Olympus Academy

Reign's POV

Lumabas ako ng Admission Room at dumiretso kay Henri na nakaupo sa isa sa mga bench na nakahanay sa corridors.

Napatayo naman siya nang mapansin ako.

"Pasensya na kung pinahintay kita, ah?" sabi ko nang makarating sa harap niya. "Dapat kasi si Paige yung magbibigay ng tour sa'yo, eh."

Wala akong natamong sagot sa kanya dahil nakatuon ang kanyang atensyon sa mga estudyanteng nakapalibot sa'min.

Hindi ko na kailangang umikot para malamang lahat sa kanila'y nakatingin sa'min. "And please excuse our students," dagdag ko. "Ewan ko ba kung bakit di sila nahihiyang tumitig sa iba."

"I'm used to it." Sinalubong niya ang aking tingin. "In the Underworld."

Tumango-tango ako. "So, you have your map and brochure?"

Ipinakita niya sa'kin ang mga ito na nasa kamay niya.

Napangiti ako. "Tara?"

Tinitigan niya lang ako bilang sagot, dahilan na matawa ako.

"Ba't ang tahimik mo na?" tanong ko. "Parang hindi mo lang ako pinagbantaan kanina sa Admission Room."

Letting out a sigh, he gently smiled, na siyang ikinagulat ko.

He seemed calm now that we're not alone. I can't feel any threat from him. Naglaho na rin ang kakaibang lamig at bigat sa hangin na dala ng presensya niya.

"I only talk when the time's right," mahinahon niyang sagot.

No, he's awfully calm. Like he knows everything.

He's able to shift the atmosphere anytime he wanted, at nabibilang lang ang mga taong kilala ko na bihasa nang manipulahin ang kapaligiran nila gamit lang ang kanilang sariling presensya.

My Dad always told me that only one ability can make someone truly powerful. 

What makes someone powerful, he said. Is their ability to control themselves.

"Henri," sambit ko. "Are you really..."

"The son of Destiny?" pagtatapos niya.

Tumango ako.

"If I am, would you believe it?"

Hindi agad ako nakasagot. Sa halip, kumunot ang aking noo nang mapansing may kakaiba sa kanyang mga mata.

"Your eyes..." Napag-alaman ko kung ano ang nagdulot ng katingkaran nito. "They're gold."

Dahan-dahang bumaba ang kanyang mga mata sa nakaawang kong bibig.

"You have golden mist inside your eyes," napagtanto ko.

Namuo ang isang malambot na ngiti sa kanyang labi. "Mmm."

"That's cool," puna ko pa, na ikinalapad ng kanyang ngiti.

"So are yours."

Tumikom ang aking bibig nang maalala ang huling itinanong niya sa'kin. "I believe you," sagot ko, kahit alam kong may bahagi sa'kin na hindi pa rin sigurado.

I'm not giving him the benefit of the doubt. I will try to believe him, because he's an Omega.

"People love and fear you at the same time, Reign," malumanay niyang sabi. "Do you know why?"

Napangiti ako. "Because I'm the daughter of the scion and the rose?"

"No," sagot niya. "It's because you're who you are."

• • •

"Lolo always said that we're living in a golden age," pagbibigay-alam ko kay Henri habang naglalakad kami papunta sa Museum of History and Artifacts. "Dati kasi hindi ganito kalaki ang Academy, at hindi rin ganito karami ang mga estudyante."

Galing na kami sa entrance hall, ceremonial hall at library.

"Our entire generation is lucky to have our parents." Ipinalikod ko ang aking mga kamay. "They fought the war of the realms to win us this era, where both mortals and mythological creatures are thriving."

The war of the realms, or The Legend of the Twelve, as we'd like to call it, is a series of wars that happened several years ago, during the time when our parents were still students of the Academy.

First, there was the war in the Academy, followed by the monstrous war, where our parents fought against Gaia's children. Then the war against Gaia happened, nung nagising na nga ang goddess of the earth para maghiganti at bawiin ang mundo. But all these battles were actually a part of even a bigger war, the Rebellion.

The Rebellion, was a prophesied war, where deities from the Underworld rebelled against the Olympians. Our parents fought alongside Olympians and other gods, as well as allied forces, against the rebels led by Eris, the goddess of strife and discord, Hecate, the goddess of magic and Nyx, the primordial goddess of the night.

And when they thought everything has already ended, the ultimate enemy, Chaos, the first ever god to exist decided to step in as a consequence of the rebellion.

The war against Chaos, was the final battle. Because the truth is, the rebels were destined to win the Rebellion but they didn't because our parents decided to defeat them. Hindi nila sinunod ang nakatadhana kaya nagalit si Chaos sa kanila at dahil dito, napagdesisyunan din ng god na burahin nalang yung buong mundo at magsimula sa umpisa.

But then, our parents also said no, they're not gonna let that happen.

Which is why no one dares to ask why the Omega Class is known for being the most stubborn, and the famous troublemakers of the Academy.

Napangiti ako.

We got it from our parents.

Our parents that fought against Chaos, against themselves, and they almost lost.

Enter my father, the scion of all the realms, and my mother, the invincible rose

As a descendant of both Zeus and Hades, Dad possessed abilities from the realms of the mortals, the Underworld, and the Heavens. While Mom, a descendant of Aphrodite and Mnemosyne, was indestructible for having powers from the realms of time: past, present, and future.

And together, they had the Spectra, a legendary power that gives its wielders the ability to connect in a way that one's power is also the other's and that made the both of them the most powerful in all the realms.

They didn't defeat Chaos. Nagawa kasi ng god na burahin nga yung mundo. But they did save the world by restoring it.

"So..." sabi ko nang makapasok kami sa Museum. "This is our Museum of History and Artifacts."

Inikot ko ang aking paningin sa hall kung saan lahat ay ginto, pati na ang kisame't pader.

Nagsimula na kaming maglibot-libot ni Henri para tignan ang bawat mythological memorabilia na nakolekta ng Academy sa nakaraang mga taon.

May nakapatong lang sa cushioned tables at may iba naman na nakapaloob sa box glass.

Dumating kami sa dulo kung saan nakahanay ang mga kagamitan ng original Omegas. 

Majority of the Omegas had weapons made by Hephaestus, the god of fire and craftsmen. Siya ang blacksmith ng Olympus, or in other words, ang tagagawa ng mga sandata.

Bawat weapon ay naka-enclose sa glass at lumulutang ang mga ito sa loob, mabagal na umiikot habang lumiliwanag.

Napansin ko si Henri na napatigil sa tapat ng isang singsing. Gawa ito sa ginto at may itim na diamante sa gitna.

Sa ibaba ng glass, naroon ang golden plate kung saan nakaukit ang mga katagang, Ring of Destiny.

It's believed to be the ring given by Destiny to Kaye, his mother.

That's right. Destiny, one of the first three gods that existed before everything, along with Time and Chaos, was said to have come down to the realms. 

And as powerful as he was, he still fell in love with a mortal.

Our parents said it's true but at this point in time, people won't believe it and some even refuse to. It was just too much to take in, that not even some gods accept it.

"I'm sorry about your mom," mahina kong tugon.

Everyone knows that the reason why the twelve Omegas lost one of them was not because of a war... but because she died giving birth to a son.

Hindi niya ako binalingan ng tingin. "It's more than two decades ago."

"Still," sabi ko pa rin. "I'm sorry."

I know how Mom loved Kaye, his mother, because she never missed to visit her every year, on the day of her death. And when I asked Mom about it, she showed me a few of her memories when they were still together.

Nilingon niya ako nang may pinapahiwatig ang mga mata.

Naintindihan ko kaagad kung anong ibig sabihin nito kaya napatango ako.

"Let's get going," saad ko.

Namuo ang isang malambot na ngiti sa kanyang labi, isang ngiting nagpapasalamat, dahilan na mapangiti rin ako.

Lumabas kami ng Museum at agad napalingon sa direksyon ng isang lalaking estudyante na nanlalaki ang mga mata habang tumatakbo.

"Putangina Reign!" Umalingawngaw ang boses niya sa buong corridor. "At kung sino ka man! Tabi!"

Kasingkulay ng kanyang buhok ang makapal na bahid ng dugo sa may templo ng ulo niya.

Mula sa kabilang dulo ng hall, lumabas ang isang babae na nag-aapoy ang magkabilang palad.

"Zack!" sigaw nito saka tumakbo at nagsimulang magbato ng apoy paharap. "Ibalik mo yung battery!"

Kusang naghiwa-hiwalay ang mga estudyante mula sa gitna para iwasan siya.

"Hindi nga kasi ako ang kumuha no'n!" sigaw naman pabalik ng lalaki.

Humakbang kami ni Henri sa magkataliwas na direksyon para magbigay-daan, at nang makita ito, bahagyang yumuko ang kanyang ulo sabay laho sa aming paningin.

Nag-iwan pa siya ng malakas na ihip ng hangin na dumaan sa pagitan namin ni Henri.

Napasigaw ang babae nang bilisan niya rin ang kanyang pagtakbo at paghagis ng apoy. "Ibalik mong hayop ka!"

Kumurap-kurap lang ako at nang daanan niya ako, narinig ko pa ang masigla niyang pagbati sa'kin.

"Hi, Reign!"

Ilang sandali akong napapikit at pinigilan ang sarili kong habulin yung dalawa. Pagkatapos, bumalik ako sa tabi ni Henri nang nakangiti.

"That was Zack and Amber," sabi ko sa kanya. "Mga Omega rin sila, at dahil sa kanila, banned na tayong gumamit ng abilities sa loob ng Academy."

"But as you can see..." Nagpatuloy kami sa paglalakad. "Balewala lang sa kanila ang rules and regulations ng Academy dahil sino lang naman ang eskwelahan para pigilan sila sa gusto nilang gawin, diba?"

"Ibig sabihin, tatawagin na naman ako sa counselor's office mamaya," nagagalak kong tugon. "Pero sanay na ako kaya okay lang."

Hindi. Hindi ako okay.

Kinuyom ko ang aking palad, at sa labas, maingay na lumagapak ang kulog mula sa kalangitan.

Sabay na lumingon ang bawat ulo ng mga estudyante sa gawi ko, kaya't pinadalhan ko sila ng isang manamis-namis na ngiti.

"Good afternoon," bati ko.

May iba sa kanila na natawa nang mahina at may iba naman na napayuko.

"Back to the tour," pagpapatuloy ko. "Meron din tayong clinic, our own mini-hospital, as well as of course, classrooms, and training hall and rooms for PE."

"And do you do magic?" tanong ko. "I heard you're a descendant of Hecate."

"I do."

"Then that's great!" puna ko. "May alchemy rooms din tayo."

Dinala ko si Henri sa Faculty Hall kung saan matatagpuan ang mga office at kwarto ng staff.

"On the right, is the Hospitality Headquarters for the aurai," I informed him. "The breeze nymphs, yung mga babaeng may mapuputing pakpak na palipad-lipad sa Academy?"

"And the woman I met in the front desk."

"Yes, she's an aurai," I confirmed. "And on the left is the Engineering Headquarters for the satyrs, the half-men half-goat maintenance workers of our school."

"They work with Mrs. Sol, the chief engineer, who is also Amber's mom," dagdag ko. "And the chief physician of the Academy, Doctor Seht, is her dad."

"There are three original Omegas presently working in the Academy. Mrs. Sol, Doctor Seht and..." Napangiti ako. "Mrs. Prince, na nanay ni Zack."

"Balita ko magiging PE and Semideus teacher natin siya kaya..." Tinakpan ko ang aking bibig at nagpakawala ng pigil na hagikgik. "Kita-kita nalang tayo sa Underworld."

Kumunot ang kanyang noo. "Semideus?"

"You have your class schedule with you, right?" tanong ko.

Itinaas niya ang isang pastel yellow card at tinitigan ito.

"Ethics, Philosophy, Language & Communications, PE..." Isa-isa kong binanggit ang subjects namin habang naglalakad kami papalabas ng Academy. "Mythological Sciences with Research, Advanced Semideus and... Advanced Auraic Studies."

I faced him with hands on my back. "MythSci is where we research about mythological stuff, Semideus is where we get to train our supernatural abilities and Auraic Studies..." Nginitian ko siya. "-is where we train our aura or inner strength."

Umangat ang magkabilang kilay niya.

"After the war against Chaos, the twelve Omegas realized that power, is not the power that we inherited from the gods," I said. "No, it goes deeper than that, because we all have chaos within the deepest parts of ourselves."

"And so, they decided that every student of the Academy must train on how to control it, how to control ourselves," dagdag ko. "Auraic Studies is where we usually meditate, and train both our bodies and abilities by controlling our mind and presence."

"Show me," tugon niya.

"But you already know how to do it," giit ko. "You just did it in the Admission Room, when we shook hands."

"I know." He gave me a knowing grin. "Now, it's your turn."

Lumipat ang aking tingin sa mga estudyanteng nasa campus park.

"Just a bit," bulong ko at ilang sandali pa'y nakaramdam ng malakas na hatak mula sa aking kapaligiran.

Bago pa ako tuluyang makaramdam ng sakit na parang hiniwa-hiwalay ang aking buong katawan, mabagal akong humugot ng hangin, at pinaghawakan ang di-nakikitang pwersa na ito.

Napatigil sa paglipad ang mga aurai na nakapaligid sa'min at kasama ang lahat ng mga estudyante, mabilis ang paglingo'ng ginawa nila sa direksyon namin.

Dahan-dahang umangat ang magkabilang sulok ng aking labi pagkatapos maramdaman ang pagbigat ng aking balikat nang hilahin ko rin sa direksyon ko ang di nakikitang-pwersa, at kasabay nito ay ang unti-unting pagbigat ng atmospera.

Tila nabawian ng lakas, nahulog mula sa himpapawid ang aurai na pinakamalapit sa'min.

"Reign."

Sinulyapan ko si Henri mula sa sulok ng aking mga mata.

"You threatened me," paalala ko sa kanya.

Sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga aurai na nakapalibot sa'min. Lahat sa kanila'y napagapang nang humihingal dahil sa biglaan kong pagnakaw ng hangin mula sa sistema nila.

"And I don't like being threatened."

Isa sa mga estudyante ang napaluhod sa harapan namin. Sa tabi niya, nabitawan ng kasama niya ang dala nitong mga libro at napaluhod din nang nakatukod ang magkabilang palad sa lupa.

Sa aming paanan, nagsimulang madurog ang lupa dala ng matinding bigat ng presensya ko, at mula sa aming likod, narinig ko ang unti-unting pagbiyak ng sementadong pader.

Pagkatapos, agad kong tinigil ang pinanggawa ko.

Hindi ko binalingan ng tingin ang mga aurai at estudyante na nagawang makatayo pagkaraan ng ilang segundo.

Nginitian ko si Henri na napakunot ng noo.

"Shall we continue the tour?" suhestyon ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top