Remedy
Reign's POV
Napahinto ako pagkatapos makita ang isang firetruck sa driveway ng dorm.
Binilisan ko ang aking mga hakbang papalapit sa dalawang satyrs na nakatayo malapit dito, at napatigil naman sila nang mapansin ako.
"What-" nag-aalala kong sambit. "What happened? The Omegas? Where-"
"Hello, Reign," bati ng isa. "We just finished the half-day renovation of the first floor of your dorm."
Napailing ako sa pagtataka. "Wha-" I held in my breath. "Why?"
"There was a fire and an explosion-"
Hindi ko siya pinatapos dahil agad akong kumaripas ng takbo patungo sa dorm. "Grey!" sigaw ko, at nilagpasan ang iilan pang satyrs na napatingin sa'kin. "Paige! Bella!"
Kamuntikan na akong tumama sa pinto nang natataranta kong pinihit ang knob at marahas na hinatak ito pabukas.
Agad akong sinalubong ng dalawang pagsabog ng confetti at silang lahat na nakatayo sa gitna ng sala, nakasuot ng party hats maliban kay Bella na naka-witch hat.
"Surprise!" sabay nilang sigaw.
Napatigil ako, at habang nanlalaki ang mga mata ay mahinang napaatras pasandal sa pinto.
"Anong-" Napahawak ako sa dibdib ko. "Anong..." kapos sa hininga kong tugon. "Surprise?"
"Tangina! Nagulat nga!" ani Amber na siyang nagpasabog ng confetti kasama si Zack.
Saka ko inangat ang aking tingin sa makulay na banner na nakasabit sa railings.
'WELCOME BACK, REIGN!'
Napakurap-kurap ako rito, at sa lahat ng decorations na bumungad sa'kin. Mula sa balloons na lumulutang habang nakatali sa railings, sa mga bulaklak, pati na mga paper lanterns.
Kasunod kong isa-isang tinignan ang napakaraming mga regalo sa sahig.
Bumukas ang aking bibig ngunit walang boses ko ang lumabas. Kaya binigyan ko nalang sila ng nagtatakang tingin habang nakakunot ang aking noo.
"It's a welcome back party!" Grey announced as if I have not read the large banner above them.
"Pero..." giit ko. "Ilang oras lang naman akong nawala..." Nanghina ang aking boses. "Tsaka, nasa village lang din naman ako, hindi ako umalis."
"Umalis ka pa rin naman ng bahay, ah?" ani Zack.
"The twins actually destroyed the living room and kitchen when they found out about Henri, so we had to renovate it," paliwanag ni Paige. "We bought some stuff from the mall and the party was your brother's idea."
Tinaas ni Bella ang kanyang kamay at tumalon-talon. "Ako rin kaya!"
"Haunted house idea mo, baliw," sabi ni Amber.
"Well, she technically was the first one who wanted to surprise Reign," tugon ni Vance dahilan na makatanggap siya ng matalim na sulyap mula kay Amber.
"Sana pala itinutok ko 'tong party popper sa mukha mo, 'no?" naiinis na saad nito.
"Mmm." Vance hummed boredly.
"Aba-" Akmang ibabato ni Amber ang party popper nang pigilan siya ni Paige na nilingon siya.
"Everyone!" Grey grabbed all their attention. "We will let Reign speak, pas vrai?"
Tapos, sabay silang napatuon sa'kin na nakamasid lang sa kanila, hindi makapagsalita dahil abala pa rin ako sa pagpapatahan sa puso kong kumakabog pa rin sa kaba.
"Kuya naman, eh..." naguguluhan kong sambit. "Akala ko may nangyaring masama sa inyo."
"Sa'min pa talaga, Reign?" natatawang sabi ni Amber. "Nakalimutan mo na ba kung sino kami?"
Matagal-tagal akong napatitig sa kanila.
'Minsan kasi...'
Kumunot ang aking noo nang maalala ang sinabi ni Mama.
'Nakakalimutan mo kung saan ka galing at sino yung mga kasama mo palagi...'
Kumibot-kibot ang isang sulok ng aking labi, nagtatangkang umangat.
"Ayan, pinaiyak niyo," sabi ni Zack.
Napayuko ako ng ulo upang itago ang pamamasa ng aking mga mata.
"Nanginginig 'yan sa saya, tanga," sabat naman ni Amber.
'Huwag mong kalimutan kung sino ka...'
Unti-unting nabuhayan ang aking mukha nang muli ko silang hinarap, at sa aking pagsulyap sa bawat isa sa kanila, isa-isa ring naglaho ang bigat ng bawat duda at pagkadismaya ko sa lahat, sa halip ng mga nangyari.
'At ang mga taong minamahal at handang ipaglaban ka...'
"Nakakainis..." nalulungkot na natutuwa kong puna.
"Reign, bilis!" Dali-daling lumapit sa'kin si Bella at hinila ako sa gitna nila. "Buksan na natin yung mga regalo!"
"Para saan?" Mahina akong natawa. "Tsaka, sa'n kayo kumuha ng pera?"
Napansin ko ang pagtigil nilang lahat nang maitanong ko 'yon dahilan na bigyan ko sila ng nanghihinalang tingin.
"You didn't empty your bank accounts for this, did you?" tanong ko.
Nagpalitan sila ng kakaibang tingin na ipinagtaka ko.
"Umm, about that..." Kinisap-kisapan ako ni Grey. "We used Henri's ID."
Ako na naman ang napatigil.
"He left it?" usisa ko.
"Mmm!" Masiglang tumango si Bella. "Nakabili na nga ako ng bagong kabaong, ih!"
Pinaningkitan ko sila. "All of you?"
Hindi sila sumagot kaya nilingon ko si Paige.
"Even you?" tanong ko.
"I needed new journals," depensa niya sa sarili. "And I was running out of books."
"Let me guess," hula ko. "He also paid for the renovation?"
"Eh, kasalanan naman talaga niya kung ba't nasunog namin yung sala tsaka kusina," sagot ni Amber. "Kung hindi siya naging leader ng Orion, eh di sana namumuhay na tayo ng mas mapayapa ngayon."
"Right..." sang-ayon ko.
"Also got automatic sprinklers installed for the greenhouse." Inangat-babaan ako ni Grey ng magkabilang kilay habang nakangisi. "See, ma belle? It's not all that bad."
"Everything could be falling apart but you still have us," nakangiti niyang sabi. "We're the Omegas, non? We go with you through the end."
Through the end...
Madahang namuo ang isang malambot na ngiti sa aking labi.
Through the end, I assured myself.
Taking in a deep and relieved breath, I looked back at them with the same energy and excitement.
"I guess we can open the gifts already?" suhestyon ko at nilingon ang mga regalong nakakalat sa gitna ng sala.
Magkaiba-iba ang laki nito at may iba na nakapatong sa mesa habang may iba ring nakapatong at nakasandal sa sofa.
"What did you buy, anyway?" usisa ko.
Sabay silang tumungo sa mga regalo at kumuha ng tig-iisa.
"Di rin naman alam! Bwahaha!" Humalakhak si Amber sabay punit ng wrapper ng hugis kahon na regalo sa kamay niya.
Meanwhile, Paige studied a gift in her hand. "We ordered a mystery bundle from each store at the mall."
"Ouija!" Nananabik na itinaas ni Bella ang isang ouija board, at ipinakita ito sa stuffed toy na nakaupo sa carpet, katabi niya. "Hanapin natin mini version nito, Spooky! Meron ata, ih! Nakita ko!"
"Oh, kay Bella lahat ng nabili natin sa witchcraft," anunsyo ni Amber na may tennis racket na sa kamay. "Huwag niyong hawakan. Baka may sumpa."
Kasunod akong napatingin kay Ash na sinusuri ang crystal vials na nakapalagay sa isang wooden tray.
"Would you like this, Vance?" Nag-abot naman si Grey ng isang electric guitar kay Vance na binigyan din siya ng isang succulent plant.
Nilingon ko si Paige na may inabot din sa'kin.
"You have one of these back at your house, don't you?" aniya.
Napangiti ako at saka tinanggap ang isang dilaw na polaroid camera.
"Regardez ça, mon chéri!" nananabik na tawag ni Grey kaya sabay kami ni Paige na napatingin sa kanya, at nakita siyang may kinakaway na cookbook.
Lalapit na sana ako sa kanya nang unahan ako ni Paige.
"Is that Indian cuisine?" nangunguryuso niyang tanong sa kapatid ko.
Saka ako napatigil.
Wait...
Minasdan ko silang dalawa na sabay na sinuri ang laman ng libro.
Wait...
Napahawak ako sa polaroid camera gamit ang dalawang kamay at mahigpit na napakapit dito.
Wait...
Pagkatapos, kusang bumigat ang aking panga.
Mon chéri?!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top