One at A Time
Reign's POV
Sinundan ko ng tingin si Tito Chase na maingat na inihiga ang natutulog na Mikhail sa passenger's seat.
He's sleeping deep, because Doc said that the labyrinth drained energy from the children.
Nilingon ko si Mama na mahinang inuugoy-ugoy si Celeste at tinatapik ang likod nito simula nang makatulog ito sa kanyang bisig, kahihintay kay Dad na dumating dala yung kotse nila pauwi sa mortal realms.
"Are you sure you're going to be okay?" tanong ko sa kanya.
"Reign..." Humarap siya sa'kin. "Isa lang ang babantayan ko sa bahay. Pero ikaw, marami," paalala niya sa'kin. "Sigurado ka bang magiging okay ka rin?"
Huminga ako nang malalim at saka napailing, hindi alam kung anong isasagot.
"Skyreign..." Nanghina ang kanyang boses. "Hindi mo kailangang abutin ang langit para mamahala, katulad ng pangalan mo."
"Anak kita," sabi niya. "May mga magulang ka, kaya magsabi ka sa'min kung hanggang saan lang aabot ang lahat ng makakaya mo, dahil tutulungan ka namin."
"Minsan kasi nakakalimutan mo kung saan ka galing at sino yung mga kasama mo palagi." Gumuhit ang isang nag-aalalang ngiti sa kanyang labi. "Delikado 'yan, anak, alam mo ba 'yon?"
Umiling ako.
"Mahal kita, Reign, at ayokong makita ka na mawalay sa sarili mo para sa iba," aniya. "Huwag mong kalimutan kung sino ka, at ang mga taong minamahal at handang ipaglaban ka."
Napabuntong-hininga ako.
"Ikaw ang pinakamakapangyarihan na kilala ko," saad niya. "Pero mabilis lang matatapon ang lahat ng meron ka sa sandaling mauubusan ka ng pahinga at pasensya."
"Magpatulong ka..." Nanlambot ang kanyang ngiti. "Kung gusto mong mapasan ang bigat ng buong mundo, magpatulong ka."
"Kontrolado mo rin lahat, hindi ba?" Mahina siyang natawa. "Disiplinahin mo muna yung sarili mo, bawas-bawasan mo muna yung mga gusto mong gawin, pagkatapos, mamamalayan mo nalang na magagawa mo na pala lahat, nang hindi nag-aaksaya ng oras at enerhiya."
"Ganyan ang ginawa mo bago mo nadiskubre yung kakaibang kapangyarihan mo, anak," Lumapad ang kanyang ngiti. "Nag-train ka lang, pero hindi mo pinagod ang sarili mo. Nakita ko sa mga ala-ala mo."
"Sinunod mo ang sinabi namin ng Dad mo sa'yo, na magpatuloy pero magpahinga," aniya. "Masunurin ka pa no'n kasi ang bata-bata mo pa, eh..."
Napangiti na rin ako sa sinabi niya.
"Mahal kita, at nag-aalala ako sa'yo," paalala niya ulit. "Kaya sana mahalin mo rin ang sarili mo at mag-aalala ka rin hindi lang sa iba, kundi na pati sa'yo."
"Mmm," sang-ayon ko.
Pinaningkitan niya ako sabay ngiti, na para bang nanunukso.
"Aanhin ang napakaraming kapangyarihan ng mga kalaban, kung may Omegas naman kami na may sarili ding kapangyarihan..." Gumuhit ang determinasyon sa kanyang mukha. "Kapangyarihan na hindi nila kayang makopya, o kung makokopya man, hindi nila kayang malalamangan."
Tumango-tango ako. "I know, Ma."
"Papasok tayo sa digmaan ng mga kapangyarihan, handa ka ba rito?"
"I will be," sagot ko. "Eventually."
"Kung gano'n ipangako mo sa'kin na susundin mo yung sinabi ko. Na maghahanda ka, nang hindi nakakalimutang magpahinga."
"I promise," I said, defeated but contented.
Nginitian niya ako. "Sa digmaan ng kapangyarihan, Reign, kung sino ang unang magbibitaw sa sarili, ang unang susuko ng kanilang kapangyarihan, ay ang matatalo."
"Kaya huwag kang magpatalo, anak," mariin niyang sabi, tila nang-uutos. "Manghihina ka lang, pero hindi ka matatalo."
"Huwag matakot na manghina," pag-uulit ko sa palagi niyang pinapaalala sa'kin. "Got it, Ma."
Maingay siyang napabuntong-hininga. "Chaos..." bulong niya. "Hindi namin siya nagawang talunin, pero nang maipakita namin sa kanya na wala kaming balak magpatalo, naging sapat na 'yon para kumbinsihin namin siya na ibalik sa dati ang realms."
"Pati nga yung pinakamakapangyarihan sa buong kalawakan ay hindi naniniwala sa kapangyarihan lang, anak, eh..." puna niya. "Mas mahalaga pa rin para sa kanya yung lakas ng loob."
"Lakas ng loob na nakikita lang niya?" tanong ko. "Nasasaksihan, pero hindi pa nararanasan?"
Napatigil si Mama sa sinabi ko, pero agad din siyang natawa nang mahina.
"Lakas mo talagang makiramdam," namamangha niyang sabi. "Kawawa din, ano?"
Unti-unti akong napaiwas ng tingin. "Mmm..."
"Reign," sambit niya dahilan na mapatingin ulit ako sa kanya. "Huwag mong kalimutan yung sinabi ko."
Huminto ang itim na kotse sa tapat ng dorm.
"Mag-aral ka rin nang mabuti hangga't wala pa kaming desisyon tungkol sa gagawin natin para kay Hedone." Maingat siyang bumaba ng hagdan. "At pakisabi rin kay kuya mo na huwag na naman manggulo!"
Lumabas si Dad mula sa driver's side para pagbuksan sina Mama at Celeste. Sinarado niya ito at umikot sa harap ng kotse.
Bago pa siya tuluyang makapasok, tumigil si Dad para tignan ako. Ilang segundo niyang sinalubong ang aking tingin, at sinuri ako mula ulo hanggang paa, na para bang sinisiguradong buhay pa nga ako at buo, bago siya pumasok at sinarado yung pinto.
"Love you too," I mouthed.
Kinawayan ko ang kotse nila na lumabas mula sa driveway ng dorm at lumiko patungo sa main road ng village.
• • •
"Why is he here again?" walang-ganang tanong ni Paige.
Ang tinutukoy niya ay si Grey na nakapamulsa at nakatayo sa tabi niya sa gitna ng training field namin sa dorm.
"Kailangan ko nga kasi yung tulong niyo," sagot ko.
"About what?" ani Grey. "I don't remember you telling me, after you just dragged me out of the kitchen."
Tinignan ko si Paige. "Kailangan niyo akong turuan kung paano gumawa ng trance..." Kasunod kong inilipat ang aking tingin kay Kuya. "At portal."
Pinaningkitan ako ni Paige. "You're going to do what the attackers did?"
"Mist-trance-portal-mist," sang-ayon ko.
Matagal-tagal nila akong tinitigan.
"Titigil ako kapag hindi ko na kaya," sabi ko sa kanila. "I promise."
"I'm going to punch you if you won't," pagbabanta ni Paige.
Pinadalhan ko siya ng isang ngiting nagpapasalamat.
"When making a trance, you need to visualize what it looks like inside," pagbibigay-alam ni Paige. "I think about the classroom and-"
Panandaliang napalitan ng classroom namin ang kapaligiran ko.
"Just like that," she said. "Creating trances come natural to me so I don't know how long it will take for you to learn it."
"What does it feel like?" usisa ko. "Making a trance?"
"It's as simple as visualising, then letting go of power," sagot niya. "And if you want to direct a trance to a creature, you need to focus your power on that creature."
Nagkasalubong ang aking kilay. "A creature?"
She snickered. "I can control what animals could see through trance, not just people."
"Let's- let's skip that part." Naghihinayang akong natawa. "I need to know the basics first."
"Alright," ani Paige. "Summon the mist and listen to my voice."
Winds slowly spun around us, forming a sphere where black dust and smoke appeared. My vision was soon overshadowed by the mist that I intentionally thickened, because I remembered that the mist that entered the Academy was the blackest.
Patuloy kong kinapalan ang itim na mist na umiikot sa amin, hanggang sa tuluyan na ngang maglaho ang liwanag sa kinatatayuan namin.
Pinikit ko ang aking mga mata, at binagalan ang daloy nito, nang hindi ko maaksaya ang enerhiya ko. Bahagya ko ring itinaas ang mga kamay ko at sinenyasan ang mist na lumapit pa sa'min, para paliitin ang sphere nito.
Pagmulat ko, nakita ko ang aking mga palad sa tapat ng dibdib ko, unti-unting pumipihit pataas para pakawalan ang manipis na daloy ng kumikinang at maitim na mist.
Slowly, the wind that rushed around us faded, until it turned silent, completely replaced by the black and sparkling dust.
Inangat ko ang aking tingin kila Paige at Grey na hugis nalang ng mga katawan ang aking naaaninag.
"Visualize your trance," ani Paige.
Darkness. The trance used to snatch the children was complete darkness.
"I'm going to release my power slowly?" tanong ko.
"Your power is the mist, Reign," paalala niya sa'kin. "It's your energy that you need to release."
Right. I might release the mist if I release my power.
Sighing, I stared at my hands and visualized darkness coming out of it.
"Not from your hands," biglang sabi ni Paige. "Or else you'll summon darkness, and not create a trance of darkness."
"Your mind, Reign," aniya. "You use your mind to create a trance."
Pinikit ko ang aking mga mata para pilitin ang sarili kong kadiliman lang ang makita.
Visualize... and then release-
Kumunot ang aking noo nang maramdaman ang biglaang paghatak ng aking kapiligiran sa aking kapangyarihan. Pinigilan ko ito bago pa ako magpakawala ng enerhiya.
Release, I reminded myself. Slowly...
"Control." Paige's voice whispered around me due to the mist. "That's what you're good at."
Nakakunot pa rin ang aking noo nang higpitan ko ang aking pagkakahawak sa libo-libong mist na umaaligid sa'min.
Control...
Unti-unting kumuyom ang aking mga palad nang nakapikit pa rin.
Visualize...
"I bet she looks like that when she relieves hersel-"
"Shut up, Grey."
Seeing nothing but darkness, I thought about nothing but darkness.
Just black... and its cold... nothing but black and cold...
"I can still see the mist." Narinig kong puna ni Paige. "Try harder."
Namilipit ang aking mga kamao. "I-I'm trying..."
Void... empty... darkness...
The hair on my body started to rise once a familiar cold blanketed my back.
"Woah..." ani Grey.
Sinubukan kong buksan ang aking mga mata pero pinigilan ako ni Paige.
"Not yet," sabi niya. "There is darkness, but only behind you."
"Continue releasing it," tugon niya. "Slowly."
Dahan-dahan kong pinakawalan ang aking kapangyarihan habang iniisip pa rin ang kadiliman. At madahan din akong napahugot ng hangin nang maramdaman ang paggaan ng aking ulo.
"Keep it under control..." sabi ni Paige. "Hold it, don't release it at once, or else you'll also release the mist."
Control...
My own power threatened to escape from my body. And I'm stopping it while letting my energy escape from my head.
Focus...
"G-Gods," puna ko. "This is harder than multitasking..."
I'm focusing on a lot of things.
My power, my energy, the dark...
"It just stopped spreading," sabi ni Grey.
"Wait," sambit ko. "Let me breathe."
I heard him softly chuckle as I let go of an exhausted breath, while still holding on to my power and visualizing the dark.
For the second time, I slowly released my energy from my head to create the power of a trance.
Pinagpatuloy ko ito habang humihinga nang malalim.
"Reign..." bulong ni Paige.
Dumikit ang aking magkabilang kilay. "H-Hmm?"
"Hold it," tugon niya pa rin. "But open your eyes, now."
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at walang nakita kundi kadiliman lang.
Kumurap-kurap pa ako para masigurong hindi na nga ako nakapikit.
"S-Sa'n kayo?" tanong ko.
"Still in front of you," sagot ni Paige. "Can you feel our presence?"
"N-No," saad ko. "But I can hear your voice."
"You'll get used to it- wait. Where's Grey?"
Luminga-linga ako sa kinatatayuan ko.
"Walking around the trance," sagot ni Grey mula sa gilid ko. "So a trance is just like a domain, but it's not, because it's only an illusion."
Lumiwanag ang aking mga mata pagkarinig ng salitang 'domain', at kasabay nito ay ang pagsabog ng liwanag sa kinatatayuan ko at pagpakawala ko ng trance.
Bumalik na kami sa field kung saan nakita ko si Paige na pinapasadahan ako ng nababagot na tingin.
"You got distracted."
Malumanay akong napangiti sa kanya. "Na-excite lang."
Naglakad si Kuya mula sa likod ko at tumigil sa tabi ni Paige nang nakapamulsa.
"Wanna learn how to create your own portal out of a trance and the mist, ma belle?"
Tumango-tango ako.
One power at a time, Reign... one power at a time.
"I'm going to start again," sabi ko.
And then, conquer.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top