The Commander
Amber's POV
Nakapameywang ako sa harap ng mga durog na semento at bakal na siyang natira sa facility.
"Wow!" puna ko. "Wala na lahat!"
"We did say we're going to wreak havoc..." sabi ng kambal ko habang inaayos ang bandage sa paa kong ayon sa kanya ay nabasag lang ang buto, at hindi nabalian na siyang akala ko.
Nagkaroon ng pagsabog sa unahan dahil isang katawan ang malakas na bumagsak dito.
"Wow!" puna ko ulit. "Patay na si Grey!"
Napatigil si Ash. "What-" Nilingon niya si Grey na nakahilata sa ibabaw ng naglalakihang mga bato.
"Grey!" nag-aalala niyang sigaw.
Tinaas naman ni Grey ang duguan niyang kamay para bigyan kami ng thumbs up. Dahan-dahan siyang naupo at saka luminga-linga, tila nagtataka kung paano naging patag ang dating malaking pasilidad ng huntsmen.
Nakapameywang pa rin ako habang nakamasid sa napakalaking pinsala, nang biglang lumabas mula sa ilalim ng guho ang dalawang huntsman.
Nakilala ko agad yung isa dahil siya yung umatake sa'min ni Ash.
"Kambal..." tawag ko sa kanya.
Kasunod kong narinig ang mahinang 'oh' ni Ash.
"Wow!" Napailing ako, hindi makapaniwala. "Tingin sa likod!"
Sabay na lumingon sa likuran nila ang huntsmen kung saan lumitaw sina Zack at Bella na parehong may bitbit na mahabang espada sa bawat kamay.
Dahan-dahan silang hinarap ng mga kalaban.
Lumiwanag ang dalawang palad ng isang huntsman. Kumalat ito sa magkabilang braso niya upang takpan ang kabuuan ng mga ito. Gano'n din ang ginawa ng kasama niya, yun nga lang, apoy ang lumabas mula sa mga kamay nito at tumakbo hanggang balikat.
"Nga pala Ash, sino bang nakapagpasama ng loob ni Bella ngayon?" tanong ko. "Kanina pa kasi siya hindi nagsasalita, eh, pansin mo?"
"Mmm," sang-ayon ni Ash.
Kumaway-kaway ako sa kanila. "Kaya niyo 'yan- este kaya natin 'to, guys!"
Napatigil ako sa pagkaway nang daplisan ng isang dagger ang braso ko.
Napakurap-kurap ako saka tinignan ang mababaw na hiwa rito.
"Amber!" Bigla akong tinulak ni Ash dahilan na tumaob ako sa magaspang na semento. Nauntog pa nga yung mukha ko kaya napaungol ako sa sakit pagkatapos.
Itinukod ko ang aking mga palad. "A-Aray-" Dahan-dahan kong inangat ang sarili ko, at nakita ang mahabang sibat na nakatanim sa mga batong katabi ko.
Nag-aapoy ang dulo nito.
Naramdaman ko ang pag-init ng tinuturukan nito kaya agad akong gumulong palayo bago ito sumabog.
Napahandusay ako, nang nanlalaki ang mga mata dahil sa pagkabigla.
At sa una kong pagkisap, isang kislap ang bumungad sa'kin, mula sa isa pang sibat na nahagilap kong patungo sa'kin.
Pakiramdam ko tuloy pasado na ako sa pagiging taong gulong nang gumulong ulit ako para iwasan ito.
"Tangina-" Nagmamadali akong tumayo saka tumakbo bago masabugan nito. "Sinong nagpapaulan ng sibat?!"
Napatigil ako pagkatapos makita si Ash na walang malay at nakalupasay sa ilalim ng mga durog na bato.
Yumuko ako sa tabi niya at inalis ang mga ito mula sa ibabaw niya.
"Kambal!" Tinapik-tapik ko ang pisngi niya. "Gumising ka! Hindi pwedeng ako lang ang pagalitan ni Mama!"
Mahina niyang tinabig ang kamay ko at napaubo.
Tinulungan ko siya sa pag-upo.
Pagkatapos makita ang sariwang dugo malapit sa kanyang templo, itinapat ko ang dalawang daliri ko sa kanyang mukha. "Ilan ang nakikita mo?"
Kumurap-kurap siya nang nakakunot ang noo. "T-Two?"
Ibinaba ko ang kamay ko sabay buga ng hangin.
Madahan niyang dinamdam ang sugat niya sa ulo at sinuri ang bumahid na dugo sa kanyang mga daliri.
"I'm going to need stitches," sabi niya sa sarili.
Sabay kaming tumayo at nilingon ang huntsman na lumulutang sa ere. Pinanlilisikan kami ng nangangapoy nitong mga mata, nang lumitaw sa kamay niya ang isang mahabang sibat na hugis-palakol ang talim.
Iniunat niya ang kanyang buong braso palikod ngunit hindi niya kami nagawang hagisan dahil biglang tumigil ang kamay niya.
Kumibot-kibot ang mga daliri ng huntsman habang nagpupumiglas sa kung ano mang pumipigil sa kanya.
Gamit ang malaya niyang kamay, hinawakan niya ang kanyang braso at pilit itong pinagalaw.
Sa likod niya, dahan-dahang lumipad paangat si Henri upang magpakita sa'min.
Nakatapat ang kanyang palad sa huntsman. Pinihit niya ang kanyang kamay sabay sara, at nang umaksyon siyang may hinila, marahas na tumaas ang braso ng huntsman sa direksyon niya, dahilan na mabitawan nito ang sandata.
Tinabig niya ang kanyang kamay at kasabay nito ay ang kusang pag-ikot ng huntsman paharap sa kanya.
Nag-summon ng dalawang espada ang huntsman pero agad din nitong napabitaw dahil biglang dumikit ang magkabilang pulsuhan nito sa likuran, na parang ginapos.
Sa harapan ng huntsman, nangibabaw ang isang portal, at kung gaano kabagot tignan ang mga mata ni Henri ay ang ikinabaliw ng ngiti ni Grey na nahulog mula rito.
Hawak niya sa kanyang mga kamay ang mahahabang piraso ng basag na salamin.
Saktong nakawala rin mula sa pagkagapos ang huntsman. Binuksan niya ang kanyang bisig, na isang malaking pagkakamali dahil sa sandali ring ito, dumaan sa tapat niya si Grey.
Tumagos ang mga salamin ni Grey sa gitna ng bawat braso at sa isang kislap, humiwalay ang mga kamay ng huntsman mula sa katawan nito.
"Amber," narinig kong sambit ni Ash.
Nilingon ko siya.
Dinuro niya ang huntsman kaya muli akong napatingin dito.
"He's not bleeding."
Gaya ng sinabi niya, walang dugo na lumabas mula sa mga putol nitong kamay.
"Di na ako magugulat," sabi ko. "Abnormal 'yang mga 'yan, eh."
Bumagsak nang nakaluhod si Grey sa semento. Ilang segundo siyang pumikit, tila may dinaramdam, bago tumayo hawak-hawak ang sugatan niyang balikat.
Saka ko napansin na nabalot sa maiitim na ugat ang kalahati ng kanyang katawan. Umabot na nga ito sa ilalim ng kanyang panga.
Siniko ko si kambal. "Anong nangyari kay Grey?"
"Poisoned," sagot niya. "And he's taking longer time than usual in reversing it."
Nanliit ang mga mata ni Ash habang nakamasid kay Grey.
"It's Paige," napagtanto niya. "Grey's also taking care of the poison in her body while she's in his domain."
Nakaramdam ako ng presensya na pabigat sa likuran namin.
Nagpalitan kami ng tingin ni Ash bago pumihit sa magkaibang direksyon. Nakaunat ang aking paa habang siya naman ay nakabukas ang kamay.
Umihip ang hangin sa pagitan namin.
Nahagilap ko ang pagtama ng aking paa sa binti ng isang huntsman. Nawalan ito ng balanse at tuluyang bumaon sa lupa pagkatapos siyang itulak ni Ash pababa.
Umusok sa binagsakan ng huntsman kaya sandali kaming napabaling.
Pagkatingin namin, wala kaming katawan na nakita kundi isang malalim na lubak lang sa semento.
Biglang lumipad ang katawan ko pagkatapos akong makaramdam ng matinding sakit sa panga. Pumihit ako sa ere saka bumagsak nang pataob sa lupa.
Nanatili akong nakadipa dahil sa patinding sakit sa aking mukha.
Bumangon ako nang nangangatog ang panga dahil sa lakas ng tama. Kumibot-kibot din ang mga mata at labi ko sa pagkabigla.
Gago. Ito na ata ang pinakamalakas na suntok na natanggap ko sa buong buhay ko.
Sinubukan kong magsalita pero napangiwi lang ako sa sakit.
Kumapa-kapa ako sa hangin, naghahanap ng makapitan dahil sa umiikot kong paningin.
Tangina. Nayanig ata ng suntok na yun yung utak ko, eh!
"Kambal-" Maingay akong napabuga ng hangin. Dagliang pumuti ang pananaw ko dahil sa kamaong sumalpok sa gitna ng sikmura ko.
Tumilapon ako paatras at malakas na napasinghap nang sabay-sabay na bumaon ang mga bato at bakal sa lapad ng likod ko.
Hindi pa bumalik ang paningin ko nang may humatak sa kwelyo ko.
Isang braso ang sumakal sa'kin mula sa likod. Napakapit ako dito at sinapak-sapak ito. Tumigil lang ako nang humigpit ang pagkakasakal sa'kin at naipit ang lalamunan ko.
Ilang segundo akong di nakahinga.
Kumapit ako sa braso nang hindi ako mawalan ng balanse habang kinakaladkad nito. Napatingala rin ako nang kaunti para iwasan ang mahabang talim ng espada na dumapo sa leeg ko.
Sobrang labo pa rin ng paningin ko, kaya ang nakita ko lang na gumalaw ay mga anino na unti-unting lumalapit.
Maraming beses akong napakurap bago nalamang sina Ash ito. May sariwang pasa siya malapit sa kanyang mata.
"Move, or one of you will die."
Sinunod naman ng iba ang sinabi ng huntsman na may hawak sa'kin.
Wala akong nakitang huntsmen sa panig nina Ash kaya nahinuha kong nasa dako ko sila. Tama nga ang kutob ko dahil pinilit kong tignan mula sa sulok ng aking mga mata ang isa pang huntsman na nakatayo sa tabi ko.
Yung babaeng may dalang pana.
Bumaba ang mga mata ko sa weapon niyang kumikinang at kasingkulay ng buwan.
Matagal ko itong tinitigan. Pamilyar kasi ang dating nito.
Hindi ako nagpatinag sa dumiing espada sa aking leeg at nagpatuloy sa pag-alala kung sa'n ko na nakita ang pana niya, o kung may kamukha ba ito.
Napatingin ako sa malayo, sa kawalan, at ilang sandali pa'y sa buwan na kalalabas lang mula sa likod nina Ash at ng ibang Omegas.
Huntres.
Agad pumasok sa aking isipan si Tita Arah, kapatid ni Mama at kasalukuyang pinuno ng huntres.
Ganyan na ganyan yung pana niya. Ang ipinagkaiba lang ay mas manipis yung pana niya at mas mahaba, kasi longbow yun, eh, hindi flatbow na katulad ng dala nitong huntsman na katabi ko.
"We will come back for the rest of you," anunsyo ng huntsman.
Napatigil ako.
Huh?
Ako unang kukunin nila?
"Would you prefer we make a trade?" suhestyon ni Grey.
Sa likod niya, napansin ko ang mabilis na paglaho ng buwan. Habang tumatagal, isa-isa ring nawala ang mga bituin dahil sa pagkapal ng mga ulap na kasing-itim ng kalangitan.
"One of you in exchange of our lives?" sarkastikong tanong ng huntsman sabay higpit ng kanyang braso. "-is what you mean?"
Naramdaman kong malapit na. Malapit na niyang mapipiga ang lalamunan ko.
Tangina. Di na naman ako makahinga.
Nakita ko si Henri na palihim na sumulyap sa itaas. Inilibot niya ang kanyang paningin sa ibabaw namin, saka dahan-dahang ibinalik ang kanyang atensyon sa harapan.
"Anything better you could offer?" tanong ni Grey.
"How about nothing," mariing sagot sa kanya ng huntsman.
Kumibit-balikat si Grey.
"We need to go," mahinang tugon ng babaeng huntsman. "One of us is severely wounded."
"The more reason we should stay."
"What do you mean?" Halatang naiinip na ito. "We already got what we need-"
Pumuti na naman ang pananaw ko.
Hindi dahil nasa bingit na naman ako ng kamalayan, kundi dahil walang ingay na sumiklab ang kalangitan, na para bang may sumindi nito, at agad ding hinipan.
Aatras na sana ako kung hindi sa huntsman na pumigil sa'kin.
Napalunok ako kahit mahapdi sa lalamunan.
Tila bumababa ang langit dahil sa mga ulap na pakapal nang pakapal.
At alam kong hindi lang ako ang nakaramdam ng bigat nito.
Nag-aabang ang katahimikan na nasa pagitan naming lahat. Naghihintay, nagmamatyag, at nakikiramdam.
Dumikit ang hangin sa balat ko, na parang malamig na pawis, at pinalibutan kami ng kakaibang lamig na di gumagalaw.
Tagos sa balat ang biglaang pag-iba ng atmospera, dahilan na manginig ang kinailaliman ng bawat buto ko.
Sa pangalawang pagkakataon, nagliyab ang kalangitan.
At wala pa ring tunog, na siyang ikinabahala ko.
Dahil alam kong nakadepende ang lakas ng bagyo sa katahimikan ng pagdating nito.
Nagsimulang gumalaw ang hangin. Mahina itong umugong, tila bumubulong sa'kin.
Sinundan ko ng tingin ang isang maliit na kislap na lumulutang sa ere. Dumapo ito sa kamay ng huntsman dahilan na mapaigtad siya at napabitaw sa kanyang espada.
Kinagat ko ang braso niya sabay tulak nito. Binalibag ko ang kamay niyang nagtangkang umabot sa'kin at saka kumaripas ng takbo.
"Tumabi kayo!" sigaw ko at nilagpasan ang Omegas. "Kanya-kanya na 'to!"
Sa huli at pangatlong pagkakataon, sumabog ang kalangitan.
Ngunit di katulad ng mga nauna, may dala na itong ingay na ikinayanig ng lupa.
Tumalon ako ng mataas mula sa dulo ng platform, ilang segundo bago nawasak ang buong facility at narinig ko ang pagguho ng bundok.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top