Labyrinth
Hedone's POV
"O-Oww..." Itinukod ko ang aking magkabilang palad at dahan-dahang inangat ang aking katawan. "T-That hurt..."
I sat myself up in what seemed to be in the middle of darkness.
Hawak-hawak ang aking balakang, tumayo ako at pagkatapos ay nag-summon ng isang lantern sa ilalim ng kamay ko.
"Where am I..." Umikot-ikot ako sa kinatatayuan ko habang tinatapat ang liwanag sa kapaligiran ko. "Hello?"
"Hello?" My own voice answered back, as it continued to echo from a distance.
Arching my spine to summon my wings, I stopped after I didn't feel it behind me.
"What-" Confusion grew inside me as I turned to see no wings sprouting from my back. I just also realized that I was stuck in my mortal form. "What in the heavens..."
I tried to summon a portal in front of me but pink sparks only appeared for a few seconds before it fell on the ground.
Humigpit ang aking pagkakahawak sa lantern. "You dare imprison a goddess?!" The light started to glow bright in my hand. "Release me!"
"Release me..." My voice echoed like before. "Release... me..."
"At once!" naiinis kong sigaw.
"At... once..." Still, I didn't hear anything but my own voice.
Bitbit ang lantern, sinimulan ko nang tahakin ang matuwid na daan sa harap ko. Luminga-linga rin ako at nalamang pinagitnaan ako ng mga pader na gawa sa bato.
There's nothing but stone walls, I realized.
Tumingala ako at walang ibang nakita kundi kadiliman lang.
"Where in the heavens am I..." bulong ko sa sarili.
Kusa akong napatigil nang maalala ang mga huli kong sandali bago napadpad sa lugar na'to.
The television inside the Omega's dorm turned off... and so did the lights. There was complete darkness and I felt power enter the house. It was slow and steady, and silent. Too silent to be noticed by the others.
Kung saan-saan dumako ang aking mga mata.
The power didn't have any presence, like a trance... a trance that only a deity could detect as early as possible.
"I don't know which god or goddess you are," anunsyo ko sa kawalan. "But I am going to throw you into Tartarus once I get out of here."
"You hear me?!" nangangalit kong sabi. "I am going to kill you!"
"Kill.. you! kill you... kill... you-"
Nagpakawala ako ng matinis na sigaw pagkatapos marinig ang sarili kong boses. "I hate this!" Napapadyak ako. "I'm supposed to be with my boyfriend!"
Bago pa ako tuluyang mabaliw sa galit, maingay akong napabuntong-hininga at saka nagpatuloy sa paglalakad.
Along the way, I have also began naming the gods that I must have angered, or the goddesses that I fought with for the past few years.
"Curse you!" sigaw ko. "Whoever brought me here!"
"Why don't you come face me, instead? Huh?" Nilakasan ko ang aking boses. "Come right at me, you coward!"
Nagpakawala na naman ako ng isang mahaba at naiinis na tili. Umalingawngaw ito sa aking kapaligiran at matagal na naglaho pagka't umabot ito sa mas malayo.
Muli akong napahinto nang maalala ang pinakahuling segundo bago ako napunta rito.
Celeste and Mikhail.
I saw them get eaten by the darkness, and so I grabbed a hold of them before they could disappear.
Kumunot ang aking noo.
Are they here?
"Celeste!" Along with my voice, the sound of my heavy steps bounced against the walls. "Mikhail!"
Widening my presence so someone could feel it beyond the walls, I also used my ability to sense any other creature within the radius that I could reach.
Patuloy ko itong ginawa habang naglalakad nang nakataas ang lantern sa isang kamay.
"Can anyone hear me?!" I called out. "If you can, follow my voice!"
I stopped in front of an intersection.
Heavens. This dark place is built just like a maze-
Napatigil ako.
"Labyrinth," bulong ko.
Ilang segundo akong napatitig sa harapan, saka sinuri ang magkataliwas na daan.
If I was, indeed, brought into the labyrinth that Daedalus built for King Minos, does that mean...
Nagsimulang gumalaw ang buhangin na inaapakan ko, pati na rin ang mga pader na nakapalibot sa'kin.
At mula sa malayo, umalingawngaw ang maingay na hangos ng isang halimaw.
"No, no..." Umiling-iling ako. "No way-"
Yumanig ang kinatatayuan ko dahil sa papalakas na dabog ng mabibigat na mga paa. Umikot ako at sa unahan, sa bahagi ng daan kung saan umaabot ang liwanag ng lantern ko, lumabas ang isang nilalang na may katawan ng tao, at ulo at buntot ng isang toro.
Nanlaki ang aking mga mata nang makitang tumakbo ito sa kinaroroonan ko. Mahina akong napatili sabay karipas ng takbo sa kaliwang daan.
Ramdam ko pa rin ang presensya nito na nakasunod sa'kin kaya sa sumunod na intersection ng labyrinth, ibinato ko palikod ang lantern ko at tumakbo sa gitna ng matinding kadiliman.
"Odigos!" I summoned, while running away from the very monster that the labyrinth was built for. "Show me the heavens!"
Pink and red balls of light appeared around my body before they flew up towards the sky and bursted into fireworks whose sparks didn't fade.
My vision was tinted a bit of pink and red, but it was better than seeing nothing at all.
I turned left at the next intersection.
"Celeste!" sigaw ko. "Mikhail!"
After a few second, the faint cry of a small girl echoed around the walls. Binilisan ko ang aking pagtakbo patungo rito, at nakita ang isang batang babae, hindi si Celeste, na nakaupo sa lupa at nasakandal sa pader, umiiyak.
"Child!" Nagmamadali akong lumapit sa kanya at hinatak siya patayo. "We don't have time for tears! Quick!" Pinilit ko siyang tumayo kahit namimigat ang buong katawan niya. "Stand up!"
May dinuro siya sa likod ko sabay sigaw nang malakas, dahilan na mapaharap ako sa nilalang na humahabol sa'kin.
Marahan kong hinila ang bata patago sa aking likod.
"Run," utos ko sa kanya pero imbes na tumakbo, kumapit lang siya sa damit ko.
Humakbang ako paatras nang huminto ang Minotaur sa kabilang dulo ng pasilyo. Bumagal ang mga hakbang nito habang dahan-dahang iniyuko ang ulo nito patagilid, nang masuri kami ng isang mata nito.
Humugot ako ng malalim na hininga at hinanda ang sarili ko para labanan ito.
Pero bago pa man 'yon, umikot ako at yumuko sa harap ng batang babae.
"Run." Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. "Stay back, far away from me." Hinigpitan ko ang aking pagkakakapit sa kanya at mahina siyang niyugyog upang gisingin siya mula sa matinding takot. "And then run away, okay?"
"I won't let the monster catch you." Umiling ako. "So, don't look back when you do. You understand?"
Tinuyo ko ang mga luha niya at inilahad ang aking palad sa kanya kung saan lumitaw ang isang odigos. "Stay close to this light, child," utos ko sa kanya. "Follow it."
"P-Pero paano ka?" nanginginig niyang tanong.
"I'm a goddess, as you can see." Nginitian ko ulit siya. "So you don't have to worry about me."
"Just stay close to the light." Tumayo na ako. "Follow it, and it will lead you to the end of this maze."
"Go," bulong ko at mahina siyang tinulak. "Go follow. The light won't fade, I promise."
Binigyan niya ako ng isang nag-aalanganing tingin bago sinundan ang odigos na mabilis na lumutang palayo sa'kin.
I made sure to watch her fade, before turning around to face the Minotaur who has disappeared.
Sa sandaling lumingon ako sa gilid ko, biglang nandilim ang aking paningin at malakas na tumama ang aking likod sa pader.
Pataob akong bumagsak sa lupa, nang nananakit ang buong katawan.
My body glowed as I used my power to heal myself while trying to stand on my feet. I haven't even regained my balance yet when my head twisted before I landed on the wall behind me, much harder than the first time.
After I fell, I caught a glimpse of two big fists above me, lifting a large block of stone.
Kumunot ang aking noo rito, at nang mahinuhang babagsak ito sa ulo ko, lumiwanag ang kamay kong mabilis na humawak sa paa ng Minotaur na hinulog ang bato sa tabi ng ulo ko.
Kasunod kong hinatak ang paa niya dahilan na matumba siya, at saka dali-daling tumayo.
The Minotaur's feet continued to shiver in weakness, after I used my ability of sensual pleasure to suddenly relax the muscles of his leg.
Hindi ko pa rin binibitawan ang paa niya nang lawakan ko pa at nilaliman ang abot ng kapangyarihan ko sa loob ng katawan niya.
The monster didn't cry of course. For he wasn't in pain. He was in total bliss.
Waves of pleasure pulsed under his skin, from my hand that held his feet. His heart rate quickened, and his chest began to blush pink, until the rest of his body turned red from the increased blood flow.
Weird way to defeat a monster, I know.
Kasabay ng pagbitaw ko sa kanya ay ang pagnginig ng kanyang magkabilang binti. Magaan ding bumaba patigilid sa lupa ang nguso niya, nang nakapikit at luminga-linga pa, naguguluhan sa nararamdaman.
Tumayo ako. "Feels good, doesn't it?"
Kinuha ko ang malaking bato na ihuhulog niya sana sa ulo ko at ipinaibabaw ito sa gitna ng kanyang ulo.
"Now die," bulong ko at malakas itong ibinagsak.
The half-man half-bull creature let out a faint squeal before losing consciousness, or dying. I don't know. I didn't bother to listen to his pulse.
Umalis din kasi ako agad para sundan yung batang babae.
I was met again by another intersection. I was about to turn left when I heard an echo from the right passage.
Now what?
Lumiko ako rito at sinundan ang mahihinang hikbi.
"What-" Napatigil ako nang makasalubong ang isa pang batang babae na umiiyak habang naglalakad. "How many of you are there?!"
Lumapit ako sa kanya at nalamang nakahawak siya sa kamay ng isa pang lalaki na mas bata pa sa kanya.
"Heavens," bulong ko. "Is that your little brother?"
Pinunasan niya ang kanyang pisngi bago ako tanguan.
"Hello, little one," mahinahon kong bati sa batang lalaki na mabilis na nagtago sa likod ng kapatid niya. "Can I carry you?"
He and his sister took a step back.
"We need to leave this maze," sabi ko sa mas nakatatandang kapatid. "Fast, because roaming this place is a monster who will try to kill everything in its path, do you understand?"
"K-Kuya ko..." Nagsimula siyang maluha. "S-Sa'n si kuya..."
Humugot ako ng malalim na hininga, hindi alam ang gagawin dahil pati ako ay hindi rin alam kung paano kami napunta dito.
"What's your name?" tanong ko.
"T-Trish," mangiyak-ngiyak niyang sagot.
"Trish, I need you to be braver than your little brother," sabi ko. "You need to stop crying and look at him. He's more confused than you are."
"Kuya!" Umalingawngaw ang sigaw niya.
"Listen to me, child." Sumeryoso ang aking boses. "Your older brother's not here, okay?"
"But your little brother is here, with you, and he needs you to be strong," dagdag ko. "We're going to get out of this labyrinth together, as long as you stop crying so we don't attract the monster that lives in this place."
"Listen, Trish." Nagsimula na ring mamasa ang aking mga mata. "I know you are afraid of the dark, and I am too. And I am even more afraid of monsters."
I need Ash...
"But you're a big girl now, just like me, aren't you?" paalala ko sa kanya. "So we need to work together to find our way out and save your little brother."
"Can you do that, Trish?" Nilunok ko ang nanggigilid kong mga luha. "Can you be a big girl to save your little brother?"
Nanginginig ang nakahibi niyang nguso.
"Strong girl." Nginitian ko siya, at yung kapatid niya. "And a very brave boy."
Yumuko ako sa harap nila. "Come here, child, let me carry you so we can walk faster." Nilingon ko si Trish. "May I?"
Tumango siya at tumabi para maabot ko ang nakababata niyang kapatid.
Maingat ko itong binuhat at pagkatapos ay kinuha ang kamay ni Trish.
"Odigos," I whispered, seconds before an odigos appeared in front of us. "Bring every child you can find to me."
• • •
Napakurap-kurap ako nang makita ang napakaraming mga bata na sumalubong sa'min ni Trish.
There's at least ten of them.
I still carried Trish's younger sibling, the youngest among them, as I spoke. "Alright, everyone, follow me."
Nanguna ako sa kanila sa paglakad. A few odigos also appeared to surround the children with light, to provide them with enough comfort that's needed to make them stay calm.
"Fireflies?"
Napangiti ako nang marinig ang maliit na boses ng isang batang babae na nakasunod sa'kin.
"Odigos," pabulong kong sabi. "The light that guides."
Soon enough, I found ourselves walking outside a garden-
No, it's still a labyrinth.
Tumigil ako.
We just exited an underground maze and now we're outside, in a new labyrinth that's a garden.
Pumikit ako at dinama ang simoy ng hangin na dumaan malapit sa'min.
Do not panic, Hedone. There are children.
"Look," sabi ko sa kanila. "We can see the stars now, and the moon."
At habang nakatingala silang lahat sa kalangitan, unti-unting sumayad ang aking paningin sa harapan.
Are we... in an endless labyrinth?
"Goddess!"
Nabaling ang aking atensyon sa batang babae na una kong natagpuan sa maze. Dinuro niya ako saka tumakbo sa'kin.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makarating siya sa aking harapan.
"Glad to see you safe," nakangiti kong puna sa kanya.
"Gold!" sigaw niya rin dahilan na mapatigil ako.
Dahan-dahan akong napahawak sa isang sulok ng aking labi at tinignan ang gintong dugo na bumahid sa dulo ng aking mga daliri.
I'm bleeding...
From the other end of the tunnel that we came from, the scream of a bull could be heard echoing, as well as its heavy feet that's running-
Napatakip ako ng bibig nang bigla akong napaubo.
Napatulala ako nang ilang segundo, bago tignan ang ginto sa palad ko.
Nilunok ko ang aking dugo, pagkatapos ay napaikot para makitang isa sa mga bata ay biglang nahimatay.
"Hold him." Ibinaba ko ang kapatid ni Trish sa tabi niya at nagmamadaling binuhat ang batang nawalan ng malay.
"Let's go, everyone!" pagmamadali ko sa kanila at pumasok na naman sa labyrinth na may matataas na palumpong bilang pader. "Quick!"
Nanlalaki ang aking mga mata habang patakbong naglalakad.
This place... it's absorbing our powers, like a prison, that slowly takes its' prisoners lives away.
I let my feet drag us to every direction I believed was the end of the maze.
Pagkaraan ng isang minuto, unti-unting bumagal ang aking mga hakbang.
But what if there isn't any end? What if we find ourselves in another labyrinth still?
Tuluyan na nga akong huminto.
Narinig ko ang sabay na pagsigaw ng mga bata kaya napaikot ako at nakita na naman ang Minotaur na nasa malayong kabila ng dinaanan namin.
Biglang nanlabo ang aking paningin dahilan na mapaluhod ako habang nakayapos pa rin sa batang nasa bisig ko.
Nanghihina akong naupo sa lupa.
"Goddess!" Narinig kong tawag ng batang babae, na sinundan ng mga iyak ng kasama niya.
"N-No, wait-" sabi ko bago pa sila magsitakbuhan. "Wait!"
Lumiwanag ang buong katawan ko nang gamutin ko ang aking sarili pero mas lalo ko lang ikinahina ang paglabas ko ng kapangyarihan.
"Goddess!"
"Goddess..." pag-uulit ko habang pinipilit na ituwid ang pananaw ko.
Ibinaba ko ang bata sa lupa, at napatukod ng isang palad sa tabi nito. Namimigat ang magkabilang balikat ko nang tumayo ako.
"Get b-back, children-" utos ko sa kanila at padaskol na humakbang pasulong sa Minotaur na lumalabo sa paningin ko.
Lumiwanag ang kanang palad ko at kasabay nito ay ang pagkadapa ko sa lupa.
Just a little bit of power, then.
Muli na naman akong tumayo.
Natagpuan ko ang aking sarili sa pagitan ng mga bata at tumatakbong halimaw. Inangat ko ang aking tingin para salubungin ang namamahamak nitong mga mata.
The tips of my fingers glowed the moment I took a few steps to meet the monster. It lowered its head while running to point its sharp horns to my direction.
"Goddess!"
Goddess, I thought as I spun around beside one of the Minotaur's horns and grabbed it to lead it away from the children.
Inikot ko ang ulo nito at napasigaw sa galit nang magpakawala rin ako ng kapangyarihan para maihagis ang katawan nito palusot sa mataas na palumpong.
"I'm a fucking goddess." Pink flames engulfed both my palms while I walked towards it. "You monster."
My flames formed a blazing bow and an arrow that I aimed at the monster and hit it on the back, where it left a red burning mark.
Naghagis siya ng malaking bato na tumama sa kaliwang balikat ko kaya't naglaho ang nagliliyab kong pana.
Mabilis na nakatayo ang halimaw at muli na naman akong hinagisan ng bato na nagawa kong iwasan.
"You dare hit a goddess?!" I screamed with the echo of a thousand voices.
I summoned more balls of pink flame on my palms and threw all them at his direction. "My boyfriend who's a mortal hasn't even touched me yet!" sigaw ko habang binabatuhan siya ng apoy. "And you're going to take pleasure on hitting me?!"
Tumakbo siya paliko upang magtago sa likod ng mataas na palumpong ng labyrinth.
"I curse you..." Cold wind came from my mouth, that grew colder and colder, for every breath that I let out. "I curse you..." Wind quickly surrounded me and whispered my curse to every ear that could listen.
"To suffer under the pain that comes before pleasure." My eyes bursted in flames, and so did my heart from the burning passion of inflicting pain to a creature who hurt a deity. "I curse you, the dweller of this labyrinth!"
"Monster!" I called the creature by what it was, because one cannot put a curse without insulting it and saying what it has done. "You have vowed to strike down everything in your path, without the exception of a goddess!"
"You may be an immortal creature..." nangangalit kong sabi. "But I am a deity, who came before you."
"Suffer..." Diniinan ko ang aking boses sa buong pagkakilanlan niya. Sa kanyang katawan at kaluluwa. "Suffer! An eternity without relief and pleasure! And may your wounds stop healing! Your aches continue hurting for forever!"
Fire from my body quickly ran towards the Minotaur who burned behind the tall bush. It let out a painful cry before running away, burning bright in pink flames that I know, will only fade once the monster could find a way to break the curse.
Nagpakawala ako ng isang pagod na hininga saka bumagsak sa lupa.
"Ate Hedone!"
Mula sa malayo, narinig ko ang pamilyar na tinig ng isang batang lalaki. Mabigat na humilig ang aking ulo sa direksyon nito at di naiwasang mapangiti, nang makita sina Mikhail at Celeste na tumatakbo.
'Found you...' I whispered inside their minds.
Lumuhod silang dalawa sa tabi ko.
"Ate Hedone!" sigaw ni Mikhail. "Huwag! Huwag ka munang mamatay!"
Mabagal kong ibinukas-sara ang aking mga mata.
'I'm immortal, Mikhail.'
"Eh, di huwag ka munang mawalan ng malay!"
'You're kneeling on my arm.'
"Ay hala!" Umusog siya palayo sa'kin. "S-Sorry!"
"H-Help me up," tugon ko sa kanila. "Please..."
Dahan-dahan akong inangat nung dalawa. At nang maupo na ako, nilingon ko ang iba pang mga bata at sinenyasan silang lumapit.
Karga-karga ng tatlo pang mga batang lalaki ang kasama nilang nawalan ng malay, nang tumigil sila sa tabi namin.
"Any one of you know how to make or break a trance?" tanong ko, habang hinahagod ang aking dibdib at balikat na sumasakit. "Let's get out of here."
"I do," sagot ni Celeste.
Napatingin ako sa kanya. "Of course," sang-ayon ko. "Of course, you do."
"So, here's what we're going to do, Celeste," sabi ko sa kanya. "I'm going to lend you my power, and you're going to use your own power as well, to break this trance."
"But there's too many of us-"
Marahan kong hinawakan ang kanyang pisngi. "Trust me, we'll make it."
Nagkasalubong ang kanyang kilay. "But you're already weakened..."
"And I still won't die." Nginitian ko siya nang kunin ang kamay niya. "You ready?"
Isa-isa niyang tinignan ang mga kasama namin bago tumango.
My smile softened at the sight of our hands that glowed together. And as small as her arm was, she was still strong enough to hold the weight of my power.
Napangiwi ako nang biglang manikip ang aking dibdib, pero nanumbalik din naman ang aking ngiti pagkatapos makita silang naglalaho-laho, imbes na marinig ang pagkabasag ng trance.
"Good girl," puna ko kay Celeste na napakunot ng noo nang mapagtantong wala kami sa isang trance at nasa isang totoong lugar, at ako ang kumukuha ng kapangyarihan niya para ilabas sila mula sa kung ano mang realm ang kinaroroonan namin.
I used her ability to break a trance to break them out of this maze of a prison, where the longer they will stay, the weaker they could become.
They are still mere mortals, while I, an immortal.
"Hedone-" Sinubukan ni Celeste na kumawala sa'kin dahilan na higpitan ko ang pagkakahawak sa kanya.
I chuckled weakly at her and the boy beside her.
"Celeste, Mikhail," sambit ko. "Tell the others not to worry."
"Pero-"
"I'll find my way out of this labyrinth," I promised.
I was once a lost goddess before...
Binigyan ko ng namamaalam na ngiti sina Celeste at Mikhail na namamasa ang mga mata.
I'm sure he could still find me the second time around.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top