Reputation
Reign's POV
Pumasok sa loob ng classroom ang isang babaeng may dalang libro at nakasuot ng manipis na salamin.
"Good morning, class," bati niya sa'min nang makarating siya sa likod ng teacher's table. Ibinaba niya rito ang libro at nginitian kami.
"Good morning, Miss Ira," sagot naman namin.
"It's a good thing you're all seniors now, right?" Natawa siya. "Nagkagulo-gulo kasi schedule ko, until last year, because I had to teach the least populated class both arts and ethics."
"Now, it's just ethics." She seemed relieved.
Tinignan niya si Henri na nakaupo sa pinakadulo ng row na kinauupuan ko. "Hello, Henri."
Bahagya lang ipiniling ni Henri ang kanyang ulo, at ginantihan siya ng isang nangunguryusong tingin.
"I introduced myself to your father once," ani Miss Ira. "He was the president of our class, and he looked at me the same." Kumibit-balikat siya. "Turns out he was Destiny."
"Hendrick Slade..." bulong ni Miss sabay bukas ng libro. "Now, Henri, if given the chance to face Destiny, what are you going to do?"
Inangat niya ang kanyang tingin kay Henri. "Knowing that there's a possibility the reason why your mom died is because he came to collect her, the same moment you were born."
Napatigil ako.
"She didn't get to hold you, did she?"
Bahagyang bumukas ang aking bibig.
"Ethics..." Narinig ko ang namamanghang bulong ni Amber na nakaupo sa likod ko. "Putangina..."
Alam kong nakatuon na silang lahat kay Henri ngayon, kaya dahan-dahan kong nilingon si Henri at nakita siyang nakatitig sa likuran ng kaharap niyang upuan.
Madahan niyang inilipat ang kanyang tingin kay Miss Ira. "It will take an eternity for me to meet my father."
"I asked what you will do once you meet him," ani Miss Ira. "Even if it takes an eternity."
"I don't know," sagot ni Henri. "You've met my father. What would he do once he meets me instead of just watching?"
He leaned against his chair and rested his elbow on the edge of his desk. "What I will do depends on what he will do," dagdag pa niya. "I don't care about what he did."
"Because it's all in the past?"
"Because I have another dad." Namuo ang isang ngiti sa kanyang labi. "And though I don't have my mother, I have Thanatos and Matilda."
"But it's still different, isn't it?" tanong ni Miss Ira.
Natawa siya nang mahina. "But feeling bad about it will not change anything, does it?"
Muli akong tumuon kay Miss Ira at nakita siyang napangiti. "Right."
Dahan-dahang bumagsak ang aking tingin sa harapan.
It's only now that I've noticed, but why does he seem empty to me?
Sure, he smiles and talks and obviously enjoys teasing me but...
Nagkasalubong ang aking kilay nang maalala ang sandaling napatitig ako sa kanyang mga mata.
Inside his eyes, I only saw golden mist. Nothing more. No underlying gentleness, nor bitterness.
"Reign?"
Beneath Henri's gaze, was just a calm void, and I don't know what to make of it.
"Reign, are you listening?"
Mabilis kong inangat ang aking ulo kay Miss Ira. "Yes-" sagot ko. "Yes, Miss."
"It's not you to drift off lectures, are you okay?" nag-aalala niyang tugon.
Nginitian ko siya. "Better than ever."
"Miss," tawag ni Amber. "May moralidad ba kapag hindi mo intensyong maapakan at mapatay ang isang palaka?"
"You just said it's unintentional, Amber."
"Opo," sang-ayon ni Amber. "Pero kasi tao pala 'yon na naging palaka lang. Classmate mo pa."
"Miss!" sambit ni Zack. "May moralidad ba kung nagalit yung palaka at nang mag-anyong tao ulit, sinaksak ang nakaapak?"
"That's revenge, Zack."
"Miss!" Si Amber na naman. "Ang bobo nung tanong, ano? Paano makakasaksak yung palaka kung napaakan na at namatay?"
"Amber, watch what you're saying-"
"Miss, okay na," ani Zack. "Pinatawad na ng palaka ang duling na nakaapak."
"Desisyon ka? Sinabi ko bang duling yung nakaapak?"
"Di na sasagot yung palaka. Nasa langit na."
Sinundan ito ng ilang segundo ng katahimikan. Akala ko tapos na ang kanilang usapang palaka nang biglang bumulong si Amber.
"Rest in peace, Zacharille Frog Prince..."
"What the fu-"
"The both of you." Itinukod ni Miss Ira ang magkabila niyang palad sa mesa. "Silence? or Detention?"
Agad na tumahimik yung dalawa ngunit mariin pa rin silang tinitigan ni Miss Ira, na para bang nag-iisip kung itutuloy niya ba ang kanilang detention.
Tension grew inside the room, while waiting for her decision
Bahagyang bumukas ang kanyang bibig pero bago pa siya makapagsalita ulit, narinig ko ang malumanay na boses ni Ash.
"Miss?"
Dahan-dahang umayos sa pagkakatayo si Miss Ira. "Yes, Ash?"
"I read the book and I need clarifications about some of the principles..."
Lumambot ang nakakunot na noo ni Miss Ira. "Which principle?"
"About the gods meddling with human affairs."
Humugot ng malalim na hangin si Miss Ira at yumuko sa kanyang libro. "Alright," kalmado na niyang sabi. "Open your book to page..."
Sabay kaming napabuntong-hininga ni Paige.
"Ash." Narinig kong bulong ni Amber. "Mahal kita, 'lam mo yan?"
Sinundan ito ng mahinang tawa ng kambal niya.
Paige and I exchanged relieved looks, before turning around to face Ash who gently smiled at us.
Naramdaman ko ang mahinang pagtulak ni Paige ng aking hita, at marahan ko namang tinampal yung kamay niya.
We looked dreamily at the Omega's knight in shining armor... and then sighed defeatedly.
Too bad he's already in a relationship.
Nagpalitan kami ni Paige ng dismayadong tingin.
Mahirap man pero kailangan na talaga naming tanggapin na wala.
Wala kaming kalaban-laban sa isang goddess.
• • •
Pinanood namin kung paano sampalin ng isang babaeng estudyante si Vance sa gitna ng hallway.
It was a Beta student.
"Uh-" Napahawak si Vance sa kanyang pisngi. "Who... who are you, again?"
"You kissed me during the party!"
Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Vance. Sa tabi niya ay si Grey na unti-unting umaalis sa eksena habang nagpipigil ng tawa.
"Oh..." ani Vance.
"And you forgot my name?!" sigaw pa ng babae at inangat ang kanyang kabilang kamay. "How dare-"
Nakita ko kung paano bahagyang pumiling ang ulo ni Vance para paghandaan sana ang isa pang sampal, ngunit hindi ito natuloy dahil kay Amber na mahigpit na napahawak sa braso ng Beta.
Tinapunan niya ito ng tamad na tingin.
"What are you doing?!" Nagpupumiglas ang babae. "Let go-"
"Hindi ka naman siguro pinilit ni Vance, ano?" tanong ni Amber nang hindi pa rin binibitawan ang braso nito. "Masyado kasing halata na nagustuhan mo rin yung nangyari."
"But we still made out-"
"Kung gano'n, eh ba't ka biglang nananampal?" Umangat ang magkabilang kilay niya. "Para ipalabas na mas lamang ka sa mga babaeng nahalikan na niya?"
Yumuko patagilid si Grey sabay takip ng bibig. Samantalang si Zack naman ay napangisi habang hinahagod-hagod ang buhok ni Bella na naiiyak at nakakapit pa rin sa kanya simula nang lumabas kami ng classroom.
"That's enough," tugon ni Vance.
Marahas na binitawan ni Amber ang Beta at pinasadahan ng nagbabantang tingin si Vance. "Huwag kang mag-sorry."
"I'm sorry," ani Vance.
"Gago," puna ni Amber.
"I'm sorry if I kissed back, because I remember it was you who pulled me into a corner." Sumingkit ang mga mata ni Vance. "I also thought you were another girl."
"Vance!" pabulong kong sigaw.
"Terribly sorry." He shrugged his shoulders. "I tend to confuse people when I get drunk."
Tinignan ko ang estudyanteng babae na napakuyom ng mga palad.
"Ayan, nag-sorry na siya," sabi ni Amber. "Ikaw na naman."
"No need." Napangiti si Vance. "It was completely my fault."
"No. You've taken advantage of me," giit ng babae. "I was just as drunk as you."
Mabilis na nabura ang ngiti ni Vance. Napatigil din kaming lahat.
"I'm going to report you."
Dahil dito, pumagitna na ako sa kanila. "Hi." Nginitian ko ang Beta. "Alam mo ba yung pinagsasabi mo?"
"Damn right, I do."
Tumango-tango ako. "Grey." Nilingon ko si Kuya. "Pwede mo bang ipakita sa'min ang nangyari sa kanilang dalawa ni Vance?"
Nginitian ako ni Grey. "Sure."
Mula sa malayo, narinig namin ang papalakas na boses ng isang babae, ngunit agad itong naglaho nang magsalita ang Beta na nasa harap ko.
"Stop it."
Muli akong humarap sa kanya. "You just entered the Academy last year, didn't you?" tanong ko sa kanya. "You're new and you already think you have the power to say and do anything to others?"
She maintained her straight posture, dahilan na mamangha ako.
I gritted my teeth and smiled at her, as the skies darkened above us. From the distance, grew the sound of roaring thunder threatening to touch the ground.
"I wonder what you heard about us, hmm?" nagagalak kong tanong sa kanya.
Her own voice echoed around the school, and I knew it was my brother's doing.
'Omegas? Aren't we as powerful as their parents? Which means they're only half of us, right?'
Napasinghap siya at napaatras ng isang hakbang.
"Right?" Letting out a sarcastic laugh, inulit ko ang huling katagang sinabi niya sabay pakawala ng kapangyarihan sa aking kinatatayuan.
Akmang lalayo pa siya sa'kin nang biglang manlambot ang kanyang mga tuhod. Padabog siyang napaupo sa gitna ng corridor habang nanlalaki at namamasa ang mga matang nakaangat sa'kin.
And as her whole body trembled in fear, so did the clouds, in rage and anger.
"Oh, no." I chuckled. "No one's allowed to walk out on me."
Ipinalikod ko ang aking mga kamay at dahan-dahang humakbang papalapit sa kanya hanggang sa makarating ako sa tapat niya.
"I'm Reign, by the way," pagpapakilala ko. "-of the Omega Class."
Minasdan ko kung paano niya sapilitang pinagalaw ang kanyang mga braso't binti upang lumayo sa'kin.
"Kaklase ko yung sinampal mo, pinagbantaan at pinakitaan ng kapangyarihan," paalala ko sa kanya. "Pero hindi mo pa talaga naranasan mapakitaan ng kapangyarihan, ano?"
"Reign-"
Itinaas ko ang aking kamay sa direksyon ng boses ni Paige.
At kasabay sa mabagal na pagbaba ng aking braso, ay ang unti-unti kong pagbitaw ng kapit ng aking kapangyarihan sa aming kapaligiran.
Napansin ko ang paglingon ng ibang mga estudyante sa labas upang panoorin ang muling pagbukas ng kalangitan.
"You can say and do anything you want to my class." Nginitian ko ang Beta. "But you'll have to go through me first. You understand?"
Tumango-tango siya.
Inabot ko ang aking kamay sa kanya ngunit imbes na tanggapin ito ay gumapang siya papalayo sa'kin. Umikot siya at pagkatapos ilang beses na dumausdos ang kanyang mga paa sa sahig, nagawa na niya ring tumayo.
Ibinaba ko ang aking kamay. Sinundan ko ng tingin ang estudyanteng agad kumaripas ng takbo patungo sa dulo ng hall.
"The only difference between you and your father was that he always frowned."
Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang tinig ni Mrs. Prince sa aking likuran.
"-and he actually summons lightning to fall on your feet."
Umikot ako.
"Hello, Omegas." She smiled and glanced down at her watch. "You have exactly five seconds until you're officially late."
Nagtinginan kaming lahat at sabay na gumalaw para mag-unahan sa direksyon ng portal na sinummon ni Grey.
Sa sandaling lumundag kami papasok nito, nahagilap ng aking mga mata ang kinang ng isang blade na dumaan mula sa aking likod.
"Daggers!" anunsyo ko nang makalapat ang aking mga paa sa sahig ng training room at tumakbo patungo sa dulo ng silid habang pinapaulanan kami ng mga kutsilyo ni Mrs. Prince.
"Teka lang!" Narinig kong sigaw ni Amber. "Agh!"
"Amber!" ani Ash.
"Ilag mga kumag!" sigaw ni Zack.
At sa likod ng kanilang natatarantang sigawan ay si Bella na tumitili habang humahagikgik.
Napahawak ako sa aking braso nang madaplisan ako.
Nagsitigilan kami sa tapat ng pader. Marahas kaming napapihit paharap sa direksyon ni Mrs. Prince na kapapasok lang ng portal.
"Welcome to your first PE session."
Humihingal kami habang binabantayan ang bawat galaw niya.
Napangiwi ako nang biglang kumirot ang hiwa sa aking braso. Humigpit din ang pagkakapalipot ng aking mga daliri rito.
"Shit."
Nilingon ko si Vance na napamura sa sakit.
Marahas niyang hinatak ang isang dagger na bumaon sa gilid ng kanyang hita at binitawan ito. Idiniin niya ang kanyang palad sa sariwang butas ng kanyang pantalon at tinignan ang bahid ng dugong kumalat dito.
Sa tabi niya ay si Grey na nakatalikod kay Henri. "Can you pull out the knives on my back, Percival?" natatawa niyang tugon. "I think there's two."
Pinaningkitan siya ni Henri. "No, there's three."
"Oh," Grey replied. "I don't feel the third-" His lips pursed the moment Henri pulled one of the daggers.
"Henri, fils de pute." He chuckled. 'Henri, you son of a bitch.'
After Henri finally dropped the last dagger on the floor, Grey flexed his back. He rubbed the back of his shoulder while gently stretching his neck first to the right, then to the left.
He slowly lowered his head to look at me. "Reign? Your arm is bleeding."
I sighed. "I know."
May sinilip siya sa aking likuran kaya napalingon din ako at nakita si Paige na nakayuko at hinihigpitan ang nakataling necktie sa kanyang hita.
"A full blade lodged inside my thigh." Tumayo siya at humarap sa'min. "You?"
"I only have a graze," sagot ko. "No one got killed, right?"
"Bye, Academy. Hello, Underworld."
Nilingon namin si Amber na nakaupo sa sahig. Nakayuko sa tabi niya si Ash na nakahawak sa dumudugo niyang tagiliran.
"Elysium pala..." bulong ni Amber. "See you, lola ko sa tuhod."
Malakas na napabuntong-hininga si Zack sa kabilang gilid niya. "Rest in peace, Amber, daughter of the light and the bearer."
Agad namang napatayo si Amber na ikinagulat ng kambal niya.
"Kanina ka pa talagang hayop ka!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top