Guardians

Zack's POV

Tinignan ko si Reign na bumagsak pahilata sa damo.

"Why did I even assume I can turn into a phoenix," humahangos niyang sabi. "And run as fast as you."

"Ba't naman kasi gusto mo pang maging phoenix, kung nakakalipad ka na naman?" tanong ko. "Tsaka di mo na kailangang maging kasingbilis ko kung nakakalitaw-litaw ka na gamit yung mist."

"Sinubukan ko nga lang..." paliwanag niya. "Akala ko kasi kaya ko, eh."

"Amoy na amoy ko dito yung inggit mo sa kapangyarihan ko, Reign," sabi ko sa kanya. "Tanggapin mo nalang kasing isa ako sa pinagpala."

"Paano kung may Orion na kayang mag-anyong phoenix, Zack?" Nilingon niya ako nang nakahiga pa rin sa lupa. "Anong mararamdaman mo?"

"Wala," natatawa kong sagot at lumapit sa kanya. "Phoenix din nanay ko, eh." Umupo ako sa tabi niya nang nakatukod ang aking magkabilang palad sa likod. "Kung may makakalaban akong phoenix din mula sa Orion, eh di pasalamat nalang ako at tinrain na ako ni Mama na phoenix din."

"At kung may makakalaban man akong kasingbilis ko..." Tumingala ako sa bubong ng dorm. "Eh di, di rin ako mahihirapan kasi nakalaban ko na rin sa training yung tatay kong mahangin."

"Kaya nga di ako kinabahan nung nakita kong isa sa huntsmen ay may kapangyarihang mag-summon ng weapons, eh," pagbibigay-alam ko sa kanya. "Nagulat lang pero di naman ako natakot. Ikaw ba naman mamuhay nang may nanay at kapatid na may gano'n ding kapangyarihan."

Ipiniling ko ang aking ulo sa balikat ko. "Ba't mo natanong?"

Natawa siya nang mahina. "You think it's a coincidence?" tanong niya. "That we're the demigods that are stuck to fight in this... war of powers?"

"It could have happened in our parents' time, you know..." dugtong niya. "Yung mga huntsmen... Orion..."

"Sa tingin ko tinadhana tayo para sa digmaang 'to." Bahagya akong napangiti. "Tinadhana na tayo ang humarap laban sa kanila. Kasi tignan mo nga naman, hindi na tayo nagulat sa mga kapangyarihan ng Orion."

"It's like we were prepared for this, right?" natatawa niyang hinala. "I wonder how our parents would have reacted if they faced someone who has the same ability as them, or someone who can do a lot more of their own powers than them."

"Muntik na, diba? Yung seht imitator?" paalala ko sa kanya.

"Sa panahon naman kasi nila hindi pa gaanong napag-aaralan yung kapangyarihan," sabi niya. "Hanggang sa nakalaban na nila si Chaos, ang pinagmulan ng lahat ng kapangyarihan."

"Kaya may auraic studies na tayo..." pagpatuloy ko sa sinabi niya.

Sinundan ito ng komportableng katahimikan.

Mula sa malayo, narinig ko ang pagaspas ng mga ibon mula sa mga puno dahil sa pagdaan ng preskong simoy ng hangin na umabot din sa kinaroroonan namin.

"Si Bella, kumusta?" tanong niya.

"Wala pa rin akong alam," sagot ko. "Di ko na kasi napapansing nagbabago yung mga kilos niya."

"Hanggang ngayon di pa rin kita maintindihan," aniya. "Ano bang ibig mong sabihin na nagbabago siya? Nagpapalit ng anyo? O?"

"Nag-iiba yung kisap ng mga mata niya," sabi ko. "Nawawala ang kinang nito. Dumidilim."

Nilingon ko si Reign na nakatingala sa kalangitan.

"Na parang nag-iibang tao," dugtong ko.

"Zack..." sambit niya, namamangha ang tono. "I never knew you were that type to study someone's eyes."

Tinapunan ko siya ng nababagot na tingin nang malaman agad ang patutunguhan ng usapang 'to.

"May gusto ka kay Bella, 'no?" panunukso niya. "Hahaha!"

"Putangina mo," sagot ko.

"Hindi ba?" Natatawa siya. "Kayo yung palaging magkasama, eh!"

"Paanong hindi, eh ako lang dito yung kalahating imortal sa'tin," paliwanag ko. "Target lang ng babaeng 'yon yung pagiging phoenix ko!"

"Di pa rin siya tapos sa human experiments niya?" usisa niya.

"Di pa," tugon ko. "Kabibili nga lang niya ng mga bagong katawan kasama yung tatay niya-"

Napatigil ako, at bago pa ulit bumukas ang bibig ni Reign para mang-asar na naman, inunahan ko na siya.

"Di ko siya sinusundan!" giit ko. "Binabantayan lang."

Halatang ikinatuwa niya ang ginawa ko. "Wala pa akong sinasabi."

"Alam ko na kung anong sasabihin mo."

"Eh, ba't mo siya binabantayan?" Kumisap-kisap si Reign. "Huh? Akala mo di ko alam na binabantayan mo na siya simula mga bata pa tayo?"

"Mabilis nga kasing mamatay ang babaeng 'yon," depensa ko sa sarili. "Buti nalang at minsan may natitira pa siyang konsensya na nagpipigil sa kanya na magpakamatay."

Natawa si Reign saka umupo na rin sa damuhan.

"Fine," sabi niya. "I'll accept that reason for now."

Pinaningkitan ko siya.

"Totoo naman kasi," sang-ayon niya. "Naalala ko pa noon na pumasok siya sa isang drum at gumulong mula sa bridge."

Pinigilan ko ang aking sarili na matawa sa ala-alang 'yon.

"Tapos ikaw yung unang nakapansin sa kanya, at-" Nagpipigil din siya ng tawa. "Ang unang dumating para pigilan na matangay ng ilog yung drum."

"But your senses for her are better now, aren't they?" Gumaan ang kanyang boses. "You can stop her every time she does something... Bella-ish."

"And I know that..." Nanumbalik ang panunukso sa kanyang tinig. "Dahil sa sinabi mo tungkol sa napapansin mo sa mga mata niya."

Napailing ako at kumibit-balikat.

"I'm glad you do, Zack." Nginitian niya ako. "It's supposed to be my job to deal with Bella, but I don't really have to worry about her, do I?"

"Ikaw yung pinakamabilis sa'tin," saad niya. "Kaya kung meron mang unang makakapagpigil sa kamay niyang may hawak ng kutsilyo na balak niyang isaksak sa sarili o sa iba..." 

Natawa siya nang mahina. "Ikaw 'yon."

"Ganda ng pagkasabi," puna ko. "Halatang kinukumbinsi ako na maging sunod-sunuran ni Bella na di niya kayang mabantayan."

"Di kaya!"

• • •

Mula sa pagkakasandal sa pader, umayos ako ng pagkakatayo nang makita ang pinto ng principal's office na bumukas.

Lalapitan ko na sana si Bella na kalalabas lang, nang mapatigil ako pagkatapos makita ang lalaking nakasunod sa kanya.

"Hi, Zack," nakangiting bati ni Raphael sa'kin.

Binalikan ko siya ng isang pilit na ngiti, bago tabihan si Bella sa paglalakad.

"Ano raw sabi?" usisa ko.

"Sabi ni Principal, okay lang daw basta sa Elysium lang tayo," nadidismayang sagot ni Bella. "Pero gusto kong pumunta sana sa bituka rin ni Tartarus, ih!"

Kumunot ang aking noo.

Mag-field trip sa bituka ng isang primordial deity na nakahiga sa kinailaliman ng Underworld?

"Ikaw nalang," suhestyon ko. "Ayokong maging tae."

"There's a magnificent lake in Elysium that will take you to wherever you want to go, Isabella," malumanay na sabi ni Raphael. "You can try to drown in there..." Marahan din siyang tumawa. "Like what Mother did before, to go into the realms of time."

"Talaga?!" nananabik na tanong ni Bella.

"And if everything goes wrong, you do not have to worry," pagsisigurado ni Raphael. "I shall be the one to fetch your spirit and bring it back to Elysium, the paradise for beautiful souls such as yours'."

Wala sa sarili kong inikot-ikot ang magkabilang balikat ko.

Mukhang mapapasabak ang lifeguard skills ko sa field trip namin, ah...

Palihim akong napabuntong-hininga.

Makabili na nga rin ng bagong swimming trunks, at pito... tsaka salbabida... pati lubid...

"I have also," dagdag pa ni Raphael. "Planted my own poison garden in the forest around the fields, just for you."

Ngumisi ako.

Wala. Wala pa ring makakalamang sa pinanggagawa ko para sa babaeng 'yan.

Ginawa na akong palaka n'yan.

"Katulad nung Alnwick Garden na pinuntahan natin sa England?!"

Kumunot ang aking noo. "Pumunta kayo sa England?"

"I brought her to the Alnwick Poison Garden in England two summers ago, I believe..." sabi ni Raphael. "We were looking for the combination of poison that could put her into an eternal slumber."

"Hindi siya namatay?" tanong ko.

Umangat ang isang sulok ng kanyang labi. "No," sagot niya, tila namamangha. "She just slept."

Humilig papalapit si Bella sa'kin sabay bulong, "Birthday gift niya sa'kin. Hehe."

Kumibot-kibot ang isang mata ko.

"Bro..." mahina kong sambit. "Pwede bang sabihan mo na'ko kung may balak kang patayin si Bella?"

"It is what she wants, Zack," mahinahon niyang sabi. "Who am I to stop her from achieving her greatest dream of dying?"

"Mmm!" Masiglang tumango si Bella.

Nangangalit ang aking bagang nang tignan ang mga puting mata na sinulyapan ako mula sa sulok nito.

Pinaningkitan ko siya.

Nginitian niya naman ako.

"Mga abnormal, amputa," pabulong kong puna. "Buti nalang talaga di ako taga-Underworld."

"Pero Zack!" giit ni Bella. "Hindi naman ako papatayin ni Raph, ih! Tutulungan niya lang daw ako!"

"Na patayin yung sarili mo?" pagtatapos ko sa sinabi niya.

Tumango-tango siya.

"Oh, eh di ang sarap niyong pag-untugin," sabi ko. "At itulak sa bangin."

"Eh?" Kumisap-kisap si Bella sa'kin. "Gagawin mo?"

Nginitian ko siya. "Unahin ko 'yang kasama mo."

"Now, now, calm down, Zack." Marahang natawa si Raphael. "I am not trying to take away Bella from you. I am simply, supporting her like what a genuine friend would do."

Dahan-dahan akong napatingin sa malayo.

Tanginang klase ng kaibigan, 'yan...

"Alam mo 'tol, parang kailangan nating dagdagan 'yang kaalaman mo tungkol sa mga mortal," suhestyon ko sa kanya. "Mamaya ipapakilala kita sa mga kaibigan kong taga-Underworld na naninirahan dito sa mortal realms."

Nilingon ako ni Raphael nang nagagalak ang mga mata at nananabik ang boses. "You will?"

"Mmm," sang-ayon ko. "Ramdam ko naman kasing mabait ka, eh."

Lumalamang nga lang yung kabaitan sa katinuan.

"I would love that, Zack." Binigyan niya ako ng manamis-namis na ngiti. "Thank you."

Humugot ako ng malalim na hininga at napakibit ng mga balikat. "Walang anuman, bro."

"Brother?" aniya.

"Bro," pag-uulit ko.

"Brother," masaya niyang anunsyo.

"Hindi." Tinignan ko siya. "Bro..." binagalan ko ang pagbitaw ng salita nang masunod niya.

Ngumiti siya nang malapad. "Brother."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top