White Knights
Amber's POV
Kumunot ang aking noo nang maabutan si Bo sa mechanical room na natutulog.
"Bo?" Ginising ko siya.
"Amber!"
Luminga-linga ako. "Sa'n si Bo?"
"Dad's off duty because it's his wedding anniversary with seventh mom," sagot niya. "They're probably on a date right now...." Tumingin siya sa malayo. "-or making my forty-fifth sibling-"
"Oo," sambit ko. "Nakuha ko na."
Nilingon ko ang pinakamalaking painting na nasa mechanical room, dahil alam kong sa likod ng pader nito ay mayroong nakatagong silid kung saan nagta-trabaho si Mama.
"Kapag ba hahanapin ako ni Mama, sabihin mo nasa dungeons ako." Tinignan ko si Bo the third. "May nahuling huntsman si Bella. Isa ata sa nagtanim ng mga bomba."
"Roger," sagot niya.
Tumango-tango ako at lumabas na ng mechanical room. Hindi kagaya ng nakasanayan, mabibigat ang bawat hakbang ko sa corridors kaya agad kong nakuha ang atensyon ng mga estudyante at aurai.
Kinawag-kawag ko ang aking panga sabay kuyom ng aking palad.
Buwisit na buwisit ako.
Pinadalhan ko ng blankong tingin si Vance na lumabas mula sa kabilang dulo ng hallway papuntang dungeons. Hindi niya rin inalis ang malamig niyang titig sa'kin hanggang sa magkasalubong kami sa gitna at sabay na lumiko sa pababang hagdan nang hindi nagsasalita.
Pagkarating namin sa dungeons, dumiretso kami sa pinakahuling selda.
Nang makita ko ang lalaking nakagapos sa isang upuan at pinapalibutan nung iba, agad akong lumapit sa kanya.
"Amber-"
Bago pa ako mapigilan ni Ash, malakas kong sinuntok ang huntsman sa mukha.
"Tangina mong hayop ka!" Saka ko sinipa ang balikat niya dahilan na bumagsak siya pati ang kanyang kinauupuan.
Dumako ako sa gilid niya at ipinatong ang aking paa sa dumudugo niyang tagiliran.
"Ano 'tong balak niyong pabagsakin ang Academy, ha?" Kusang napaangat ang kanyang katawan nang idiin ko ang paa ko sa sugat niya. "Alam niyo ba ang pinagdaanan ng nanay ko, ng mga magulang namin, para rito?"
"Putangina-" Tinadyakan ko siya.
"Amber," ani Paige.
"Hindi," naiirita kong sabi. "Ba't sobrang kampante ng mga gagong 'to?" tanong ko. "Porke't hindi pa tayo nagpaparamdam sa digmaan?"
Umiwas lang ng tingin ang huntsman.
Natawa ako nang mahina, tila hindi makapaniwala. "Buwisit 'to, ah-"
"You're right, Amber," sabi ni Grey. "They want to lure us out of the Academy and join the fight."
Nangangalit kong tinignan ang huntsman.
"Uubusin ko kayong lahat," mahina kong saad bago umikot at tumabi kay Ash.
Yumuko si Paige sa tabi ng huntsman at mahinahong pinatayo ang upuan, saka pumagitna nina Vance at Grey.
Humilig ako papalapit kay Ash nang may napansin ako. "Sa'n si Henri?"
Nilingon niya ako. "In the ICU, guarding Reign," sagot niya. "Just in case more huntsmen use their abilities to take advantage of her vulnerable state."
Reign...
Pati si Papa hindi sigurado kung kailan siya magigising. Nang dalhin siya ni Henri sa clinic, nagkapunit-punit ang kalamnan ng magkabilang braso niya, at nabalian pa nga siya ng buto sa isa.
Sinong hindi? Eh, habang nagmamadali naming inayos ni Mama ang mga pakpak, siya ang pumasan ng buong isla.
Inangat niya ang buong Academy, ang bawat gusali't istraktura sa loob at labas ng campus, pati na rin ang lupang pinapatungan nito.
Nagsisigawan na ang mga aurai no'n, eh, para ipaalam sa mga estudyante na kailangan nilang bumaba ng Academy, hanggang sa magtaka kami ni Mama kung bakit hindi na humihilig ang isla.
May nakapagsabi na mayroong mga ulap na nakapaligid sa ilalim ng Academy, at agad naming nalaman kung sino ang may kagagawan nito.
Abala si Zack sa pagkuha at pag-abot ng mga materyales namin, kaya mabuti nalang at hindi lang si Zack ang may pakpak sa'min.
Dahil si Henri ang inatasan ni Paige na pigilan si Reign.
Mula sa sulok ng aking mga mata, tinignan ko si Paige na nakahalukipkip ang mga braso sa dibdib.
Sa pagkakaalam ko, nabagsakan siya ng nasirang ledge ng second floor, kaya nagka-fracture ang isang balikat niya.
Bumaba ang aking tingin sa binti niyang naka-bandage.
Na-sprain din nga pala ang paa niya pilit kakaangat ng sementong bumagsak sa kanya dahil hindi lang siya ang naipit sa ilalim nito, kasama niya ang isa pang estudyante na sugatan.
"They will not stop sending men to the Academy if we don't send some of us to the battlefield," sabi ni Paige.
Namuo ang isang namamahamak na ngiti sa labi ni Grey. "Let's take the bait."
Sinundan ito ng ilang segundo ng katahimikan.
Kumunot ang aking noo nang may naalala ako.
"Kambal," sambit ko. "Nakalabas na ba si Maeve sa ICU?"
"She's with the other Alphas, fighting."
Tumango-tango ako bago magsalita.
"Sali ako sa unang ipapadala," tugon ko.
"You know..." Hindi pa rin nabubura ang ngiti ni Grey. "We should all go-"
Agad siyang nilingon ni Paige. "Grey-"
"No," giit ni Grey. "We should."
Nagkasalubong ang kilay ni Paige. "Why?"
"They like the taste of chaos, don't they?" Sinalubong niya ang nagtatakang tingin ni Paige. "Let's give them a taste of what chaos really is." Natawa siya nang mahina. "Just a bit, of course, to give them time to comprehend what they're asking for."
"Grey is right," sang-ayon ni Vance. "It would be a surprise if we take their first bait, and even more so, if majority of us actually shows up."
"Trust me." Umiling-iling si Grey. "I have seen his memories, and they have still a lot of plans to destroy the Academy."
"We'll just show ourselves, destroy, then leave?" ani Ash, dahilan na mapatigil kami. "Wouldn't that be too simple for us?"
"Bro..." namamanghang puna ni Zack.
Pagkatapos, sabay naming tinignan si Paige.
Pinaningkitan niya ang huntsman. "Fine," seryoso niyang sabi. "We're going to join some attacks, and must be back immediately."
"May kapangyarihan din kami," biglang nagsalita ang huntsman.
Tinapunan lang namin siya ng tamad na tingin.
"Huh?" Tumagilid ang ulo ni Bella, halatang nanunuri sa kalaban. "Kaya nga kayo pumapatay ng mga katulad namin para magkaroon ng kapangyarihan, diba?"
"Wala." Humagikgik pa siya, tila binibiro ng huntsman. "Wala kayong kapangyarihan."
"Marami-rami na kaming binigyan nila ng kapangyarihan-"
"Is that so?" Umangat ang magkabilang kilay ni Vance. "But do you really know what true power is?"
Akmang sasagot pa ang huntsman nang biglang lumabas ang dugo mula sa kanyang bibig.
Minasdan lang naming lahat kung paano siya mabilaukan sa sarili niyang dugo at nagsimulang manginig-nginig.
Nagsilabasan ang kanyang mga ugat sa katawan at nang pumutok ang mga ugat sa magkabilang templo ng kanyang ulo, lumabas ang dugo mula sa kanyang mga mata, pati na rin ng kanyang ilong at mga tenga.
Pilit kumakawala ang huntsman mula sa pagkakagapos habang sumisigaw.
Pero walang ni isa sa'min ang gumalaw.
Kumibot-kibot ang kanyang buong katawan, hanggang sa dumaan siya sa matinding kombulsyon.
"Don't kill him, Vance," ani Paige.
Malakas na suminghap ang huntsman sabay tingala ng kanyang ulo. Bumagsak siya sa sahig kaya nagsibabaan din ang aming mga tingin.
At nagpatuloy ang hindi mapigilang pangangatog ng dugo sa loob ng kanyang katawan.
"We already have his memories," sagot ni Vance. "He's nothing."
Nabalot sa kakaibang lamig ang selda nang panoorin lang namin ang huntsman na isa-isang pinaputukan ng ugat ni Vance.
"Our capes, Zack." Binasag ni Paige ang ilang minuto ng katahimikan. "We're leaving today, so we can be back before Reign wakes up."
Nawala si Zack sa kanyang kinatatayuan.
Sumigaw nang napakalakas ang huntsman at napabaluktok ng katawan.
Ilang sandali pa'y naramdaman kong bumigat ang aking balikat dahil sa kapa na ipinatong ni Zack dito.
Isa-isa naming tinali ang mga puting kapa na nagmistula na ring robes nang iangat namin ang hoods nito.
"Alright," ani Grey. "Let's go to the principal to ask for permission."
Binigyan ko ng huling sulyap ang huntsman na nakabukas ang mga mata at bibig habang nakaunan sa sarili nitong dugo.
Sinundan ko ng tingin sina Grey at Vance na pinangunahan kami papalabas ng selda. Sumunod kami sa kanila at papalabas ng dungeons, unti-unting namuo ang isang nananabik na mga ngiti sa aming labi.
Lumabas kami ng hallway at tahimik na tumungo sa principal's office.
Nagsitigil ang mga estudyante na nakasalubong namin papuntang office at napaatras upang magbigay-daan.
Sa unahan, kalalabas lang ni Papa at isang aurai mula sa clinic. Agad silang napahinto nang makita kami na papalapit sa kinaroroonan nila.
Kumunot ang kanyang noo pero panandalian lang dahil namuo rin ang isang ngiti sa kanyang labi.
Huminto kami sa harap niya.
"We'll be back before you know it, Dad," paalam ni Ash.
"Of course." Natawa siya nang mahina. "Send my regards to the other founders."
Iniyuko namin ang aming mga ulo sa kanya saka nagpatuloy.
Lumiko kami sa corridor kung saan naroon ang principal's office ngunit bago pa kami makaabot sa pinto, isang malaking portal ang bumukas sa gitna ng corridor.
Pumasok kami nito kung saan bumungad sa'min si Tito Chase na nakaupo sa dulo ng isang mesa, si Tita Kara na nakatayo sa kabilang dako, at si Tito Trev na nasa likod nito.
"Ba't wala rin tayong mga kapa dati?" tanong ni Tito Chase dahilan na mapangiti kami. "Kahit pang-disenyo lang?"
"We were not raised to become untouchable, Chase," mahinahong sagot ni Tita Kara. "And besides..." Nginitian niya kami. "They do not require so much movement to kill."
"Gandang lahi," ani Tito Chase. "Sino bang mga magulang n'yan?"
Samantalang, matagal-tagal kaming tinitigan ni Tito Trev bago magsalita.
"Our allies are the Prince's, the Austria's, the Carswell's..." Umayos siya sa pagkakatayo sabay pihit ng kanyang mga braso sa dibdib. "The Gammas, Betas, and the Alphas."
"I will not let you lead your own troops. Not yet, because I know why you are here." Tumango-tango siya. "You are here because you only want to fight?"
"I will let you," aniya. "Though you will not be joining the battlefield as a soldier, but as a weapon to aid the soldiers."
Sinundan namin ng tingin si Tito Trev nang paharap niyang paikutan ang mesa.
"So you will not be named as the Omegas, for the Omegas, are our best warrior leaders that will only be called during the crucial moments of war."
Huminto siya sa tapat namin.
"You are uncalled and unofficial warriors," saad niya. " And upon stepping foot into the battlefield, where the Omegas have not yet been summoned..."
"You will be, our white knights."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top