Responsibility

Reign's POV

Nakapangalumbaba ako habang nagbabasa ng libro sa library.

'Before the world was created, there was Chaos, the nothingness, and Time, the indefinite progress of existence....'

Nakakunot ang aking noo nang dahan-dahan akong mapasandal sa upuan.

Kaunti lang ang mga librong nagme-mention kay Destiny, kung meron man, tungkol naman ito sa mga Moirai, ang Greek reincarnations of destiny and goddesses of fate.

"So, what did you find?"

Inangat ko ang aking tingin kay Grey na umupo sa tapat ko.

"Grey," sambit ko. "Napakita ba ni Mama sa'yo yung nangyari sa kanya no'ng nabura ang mundo?"

Umiling siya.

"You think we can ask Mom?" tanong ko.

"I can send her a letter," suhestyon niya na tinanguan ko.

"Kuya..." bulong ko at humilig papalapit sa kanya. "Ngayong kinumpirma nang anak siya ni Destiny, ano sa tingin mo?"

"I already told you, I think this school year's going to be fun."

"Hindi." Umiling ako. "Anong tingin mo sa kanya?"

Kumunot ang kanyang noo. "Did he hurt you?"

"No," sagot ko. "But he keeps provoking me."

"And?"

"And I don't like it."

"Pfft-" Nagpigil siya ng tawa. "You're just threatened, Reign."

"No, it's..." Napatingin ako sa malayo. "-something different."

"Oh?" Umangat ang magkabilang kilay niya. "My sister's feeling something different?"

"Grey!" pabulong kong sigaw. "Kaya kita pinapunta rito para tulungan ako."

Natawa siya nang mahina. "Fine." Inusog niya ang kanyang upuan papalapit sa mesa. "What do you want me to tell you?"

"Have you seen his memories?"

"When we were young, yeah." Tumango-tango siya. "He lived in the Underworld. A man named Hector that he calls his dad, trained and educated him."

"How about now?" usisa ko. "Nakikita mo pa rin ba ang mga ala-ala niya?"

"No, Reign," ani Grey. "Like every other powerful demigod, Alpha and Omega, he's able to control his aura and make a barrier for himself."

"May Auraic Studies din sa Underworld?" namamangha kong puna.

"No, silly." Tinawanan niya ako. "He learned it himself."

"Paano?"

"I don't know." Itinupi niya ang kanyang mga braso sa dibdib. "And why are you asking me about Henri? I thought you're studying about Destiny?"

Nasilayan ko ang kakaibang ngiti na namuo sa kanyang labi. "Reign?"

Tinapunan ko siya ng tamad na tingin. "Alis," utos ko.

"You asked me to come help you-"

"I changed my mind," giit ko. "Di na kita kailangan."

Pinaningkitan niya ako habang nakangisi pa rin, at ilang sandali pa'y napatingin sa libro na nakabuklat sa harapan ko.

Ipiniling niya ang kanyang ulo rito. "What's that?"

Kinuha ko ito at inabot sa kanya. "A historical book."

He crossed his legs the moment he leaned back against his chair and started reading it.

Nakarinig ako ng mga boses kaya napalingon ako sa direksyon ng mga babaeng nagtitipon-tipon sa may dulo ng bookshelf na pinakamalapit sa'min.

"Andito mga miyembro ng fanclub mo," pagbibigay-alam ko kay Grey.

Bahagya niyang ibinaba ang libro at napatingin sa mga babaeng sabay-sabay na napasinghap.

Nginitian niya ang mga ito, at narinig ko ang pagpipigil nila ng tili.

"Really?" I gave him a bored look.

"Destiny's not a popular deity, is he?" Inilapag niya ang libro sa mesa.

Kimuha ko naman ito. "I know," sang-ayon ko. "We don't have much information about him."

"I'll send a letter to Mom." Tumayo siya at inayos ang pagkakakapit ng kanyang blazer sa balikat niya. "She'd be happy to help you with your..." Nanumbalik ang nanunukso niyang ngiti nang pakawalan ang huling salita. "-investigation."

"Au revoir, ma belle," paalam niya. "À bientôt."

'Goodbye, my beautiful, see you later.'

Hinatid ko siya ng tingin papalabas ng library. Natawa pa ako nang mahina nang makitang sinundan siya ng mga babaeng patagong nakamasid sa kanya kanina.

Pagkatapos, muli akong napaharap sa mesa.

"Destiny..." bulong ko sa sarili.

Nakaramdam ako ng pamilyar na presensyang papalapit sa'kin. Agad akong napalingon sa pinanggagalingan nito at nakita si Paige na nakakunot ang noo.

Mabibigat ang bawat hakbang niya papunta sa kinaroroonan ko kaya't napaayos ako ng pagkakaupo.

"What is it?" tanong ko.

"The council," sabi niya nang makarating sa harap ko. "They're not giving in."

Matagal-tagal akong napatitig sa kanya. "Sa'n mo nabalitaan 'yan?"

"The founders are here," aniya. "I sensed their presence in the mechanical room."

"And no one knows?" tanong ko.

"I overheard-"

"You eavesdropped," giit ko.

Napabuntong-hininga siya. "I eavesdropped," she corrected herself. "And they're only here to avoid the eyes and ears of the council while talking," aniya. "I think they're using your mother's portal to transfer from one place to another."

"Which means..." May nahinuha ako. "Kailangan nating magmadali bago matapos yung usapan nila at maabutan natin yung portal."

Nagpalitan kami ni Paige ng determinadong tingin bago lumabas ng library at dumiretso sa mechanical room.

Nang makarating kami, agad kong inilapat ang aking tenga sa pinto at pinakinggan ang mahihinang boses sa kabilang dako.

"Di ko naririnig nang maayos-"

"Open it," Paige whispered beside me.

"What?" Pinandilatan ko siya. "No."

"Just open it a bit," pagpipilit niya.

"Ayoko nga kasi!" pabulong kong sigaw. "Baka mapansin tayo!"

"Sino? Sino yung makakapansin sa'nyo?"

Nanlaki ang aming mga mata nang lingunin ang babaeng biglang nagsalita.

In front of us stood a woman with blonde hair. She wore a pastel yellow dress that she paired with a long white cardigan.

It was a foundress.

"H-Hi..." bati ko sa kanya. "Tita Art..."

Patagilid niyang ipiniling ang kanyang ulo habang binibigyan kami ng nangunguryusong tingin. "Kung gusto niyong pumasok-"

"Hindi!" natataranta kong sabi. "H-Hindi po, napadaan lang kami."

"Pero ba't-"

"Hindi po talaga." Nagpakawala ako ng pilit na hagikgik saka siniko si Paige na agad napayuko.

Matagal-tagal niya kaming tinitigan, at unti-unting namuo ang isang malambot na ngiti sa kanyang labi. "Okie."

Hinatak ko si Paige papalayo sa pintuan para bigyang-daan si Tita.

Tinulak naman niya ang pinto at nasilayan ko pa ang huli niyang pagsulyap sa'min bago pumasok.

"Sorry kung natagalan ako..." 

Sa laking gulat namin, na nagdulot din ng labis na kaginhawaan, iniwan lang ni Tita Art na nakaawang ang pinto. 

"Nakalimutan ko na kasi kung sa'n yung CR..."

Dali-dali kaming lumapit ni Paige sa gitna ng pinto para makiusisa.

"What if..." Narinig namin ang boses ni Mrs. Sol. "What if Trev, tamaan mo nalang ng kidlat yung platform nila?"

"I don't think threats will be as effective." Boses na naman ng babae ang nagsalita, at nakita ko ang bahagyang pag-angat ng ulo ni Paige nang marinig ito. "We should just try to talk and convince."

"Cesia? Baka pwede mong gamitin yung ability mo?" mahinahong tanong ng isang lalaki.

"Dio." Narinig ko ang kabadong tawa ni Mama. "Hindi natin pwedeng gamitan ng kapangyarihan yung council," sagot niya. "Baka mas lalong hindi sila makinig sa'tin."

"Then what the hell are we going to do then?" Mrs. Prince asked, her voice obviously annoyed.

"Wala ba talagang balak mamahinga ang mga gurang na 'yan?" tanong ng isa pang lalaki. "Dati pa 'yan sila, ah."

"I could show them Henri's medical information as a demigod but that would be a breach of confidentiality," ani Doctor Seht.

"Ayaw talaga, twinny?"

"No, Art, I'm sorry."

"What if..." Nagsalita na naman si Mrs. Sol. "What if- tangina wala na akong maisip."

"We're taking time." I finally heard my Dad's voice. "Let's go back," tugon niya. "I'm sure we can respond to whatever they have to say."

Sinundan ito ng katahimikan, kaya sumilip ako sa loob at nakita ang mga magulang namin na isa-isang pumasok sa portal sa gitna ng mechanical room.

Si Dad ang siyang nagpahuli sa kanila at nanlaki ang aking mga mata nang mapahinto siya bago pumasok sa portal.

Agad akong nagtago sa sandaling gumalaw ang ulo niya at lumingon sa direksyon ko.

Nagbilang ako ng mga apat na segundo bago unti-unting sumilip ulit.

Nakapamulsa si Dad habang nakaharap sa portal at suot ang blankong ekspresyon, humakbang na siya papasok dito.

Nang makita siyang maglaho, hinila ko si Paige patakbo sa gitna ng mechanical room.

"Reign!" sigaw niya. "Reign! What are you do-" Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang higpitan ko ang pagkakahawak sa braso niya at lumundag papasok sa nanliliit na portal kasama siya.

Napasinghap ako nang bumungad sa'kin ang likod ni Dad kaya mabilisan kong hinatak si Paige patago sa likod ng isa sa wooden stands.

"Reign-" Halatang hindi mapakali si Paige habang nakasandal ang likuran sa stand.

"Shh!" I signaled her to keep quiet. "Hide your presence."

Sumilip ako at nakita ang mga babae't lalaki na nasa kabilang dako ng silid. May mga matatanda sa kanila at meron ding tila ka-edad lang nina Mama. Nakaupo sila sa mga trono na pakurbang nakahanay at nakaharap sa sampung founders na nakatayo sa likod ng mahabang mesa.

The temple was huge. It was made of white stone and the ceiling in the middle was in the form of a dome, at dito nakasabit ang malaking chandelier na mga kandila ang nagsisilbing ilaw.

Pinapahiwatig din ng mga baging na nakabalot sa pader ang katandaan ng istraktura. Pinaiikutan ng wooden stands ang gitna ng silid at may makakapal na pillars kung saan nakadikit ang malalaking torches.

"Do we agree to compromise?" tanong ng matandang lalaki na siyang nakaupo sa pinakagitnang trono.

Nakapikit lang siya, at hindi na niya kailangang buksan ang kanyang mga mata para malaman kong mga butas lang ang nasa likod ng mga talukap nito.

"To let Henri stay in the mortal realms but spend most of his time here in the temple..." Umalingawngaw ang seryosong boses ni Dad.

"What?!" Hindi ako makapaniwala.

"No."

Napatigil ako, pati na rin si Paige. Yumuko siya at nakisilip na rin.

"What you are asking, council, is a life," dagdag pa ni Dad. "A life meant to be lived properly, and if you are going to take that away, then that makes you murderers... of dreams, hope, and opportunities."

"He is the son of Destiny."

"He is the son of a foundress, an Omega, a demigod who risked her life for you to be here."

Naramdaman ko si Paige na napatayo. "Reign..." tawag niya.

"Teka-" Napahawak ako sa gilid ng stand. "Nakikinig pa ako."

"Reign!" pabulong niyang sigaw.

Mabilis ang paglingo'ng ginawa ko sa kanya. "Ano?!"

Sinenyasan niya akong tumingin sa kabilang direksyon.

Lumingon ako sa may malaking archway ng silid. Sa labas ay may madilim na hallway, at agad nanlaki ang aking mga mata pagkatapos makita si Vance na nakatayo at marahang nakatukod ang palad sa archway.

Napatayo na rin ako.

Anong ginagawa niya rito?

Sa likod ni Vance, humilig patagilid si Grey at kinawayan pa kami nang nakangisi.

May sinenyasan si Vance sa kanyang likuran bago naunang pumasok. Dumiretso siya sa likod ng wooden stand na nasa tabi ng pinagtataguan namin ni Paige.

Sumunod sa kanya si Grey at sa sandaling lumabas din ang kambal mula sa hallway, kusang bumigat ang aking panga.

Sa likod ng kambal ay sina Zack na inanga't babaan lang kami ng kilay at si Bella na nakayapos sa sirang stuffed toy niya. Sinulyapan niya kami ni Paige saka tahimik na dumako sa likuran ng stand.

I let out a sigh of relief after noticing that they didn't leave any hint of their presence. They also didn't make a sound when they entered.

Akala ko si Bella ang panghuling papasok kaya laking gulat ko nalang nang masilayan ko ang isang lalaking kalmadong lumabas ng hallway. Mababagal ang kanyang hakbang papasok sa silid dahilan na kabahan ako.

At mas lalo akong kinabahan nang huminto siya sa gitna ng archway. Bahagyang natatakpan ng anino nito ang kanyang mukha't katawan at sa sandaling ibinunyag niya ang kanyang sarili sa liwanag mula sa loob ng silid, nanatili lang siyang nakatayo, nakatitig sa harapan.

Akmang lalapitan siya ni Paige pero pinigilan ko ito.

At this point, the council should've already noticed him but even after a few seconds of him literally just standing across them... nothing happened.

He gave Paige and I a blank look before hiding with the others.

"How?" Narinig kong tanong ni Paige.

"Mist..." Napagtanto ko. "He can not only hide himself from the mist, but he can also hide the mist so no one can sense it."

Hindi niya lang itinago ang presensya niya, pati na rin ang presensya ng mist na ginamit niya para magtago mula sa mga mata ng council.

And to think that I didn't even see him twitch by doing it... meaning, no efforts were made when he did it.

Napatulala ako sa sahig.

What level of control does he have over his abilities?

Dahan-dahan kong inangat ang aking tingin sa lalaking nakakunot ang noo habang nakikinig.

That's... the son of Destiny?

"Henri Percival Slade is a threat to the balance we swore, including you, to maintain."

Ibinaling ko ang aking atensyon sa council.

"And who do you think restored that balance?" Isang foundress na ang nagsalita. Si Tita Kara, na anak ni Athena. "You only existed to maintain the balance. His mother existed to restore it."

"No, he will stay," giit ng council. "We have already agreed that he could continue to live in our realm, as long as he will be under our eyes and guidance."

Kinuyom ko ang aking palad. In short, you're going to imprison him.

"If you want him to have his freedom, then we say let him go back to the Underworld, to the kingdom of Hades, where he belongs."

Tinignan ko si Henri na unti-unting sumasayad ang paningin sa harapan.

"Henri does not belong anywhere, but the Academy." Dad's voice echoed once again within the hall. "With the Omegas."

"Then it seems like we cannot force a compromise as of this moment," puna ng council. "We will arrange for a messenger from the Underworld to fetch him, and he will stay in the Underworld, until we could decide on a decision."

Kumunot ang aking noo. Pero bukas na yung first day of classes...

"I believe someone could offer a compromise."

Napatigil ako sa sinabi ni Dad.

"Am I right, Skyreign?"

Sinundan ito ng katahimikan.

Napalunok ako.

Pinalipas ko muna ang ilang segundo upang mapakalma ko ang sarili ko. Saka ako dahan-dahang humakbang papalabas mula sa likod ng stand.

From the corner of my eyes, I saw my mom's mouth slightly open. "Reign?"

Yumuko ako sa council at founders. Ramdam ko ang bigat ng mga matang nag-aabang sa'kin nang magsimula akong maglakad papalapit sa gitna ng silid.

Huminto ako sa likod ng founders na nakahilig paharap sa akin, at sa tapat ng council na napatayo.

"He has already enrolled himself in the Academy," sabi ko sa kanila. "And we do not plan on letting him go for the sole reason of his existence."

"I've memorized all the rules, the requirements when a student ought to be expelled and Henri, has not met any of that requirement. He has not done anything wrong. He has not broken any rules of the Academy-" Bahagya kong iniyuko ang aking ulo sabay angat ng aking tingin sa council. "Nor he has not broken any rules of the realms."

"When he was born, did the world detonate itself?" tanong ko. "No, it didn't."

"There is a reason, council, that he continued to live, despite who he is," dagdag ko. "It is not his fault that he was born as the son of a primordial god."

"You do not have control over the realms, and the realms..." I gave the founders a quick glance. "The realms chose to let him live."

"And what could be the reason why the realms let him live?"

Natawa ako nang mahina. "Hindi ko rin alam, sa totoo lang," sagot ko. "Kaya magiging kasalanan niyo kung hindi natin malalaman ang dahilang ito."

Nanatili akong nakatuon sa council nang tumahimik sila.

Dahan-dahang napaikot ang sampung founders paharap sa'kin. May iba sa kanila na napahalukipkip ang mga braso sa dibdib kagaya ni Dad, at may iba rin sa kanila na napangiti katulad ni Mama.

"Let us, the Omega Class, watch him for you," suhestyon ko. "We have always looked out for each other, and Henri is not an exception."

"And what if he brings nothing but chaos?"

"The world is already in chaos, council." Nginitian ko sila. "Why do you think we still have missions?"

Again, there was silence, followed by the voice of the councilor standing in the middle.

"If we accept your offer, do you promise to face the consequences?"

I pursed my lips for a moment before answering. "I promise to accept every consequence."

He slowly nodded. "Consequences of both responsibility and your decision?"

Matagal-tagal akong nakasagot.

"I do."

Ibang boses ang sumagot kaya sabay kaming napatingin sa direksyon ni Grey na nakataas ang kamay at nakasuot ng isang determinadong ngiti.

"I do, too." Paige also revealed herself beside him.

"We all do." Ibinunyag na rin ni Vance ang sarili niya kasama yung iba.

Except Henri, of course, who still has not let his presence known to the council and the founders.

Nginitian ko sila saka muling hinarap ang council.

"We promise to accept every consequence, may it be death or a lifetime in Tartarus." Sa wakas, ay nakapagbigay na rin ako ng sagot.

"For a stranger," sabi ng council.

"For an Omega," sabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top