!' hanggang sa tuluyan na nga akong maluha. 'Mamaaa!'
'Fine,' ani Dad at saka siya naglakad pagitna sa field kung saan niya pinakawalan ang ibon. Lumiwanag ang aking mukha pero saglit lang dahil napansin ko siyang hindi umaalis sa pwesto.
Pinunasan ko ang tumulong sipon ko habang namimilog ang mga mata, nagtataka.
'I can stand lightning,' ani Dad. 'You can hit me, Reign.' May namuong mapagbirong ngiti sa kanyang labi. 'But try not to, okay?'
Sininghot ko ang pamamasa ng aking ilong. 'H-Huh?'
Binuksan niya ang kanyang bisig sabay kibit ng kanyang mga balikat, inaaya akong subukan siya.
Ngumuso ako. 'Di ka masasaktan?'
Umiling si Dad. 'I'll be fine.' Nakapamulsa siya at tinignan ang target circles na nakapalibot sa kanya. Skyblue ang kulay ng mga ito at may ibang nasunog na.
Gamit ang kanyang paa, tinapik ni Dad ang isa sa mga bilog. 'Aim for this one.'
'Huwaah!' bigla kong sigaw sabay hatak ng kidlat mula sa langit at hinampas ito sa target circle. Nagkaroon ng malaking pagsabog sa kinaroroonan ni Dad kaya sandali akong napalingon pataliwas sa kanya. Pagkalipas ng ilang sandali, pagdilat ko ng aking mga mata, agad ko siyang hinanap sa likod ng puting usok.
'Skyreign!' Una kong narinig ang galit niyang boses bago ko siya nahagilap. 'What are you doing?!' Nakatakip siya sa kanyang bibig at umuubo-ubo.
Napakurap-kurap ako sa hitsura niya. 'Wahahaha!' bulwak ko pagkatapos.
Kamukha niya si Wile kapag nakukuryente sa poste! Si Wile, yung coyote na laging humahabol sa ostrich na kasing-bilis ni Zack!
Mabilis na naputol ang aking halakhak nang mahuli ko ang panandaliang pagkinang ng kamay ni Dad. Binatuhan niya ako ng isang lightning bolt ngunit bago pa man dumapo ang dulo nito sa balikat ko, humakbang ako paiwas dito at hinawakan ang dulo nito.
Kumalat ang kuryente sa aking braso, mabilis na dumaloy papunta sa kabila kong kamay kung saan agad namuo ang isang itim na kidlat. Nakangisi ko itong inihagis kay Dad, na bahagyang umatras. Sa isang mabilis na galaw, sinalo niya ito at ibinalibag sa hangin hanggang sa maglaho ito at maging mist.
Binantaan na naman niya ako gamit ang kanyang mga mata kaya ipinalikod ko ang aking mga kamay at pumihit-pihit sa kinatatayuan habang kinikisap-kisapan siya.
Sa huli, maingay na napabuntong-hininga si Dad.
'Why did you have to change hands?' tanong niya.
'Para cool tignan!' masigla kong sagot. 'Tsaka...' Kumawag-kawag ang aking nguso. 'Mas madali para sa'kin pag ganu'n eh...'
'You can change your ability using the same hand,' aniya. 'As quickly as using another hand.'
Gumuhit ang pananabik sa aking mukha. 'Paano?!'
Saglit na bumaba ang tingin ni Dad sa kuryenteng sumasayaw sa aking mga palad, at nang muli niya akong tingnan, isang ngiti ang sumilay sa kanyang labi.
'Contrôle, mon beau ciel,' sagot niya.
'Control...'
I took a step back, wanting to breathe more air.
Hindi ako makahinga.
'my beautiful sky...'
Nilunok ko ang namumuong kaba sa aking lalamunan at nahihilong tumingala sa dumidilim na kalangitan.
Breathe.
Napapikit ako nang damhin ang mahihinang patak ng ulan sa aking mukha.
'You breathe, you hold that power in, Reign...' I recalled Dad's voice, soothing me. 'You do not have to be scared. You do not have to fear yourself. What you have is yours. All yours. No one can control it other than you. Not even Chaos.'
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at minasdan ang patibok na pagliwanag ng mga ulap. The sky ignited repeatedly, like a flickering candle, the same rate as my heart beat, as I fought to control my power.
My power.
Mine to hold. Mine to release.
"Mine," bulong ko sa sarili bago ibaba ang aking ulo, nandidilim at namumuti ang paningin dahil sa magkaibang uri ng kuryente na dumadaloy sa aking mga mata.
The sky above me was restless, dark clouds swirling like a storm was about to break, and as my heart pounded in my chest, I tried my best to keep it in. To hold everything in. Taking another breath, I grounded myself to the battlefield and those who needed me.
Natagpuan ko ang aking sarili na humaharap sa lalaking nagtatangkang kumunot ang noo habang seryosong nakatuon sa akin. But I wasn't paying attention to him. I was paying attention to the chaos behind him.
Taking a deep breath, everything around me slowed down to let me see everything.
'You should know where to gather your power, Reign, in your hands, in your feet, wherever you want to release it...'
My own movement slowed as I lifted my hand, watching the mist swirl around my fingertips, glittering black. It flickered with life, reacting to my touch like it had a mind of its own.
I could feel its power, strong and wild, but I was the one controlling it.
The mist curled around my fingers, shaping itself to my will. In that moment, everything else around me faded. There was only the mist, and me, in perfect silence.
Dahan-dahan kong inilapit ang aking kamay sa aking labi at isang malambot na halik ang iniwan ko sa aking mga daliri bago hinipan ang mist sa direksyon na kinatatayuan ni Henri.
The mist flew towards him, thickening, forming into a massive wave that hurled into the enemies in front of me. They all tried to run but the mist crashed over them, swallowing them whole.
My power moved like liquid darkness, flowing over their bodies, and in an instant, they were gone—vanished, as if the mist had erased them from existence.
Henri let out a shallow breath, his chest dropping.
Now, he was alone, vulnerable to the founders who immediately charged towards him. I shot him a furious look before turning to Dad who fought against the son of death.
Mula sa kamay ko, namuo ang isang lubid na gawa sa kidlat. Humaba ito patungo kay Raphael at pumalipot sa kanyang paa. With a hard pull, I yanked him off the facility's roof and before he could even stand, I dragged him in front of me.
Our eyes met. For a moment. Before thunder struck in between us. Nagawa niya itong iwasan, na ikinainis ko. A white veil blinded me for a second and when I looked at him, he was gone. Another veil appeared. Pumalipot ito sa leeg ko at sinakal ako paatras. Napaatras ako ng isang hakbang at agad akong nagtipon ng kuryente sa aking mga paa upang dumikit sa lupa, para di ako madala ng malakas na haltak.
Habang nakahawak ang isang kamay sa belo na sumasakal sa'kin, itinaas ko ang aking kabila at itinulak ang hangin paatras. The veil loosened. Mabilis ko itong tinanggal at sandaling napatigil nang madama ang kakaibang tela.
A veil made out of power...
Maingat kong hinaplos ang belo, inuukit sa isip ko ang lambot nito at lamig na tumatagos sa balat.
I held the veil in my hands, feeling its cold weight. A faint pulse ran through it, almost like a heartbeat. Closing my eyes, I took in every detail—the chill, the shimmer, how alive it felt against my skin.
Letting out a deep breath, I let it slip from my fingers, its power now imprinted in me.
Namulat ako sa isang itim na belo na unti-unting namumuo sa harap ko. Gawa ito sa mist, at ang mga sinulid na nag-uugnay nito ay binubuo ng maninipis na daloy ng kuryente.
The black veil floated around my hand and arm, waiting for me to use it, but it disappeared when a flash of lightning caught my attention. Bahagyang gumilid ang aking ulo nang may kamay na muntik nang dumapo sa balikat ko. Isang kamay ang nagpipigil nito, at nang lumingon ako, nakita ko si Dad na hawak ang braso ni Raphael.
The first thing that caught my eye was Raphael's sly grin, and then I saw it—the black crystal sword raised and ready, pointed straight at my dad.
Dad turned his head slightly, only now noticing Henri standing right behind him. Realization crossed his face but he didn't flinch and for a brief moment, something shifted in his expression, a moment of awareness and maybe, a bit of worry.
Nang higpitan niya ang pagkakahawak niya kay Raphael, marahang inilapat ni Henri ang talim ng espada sa kanyang leeg.
My heart clenched for every moment that I couldn't do anything. My eyes fluttered weakly at my Dad whose jaw clenched tight, silently asking me not to do anything.
He's not going to kill him, is he?
He's just trying to...
'I will, Reign.'
Napatigil ako nang marinig ang boses ni Henri sa aking isipan. Dahil sa sinabi niya muli akong napatingin kay Dad na ilang sandaling napapikit, tila nagpipigil sa sarili.
His calm only made my heart beat harder. Nagsimulang manghapdi ang aking mga mata.
I tried not to panic. I thought carefully how to save both my Dad and I.
Until Raphael suddenly raised his arm. Dad stumbled a step back as Henri pulled him, crossing his sword against Dad's neck. The blade grazed his skin, drawing a thin line of blood, and that was all I could focus on. All I could feel.
Pain.
"Reign!"
It built a pressure in my chest that I couldn't contain. Mabilis na bumukal ang ginto sa aking dugo hanggang sa tanging ito na lang ang aking nakita. My hands trembled as sparks of lightning started to burn my skin.
When suddenly, I felt a sharp pain rip through my chest. I gasped, my breath catching in my throat. Unti-unting bumalik ang aking paningin at saka ako napayuko sa dumudugo kong dibdib.
I tried to hold the edge of the thorn that impaled me from the back, but I started to breathe blood. Nasakal ako sa sarili kong dugo na umakyat sa aking lalamunan pagkatapos akong masaksak. Nang malasahan ko ito sa aking bibig, wala na akong hugis na maaninag.
Suminghap ako nang suminghap, hanggang sa tuluyan akong mahulog sa kadiliman.
'Do you think you can reach the stars, Reign?'
Tumingala ako sa maaliwalas na kalangitan. 'Pwede ba 'yun?'
Sinubukan kong abutin ang mga bituin, kaya't niyakap ako ni Dad mula sa likod upang pigilan akong mahulog mula sa railings ng balcony.
'You can try.'
'Hmm...' Napaisip ako sa sinabi niya. 'How?'
'You need to choose which star you want to reach first.' Tinuro niya ang pinakamaliwanag na bituin. 'How about that one? It's as bright as you.'
'Mmm... paano kung lahat sila gusto ko?'
Marahan niya akong tinawanan. 'Why not?' Dalawang braso ang niyakap niya sa'kin. 'The entire sky is yours, our love.'
Umurong ako nang kaunti nang halikan niya ako sa pisngi dahilan para tawanan niya ulit ako.
'Skyreign...' sambit niya, nanlalambing ang boses. 'What did you do while I was away?'
'Inaway ko po si Kuya,' sagot ko. 'Sobrang aga kasi niyang ginigising si Mama!'
'Hmm.' Hindi sumasang-ayon ang kanyang tono. 'C'est vrai?'
'Is that so?'
'Oui!'
'Qu'est-ce que tu as fait à ton frère?' usisa niya.
'What did you do to your brother?'
'Inaway ko lang...' pabulong kong sagot.
Marahan siyang tumawa. 'Do you know why Mom asked me to talk to you?'
Maingay akong nagbuga ng hangin. 'Oui...'
Sumandal siya sa tabi ko at binigyan ako ng naghihintay na titig. 'And?'
Iniwasan kong salubungin ang kanyang mga mata. 'I'm sorry if I destroyed Kuya's room. I won't do it again.'
'You shouldn't be.' Hinagod-hagod niya ang balikat ko.
Tinignan ko siya. 'Huh?'
'I have a feeling that your brother wanted it to happen so he can sleep in our bedroom,' aniya, na ikinakibot-kibot ng isa kong mata.
Napabalikwas ako ng bangon. "He did what?!"
"Who did what?"
Mabilis ang paglingo'ng ginawa ko sa babae na nakaupo sa maitim na bato. Napakurap-kurap ako nang mahinuha kung sino ito.
"Achlys?" I looked around, disoriented. "Where am I?"
"The In Between," sagot niya.
"No, I'm not," giit ko, nababaguhan sa kapaligiran.
I woke up to a sky full of colorful stars, moons, and planets. Around me, there were floating orbs, threads, and even more strange shapes and colors.
"You can see?" usisa ni Achlys.
"See what?"
"You can see what the realm looks like?"
Kumunot ang aking noo. "If this is the In Between..." Umiling-iling ako, nagtataka. "Last time I was here, everything was completely black."
Tumayo siya. "But you can now see?"
"I-I guess?" Tumayo na rin ako at magpapagpag na sana ng damit nang makita ko ang kamay kong namumula.
What happened to my hand?
"Don't you remember what happened to you?"
I gave her a confused look. "What?"
"Perhaps you will remember once you leave this realm."
"Right," bulong ko sa sarili, di-sigurado sa ibig niyang sabihin. "What is this realm again?"
"The realm in between realms," aniya. "Deities who live here can see everything from here."
"It is..." I took in everything around us. "Beautiful..."
Everything felt different. The ground beneath me was not earth, but a mix of stars and dust. Above me, the sky was full of swirling colors, stars, moons, and floating planets. It was vast, and the place felt endless.
Ramdam ko kung gaano ako kaliit sa realm na 'to. The pressure was suffocating and yet, strangely, I feel connected to everything.
Endless...
I chuckled. "This is what the realm of Chaos should look like." Nginitian ko si Achlys. "Sabi kasi ni Mama sa'kin, madilim lang do'n... na may konting bituin..."
"Did she?" ani Achlys.
Sighing, I replied, "Mmm..."
"Do you know why, in other's eyes, the realm of Chaos is nothing but darkness?"
Matagal-tagal ko siyang tinitigan bago umiling.
"Because they do not belong here," sabi niya. "And those who do not belong here cannot traverse this realm."
"That's cool," puna ko. "It's like the realm of memories where most creatures could get lost but my brother, who belongs to it, will never get lost-"
Napatigil ako.
I stared at Achlys for a very long time.
And she stared at me back.
"Where am I?" tanong ko, sa pangalawang pagkakataon.
"You..." Sinulyapan niya ang paanan ko. "You are where your mother and father once stood."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top