The Noise

Reign's POV

Labag sa loob akong nakatitig sa pinto ng kwarto habang tinatapik nang magkasunod-sunod ang aking mga daliri sa katabi kong mesa.

"This is stupid," bulong ko. This is dumb.

Hindi ako pwedeng manatili lang dito, kahit anong kumbinsi ko sa sarili na ibigay ang buong tiwala ko kay Henri.

Tumigil sa paggalaw ang aking kamay nang pumasok ang isang aurai na may dalang tray ng pagkain.

"Good evening, Miss Reign," bati niya sa'kin nang nakangiti.

Umayos ako sa pagkakaupo sa bahagyang nakaangat na higaan. Ibinaba ko na rin ang kamay ko mula sa mesa at minasdan ang aurai na inaayos ang maliit kong hapagkainan sa aking harapan.

"Glad to see you still here after your guardian left an hour ago," bigla niyang puna.

Otomatikong kumunot ang aking noo.

"He convinced the doctor to keep an uptight security..." natatawa niyang sabi. "To prevent you from..." Hindi niya tinapos ang sinabi niya at sa halip ay sinulyapan lang ako, nang natatawa pa rin.

Bahagyang bumukas ang aking bibig, hindi makapaniwala, bago natawa nang mahina.

"Right," sagot ko.

Dahan-dahang gumilid ang aking paningin nang nakasingkit ang aking mga mata.

Henri.

I made a show of trust, before he left. Ipinakita, kamuntikan nang sabihin sa kanya, na pinagkakatiwalaan ko siya.

Pero siya, hindi kayang magtiwala sa'kin.

He has a point, of course, of not trusting me entirely to stay put.

But the least he could have done is to let me slip out easily. Instead, he put me under a spell, and as if that was not enough, pinahigpitan niya rin ang security sa clinic.

"You're fortunate, Miss." Pagkatapos ayusin ang pagkakalagay ng bedtray sa aking harapan, madahang pinagpag ng nurse ang kumot na nakapatong sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Tinignan ko siya.

"Everyone around you only has good intentions for you." Lumapad ang kanyang ngiti nang umayos siya nang tayo. "You're loved and cared for."

Matagal-tagal akong napatitig sa kanya.

"I am..." Sa hindi malamang dahilan, nanghina ang aking boses. Siguro dahil hindi ko aakalaing sasabihin niya 'yon, ngunit sang-ayon naman ako. "-more than blessed to have them."

It's not a bad thing to be reminded of how fortunate I am of my family and friends.

"You're new," napagtanto ko.

Tumango siya at akmang aalis na nang pigilan ko siya.

"Wait," sambit ko. "Where'd you come from?"

Umikot siya upang harapin ako. Napansin ko ang pagbahid ng pait sa noo'y manamis-namis niyang ngiti.

"I-uhh-" Halatang nagdadalawang-isip siyang sagutin ako.

Ilang sandali pa'y nginitian ko siya. "It's okay." I gave her a reassuring nod. "Hindi mo naman kailangang sumagot."

Tumikom ang kanyang bibig.

"Thank you for preparing my meal," dagdag ko. "I'll make sure to enjoy it."

Kumurap-kurap siya bago ipagdaop ang kanyang mga palad sa harap ng kanyang palda bago yumuko.

Samantalang, tinitigan ko lang siya nang nangunguryuso ang mga mata.

Hindi na siya nagsalita pa, saka dumiretso sa may pinto.

Sinundan ko siya ng tingin, sinisiguradong hindi niya nararamdaman ang bigat ng pagmamasid ko sa kanya.

Bumaba ang aking mga mata sa kamay niya nang hawakan niya ang pihitan.

Nang makita siyang natagalan sa pagpihit nito, bahagyang umangat ang isang sulok ng aking labi bago ko kinuha ang kutsara't tinidor na nakalapag sa tray.

"I was a victim."

Mula sa pagkain, binalik ko ang aking atensyon sa aurai na nakaharap na ulit sa'kin ngayon at siyang nagsalita.

Tumaas ang aking magkabilang kilay, kunwaring hindi ko inasahan na hindi pala siya tutuloy sa pag-alis.

"My-" Napalunok siya. "My sister and I, we were two of the forty-eight nymphs the huntsmen imprisoned."

"I'm sorry." I was genuinely sorry, but I tried my best to make it sound very obvious.

Because I don't have time, and all I want right now is-

"What did they do to you?" tanong ko. "Aside from imprisoning you?"

Information.

"I haven't really seen it, Miss." Mabagal siyang humakbang papalapit sa'kin. "But they killed some of us after they ran some experimentations... tests..."

"Mmm." Matagal ko nang alam 'yan.

"Where's your sister?" usisa ko, nanunuyo ang tono.

Sapat na bilang sagot ang katahimikan niya. Dahil dito, naisipan kong ibahin nalang ang pinag-uusapan namin kahit nangangati na akong malaman lahat ng nasaksihan niya habang nasa kamay ng huntsmen.

"My guardian, was he in a hurry when he left?" tanong ko.

Nanumbalik ang maliit na ngiti sa kanyang labi. "Yes."

"He looked too worried, didn't he?" Natawa ako nang marahan.

"Not worried," aniya. "Just serious."

Nakarinig kami ng mga katok mula sa labas ng ICU room kaya sabay kaming napalingon sa pinto at nakita ang isang mas nakakatandang aurai na nakasilip mula sa kabilang dako ng kwadradong glass panel ng puting pinto.

"I-I should get going," the new nurse almost squealed in nervousness, before hurrying outside.

Hinatid ko siya ng tingin bago ngitian ang senior nurse na tinanguan ako bilang ganti.

Narinig ko pa ang pag-lock niya ng pinto pagkatapos isarado ito, dahilan na mapabuga ako ng hangin dulot sa pagkadismaya.

All I wanted was information about the huntsmen from a direct source. How capable they really are... but if it costs pain, then it's not worth it.

I silently gritted my teeth.

Hindi nga kasi ako pwedeng nakamukmok lang dito.

'Which is why I have put you under a spell while you were asleep...'

"Tsk." I hissed.

'A temporary curse, where the moment you start thinking about escaping this room, you will feel exhausted...'

I'm the daughter of the scion and the rose, what makes him think a curse can stop me?

"Then why are you still here?"

Mabilis akong napatingin sa direksyon ng pinanggalingan ng boses. Malapit sa cushioned bench, natagpuan ko ang isang babae na nakatayo habang pinapadalhan ako ng blankong tingin.

Ilang segundo kong sinuri ang kanyang buong anyo.

Nakasuot siya ng mahabang chiton na kulay puti. May nakapatong din na pulang scarf sa isang balikat niya, at malapad ang pagkakahawi nito sa katawan niya.

"Medea?" sambit ko. "Anong ginagawa mo dito?"

Kuminang ang gintong mga dahon na nakadikit isang gilid ng kanyang buhok nang galawin niya nang kaunti ang kanyang ulo.

"Your curse has been lifted, Omega," anunsyo niya. "What you will do after is up to you-"

"Why?" Nasa kanya ang mga mata ko, ngunit nasa bandang talampakan naman niya ang paningin ko dahil napansin kong may bahid ng putik ang dulo ng damit niya.

"Reign..." Nabalot ng pag-aalala ang kanyang boses. "I am only an immortal sorceress who have helped your parents, and enjoyed the fruits of their sacrifices."

"This madness of killing creatures for power-" Dumapo ang pagkabahala sa kanyang mga mata, hanggang sa buong mukha niya ay nagpahiwatig ng kaguluhan. "It's-"

It took her a good few seconds to continue.

"It is all too familiar," saysay niya. "And I do not want to think of the worse."

Nanliit ang aking mga mata. "Anong ibig mong sabihin?"

"Evil will never disappear in this world, no matter what you do," saad niya. "No matter how much you have sacrificed, you can never destroy it completely."

"Greed, lust, pride, envy..." Unti-unting lumihis ang kanyang paningin mula sa'kin. "They are all... familiar."

"There must just be more than familiarity that you could tell me, Medea, kung may alam ka, sabihin mo na-"

She just cut me off, as expected.

"I don't have anything more to say," pagtatapos niya. "For I was once evil, Reign."

"Medea-"

"Forgive me."

Napatigil ako nang tignan niya ako nang naluluha ang mga mata. Napaatras siya, ni hindi man lang niya itinago ang panliliit na nararamdaman niya, dahil sa sobrang pagsisisi.

"This shouldn't have happened..." Hinaplas-haplos niya ang nanginginig niyang mga kamay. "I should've let destiny take its course-"

Wala akong ibang magawa kundi panoorin siya, isang makapangyarihang sorceress, isang ancient priestess, na unti-unting kinakain ng kanyang konsensya, ng kanyang isipan.

"Medea, calm down-"

I don't have my mom's empathic abilities, and I was not prepared to watch a goddess slowly lose her sanity in front of me.

"I shall end myself," sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata. "As I should have."

"No, no-" Tinulak ko ang tray at nagmamadaling bumaba ng higaan. "You're not-"

Lumayo siya sa'kin.

"Do not come near me, mortal!" Lumiwanag ng kakaibang kulay ang kanyang mga mata.

Kaunti lang naman ang ginalaw ng katawan ko, pero tila naubusan ako ng hininga, dahil pati ako ay nadadala sa karamdamang ipinapakita niya.

Nag-aalala na ako sa kanya.

Napalunok ako. "Rest..." pagsusumamo ko. "Please, just rest."

She snickered and held her hand away from me, as if I was going to snatch it from her.

"Umuwi ka muna kila Galatea," mahinahon kong tugon. "Hayaan mong alagaan ka nila."

Tila natauhan siya sa sinabi ko. Sumayad sa sahig ang kanyang paningin bago niya ako muling hinarap nang takang-taka.

"Go, now." Banayad ang boses niya. "You do not know what you have gotten yourselves into."

Marahas niya akong tinalikuran at saka mabilis na naglaho sa aking pananaw.

Kasunod kong narinig ang sunod-sunod na yabag ng mga paang papalapit sa'kin, pero lumamang ang boses ni Medea sa aking isipan, na para bang nasa silid pa rin siya ngunit malayo na.

'Noises, noises! Stop! Noise!'

Malakas na bumukas ang pinto at bumungad sa'kin ang apat na aurai, isa sa kanila ay ang bagong nurse na siyang naghatid ng hapunan ko.

"I'm sorry," ang tanging nasabi ko bago pakawalan ang aking kapangyarihan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top