The Strongest Bond
Ash's POV
I just got out of the kitchen after making hot chocolate when I heard the door open.
"Amber, I made-" Napatigil ako nang makita ang kapatid kong nagmamadaling umakyat ng hagdan nang mabibigat ang mga hakbang at nakayuko ang ulo.
For a few seconds, my lips parted, letting out a confused silence.
But the silence soon broke when someone pushed the door open and slowly closed it.
Binigyan ko ng nagtatakang tingin si Vance na kapapasok lang. "Did Amber get into a fight again?"
Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay mula sa pihitan ng pinto habang nakaawang ang bibig at nakatulala sa sahig.
"No..." he almost whispered.
Dahil sa kakaibang galaw at mahina niyang boses, napakunot ako ng noo habang nakatingin sa kanya.
What happened?
And as far as I know, my sister's not that easy to sway, how much hurt. She doesn't even shake after a physical fight or a heated argument, so to see her avoid me...
I took a moment to pause, before calmly setting my cup on the table beside me.
Then I looked at Vance again, only this time, with a knowing glare.
"Why are you here, Vance?" I asked. "I thought you're going to the afterparty?"
He slowly shook his head. "I..." He pursed his lips for a moment. "I don't know."
Slowly, my sense of sympathy faded, and I remained calm.
Furiously calm.
Pinigilan kong tapunan siya ng nangangalit na tingin kaya napasulyap nalang ako sa tasa na nasa tabi ko.
Magaang dumapo ang aking mga daliri sa hawakan nito, at mahina kong pinihit-pihit ang tasa sa mesa.
"What did you do?" I asked, without looking at him.
While patiently waiting for an answer, I glanced down on my cup again, tightening my jaw for every second of his silence.
"Nothing, Ash," he sternly replied. "I didn't do anything."
I stopped moving the cup on the table. I still held unto it when I slowly lifted my gaze to the wall in front of me, before turning to Vance while wearing an empty smile.
Sa muling pagtama ng aming mga mata, mabilis na nagbago ang ihip ng hangin na nakapalibot sa'min.
"Are you sure?" Walang bakas ng emosyon ang boses ko, nang malaman niyang ang buong atensyon ko at lahat ng pakialam ko ay nasa kapatid ko lang, at wala sa kanya na siyang tinanungan ko.
"Yes." His voice turned as cold as mine. "I am."
Unti-unting nabura ang aking blankong ngiti.
"This is going to be the last time I see you alone with her," nagbabanta kong tugon. "I don't want to see you near her again."
Kumunot ang kanyang noo.
"I don't want you to get closer to my sister again, Vance," I clarified, just in case he didn't get what I meant. "You've already done enough damage."
Halatang mas lalo niyang ipinagtaka ang sinabi ko. "Damage?"
I didn't bother addressing the confused look on his face. It's not my fault if he didn't understand.
"Of course, you wouldn't know," seryoso kong sabi sa kanya. "You were too occupied with your... affairs."
Bago pa siya makapagsalita ulit, inunahan ko na siya.
"Just do me a favor of not talking to my sister." Inangat ko ang tasa mula sa mesa. "I'm sure you can easily do that."
He snickered, as if what I said was something unbelievable.
But it wasn't, because he has already done it before. He has already distanced himself away from my sister who he left confused for a long time.
His jaw clenched with determination. "What if I want to?"
"You can want her anytime, Vance," mahinahon kong sagot. "But you won't have her."
"You won't let me," he finally understood.
"I won't let you treat her like she's just another one of your pastimes," saad ko. "And I will see to it that she will never be, because she's someone who deserves better."
"No," I corrected myself. "She's my twin sister who only deserves the best."
Nagtangka siyang magsalita ulit dahilan na mapailing ako sa kanya, bago kalmadong tumungo sa hagdan at maingat na umakyat dito dahil sa mainit na tasa na bitbit ko.
Instead of heading to the hallway where my room was, I turned to where the girls' room were and stopped in front of my sister's.
Ilang segundo akong napatitig sa pinto at pagkatapos ay napabuntong-hininga, bago mahinang kinatok ito.
"Amber?" sambit ko.
At kagaya ng inasahan ko, wala akong natamong sagot.
Malumanay akong napangiti. "I know you're thirsty..."
She's always thirsty everytime she goes on a night out.
"I made hot chocolate," pagbibigay-alam ko sa kanya. "It's still warm, if you want to drink it."
Sinundan pa rin ito ng katahimikan dahilan na mapabuga na naman ako ng hangin.
"I'll leave it on the floor..." sabi ko.
Hindi ko ito iniwan sa sahig at sa halip ay dahan-dahang itinago ang aking presensya, at nagsimulang magbilang.
Five...
Umangat ang isang sulok ng aking labi nang maramdaman ang presensya niya mula sa kabilang dako ng pinto.
Four...
Unti-unti itong lumapit.
Three...
Tumigil ito, panandaliang nagdadalawang-isip.
Two...
Bumaba ang aking tingin sa pihitan na gumalaw-galaw.
"One," I murmured under my breath before I heard the door unlock.
It opened, revealing Amber who slowly peeked from behind it. She first glanced at the cup of hot chocolate in my hand before meeting my gaze.
"Can I come in?" tanong ko.
Kinisap-kisap niya ang namumula niyang mga mata. "P-Password?"
Napangiti ako. "It's morphin' time?"
She let out a bitter chuckle before taking a step back and opened the door wide enough to let me in.
Sandali akong napatigil nang salubungin ako ng bagong lifesize figures niya ng red at yellow power rangers. Magkatabi itong nakatayo sa isang sulok ng kwarto niyang napapalibutan ng posters at maliliit na figurines ng paborito naming superhero series.
"Nice," namamangha kong puna.
"Anong nice?" aniya, pagkatapos i-lock ulit ang pinto. "Nasa'yo kaya yung white tsaka black."
It's true.
I also have my own statues of the white and black ranger in my room.
"Here..." Inabot ko sa kanya ang tasa ng hot chocolate.
"May marshmallows?" tanong niya nang tanggapin ito.
"Of course," sagot ko.
She let out an exhausted sigh before taking a light sip. Her mouth stayed on the rim of the cup as she slowly closed her eyes, taking in the warmth and taste of the brown liquid that stained her upper lip.
Unti-unting naglaho ang aking ngiti pagkatapos mapansin ang panandaliang pagkunot ng kanyang noo habang nakapikit ang kanyang mga mata.
Binuksan niya ang kanyang mga mata. Nakatingin siya malapit sa'kin pero alam kong nasa malayo ang isip niya.
At alam kong kaya nasa malayo ang iniisip niya ay dahil nasasaktan siya. At sa tuwing nasasaktan siya, pinipilit niyang tinutulak ang sanhi o dahilan nito palayo sa isipan niya, hanggang sa mawala ito, maglaho, at makalimutan niya.
"Hey..." I softly uttered, in the hopes of waking her up before she drifts too far away.
She continued to stare at empty space while sipping her drink.
A bitter smile drew across my face as I gently grabbed the cup from her hands.
Napakurap-kurap siya sa ginawa ko at sinundan ng tingin ang tasa na inilayo ko mula sa kanya.
"I don't like to see you lose yourself over someone, Amber," paalala ko sa kanya. "Between us two, you're the stronger one, remember?"
Napangiti ako nang may maalala rin ako. "You're the twin who had her arms around my neck while Mom was still pregnant with us."
"Y-Yakap nga kasi 'yon," sagot niya. "Di naman kita sinasakal no'n."
Umangat ang aking kilay. "You kicked me in the face," dagdag ko. "Dad literally caught it in a video."
Inirapan niya ako at inagaw ang tasa mula sa kamay ko.
Natawa ako nang mahina at ilang sandali pa'y napatanong na.
"Do you want to tell me what happened?"
Narinig ko na naman ang pagbuntong-hininga niya, bago siya tumungo sa kanyang higaan. Umakyat siya rito at umupo nang nakapihit ang mga binti, pagkatapos niyang isandal ang kanyang likuran sa headboard.
I silently shrugged and walked around her bed. Naupo rin ako sa tabi niya nang nakatuwid ang aking mga paa sa higaan.
Kinuha ko ang unan niyang may mukha ng pink ranger at ipinatong ang aking mga kamay dito, habang nakatuon sa harapan namin.
Pagkatapos, pinaningkitan ko ang nakahanay na figurines sa ibabaw ng display shelf niya. "Is that the latest collection?"
Lumiwanag ang aking mga mata. "Sa'n mo nabili 'yan?"
"Secret," sagot niya. "Sabi ko nga may dealer ako, diba? Ako pa ba?"
Marahan akong natawa, at sinundan ito ng katahimikan na di tulad ng dati, ay magaan at komportable na sa pakiramdam.
"Did he do something to you?" tanong ko.
"Wala naman," malumanay niyang sagot. "Sinayaw lang ako."
"And did you enjoy it?"
Narinig ko ang mahina niyang tawa dahilan na mapangiti ako.
"Ano..." Huminga siya nang malalim, at ilang sandaling naghanap ng mga salita. "Ikakasama ba ng loob mo kung sasabihin kong oo?"
I lowered my head and chuckled again. "No, Amber." I turned to her with a sympathetic smile. "Who am I to stop my sister from wanting to enjoy a moment?"
Nilingon niya ako nang nanghihinala ang mga mata. "Tinakot mo, 'no?"
"Maybe..." sagot ko. "Maybe not?"
Mahina niya akong tinulak sa balikat. "Ash!"
"What?" Natatawa kong sambit.
"Hindi mo nga pwedeng takutin yung mga crush ko!" aniya. "Paano na ako magkakajowa n'yan?"
"Just him," I assured her. "I promise."
"Kapag talaga binantaan mo si Grey tsaka si Ivan-" Pinandilatan niya ako. "Hmm!"
Grey, and Ivan, an Alpha, the son of Ares.
Ivan's also the Academy's top athlete that gets to escort the captain of the cheerleading squads every intramurals. That, being Amber.
They rarely hang out. Only during the intramurals, and a few school events. But when they do, Amber looks at him the same way Reign and Paige look at me as if I haven't already noticed.
"Is he here already?" tanong ko. "Did you get to see him in the party?"
Umiling siya. "Baka nasa mission pa? Di ko rin kasi nakita sina Luke at Sophia, eh."
"You didn't get in a fight with one of them, did you?"
"Mabait po ako."
I gave her a suspicious glare. "We'll find that out in the school paper tomorrow."
Muntik na siyang mahirinan sa hot chocolate niya. "P-Puta-" Ibinaba niya ang tasa sabay tampal ng kanyang noo. "Sabi ko nga, patay na ako kila Mama nito..."
"Speaking of Mom, you should really go talk to her," suhestyon ko. "She wasn't just worried, Amber. She's hurt because you broke a promise. You summoned one of your meteors when she strictly told you never to do it."
Maingay siyang napabuga ng hangin. "Sa tingin mo, mapapatawad pa niya ako?" mahina niyang tanong. "Parang mas galit ata siya sa'kin ngayon, eh."
I bowed my head to hold a laugh.
"Amber..." Muli ko siyang tinignan. "Heavens know how many times she's been mad at you."
"Eh di..." Tumango-tango siya. "Susubukan ko."
Napangiti ako, pero agad din itong nabura nang mapansin ko siyang nakatitig sa tasa niya habang marahang kinukuskos ang hawakan nito.
"You're still thinking about it?" I asked, to which she helplessly nodded her head.
She sniffed the forming tears in her eyes and lightly scratched her nose.
"Pa'no ba 'yan..." Inangat niya ang kanyang tingin sa'kin nang namamasa ang mga mata. Saka niya ako binigyan ng isang mapait na ngiti. "Naiiyak pa rin ako, eh."
Kinuha ko ang tasa mula sa kamay niya at ipinatong ito sa katabi kong mesa.
Pagkatapos, umusog ako papalapit sa kanya at binuksan ang bisig ko para saluhin ang paghilig niya sa'kin, na sinabayan niya ng mahihinang hikbi.
Niyakap niya ako at wala akong ibang nagawa kundi ang pisilin ang balikat niya, at hinagod-hagod ito sa sandaling nilakasan niya ang pag-iyak habang nakasandal sa dibdib ko.
Pagkaraan ng ilang minuto, narinig ko ang paghina ng mga hagulgol niya kaya inayos ko ang kumot na nakapatong sa'min at dahan-dahang humiga sa ilalim nito kasama siya.
Hinaplos-haplos ko ang ulo niyang nakaunan sa aking braso.
"Sandra..." sambit ko nang tumigil ang pag-iyak niya.
Hindi siya sumagot, dahilan na mapangiti ako at sa wakas, ay napayakap na rin ako sa kanya.
Pinikit ko ang aking mga mata habang hinahaplos ang buhok niya. Patuloy ko itong ginawa hanggang sa dapuan na rin ako ng antok.
At bago pa man ako tuluyang madala rito, kumunot ang aking noo nang maramdaman ang isang luha na nakatakas mula sa mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top