Masquerade IV: Riptide and Flame
Amber's POV
"I don't know..." ani Ash habang kinukuwento sa'kin ang huling panaginip niya ni Hedone. "I saw her climb a mountain with another woman."
"Excuse me."
Sabay naming nilingon ang isang lalaki na nakasuot ng black and white suit at pulang mask. At dahil sa kanyang pulang buhok, agad ko rin siyang nakilala.
"Ivan?" sambit ko.
"Amber." Nginitian niya ako. "Stunning as ever."
Natawa ako nang mahina. "Hulaan ko, gusto mo 'kong isayaw?"
"As an apology," sang-ayon niya. "Because I heard you scream at me during the Olympics for hurting Don."
Nga naman.
"So, would you?" tanong niya. "Do me the honor?"
Tinignan ko si Ash na ngumiti at saka sinenyasan akong tanggapin ito.
"Congrats," natatawa kong sagot kay Ivan. "Naunahan mo yung kapatid ko para sa first dance ko."
Inilahad niya ang kanyang kamay na agad ko ring tinanggap.
"Thank you, Ash," aniya.
Samantalang, kinisap-kisapan ko si kambal nang nakangisi, bago ako nagpatangay kay Ivan na maingat akong hinila patungo sa gitna ng hall.
Nang makarating kami, itinaas niya ang aming mga kamay para paikutin ako sa kanyang kinatatayuan at nang huminto ako sa tapat niya, ay saka niya hinawakan ang aking likod at madahan akong kumapit sa kanyang balikat.
"When are you leaving for the Underworld?" tanong niya nang magsimula kaming sumayaw.
"Sa makalawa," sagot ko. "Kayo? Aalis din kayo?"
"We're heading to the CAP headquarters tomorrow," aniya. "The founders asked to talk with us."
"Orion?" usisa ko.
Humugot siya ng malalim na hininga. "We think so."
Bigla akong may naalala.
"Si Maeve..." mahina kong sambit. "Kumusta?"
"Well..." Gumuhit ang isang malungkot na ngiti sa kanyang labi na sinubukan niyang itago sa pamamagitan ng marahang pagtawa. "She just got her prescription glasses from your Mom and Dad."
"Doc said she'll need it until her sight gets fully restored," paliwanag niya.
Mahina kong tinulak ang harapan ng kanyang balikat. Sabay kaming humiwalay sa isa't isa nang nakadipa ang mga braso, at humakbang pabalik na naman hanggang sa magkalapat ang aming mga palad.
Dalawang beses namin itong ginawa, bago ako umikot sa ibaba ng magkahawak naming mga kamay, at bumalik kami sa unang tindig namin noong kakasimula palang ng sayaw.
"Can I ask?" aniya, nang magsimula ulit kaming umugoy-ugoy kasabay ang himig ng musika sa hall. "Why are you going to the Underworld?"
"Field trip," sagot ko.
"That's what we heard," sabi niya. "But we know you, your class, and Reign..."
Huminga ako nang malalim at natawa nang ibuga ito. "Uhh..." Napailing ako. "May ililigtas lang kami."
"And this mission of yours..." Nanghina ang kanyang boses. "It requires all of you?"
Tumango ako. "Mmm."
Nanliit ang kanyang mga mata. "For how long?"
"Hindi ko rin alam, eh," sagot ko at pabiro ring nagsabi, "Hindi ko rin alam kung makakabalik pa ba kami."
Napangiti siya rito. "You said it like it's your first time to go out on a mission."
Hindi. First time ko lang talagang pumunta sa Tartarus, paliwanag ko sa aking isipan.
"We didn't catch you in class these last few days," aniya. "We thought that you were already gone."
"Training," pagbibigay-alam ko sa kanya.
"And about the uh-" nag-aalangan niyang sabi. "Orion facility in Asia..."
Natawa ako nang mahina. "Okay lang, sinabihan na kami ng founders."
Halatang ipinagtaka niya ang reaksyon ko. "Really?"
"Hindi," pagbabawi ko nang nakasimangot. "Nabasa mo ba yung school paper simula nung lumabas ang balitang 'yun?"
Napakapit ako sa balikat niya nang dahan-dahan niya akong hinilig pababa.
"No," sagot niya, saka maingat akong inangat.
"Huwag mo sana akong patayin," sabi ko nang maalalang anak nga pala siya ni Ares. "Pero ang sabi kasi mas magaling pa kayo kesa sa'min."
Ngumisi siya.
"Tangina ka," puna ko sa nasisiyahan niyang ngiti.
At halatang ikinatuwa niya ito dahil unti-unting lumapad ang kanyang ngiti hanggang sa marahan siyang natawa.
"Can I take you somewhere?" alok niya.
"Sabi ni Mama di raw dapat akong sumama sa mga taong di ko kakilala."
"We've been friends for years already, Amber," natatawa niyang paalala. "And I have something to give you."
Ilang segundo ko siyang pinaningkitan. "Sa'n mo naman ako dadalhin?"
"Just by Hephaestus' statue," sagot niya.
Nilingon ko ang malaking istatwa ni Lolo Hephep na nasa kabilang dulo ng hall. Pinakahuli ito sa hanay ng mga istatwa ng Olympians kaya nasa pinakalikuran ito ng hall kung saan walang gaanong mga estudyante.
"Gago," sambit ko. "Ba't di mo sinabi agad? Akala ko lalabas pa tayo ng hall, eh."
Binitawan niya ang likod ko at kinuha ang kamay ko.
Nakasunod lang ako kay Ivan nang maramdaman kong may nakasunod din na tingin sa'min, kaya napalinga-linga ako habang nakakapit sa kamay niya.
Pagkarating namin, mahina akong hinila ni Ivan sa harap niya.
"The truth is, Amber, we already know what we'll be heading into after the founders asked us to meet them," sabi niya. "Luke consulted a student oracle about, Third, and asked for a clue as to what we should expect."
Kumunot ang aking noo.
"War," dagdag niya. "We're going to be deployed to attack one of the Orion's seven biggest facilities."
"Saan?" usisa ko.
"Somewhere North."
"Hindi pwede," giit ko nang maalala ang naka-maskarang huntsmen na biglang dumating at nakalaban namin. "May mga kalaban pa tayong hindi pa natin gaanong kilala. Hindi niyo pa nakita-"
"We have to," sabat niya. "We can't give the enemies time to rebuild what we were able to destroy."
Napakurap-kurap ako sa pag-alala. "Kakausapin ko si Mama-"
"No, Amber." Umiling siya. "We need to do it."
Matagal-tagal akong napatitig sa kanya.
"We have to," pag-uulit niya.
"Anong oras kayo aalis bukas?" tanong ko.
"We're leaving in the afternoon."
"Pumunta kayo sa dorm namin bukas ng umaga," tugon ko. "Mas mabuti nang makita niyo kung anong nakita rin namin nung atakihin namin ang facility nila."
Tumango siya. "I will tell them."
"Sigurado rin naman akong hindi kayo pababayaan ng founders. Ihahanda nila kayo nang maayos," sabi ko. "Ang sa'kin lang, maging handa rin sana kayo sa di-inaasahan."
Nanatili siyang nakatuon sa'kin nang mamuo ang isang ngiti sa kanyang labi.
"Ivan!" nagpipigil kong sigaw. "Hindi ako nagbibiro! May mga tauhan sila na parang- parang kayo! Yung kapangyarihan niyo, yung bilis niyo, pati na nga yung kulay ng buhok mo!"
"And we will be ready by tomorrow," aniya. "Because of you."
Pinasadahan ko siya ng di-siguradong tingin.
"Here." May kinuha siya mula sa ilalim ng suit jacket niya. "To make you feel better."
Tinignan ko ang malapad na box na inilabas niya. Kulay pula ito at nakabalot sa velvet na fabric.
"Ano 'yan?" usisa ko.
Binuksan niya ito sa harap niya at nginitian ito, bago iharap sa'kin.
"I figured it will be a long time before we meet again," sabi niya. "So I got you this necklace."
Bumaba ang aking mga mata sa kwintas na nasa loob ng box. Yari ito sa pilak, at nakasabit ang silver pendant na nakahubog sa hugis ng isang espadang pinagitnaan ng apoy.
Napansin kong gawa sa pulang bato ang blade ng maliit na espada at ang dalawang mas maliliit pang liyab ng apoy sa magkabilang gilid nito.
"Ruby?" tanong ko.
"Red beryl," aniya.
Minasdan ko si Ivan na tinanggal ang kwintas mula sa box nito na ibinalik niya sa loob ng kanyang suit.
"Matagal pa naman birthday ko, ah," puna ko. "Ba't may pa-regalo ka?"
"If you haven't figured it out already..." Maingat niyang kinalas ang kwintas. "I like you, Amber."
Napatigil ako. "H-huh?"
Nginitian niya ako at humakbang papalapit sa'kin para isuot sa aking leeg ang kwintas.
"And I ask that you give me a chance to someday love you," sabi niya habang kinakabit ito. "For you to be mine."
Napahawak ako sa pendant na nasa gitna ng aking dibdib. "Ivan-"
"I'm not rushing you." Bumitaw siya sabay atras at baba ng kanyang mga kamay. "I know I've just put you on the spot."
"I just would like to know if you'd be willing to give me a chance," dugtong niya.
Bumukas ang aking bibig pero walang ni isang salita ang lumabas.
Putangina?! Paanong hindi, eh- amputa! Ang bilis naman atang dumating ng biyaya na'to!
Napangiti siya sa reaksyon ko. "Maybe you can give me an answer by the time we meet again?"
Tumikom ang aking bibig.
Putangina! Putangina! Putanginaaa!
Napalunok ako.
"Amber?" natatawa niyang sambit.
"Sorry," napapraning kong sagot. "A-Ano kasi nabigla lang ako."
Tumango siya. "I understand."
"Kailangan ba talagang bukas?" tanong ko.
Nagkasalubong ang kanyang kilay.
"Eh kasi diba, bukas yung susunod nating pagkikita?" paalala ko sa kanya.
"Oh." Panandaliang lumiwanag ang kanyang mga mata. "Right." Kasunod siyang natawa nang mahina. "What I mean is, when we meet again after we finish our missions."
"Then I'd have something to look forward to," dagdag pa niya na ikinainit ng aking magkabilang pisngi. "And a reason not to lose."
"Putangina mo," nahihiya kong sabi. "Di mo ako binibigyan ng panahon para mag-alala sa'yo, eh! Huwag mo'kong pakiligin, gago!"
Tinawanan niya ako.
"So, you think that would be enough time for you to make up your mind?" aniya.
Nagpipigil ako ng ngiti nang tanguan siya.
Marahan niyang hinawakan ang kwintas na nakasabit sa gitna ng dibdib ko. "I hope you do," sabi niya nang nakatuon dito. "Give me a chance."
Inangat niya ang kanyang tingin sa'kin. "I'd be the happiest man alive."
Nginitian ko rin siya pero sandali lang dahil naramdaman ko ang palad niyang dumapo sa aking panga para bahagya itong itaas sa kanya.
"Please do," tugon niya. "I've never wanted badly for anyone else but you."
Napansin ko ang pagtingin niya sa aking mga labi dahilan na mapatingin din ako nung sa kanya.
Kumunot ang aking noo nang makita itong papalapit sa'kin, at dahan-dahan akong napapiling ng ulo nang yumuko siya para halikan ako... at nang gawin na nga niya ito, kusa akong napapikit sa gaan ng pagkadampi ng aming mga labi.
Vance's POV
I broke the champagne glass in my hand as soon as I saw them separate from the kiss.
My breathing deepened, and blood trickled from my palm while I watched the two of them exchange excited smiles, before he grabbed her hand and they headed back to the crowd of students with the highest spirits.
Napaikot ako nang sundan sila ng tingin at nalamang patungo sila sa gitna ng hall para ipagpatuloy ang di natapos nilang sayaw.
What the fuck?
Hindi ako makapaniwala habang nakamasid sa kanila na malalapad ang ngiti habang magkasama, halatang nagugustuhan ang kompanya ng isa't isa, lalo na yung nangyaring halik sa pagitan nila.
Malakas kong itinulak sa dibdib ng isang lalaking estudyante ang nabasag kong baso at pumasok sa kumpulan ng mga estudyante.
Naglakad ako papalapit sa kanilang dalawa nang mabibigat ang mga hakbang, ngunit bago pa ako makaabot, isang lalaki ang biglang humarang sa'kin.
I was ready to shove him off when I found out who it was.
"Wait for your turn, Vance," sabi ni Ash. "I'm next to dance with my sister, after Ivan."
"Move," utos ko.
"So what?" He seemed to enjoy seeing me pissed off. "So you can ruin her moment?" He chuckled lightly. "No, thank you."
Kinuyom ko ang aking duguang palad. "Move, Ash."
"Look at her, Vance." Bahagya siyang umikot para tignan si Amber. "She looks happy to you, doesn't she?"
Humugot ako ng malalim na hininga nang muling sulyapan ang babaeng nakangiti sa kasayaw niya, at unti-unting humigpit ang pagkakakuyom ng aking kamao, sa puntong sumubsob ang maliliit na piraso ng basag na salamin na hindi ko napansing nakadikit pala sa aking palad.
"What do you think will happen if you interrupt them?" tanong niya. "Or when she sees you fight against her twin brother?"
"Go on." Hinarap niya ulit ako. "Force me to move," tugon niya. "But I can't assure you that I will not retort by shoving you back."
Kumawag-kawag ang aking panga habang nakatuon kay Ash na binigyan ako ng isang nanghihimok na ngiti.
Mula sa kanya, tinignan ko ulit si Amber na nasa likod niya.
"Admit it," ani Ash. "You've never seen her this happy and excited with someone else."
Dahan-dahang bumukas ang aking palad nang mapatitig ako sa ngiting suot ni Amber habang hawak siya at masayang nasa bisig ng iba.
Mabagal kong pinakawalan ang kanina ko pa pinipigilang hininga, at saka lang naramdaman ang sakit ng pagkabasag ng baso sa aking kamay.
Nanatili akong nakatulala sa kanila hanggang sa matapos ang kanta, kung kailan sila lumapit sa'min.
"Hello, Vance," bati sa'kin ni Ivan.
Tinignan ko si Amber sa tabi niya na nakakapit sa kanyang braso.
Nanlambot ang kanyang ngiti nang magkasalubong ang aming tingin, bago niya nilingon si Ash.
"Tayo na naman, kambal?" masigla niyang aya rito.
Sinundan ko ng tingin ang kamay ni Ivan na siyang nag-abot ng kamay ni Amber kay Ash na pinasalamatan siya, bago dalhin ang kapatid nito sa dance floor.
My eyes fluttered from the pain of the glass shards that have submerged themselves deep into the skin of my hand.
And I realized...
That broken glass has never hurt like this before.
Its edges never reached as deep as they do now.
Dinama ko ang pagdaloy ng dugo sa aking mga daliri nang ilipat ang aking tingin kay Ivan na nakangiti sa'kin.
"I haven't really congratulated you for stealing my MVP award, have I?" He chuckled. "So, congratulations, I guess, for breaking my victory streak." He laughed again before he jokingly announced, "I'll be sure to steal it back from you next year."
"You don't have to," sagot ko. "You've already stolen it."
"What-" He shook his head while still smiling, maybe thinking that I replied with a joke too. "What do you mean?"
Hindi ako sumagot, dahilan na maglaho ang kanyang ngiti, at napasulyap siya sa kamay kong mabigat na nakabagsak sa gilid ko.
"Wait- what happened to your hand?" usisa niya rito.
"None of your business."
Inangat niya ang kanyang mga mata para salubungin ang nanlalamig kong tingin sa kanya.
His brows furrowed with confusion. "Vance?"
"Ivan," paalam ko, bago umikot at naglakad palayo sa kanya, sa kanila, sa lahat.
Lumabas ako mula sa ceremonial hall kung saan nakasalubong ko si Paige na napatigil nang makita ako.
I didn't bother to ask where she came from, prompting her to speak first.
"Where are you going?" tanong niya.
"Home."
Nagkasalubong ang kanyang kilay. "Why?"
"Are the lanterns already prepared?" I asked. "I'd like to make my wish first."
"It's..." Nanghina ang kanyang boses sa pagtataka. "On the balcony."
Binigyan ko siya ng isang huling sulyap bago umalis.
Naramdaman ko ang paghatid niya ng tingin sa'kin hanggang sa lumiko ako patungo sa entrance hall ng Academy.
Tahimik lang akong lumabas mula rito at dumiretso sa floating platform.
Sumakay ako rito, at pababa sa lupa, kumibot-kibot ang isang daliri ko sa hapdi, habang blangko akong nakatuon sa aking harapan.
'Admit it...'
Dumaan ang malamig na ihip ng hangin, dala ang boses ni Ash na tila bumulong sa aking isipan.
'You've never seen her this happy and excited with someone else...'
I know I didn't have the right to get mad at one of them, but I couldn't help it.
I couldn't help but scowl at Ash.
I couldn't help but turn cold in front of Ivan.
A bitter laugh escaped my lips after I realized I really have no one else to blame but me.
Because I broke that glass.
I held unto it so tight I hurt myself.
It was all me.
I bled, and I continue to, because of me.
Bumaba ako ng platform at mag-isang tinahak ang madilim na daan, habang pinapalibutan ng kakaibang ginaw na dumikit sa aking balat pagkatapos akong daanan ng malamig na hangin habang nasa platform.
The truth is, I tried.
I tried to approach her before and during the Olympics but her brother always had his eyes on her.
I tried to held unto the chariot that she made for my race, because I promised to take it with me until the finish line.
And I tried to win the race, despite the hurdles that were thrown at my path, because she cheered for me the most.
Somehow I hoped I'd be able to get her back.
Especially when I learned that I unexpectedly won the most valuable player, and she gets to be my escort.
I thought maybe that was the chance to mend the tear between us, but when I saw that she was not ready for it, I tried to give her time, just like what her mother said she needed.
I tried...
But then, maybe all those weren't enough for the pain that I caused her.
I must have hurt her so bad for her to hurt me back like this, and I can't even blame her because she doesn't know.
She does not have the slightest idea, and it's all my fault because I never tried in the first place, and when I did, try, I was already too late.
So, the truth really here is, that I tried.
But I was too late, and it was not enough.
Ibinulsa ko ang aking sugatang kamay at di naiwasang mapangiwi sa sakit, nang umabot sa aking dibdib ang kirot nito. At nagtagal pa ito rito, lumubha, hanggang sa manikip ang dibdib ko dahil nahinuha ko ang layo ng bagsak ng aking pagkabigo.
But even the word 'failure' is an understatement to what I feel happened to me.
I aimed the gun at my head when I fell in love with her, held the trigger when I decided to avoid her, and pulled it to shoot myself when I found out she's kept the same feelings.
Pumasok ako ng dorm at dumiretso sa pag-akyat ng hagdan.
Nang matanaw ko ang labas ng balcony, napatigil ako dahil kay Grey na nadatnan kong nakatayo sa likod ng pinakadulong lantern.
Nakangiti siya rito habang nakapamulsa, at hindi niya ako napansin, kahit nang lumabas na ako sa balcony.
Huminto ako sa tapat ng lantern na nasa kabilang dulo at matagal na napatitig dito, bago ako nagawang lingunin ni Grey.
"Vance-" masigla niyang bati na agad naputol nang makita ako.
Hindi ko siya binalingan ng tingin at nanatiling nakatuon sa liwanag sa aking harapan.
"Already making a wish?" tanong niya.
Inilabas ko ang duguan kong kamay at dahan-dahang napahawak sa lantern. "You think they'll grant it?" Nilingon ko si Grey na nakatingin sa aking kamay. "Because it will be the first?"
"What happened to you?" nag-aalala niyang tanong nang iangat ang kanyang tingin sa'kin.
Huminga ako nang malalim at pinigilang mabasag sa harap niya. "Umm..." Napabuntong-hininga ako sabay iling. "I think I just shot myself," namamangha kong sabi sa kanya.
I swallowed the lump of guilt that formed in my throat and struggled to laugh the pain out of my system. "And it hurts," saad ko at muling napahugot ng malalim na hininga.
"Gods." My laugh trembled as I let the air out. "It fucking hurts."
"I think they'll grant it." Gumuhit ang isang naninimpatyang ngiti sa kanyang labi. "Whatever you'll wish for."
Napayuko ako, hindi mapakali ang ulo, at maingay na napabuntong-hininga. "Right..."
"I won't tell anyone if you want to cry," aniya.
I snickered and looked at him defeatedly. "It hurts more than that."
"So?" he asked. "I used to cry myself to sleep every time I missed Mom, and it feels good the morning after."
"W-What the fuck?" naiiyak kong puna, na natatawa rin.
"My first year in the Academy? Pfft-" He puffed as if he couldn't believe it himself. "Cried like a baby every night."
Namamasa ang aking mga mata nang tawanan siya. "What the fuck, Grey?"
"And I only recovered when my sister enrolled," dagdag niya.
Kumawala ang isang halakhak mula sa aking bibig, at di ko rin nagawang pigilan ang pagtakas ng isang luha mula sa aking mata.
"Stupid." Tinuyo ko ang luha habang natatawa.
"See?" He laughed lightly. "It's not that bad to let water come out of your eyes sometimes."
"Yeah." I sniffed and let the waterworks happen on my face. "Fuck it."
Walang tigil ang pagpunas ko ng aking magkabilang pisngi dahil sa ubod ng mga luhang sunod-sunod na lumabas.
"Shit-" I cursed under my breath. "They won't stop."
Kasunod kong narinig ang halakhak ni Grey.
"Wait, no-" Natawa rin ako. "Fuck- they really won't."
"That's because you're not yet finished crying," sabi niya.
"How do I finish it?" tanong ko, nang nanlalabo ang pananaw.
Tinawanan niya ulit ako. "Just let it all out, Vance."
For the next couple of minutes, I found myself breaking apart in front of Grey who continued to give me an empathetic look, and as I struggled to compose myself, the expression on his face faded in and out of between worry and assurance.
"I heard Mom say once, that love is a risk," sabi niya. "It either builds you or breaks you, and I'm seeing how true it is now."
"But what matters is how you recover," dugtong niya. "How you build yourself again, after breaking."
"Sure, it takes time." Nanlambot ang kanyang boses. "And picking up the pieces hurt."
"But I have to, don't I?" pagpapatuloy ko.
Binigyan niya ako ng isang determinadong ngiti. "Make the first wish already, Vance, before someone else does."
Maybe crying did help, because after he said that, I managed to build a newfound strength that stopped my tears and urged me to wish, and hope that the lunar deities will grant it because it will be the first.
"Alright." I heaved a deep preparing breath and faced my lantern again. "I will."
For a few seconds, I stared at the flickering light inside the lantern, before slowly holding on to both its side and gently lifted it up, to let it float towards the sky.
"That was fast," puna ni Grey nang tabihan ako at masdan ang liwanag na unti-unting lumalayo sa'min.
"I already know what to wish for," sabi ko. "It's what I have always wished for her."
"You wished that she love you back?" he guessed.
"No," I answered in a whisper, while I watched my lantern gently move towards the direction of the moon. "I wished for something much more simpler. One that's not far from possible."
Just for her to be genuinely happy.
"Would you look at that..." Grey said as he released another lantern. "I wished for you and Amber to be together."
"You just wasted your lantern," puna ko.
"Did I?" aniya. "Nothing's far from possible when it comes to love."
"Mmm." I hummed in disbelief.
Ilang sandali pa'y bigla akong may naalala kaya nilingon ko siya. "Did you help my sister with the lanterns?"
"Yes," sagot niya. "Definitely."
Napansin ko ang kakaiba niyang pagkisap-kisap ng mga mata, saka ibinalik ang aking atensyon sa dalawang liwanag na paliit nang paliit sa aming pananaw.
"You didn't make a move on her, did you?" tanong ko nang hindi siya binabalingan ng tingin.
"Move?" sambit niya. "What move?"
"Don't act like you don't know that I know," tugon ko.
"What?" aniya. "What do you know?"
"Shut the fuck up, Grey."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top