Top Student
Reign's POV
Sinulyapan ko ang aurai na ibinilin ni Doctor Seht para bantayan kami habang nag-e-exam. Nagbabasa pa rin siya ng kanyang libro sa likod ng teacher's table.
Dahan-dahan kong inusog ang aking braso mula sa test paper nang maipakita ko kay Amber ang mga sagot ko. Kanina pa kasi siya sitsit nang sitsit sa'kin at ayokong makuha namin ang atensyon ng aurai.
"Paige," bulong ko nang nakatuon pa rin sa aurai. "Sino pa yung philosopher na may masamang reputation?"
Bahagya siyang pumihit sa kanyang upuan para ilayo ang test paper niya mula sa'kin, dahilan na mapasimangot ako.
"Hindi na kita tutulungan sa Language," pagbabanta ko.
"I don't need help," aniya.
"Sa reporting?"
"Tsk." I heard her click her tongue before answering. "Schopenhauer."
Napangiti ako.
'Yon naman lang kasi ang kulang ko.
"Grey," biglang sambit ng aurai.
Sabay naming nilingon si Grey na halatang kagigising lang.
"Hmm?"
"Are you finished?" tanong ng aurai sa kanya.
Umiling si Grey. "I'm still reviewing."
"If you don't plan on answering the test you can submit it already," sabi ng aurai. "It looks like you have only slept all this time."
Nginitian siya ni Grey. "Why don't you come and take a look at my blank test paper?"
Sinundan namin ng tingin ang aurai na tumayo mula sa kanyang upuan at saka lumapit kay Grey.
Kinuha niya ang paper nito at agad napatigil.
The aurai sighed. "I'm giving all of you five more minutes to review your answers." Saka niya ibinalik kay Grey ang paper nito.
Pagkaraan ng limang minuto, inutusan ng aurai si Ash na kolektahin ang test papers kaya inabot namin ang mga ito sa kanya.
Binilang niya ang pile na nasa kamay niya bago ito ibigay sa aurai.
"Ano yun?!" naiinis na tanong ni Amber. "Ba't blanks lahat? Bakit walang multiple choice kahit isang item man lang?!"
Paige snickered. "If you have only studied-"
"Tumahimik ka, photographic memory."
Nakakunot ang noo ni Paige nang lingunin si Amber. "Reign showed you her paper, didn't she?" she retorted. "I already looked at her answers and they were all correct."
"Wait." Napatigil ako. "You looked at my answers?"
Pinaningkitan ko si Paige na pilit iniwasan ang aking tingin at napaharap, hanggang sa batukan siya bigla ni Amber.
"Ow!" Hinagod-hagod niya ang likod ng kanyang ulo at pabulong na napasigaw. "Amber!"
"Talaga lang Paige, ha-"
"Tumigil na nga kayo." Bago pa sila magsabunutan, nagsalita na ako. "Tapos na yung exam."
I crossed my arms against my chest. "But really? Paige?"
"What?" aniya. "I couldn't help it."
"I'm not helping you with the report," saad ko.
"Wait-"
"Have my brother teach you the pronunciations and everything."
Matagal-tagal niya akong tinitigan, tila hindi makapaniwala, but after a few seconds, she finally let out a defeated sigh. "Fine, I'm sorry."
Saka niya sinamaan ng tingin si Amber na umaksyong sasapakin siya.
"I'll make your individual scripts," labag sa loob niyang alok.
"Ayusin mo, ah," ani Amber.
Nagpaalam na ang aurai kaya napatayo na kami. Hinayaan muna namin siyang maunang lumabas bago gumalaw para makalabas na rin ng room.
"I feel like cooking dinner tonight," sabi ko sa kanila.
"Wow," puna ni Amber. "Nakapagpahinga ka lang, gusto mo nang magluto?"
Natawa ako nang mahina. "Wala." Kumibit-balikat ako. "Tatanggalin na kasi yung bandages ko ngayon, eh."
Nilingon ko si Bella na nasa pinakadulo namin. Nakasayad ang kanyang paningin sa paanan ng mga lalaki na naglalakad sa harap namin.
"Bella?" sambit ko. "May gusto kang kainin para mamaya?"
Mabilis na naglaho ang malamig na hangin na nakapalibot sa kanya nang tignan ako.
"Sushi?" nananabik niyang suhestyon.
"Oh..." Tumango-tango ako. "Tsaka fried tempura na rin..."
Ipinagdaop ko ang aking mga palad. "Okay! I'm cooking Japanese-"
Agad akong napatigil nang biglang gumalaw ang sahig. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking mga kamay pagkaraan ng ilang segundo ng pagyanig ng lupa.
Nag-abot ang aking kilay. "Zack."
Mabilis na naglaho si Zack at lumitaw ulit nang gulong-gulo na ang buhok. "Amber, may problema sa mechanical room," sabi niya. "Papunta na si Mrs. Sol do'n."
Agad tumakbo si Amber sa direksyon ng mechanical room.
Ilang sandali pa'y napayuko ang karamihan ng mga estudyante sa sandaling nakarinig kami ng sunod-sunod na mga pagsabog.
May iba sa kanila na nagsimula nang magsitakbuhan.
"Paige-" Napahawak ako sa braso ni Paige pagkatapos lumakas ang pag-alog ng buong gusali. "What's happening?"
Napaatras kami nang mabunggo kami ng mga estudyante na tumakbo-takbo sa iba't ibang direksyon.
Samantalang, nagtinginan lang kaming Omegas habang nakatayo sa gitna ng corridors.
And then, we heard it.
We heard the echoing rumble of a big machine that seemed to slowly shut down, at ikinalubha ito ng mga reaksyon ng ibang students.
I started to hear cracks from the walls.
One of the tall pillars near us broke from the top but before it could fall on us, Paige raised her hands towards it and pushed it to change the direction of fall.
Sinalubong ko ang seryosong tingin ng Omegas na nakatuon sa'kin.
"Protect the students," utos ko.
Tinanguan nila ako bago nagsitakbuhan.
Luminga-linga ako para ramdamin ang kapaligiran. Tumakbo ako sa school grounds at kusang dumako ang aking mga mata sa maliliit na bato sa lupa.
Napatitig ako rito nang may napansin ako.
On top of the shaking ground, the smallest stones rolled on one side.
It's leaning.
The Academy is leaning.
Napapiling ako ng ulo dulot ng pagkabigla dahil may sumabog na naman.
Kasunod na lumakas ang pagyanig ng lupa kaya napaluhod na ang ibang estudyante at yung iba ay napahawak sa pinakamalapit na pwede nilang makapitan.
Idiniin ko ang isa kong paa sa lupa upang pigilan ang aking sarili na mawalan ng balanse.
Kumunot ang aking noo. Pumikit ako sabay kuyom ng ang aking mga palad.
Amidst the panic, I collected everything that I could sense.
The ground is shaking... the Academy is leaning... and there is the loud grumbling sound of a machine...
Iminulat ko ang aking mga mata.
The wings are failing.
I quickly ran towards an open space and launched myself towards the sky, turning around, to look at the floating island slowly leaning towards the foot of the mountains.
Itinaas ko ang aking mga braso, at mabilis na nagtitipon-tipon ang maiitim na ulap para palibutan ako.
Lumipad ako papalayo sa isla sabay tulak ng mga ulap sa direksyon ng ilalim nito.
Lowering my head, electricity burst from my arms after I summoned a storm under the floating island.
Black clouds surrounded the base of the island, and inside, wind started to spin in increasing speed.
Itinapat ko ang aking mga palad sa Academy. Dahan-dahan kong ipinihit ang aking mga kamay upang pabilisin ang pag-ikot ng hangin sa ilalim nito.
Lumalim ang bawat hugot ko ng hangin.
Mula sa aking mga braso, kumalat ang kuryente sa buong katawan ko, at napaangat ako ng noo dahil sa enerhiya na lumabas mula sa loob ko.
Ngunit muli ko rin itong ibinalik sa katawan ko, at itinipon ito sa mga palad kong may hawak ng Academy.
Pagkatapos, napasigaw ako sa bigat nang iangat ko ang aking sarili upang maangat ko rin ang buong isla.
Gamit ang aking kapangyarihan, dinagdagan ko ang hangin na umiikot sa ilalim ng Academy, kahit unti-unti rin akong nawawalan ng hangin sa proseso.
Tumingala ako at napaiyak sa sakit nang itulak ko ang hangin pataas, hanggang sa manginig ang magkabilang kamay ko.
Hindi ako naglaan ng segundo na humugot ng hininga nang iangat ko rin ang aking mga braso at pilit lumipad pataas.
I let out an exhausted scream and widened my call on the winds around me to gather below the island.
My home cannot fall.
Nagsimula akong maluha dahil sa hapdi ng matuling hangin na dumaan mula sa likod ko at sa kuryenteng halos natatakpan na ang aking pananaw.
Malakas na naman akong napaiyak nang pasanin ko ang bigat ng buong isla at inangat ito.
Sunod-sunod na nagsilabasan ang aking mga luha.
The Academy is collapsing right in front of me, and I cannot let it happen.
I let out a wretched scream and slowly pulled the entire weight of the island upwards, hoping, praying, that the wings will restart again while I could still hold it.
Maingay akong napasinghap. Nandilat ang aking mga mata sa sandaling bigla akong nakaramdam ng matinding sakit sa aking kanang braso.
My right arm...
Napatingin ako rito.
It just broke.
Kusang bumagsak ang aking mga braso sa matinding pagod, at ngayon ko lang napansin ang dugo na unti-unting kumakalat sa sleeves ng uniform ko.
Ngunit hindi ko pa rin tinanggal ang aking kapit sa Academy, dahil kahit nakababa na ang aking mga kamay, nakatapat pa rin ito sa ekswelahan.
At saka ko inangat ang aking buong katawan, pasan-pasan ang bigat ng isang buong isla sa aking magkabilang balikat.
Tumingala ako at hinatak ang aking sarili pataas, sabay pakawala ng isang namimilipit na sigaw.
Pinilit kong lumipad, kahit ramdam ko na ang pamamanhid na nagtatangka akong balutin.
Luhaan kong sinulyapan ang Academy nang nakataas pa rin ang ulo, namimiga ang katawan sa pinagsamang bigat, sakit at pagod.
My parent's legacy cannot fall.
Napabitaw na naman ako ng desperadong iyak nang iangat ko ang isla gamit ang aking kapangyarihan.
"Ack-" I choked on my own spit after I felt a sharp pain from both of my shoulders that radiated inside the rest of my body.
My arms. I can't feel my arms.
Hurry, Amber. Mrs. Sol.
Before complete numbness could take over my bloodied arms, I looked down on the Academy and was about to use the last of my breath when gold mist appeared behind it and quickly spread, forming wings as large as the island.
Mabagal akong napakisap-kisap dito.
Namuo ang isang nanghihinang ngiti sa aking labi, bago ko pakawalan ang aking kapit sa Academy.
Pinakawalan ko na rin ang aking sarili at napapikit, nang hayaan ko ang aking katawan na mamigat at mahulog mula sa langit.
"Reign!"
Wala na akong natirang lakas para makagalaw kahit nang kaunti. Kahit isang simpleng pagkunot ng noo dahil sa boses na tumatawag sa'kin, hindi ko nagawa.
Madahan akong napabuga ng hangin.
Mabagal na tumagilid ang aking ulo sa direksyon ng lupa.
Sa huli, nang maramdaman kong papalapit na ako rito, dalawang braso ang biglang humawak sa'kin at agad akong inilunsad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top