True Power
Reign's POV
Iniwasan kong madaplisan sa palaso na lumusot mula sa harap ko. Nanatili akong nakatitig sa pinagmulan nito, at sa sandaling nahagilap ko ang isang anino sa likod ng makapal na hamog, ipiniling ko ang aking ulo upang padaanin ang kidlat na mabilis na tumungo rito.
Umangat ang kilay ko sa pagkamangha nang malamang hindi ito tumama.
Cool, I thought, before summoning a lightning bolt and roughly spun around to stop a sword from reaching me.
The tip of the blade sparked after touching electricity. The huntsman was quick enough to remove his sword and swung it lower.
I gave the lightning bolt a quick nudge.
Kasingbilis ng takbo ng liwanag ang paghaba nito sa kamay ko upang pigilan ang espada na maabot ang paa ko.
Napayuko siya rito bago muling iangat ang kanyang tingin sa'kin.
Aaminin kong nabigla ako nang malakas siyang sumigaw at sunod-sunod na hinatak-tulak ang kanyang espada pasulong.
Dahil dito, wala akong ibang nagawa kundi ang umatras sa bawat tama dahil kasabay ng pagtindi ng kanyang galit, ay ang paglakas ng kanyang pwersa.
And until now, I still haven't figured out who summoned this thick fog.
Yumuko ako pagkatapos maramdaman ang pag-init ng aking likod. Sa ibabaw ng aking ulo, saktong dumaan ang isang bola ng apoy na tumama sa huntsman na may dala ng espada dahilan na tumilapon siya paatras.
Tumayo ako.
I can use my ability to remove the fog but I'd rather spend the rest of my energy fighting them.
Playing with the lightning staff in my hand, I turned to face a pair of eyes I didn't see, but felt was looking directly at me.
Kumislap ang aking kabilang kamay nang lumitaw ang isa pang lightning bolt na agad kong binato sa presensyang naramdaman ko.
I mean, if it were me, I would have also summoned the mist-
Napatigil ako sa pag-iisip kung anong gagawin ko kapag ako yung kalaban dahil naramdaman ko ang sabay-sabay na atake mula sa magkaibang direksyon.
Una kong nahagilap ang bola ng liwanag, kasunod ang apoy. Sa kabilang dako, kuminang ang dulo ng isang palaso at sa bandang ibaba nito ay isang espada na papahilig sa beywang ko.
Nakaramdam din ako ng isa pang presensya sa aking likod.
One by one, each of them slowed down while trying to reach me.
Time didn't slow down, of course. I didn't have the power to control it.
What I only have, is the ability to control how I see it.
Everything moved in slow motion around me, and I figured out that the first thing that could touch me would be...
Sinulyapan ko ang bola ng liwanag.
And the last thing to hit me...
Lumipat ang aking tingin sa espada.
So if I just-
Yumuko ako para iwasan ang bola ng liwanag. Humakbang ako sa gilid at kamuntikan nang madaplisan ng apoy. Umikot ako at tinulak pababa ang kamay na may hawak ng espada saka hinatak ang kwelyo ng huntsman upang gamitin ang likod ng balikat nito panghadlang sa palaso na mabilis na bumaon sa katawan nito.
Huli na nang maalala kong may isa pa pala akong nakalimutan dahil agad kong nabitawan ang huntsman nang may sumipa sa'kin mula sa likod.
Pa'no ko ba naman kasi agad malalaman kung anong klase ang atakeng gagawin niya.
Sa kanilang lima, siya lang ang hindi gaanong nagpapakita ng sandata o kapangyarihan.
Nakayuko ako at nasa kalagitnaan ng pagtayo nang biglang may umangat na paa sa gitna ng aking sikmura, dahilan na mapatihaya ako sa lupa.
Napaubo-ubo ako pagkatapos dagliang manakawan ng hangin.
"A-Aray-" Kumirot ang tagiliran ko sa sandaling hinawakan ko ito.
Gumulong ako upang iwasan ang isang paa na nagtangkang tumadyak sa mukha ko. Malakas itong bumagsak sa tabi ng ulo ko at nag-iwan ng mababaw na butas sa lupa.
Umangat ang aking tingin sa huntsman na may mabigat na paa at nakitang putol ang mga kamay nito.
Ah, kaya pala...
Bumangon ako bago niya masipa ang aking ulo. Pagkatayo ko, tumama ang aking likod sa harapan ng isa pang huntsman.
Isang mabilis na singhap ang kumawala sa bibig ko nang mahagilap ang kinang ng espada na pahilis sa aking leeg. Tumagos ang blade sa aking balat nang mabilis na nag anyong mist ang aking katawan at lumipat sa harapan ng huntsman na napaatras sa pagtataka.
I let out a relaxed breath, but only for a moment, as I caught a glimpse of something white hit the side of my head.
For a moment, my vision also turned white. My ear rung from the blow on my head and I tried my best to stop myself from losing balance.
Kamuntikan na akong madapa nang makatanggap ako bigla ng isang malakas na suntok sa panga kaya't napaangat ang buong katawan ko sa ere.
Nakasarado ang aking mga mata nang gamitin ko ang aking kapangyarihan at bumaba sa lupa nang nakatayo imbes na lumagapak dito.
While I still couldn't open my eyes, I summoned the air to form a barrier around me to protect myself from simultaneous attacks.
Nang mamulat ako, hindi pa rin bumalik sa dati ang paningin ko.
Sobrang labo pa rin nito.
Tumingala ako at maingat na dinampi-dampi ang aking magkabilang pulsuhan sa mga mata ko para labanan ang pananakit nito.
Ginawa ko ito habang pinapakinggan ang papalakas na ugong ng hangin na nakapalibot sa'kin.
To my relief, the pressure turned out to be immediately effective for the pain. And after it was gone, I slowly lowered my head and opened my eyes.
Sensing their presence close to me, I crossed my arms in front of me and swiftly opened it to release the strong winds from my control.
The howling stopped and was replaced by the sound of a loud blast.
Nanatili akong nakatayo sa gitna at napalinga-linga, pagkatapos silang tumilapon palayo sa'kin. Naitulak ko rin ang pinaghalong usok at hamog mula sa kinatatayuan ko, kaya hindi lang ang mga mata ko ang luminaw, pati na rin ang kapaligiran ko.
Hinigpitan ko ang tali ng buhok ko. Ginawa ko rin ito para maunat ang mga balikat ko na kumikirot simula nang tumakas ako.
Minasahe ko ang kaliwang kamay ko.
Unti-unting nanumbalik ang sakit na naramdaman ko bago ako gumaling.
Ngunit hangga't hindi pa ito tumotodo...
Hindi ko binalingan ng tingin ang limang huntsman na isa-isang lumitaw sa palibot ko at patuloy na minasahe ang kabilang palad ko.
Tatapusin ko muna to.
"You seem tired," puna ko nang maibaba ang mga kamay ko.
One of them snickered. "You wish."
Napayuko ako ng ulo nang mamuo ang isang nagpipigil na ngiti sa labi ko.
"Five seconds." Inangat ko ang aking tingin sa kanila. "I'm giving you five seconds to leave so I can go home."
Nginitian ko sila. "Ang totoo kasi n'yan, hindi kayo ang pinunta ko rito," sabi ko. "May sinusundo lang ako."
"No," giit ng isa sa kanila. 'Yong may kapangyarihan ng liwanag. "I could smell the stench of medicine from you."
"You are injured." He claimed, as if I didn't know it already. "You are already weakened, even before you got here." He chuckled sarcastically. "You are delusional if you believe you can stand alone against us in a fragile state."
"Please," pakiusap ko. "I am only asking you this so that my Dad can't catch up on me."
"We will," sabi ng babae nila. "-after we take one of you."
"For what?" Hindi ko napigilan ang sarili kong magtanong. "May kapangyarihan na kayo. Bakit hindi niyo 'yan gamitin para tumulong sa iba?"
"Hindi pa huli ang magbago para sa'nyo," dagdag ko. "Kaya niyo pang bumawi hangga't mayroon pang pagkakataon. Hindi niyo man ba naisip 'yon?"
Matagal-tagal nila akong tinitigan.
Dahil dito, napagtanto kong hindi nila matutupad ang sinabi ko. Nakapagdesisyunan na sila. Pinili nila ang panig nila, at mananatili sila rito.
Sumayad ang aking paningin sa harapan.
Maybe, it really is true...
Namuo ang isang malungkot na ngiti sa aking labi.
That some people actually choose to set the world on fire, instead of just watching it burn.
Muli kong inangat ang aking tingin sa kanila.
As much as I want to vent out my frustrations, I already accepted the truth that they will choose not to listen. They will never.
And so, they need to know...
Inangat ko ang aking kamay nang nakayukom ang palad. Dahan-dahan ko itong binuksan at sa ibabaw nito, namuo ang pulang apoy.
That power isn't everything...
Inangat ko ang aking kabilang kamay kung saan lumitaw ang isang maliit na bola ng liwanag na unti-unting lumaki.
Even if you can have every one of them.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top