The Tenth

Bella's POV

Oh my Ghouls! Silang lahat ay galit.

Pati rin pala ako.

Pero kasi, nakita ko kanina yung maraming wires na nakakonekta kay Reign sa ICU at baka babalik ako do'n mamaya para pumutol ng isa.

Iniisip ko lang kung saan ko nalagay yung gunting ko...

Sa'n ba talaga 'yun?

Nasa conference room kami ng dorm namin ngayon dahil pinatawag kami ni Paige pagkatapos ng nangyari sa Academy.

"Mrs. Sol has given us the freedom to investigate what happened, as a team, or individually."

Tahimik lang ako habang pinaglalaruan ang tenga ni Spooky, ang teddy bear na binigay sa'kin ni lolo Hades. Sobrang tagal na nito sa'kin, ih, at kung ano-ano na ang nagawa ko kay Spooky kaya nga nagkasira-sira na siya, pero katulad ko, hindi pa rin siya namatay.

Kaya ginawa ko na siyang super best friend ko!

Tapos kapag may makapatay nga kay Spooky...

Humagikgik ako.

Siya ang ipapalit ko.

"So we're going to investigate this individually first," suhestyon ni Paige. "And then let's gather by the end of the day to discuss what we've found."

Napabuntong-hininga ako.

Ibig sabihin wala na akong oras maghanap ng gunting...

Palihim akong napasinghap.

Eh di mag-summon nalang ako ng blade pagkabalik ko sa ICU-

'Reign is family, Bella.'

Napakurap-kurap ako pagkatapos marinig ang malalim kong boses sa sarili kong isipan.

Ah, oo nga pala...

Si Reign nga pala yung nagluluto ng paborito nating pagkain, ano?

'Yes, we love her.'

Eh di amazing with a zombie! Hihi! Patayin ang gusto ring pumatay kay Reign namin!

"We won't have classes for the next few days while Amber and Mrs. Sol check on the entire campus and repair," ani Paige. "Until the Alphas have returned from war, then we are the only ones here that can protect the Academy if anything else happens."

Mula sa sulok ng aking mga mata, tinignan ko si Paige dahil sa sobrang kaseryosohan ng boses niya.

Ramdam ko naman kasi dito yung bigat ng bawat salita na binibigkas niya, ih!

"You can go," tugon ni Paige.

Agad kong tinawag ang kadiliman mula sa aking anino para takpan ako at ilipat ako sa nandidilim kong kwarto.

Dumiretso ako sa rocking chair sa tabi ng aking higaan. Maingat kong inilagay si Spooky dito, saka napangiti nang mapansing dumudugo na naman yung balahibo ng tenga niya kakalaro ko nito.

Lumuhod ako sa harap nito.

"Masakit?" tanong ko.

Pagkatapos, dahan-dahan akong napahawak sa aking tenga. Gamit ang aking matutuling kuko, sinugatan ko rin ang likod ng aking tenga hanggang sa maramdaman ko ang paglabas ng dugo rin dito.

"Charan!" Ipinakita ko kay Spooky ang mga daliri kong may bahid ng sariwang dugo. "Same na tayo!"

Humagikgik ako bago tumayo.

"Okie!" Nakapameywang ako. "Attendance!"

Dinuro ko si Spooky. "Spooky, present."

Umikot ako at lumapit sa isa sa malalaking shelves na nasa kwarto.

"George, Georgie, Georgina..." Isa-isa kong tinignan ang bawat pares ng mga mata na lumulutang sa loob ng transparent jars. "Geoffrey, Helen, Henry-"

Natawa ako nang mahina nang maalalang may kapangalan nga pala si Henri sa koleksyon ko.

"Helena, Henshin..." Nagpatuloy lang ako sa pagbanggit ng mga pangalan nila.

Nang matapos na ako, lumipat na naman ako sa isa ko pang shelf na walang ibang laman kundi mga bungo, at isa-isa na namang tinawag ang mga pangalan nila.

Kasunod akong dumako sa napakalaking treasure chest na nasa isang sulok katabi ng higaan ko. Sa sobrang laki nito, kasya ang katawan ng mga tao.

Napangiti ako nang buksan ito.

Para naman talaga kasi ito sa mga katawan ng tao.

Birthday gift ni Daddy sa'kin 'tong freezer na naka-disguise as itim na treasure chest, nung nalaman niyang mahilig akong kumolekta ng mga katawan ng tao.

Syempre, hindi alam ni Mommy.

Ang alam niya lang kasi mga dolls lang ang kinokolekta ko.

Nilingon ko ang mga manika na may sarili ding shelf, at sa paanan nito ay may dalawang dollhouse.

"Wait lang, ah?" tugon ko sa kanila. "Attendance muna ako sa mga huntsmen."

Ilang sandali pa'y sinarado ko na yung treasure chest at lumundag-lundag patungo sa dolls ko.

"Okie!" Tinuro ko ang isa sa haunted dolls na niregalo ni Mommy sa'kin. "Annabelle..." at nagsimula na naman akong mag-attendance sa kanila.

"Tapos..." Umikot ako paharap sa dalawang skeleton sets na nakabitin sa poles. Isa sa kanila'y nakasuot ng groom's suit habang yung isa, ay nakasuot ng wedding gown.

Kumisap-kisap ako sabay piling ng aking ulo sa magkadaop kong mga palad. "Sina Samantha at Robert, ang ating bagong kasal..."

Pumalakpak ako. "Congratulations ulit sa inyo!"

Sa wakas ay nahanapan ko na rin ng asawa si Samantha.

Sabi ng lampad na binilhan ko nito, isang sundalo raw si Robert na namatay sa digmaan, at wala rin daw siyang mga anak at asawa.

Ibinaba ko na ang aking mga braso saka napabuntong-hininga.

"So, umm-" Nagpaalam na ako sa kanila. "Kailangan ko munang umalis kasi may iimbestigahan pa ako, ah?"

Tinignan ko si Spooky. "Spooky, ikaw in-charge dito, as usual, okie?"

Bahagyang humilig patagilid si Spooky habang nakasandal sa rocking chair kaya napangiti ako. 

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya nang may naalala ako.

"Isa," sambit ko. "Gusto mong ikaw na naman maghanap ng huntsmen ngayon?"

Matagal-tagal kong hindi narinig ang boses niya.

Ang totoo n'yan, simula bata pa ako, may babae na akong nakikita at kinakausap. 

Magkamukha lang din kami. Maitim yung mahabang buhok at walang kabuhay-buhay niyang mga mata. Mas maputla nga lang siya sa'kin.

Hindi ko pa siya pinangalanan no'n kasi hindi naman siya palasalita, eh. Nakikipaglaro lang.

Sinubukan kong sabihin nina Mommy at Daddy pero pinigilan niya akong ipaalam ito sa kanila, lalo na nang tinanong ako ni Daddy kung anong hitsura ng imaginary friend ko.

Unti-unting sumayad ang aking paningin sa sahig.

Pero may dugo pa rin akong Apollo, god of knowledge, kaya sa sandaling ikinuwento sa'kin ni Mommy na may na-absorb pala akong kambal habang nasa sinapupunan pa niya ako, agad kong nakilala kung sino ang babaeng nagpapakita sa'kin.

At nagsimula akong magbasa ng mga libro. Nangalap ako ng impormasyon tungkol sa kondisyon ko, at ng kapatid kong ako lang ang nakakakita.

Saka ko nalamang kaluluwa niya ito na ayaw bumitaw sa iisa naming katawan.

Kaya ang ginawa ko...

Humagikgik ako.

Nagpakamatay din ako para magkasama kami!

Nilason ko ang sarili ko pero imbes na mamatay ako, siya ata yung nabuhay, eh.

Hindi ko na siya nakita ulit, pero sa wakas ay narinig ko na ang boses niya sa aking isipan.

Pagalitan ba naman ako ng isang buong linggo pagkatapos ng ginawa ko?

Dalawang kaluluwa sa iisang katawan. Pero ni isang beses hindi kami nag-agaw ng katawan kasi palagi namang lumalamang ang pagkakatulad namin.

Pareho kaming mahilig sa kadiliman, at kinahuhumalingan namin ang konsepto ng sakit at kamatayan...

Ang kaibahan lang namin ay mas seryoso siya kesa sa'kin. Masungit din siya, di niya tipong makipag-usap sa iba, at di rin siya mahilig mangolekta katulad ko.

Sinabi na niya rin sa'kin na wala siyang balak agawin ang katawan ko, dahil sapat na sa kanya, simula umpisa, ang makita akong namumuhay nang masaya at mapayapa.

Totoo naman ang sinabi niya kasi iisa lang din kami ng damdamin.

Kung anong nararamdaman niya, ay nararamdaman ko rin.

Magkapareho kami ng mga gusto at di-gusto.

Maliban nalang sa mga sandaling nagpapadala ako sa matinding kagustuhan kong pumatay at magpakamatay, dahil pinipigilan niya ako.

Hehe. Sorry, Isa.

Namalayan kong hindi pa rin siya sumasagot kaya kumibit-balikat nalang ako.

"Eh di ako nalang ulit," mahina kong tugon.

Kumalat ang kadiliman sa aking paanan. Nahulog ako mula sa butas rito at napatili pa nang makaramdam ng kaunting kiliti.

Ilang sandali pa'y natagpuan ko ang aking sarili sa loob ng mechanical room kung saan isang satyr ang natutulog at nasakandal sa malaking generator.

Sabi ni Daddy, kapag daw mag-iinvestigate, dapat sobrang tahimik...

Mabagal akong humakbang paikot sa satyr na nagbabantay.

Dapat, walang makakapansin sa presensya ko...

"Hi!" masigla kong bati sa satyr na napabalikwas mula sa pagkakaupo.

"Aaaah!" Sumigaw siya nang makita ako. "A ghost!"

"Oh, haha-" Natawa ako sa reaksyon niya. "Si Bella 'to."

Napatigil siya.

"Ikaw si Bo?" tanong ko.

Lumiwanag ang kanyang mukha. "You're light and dark!"

Nginitian ko siya. "May dumaan na ba rito na Omega?"

Tumango-tango ang satyr. "The barrier," aniya. "I shall inform you also that the barrier has sensed a breach a few minutes before the wings started to fail."

"I called Thea and she was on her way here to check about it when the explosions happened," salaysay niya. "And then... the machine broke."

"I'm always on duty, as you can see." Itinaas niya ang kanyang noo sabay pihit ng mga braso sa dibdib. "Which is why when Grey asked if someone else was here to mess with the controls, I said no."

"Someone opened the hatch of the machine base of the Academy's invisible wings, and planted small silent bombs," pagbibigay-alam niya sa'kin. "And then around the back of the Academy, they found the larger bombs that you heard exploded."

Kumunot ang aking noo. "Ilang minuto po ba ang pagitan nung breach at pagkasira ng wings?"

"Less than five minutes."

Masyadong mabilis para sa malawak na distansya ng barrier sa Academy.

Distraction...

'or teleportation,' pagtatapos ni Isa sa kutob ko.

Sabi ko nga diba, iisa lang ang iniisip namin. Nagdadalawang-boses lang minsan.

Napatango-tango ako bago muling tinawag ang kadiliman para sakupin ang buong katawan ko. Pinalibutan ako ng matinding lamig ngunit bago pa ako tuluyang manginig, natagpuan ko ang aking sarili sa dating camp ng huntsmen, malayo sa Academy, at nasa labas ng barrier.

Panandalian kong sinulyapan ang lumulutang na isla sa gitna ng valley bago ituon ang aking atensyon sa sira-sirang tent.

Isang oras na ang lumipas simula nang masira ang mga pakpak ng Academy.

Kung trained tumakbo o tumakas ang mga taong nagtanim ng mga bomba, sa puntong ito, nakalabas na sila ng barrier at nakaabot na ng kalahating milya.

"Amazing with a zombie..." bulong ko, bago muling naglaho at lumitaw sa gitna ng daanan papuntang valley ng Academy.

Malayo-layo na ako kaya mas lumiit pa lalo ang lumulutang na isla sa pananaw ko.

Umikot ako sa kinatatayuan ko nang mapansing wala akong nararamdamang presensya. Wala rin akong napansing gumagalaw sa mga aninong nakapaligid sa'kin.

Lumiwanag ang aking mukha. "May kapangyarihan ang nagtanim ng mga bomba?!"

Ilang sandali pa'y napahagikgik ako. "Hehe..hehe..." Tumingala ako. "Hahahaha!"

Paulit-ulit kong ginamit ang aking kapangyarihan at kung saan-saang bahagi ng kagubatan sumulpot, habang humalakhak pa rin dahil nalaman kong may kapangyarihan din pala ang pinaghahanap ko.

"Oh?" Tuluyan na nga akong nakalayo sa valley nang may naisip ako. "Ano kayang kulay ng mga mata nila?"

Napasinghap ako.

Anong kulay ng dugo nila?!

"Iiiiiiihhh!" Tumili ako at tumakbo sa direksyon ng una kong napansin na presensya.

Binilisan ko ang aking pagtakbo nang masabayan ko ang anino na nahagilap ng mga mata ko sa likod ng mga puno.

Nilingon ko ang isang lalaki na tumatakas. "Hi!"

Tinignan niya rin ako, ngunit imbes na manlaki ang mga mata sa gulat ay kumunot lang ang kanyang noo.

"Huntsmen!" Nalaman kong isa siyang huntsmen dahil sa itim niyang uniform. "Hi!"

Pero hindi niya ako binati pabalik.

Ang sungit naman...

Lumitaw ang tig-iisang katana sa magkabilang kamay ko nang maramdaman kong mayroon pang ibang presensya na papalapit mula sa likuran ko.

Nilingon ko ang babaeng hinahabol ako.

"Dalawa-" Suminghap ako. "Tatlo kayo?!"

Sa unahan, namuo ang isang pudla ng kadiliman. Pinag-ekis ko ang aking mga katana at napatili nang lumundag ako papasok sa dilim.

Lumitaw ako sa harap ng huntsman na una kong nasilayan.

Sa sandaling dumapo ang nakakrus kong blades sa kanyang dibdib, hinatak ko ito pabukas at hiniwa ang kanyang harapan.

Itinukod ko ang isa kong paa sa dibdib niya at inilunsad ang aking sarili paangat sa isang sanga ng kahoy.

Minasdan ko ang lalaki na pataob na bumagsak sa lupa. Napagulong-gulong siya habang nakayakap sa sarili, umiiyak sa sakit.

"Diyan ka lang," bulong ko.

Mula sa sulok ng aking mga mata, sinundan ko ng tingin ang babaeng huntsman na agad naglaho sa likod ng isang puno.

At nang ibalik ko rin ang aking tingin sa sugatan niyang kasama, nalaman kong nawala na ito.

"Hide..." Dahan-dahan akong napatayo sa sanga. "Hide and seek?!" nananabik kong sigaw at tumili nang salubungin ko ang espada ng babaeng biglang lumitaw sa likod ko.

Napatalon ako pababa sa lupa nang namamangha ang mga mata.

"Oh?" Nginitian ko ang babaeng lumundag mula sa sanga. "Kaya niyo ring makiisa sa mga anino-"

Sinangga ko ang espada niya at dahil dalawang kamay ang gamit niya sa paghawak nito, malakas ko siyang sinipa sa sikmura.

Nakarinig ako ng sigaw mula sa likod ko kaya umikot ako at pinigilan ang espada ng lalaking nasugatan ko, sabay pigil din ng espada ng babaeng sinipa ko.

At dahil okupado ang dalawang kamay ko, sa wakas ay nagparamdam na rin ang pangatlong huntsman. Ngunit bago pa niya ako tuluyang maatake sa likod, nahulog ako sa lupa.

Humakbang ako mula sa anino ng isa sa mga puno, habang minamasdan ang tatlong huntsmen na nagsasama-sama.

Dalawang lalaki, at isang babae.

Bawat isa sa kanila'y may dalang espada.

Mabagal ko silang inikutan. Palihim din akong napahagikgik nang wala pa ring isa sa kanila ang nakapansin sa'kin.

Ang cute!

Sa tingin ko kasing-edad ko lang din kasi sila, at kaya mabilis silang nakakalabas-pasok sa Academy ay dahil may kapangyarihan din sila na mag-teleport gamit ang mga anino, katulad ko.

Ipiniling ko ang aking ulo sa gilid.

Gamit ang liwanag kaya?

Sinulyapan ko ang maliit na sinag ng araw na nagawang makapasok sa madilim na bahaging ito ng kagubatan.

Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa likod ng dalawang huntsmen na hindi ko pa nahiwaan.

Dahan-dahan kong inilipat ang direksyon ng sinag sa likod nila.

Napangiti ako.

Napalibutan ng kakaibang init ang aking katawan at sa sandaling namuti ang aking pananaw, hinatak ko ang aking katanas sa magkabilang direksyon.

Bumalik ako sa kinaroroonan ko.

Marahan akong natawa nang makita ang dalawang huntsmen na napahawak sa likod ng kanilang mga leeg kung saan namuo ang mabababaw na hiwa.

Naglakad ulit ako, pero ngayon, para na ibunyag ang sarili ko.

"Sa'n niyo nakuha 'yan?" tanong ko.

Sabay silang napaharap sa'kin.

"Yung kapangyarihan niyo..." dugtong ko.

Hindi sila sumagot at sa halip ay mabagal na ibinaba ang kanilang mga espada.

"Iiih..." Napapadyak ako sa inis. "Gusto ko lang naman-"

Napatigil ako nang umalingawngaw ang putok ng baril.

Dahan-dahan akong napayuko sa bandang kaliwa ng aking dibdib kung saan ko naramdamang tumagos ang bala.

Umikot ako at nakita ang isang mas nakakatandang babae.

Ito ata yung namumuno ng maliit na operasyon nila...

Pinadalhan ko ng nangunguryusong tingin ang baril niyang nakatapat sa'kin.

Hindi siya nag-aksaya ng segundo dahil ibinaba niya ito at muling kinalabit ang gatilyo para paputukan ang tagiliran ng aking tiyan.

Napaatras ako.

Akmang hahawakan ko ang butas sa aking katawan nang mapaatras na naman ako dahil sa tama ng bala sa kabilang tagiliran ko.

Tinignan ko ang huntsman. "May lason?" usisa ko. "Nakikiliti kasi ako-"

Tinamaan niya ang kanang hita ko kaya napaupo ako sa lupa.

At tama nga ang kutob kong may lason ito dahil mula sa sugat ko, nakita ko ang pagkalat ng maitim na likido sa aking mga ugat.

Kumunot ang aking noo nang biglang manlabo ang aking paningin.

Umiling-iling ako.

"Yes, it is poisoned." Narinig kong sagot ng huntsman.

Napatulala ako sa kanyang paanan, at ilang sandali pa'y marahang natawa.

Inangat ko ang aking tingin sa kanya.

"It's a good thing I'm immune to it, then?" I asked.

Napaatras siya.

"Ah, fuck-" Dahan-dahan akong napatayo sabay unat ng aking leeg. "That actually hurt-"

I was in the middle of groaning the pain away when I noticed her slightly move her hand and the moment she did, I disappeared in front of her and appeared again behind her with one of my blades across her throat.

Ipiniling ko ang aking ulo sa kanyang balikat at napangiti, nang mapansin ang pag angat-baba ng kanyang lalamunan.

Sinulyapan ko ang tatlong nakababatang huntsmen. 

"Run," I said as I swiftly sliced their leader's throat.

Napaatras sila nang nanlalaki ang mga mata bago kumaripas ng takbo sa magkaibang direksyon.

The body in front of me fell with a loud thud.

Napatingin ako rito.

Red blood scattered under her neck, and I frowned in disappointment, because I was really hoping it was black or at least dark of some sort.

And with a blink of an eye, I appeared in front of the young huntsman who I first wounded.

He fell on the ground.

Humigpit ang aking pagkakahawak sa dalawang katanas na nasa kamay ko.

"You seem like you don't know how to use your power, yet." Gamit ang aking paa, tinulak ko siya pahilata sa lupa.

Dumipa siya at bumungad sa'kin ang duguan niyang harapan.

I can tell that he's already dying by the way he gasped for air.

"Fine," tugon ko. "You'll be my wedding gift to my sister's Samantha and Robert."

'Thanks, Isa! May anak na sila!'

Then I turned towards the direction of the girl's presence. I gave the dying body a quick glance before appearing in front of the girl huntsman who also fell on her knees in surprise.

Binaba ko lang ang aking tingin sa kanya.

At dahil nakaluhod siya sa aking harapan, agad kong sinipa ang kanyang mukha dahilan na sumalpok siya hindi sa lupa, kundi sa paanan ng isang puno.

She painfully lifted herself up and leaned against the tree.

Huminto ako sa tapat niya at malakas na tinadyakan ang isang balikat niya.

Napaiyak siya sa sakit sabay hawak dito.

Napasimangot ako.

I kicked her elbow again and again, and only grinned once she broke her hand and after a few rounds of pressure, her elbow as well.

Pinihit ko ang aking mga paa paharap sa kanyang tuhod.

Malakas ko rin itong tinadyakan dahilan na mabali ito at mapasigaw siya.

I walked around her, and satisfyingly broke her elbow and knee on the other side of her body.

"Sushi," sambit ko sa babaeng naghihingalo, hindi na makasigaw dahil sa matinding sakit. "Reign was about to cook me sushi."

Sighing, I crouched down beside her.

"Fortunately for you..." Hindi ko siya binalingan ng tingin nang itapat ko ang dulo ng aking lumiliwanag na katana sa kanyang dibdib. "Bella and I are not cannibals."

Dahan-dahan ko itong ibinaon, hanggang sa marinig ko siyang nabulunan sa sarili niyang dugo na napaangat sa kanyang lalamunan.

Sumingkit ang aking mga mata. "-and we also forgot to bring our pet piranhas..."

After a few seconds of silence, I once again stood on my feet.

I didn't bother to give her one last glance before appearing in front of the last huntsman who stopped running and almost slid his feet.

Then I greeted him with an empty smile.

Umikot siya at tumakbo sa kabilang direksyon kung saan lumitaw na naman ako at sinalubong ng blade ang kanyang tagiliran.

Hinugot ko ang katana mula sa pagkakabaon sa katawan niya.

Padabog siyang napaupo sa harap ko.

Bago pa niya mahawakan ang kanyang sugat, itinapat ko ang dulo ng itim kong katana sa ilalim ng kanyang panga at pinaangat ang kanyang ulo.

Sinimulan ko na ang pagdiin ng blade sa kanyang lalamunan nang bigla akong makarinig ng boses.

"Sadako!"

He should really stop calling us that.

I turned around and saw a red-haired demigod walking towards me with a foolish grin. 

"Di mo pwedeng patayin 'yan. Para may pang-hostage tayo."

Pinaningkitan ko si Zack dahilan na maglaho ang kanyang ngiti.

Sa sandaling ipinahilig ko ang isa ko pang katana sa direksyon ng leeg ng huntsman, agad siyang naglaho sa kinatatayuan niya para pigilan ako.

"Bingi ka ba?" bulong niya habang nakatayo sa likod ko.

Ipiniling ko ang aking ulo sa kanya na dahan-dahang inilayo mula sa huntsman ang kamay ko.

We have tried poisoning him, haven't we?

'Pero phoenix, ih. Ang hirap patayin.'

Nababagot kong ibinaba ang aking sandata.

I don't like him. I think he's stupid.

'Hindi, Isa, gusto natin siya.'

Binigyan ko ng nandidiring tingin si Zack.

We do?

'Siya lang kasi ang nagvo-volunteer minsan sa human trials ko. Gusto nga kitang bigyan ng katawan, di ba?'

Bella, I already told you that I don't need a body. I'm only here to protect you.

'Pero Isa, alam nating nanghihina na yung boses mo...'

Namuo ang isang malungkot na ngiti sa aking labi.

"Kinakausap mo na naman ba sarili mo?"

Napakurap-kurap ako.

"H-Ha? Di kaya!" Agad kong ibinaling ang aking atensyon sa huntsman. "Huy! May tali ka?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top